Share

Chapter 7 His Command

((( Julius POV’s )))

Tumayo ako at lumapit sa vase ulit. Ang bulaklak na gustong ibigay ng babaeng yun sa akin. Kinuha ko yung isa at isinilid sa bulsa ko.

Lumabas ako ng kapilya. Napabuntong hininga ako. Dahil nang dahil sa babaeng yun bigla kong nakaligtaan yung hinaharap kong problema at tungkol sa aking ama.

Sumakay ako sa sasakyan ni Deo. Minaneho habang kinakain na ng dilim ang liwanag.

Habang papalapit ako sa gate ng Villa namin. Unti- unti kong nararamdaman yung pakiramdam na bumabagabag sa akin. Simula ng lumabas ako sa hospital.

Nang buksan ng gwardia ang tarangkahan. Agad sumalubong sa akin ang malungkot na awra. At halos lumala ang katahimikan sa loob ng mansion.

Sinalubong ako ni Sya at ilan pang katulong.

“Umalis ka raw Master Julius na nag-iisa?” at siguradong alam na rin niya ang naging desisyon ko.

“Opo. Gusto ko lang po mapag-isa. Sila,umuwi na ba?”

“Sina Dr. Eriez at Atty. Wenziel ba ang tinutukoy mo?”

“Opo.” habang naglalakad na kami paakyat.

Umiling lamang si Sya.

“Abala sila tungkol sa iyong ama.”

“Kung dumating na sila. Akyatin niyo na lang ako sa silid ko.”

“Asahan mo. Nga pala lahat kami dito ipinapaabot sa'yo ang sympatya namin para kay Master James.” Tumango na lang ako saka di na nila ako sinundan.

Sa bawat hakbang ng mga paa ko. Masasabing nahihirapan ako, kung ano ba ang susunod na gagawin.

Pagbukas ko ng silid ko, lumala ang sobrang katahimikan na nakakabingi.  Itinumba ko ang aking sarili sa higaan at unti-unti kong isinara ang aking mga mata.

Nakakapagod ang boung araw.

Ngunit napamulat ako ng may maramdaman ako sa aking bulsa.

Iyong puting rosas. Inilabas ko.

Napaupo ako sa kama. At para akong baliw na tinitigan ang bulaklak na wala na sa normal nitong anyo at kulay na unti-unti ng natutuyo.

Naalala ko ang ngiti ng babaeng parang puno ng pag-asa.

Kinuha ko ang phone ko at diniall ang sekretarya ko.

“Sir, napatawag po kayo?”

“Kailangan ko ang pribadong pagtatrabaho mo.”

“Ano po yun Sir?”

“Ipapahawak ko sa'yo ang trabahong walang koneksyon sa kompanya.”

“Sige nakahanda po ako.”

“Lihim ang trabahong 'to at sana walang makaalam, Deo. May isa akong babae na gusto kong kunin ang lahat ng detalye tungkol sa kanya.” Titig na titig ako sa bulaklak.

“Makikita mo siya sa lumang kapilya malapit sa abandonadong kumbento. Tuwing dapit hapon siya dumadalaw doon at nagpapalit ng bulaklak.Aasahan ko na di mo kaagad siya makikilala kaya bawat babae na pumapasok at dumadalaw kunan mo ng litrato at ipakumpirma mo sa akin. Nakuha mo ba?”

“Malinaw Sir. Sisimulan ko po bukas.”

“Walang dapat makaalam nito.”

“Asahan niyo po.”

“Mabuti.”

At muli ko ibinagsak ang sarili ko sa higaan hangang sa tuluyan magsara ang mga mata ko.

@Death Wish

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status