Share

Chapter 6 His Flower of Sorrow

((( Julius POV’s )))

Napaangat ako ng paningin at paglingon ko sa bintana, isang babae ang nadulas. Ewan, bigla na lang ako kumilos.

Binuksan ang pinto.

Nang makalabas ako, nakatayo na ang babae at pinupulot ang gamit. May nakita akong tatlong tangkay na puting rosas.

Pinulot ko.

“Miss sayo ata 'to.” Tinignan ako ng babae bigla siyang ngumiti.

Hindi kaya nakilala niya ako?

“Ang totoo niyan, palapit na sana ako sayo.”

Palapit na siya sa akin? I gave her a bitter smile.

“Excuse me.” nagulat na lang ako ng abutin ng kamay ko ang kamay niya at binigay yung bulaklak.

“Eh! Para yan sayo. Siguro may dahilan kung bakit ako nadapa at napulot mo yan ay dahil para sa'yo yan. Nakita kasi kitang nagmumuni-muni at sa tingin ko Mister ang laki ng problema mo o kung hindi man may malalim kang iniisip. Sa'yo na lang yan para malaman mo hindi ka nag-iisa sa mundo na mayroong problema. Okey?” saka niya ako tinalikuran.

Naguluhan ako sa sinabi niya.

“Miss..” tawag ko sa kanya, ngunit hindi siya lumingon diretsong naglakad kaya hinabol ko siya at hinablot ang kamay niya upang mapaharap sa akin. Napatitig siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya kaya napabitiw ako.

“Kunin mo na ito, hindi ko yan kailangan.”

“Ayaw mo?” tinignan niya yung bulaklak.

“Saka hindi 'to akin.”

Ngumiti bigla yung babae at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko saka hinila papasok sa kapilya.

At si ako, nagpahila naman?

“Kung ayaw mong tangapin yan. Sa Kanya mo ibigay. Saka ipagdasal natin yang problema mo at syempre problema ko din.” may kasamang kindat pa sa akin.

Binitiwan na niya yung hinila niyang sleeve ko. Kinuha ang isang Vase. Inalis ang lantang bulaklak...

“Dyan ka lang at itatapon ko 'to.” naglakad palabas yung babae at naiwan akong nakatayo. Hawak ang tatlong tangkay ng rosas. Saka napatanto ko, bakit ang gian ng pakiramdam ko sa babaeng yun?

Lahat ng babae lagi kong napagtataasan ng boses. Sa naiirita ako. Yung babae namang yun parang walang ka-alam-alam kung sino ako?  Bigla ako napangisi. May tao pa palang di nakakakilala sa akin.

“Akin na.” Lumapit ako sa kanya at inabot ang bulaklak.

Abala siya maghalukay sa bag niya.

“Teka andito lang yun.” Ano bang hinahanap niya?

Tinignan niya ako. Bigla siyang napasimangot.

“Sayang agad matutuyo yang magandang bulakak na yan.”

“Tubig ang kailangan mo.”

“Ano pa nga ba.”

“May mineral water sa sasakyan.”

“Dali kunin mo.”

Parang tanga naman ako lumabas ng kapilya. May mineral water akong nakita sa sasakyan ni Deo. Yun pa ang uhawin kong secretarya. Agad kong hinablot sa bintana at bumalik na naglalakad-takbo.

“Ayan.. dali.” Agad binuksan ng babae ang mineral water at ibinuhos sa vase.

“Tada! Ilagay ko lang 'to doon ha.” Itinuro ng babae yung mataas na altar. Siguradong hindi niya iyon maabot.

“Ako na lang. Ang liit mo para maabot yun.” Tinignan niya ako.

“Lalaki ka kasi kaya ka matangkad.” at asar niyang inabor sa akin yung Vase upang tumalsik yung ilang patak ng tubig. Napangiti na lang ako. Mga babae talaga.

Inilagay ko yung Vase na ang laman tanging tatlong tangkay. Kailangan siguro ng sponsor nitong lumang kapilya.

Nang lingunin ko siya. Nagdarasal.

Naupo ako sa may likuran niya.

Nakatitig lamang ako sa likod niya. Nang maya-maya bigla siyang lumingon sa akin.

“Tapos ka na?” Napatango na lamang ako. Nagulat kasi ako. “Kamusta ang pakiramdam?”

“Okey lang.”

“Baguhan ka lang dito?” Tumango ako saka siya tumayo. “Pasensya na ha. Kailangan ko na umuwi, gumagabi na eh.”

“Siguro nga. Delikado na para sa'yo.”

“Sige. Ingat ka sa pag-uwi mo. Bye.” Then she wave at me noong palabas na siya sa kapilya saka siya tumakbo.

Nanatili akong nakaupo.

Saglit na tinitigan ang altar. Nag-isip hangang sa mapadako ang paningin ko sa bulakalak.

The flower of sorrow or a hope I’m looking forward.

@DeathWish

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status