Home / Romance / Taming the Dangerous CEO [Tagalog] / Chapter 10 Her Responsibility

Share

Chapter 10 Her Responsibility

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

((( Janine POV’s )))

Hindi talaga magbabago ang buhay namin kung hindi sila magbabago. Kahit andito ako para ipakita na kailangan nilang talikuran ang mga ginagawa.

“Clarita.”

“Po?” at napaharap ako sa matabang pangalawang asawa ni Papa.

“Bakit wala ng pera ang pitaka ng kawawa mong ama. Meron pang tira dito kahapon.”

“Ma, ibinili ko po ng gamot ni tatay.” saka nagsimula na ako magsipilyo.

Nang maramdaman ko ang pagtama ng tabo sa bungo ng ulo ko.

“Aray!”

“Aba sinong may sabi na gastusin mo yun! Akin na yun! Ibalik mo sa akin at alam ko kakasahod mo pa lang kahapon!”

“Nay naman. eh. Nauubos na kahapon pa yung sweldo ko pwera sa...” Biglang nanlaki yung mata ng stepmom ko.

“Pwera sa ano!” Lagot. Nadulas yung dila ko.

“Ma. Iniipon ko po yun para sa darating na theraphy session ni tatay.”

“Akin na yun! Gagaling ang tatay mo kahit wala yang kaartihan na theraphy. Akin na!”

“Nay?!” pagrereklamo ko.

“Isa!.”

Wala na akong nagawa baka kasi mabugbog ako ng dis-oras nito. Ibinalik ko ang sipilyo ko sa lalagyan at tinungo ang bag ko. Tama nga naman ilihim ko iyong pagtaas ng singkwenta yung sahod ko. Kaya nga lang heto nahuli. Inilabas ko yung notebook ko kung saan ko nilalagay ang ipon ko para kay tatay.

Ayun biglang hinablot ni Stepmom at kinuha lahat. Umalis na at gagawing puhunan sa sugalan.

“Tita Clarita anong ulam?”

“Wala!” na kahit paano uminit na din ang ulo ko dahil sa nangyari.

“Tita!” Wow! ako pa talaga ang ganahang sigawan ng spoiled na'to.

“Pwede ba Lilibeth, huwag mo na lang ako tawaging tita kung pasigaw naman. Ayon yung nanay mo ang tanungin mo.”

“Mama! Si tita Clarita pinapagalitan ako!”

“Clarita!” biglang pagsulpot ni Ate Nadine  ang nanay ng spoiled brat. “O bat di ka makapagsalita?! “ paghahamon sa akin ni Lilibeth.

Naku talaga! Kanina ko pa siguro 'to sinampal. Lumalaking walang respeto. Tamayo ako.

“Oo na. Ipagtitimpla na kita ng kape.”

“Diyos ko po Clarita ang bata pa niyan para painumin mo ng kape?!”

“Eh wala ngang agahan eh.”

“Ate Nadine yung charger ng cellphone ko?” paglabas naman ng lunga ni kuya Dexter. Bigla naman pagbukas ng pinto. Si Amy.

“Amy.”pagkuha ko ng atensyon niya. “Inumaga ka na naman kung saan -saan at bat ganyan ang suot mo ha? Sa lalaki yan ha.”

“P*t*ng ina! Paki-alam mo sa akin?!” Napailing na lamang ako at diretso siyang tumungo sa silid naming dalawa.

“Clarita. Anong ulam natin?” si kuya Dexter.

“ Kape daw.” sagot ni ate Nadine.

“ Kape?! Pwe! Yan ba ang agahan ni Tatay?”

“Prinitong Itlog ohh.” si lilibeth na binuksan yung taperware.

“Kuya.”

“Tss. Yung matanda lang talaga ang kakain ngayon ng maayos habang maghapon naman siyang nakahiga?”

Asar! Ba't di sila nakakaunawa?! Bakit di sila magising sa illusyon nila? Ngumiti ako ng mapakla.

“Para yun kay tatay.  Bahala na kayo sa dapat niyong gawin. Isa pa maaga ang pasok ko.”

“ Clarita naman! Ikaw ang may trabahong matino sa amin kaya responsibilidad mo kaming tulungan. Kung wala kang perang ilalabas. Pwes mangutang ka muna ng almusal namin.”

“O ano pa tinititig mo dyan narinig mo naman siguro yung sinabi ni Dexter diba?!”

Porque ba ako na ang may mataas na pinag-aralan, responsibilidad ko na talaga silang paka-inin? Anong ginawa nila noon ng pinag-aaral din sila?!

.

Lumabas ako at pumunta sa tindahan ni Aling Nena.

“Clarita, eh hindi ko na kayo mapapautang puno ng ang listahan niyo”

“Huli na po ito aling Nena.”

“Basta maipapangako mo. Mamaya yung sahod mo diretso na dito sa akin.” na kahapon pa nga yung sahod ko.

“A, opo. Ngunit 50% lang po.”

“Hay naku Clarita. Bakit kasi ganyan ang mga kapatid mo nakaasa lang lagi sayo simula ng maparalyze ang Tatay mo.? Pagbibigyan kita dahil kawawa ka na at ikaw lagi ang nabubully ng mga kapatid mo.”

“Sabi kasi nila wala daw sa kanilang tatangap na trabaho.” napailing-iling si Aling Nena.

“Nga pala yung kapatid mong si Amy. Kakauwi lang niya ahh?”

“Oo nga po eh.”

“Heto na. Bantayan mo ng maigi yang bunso mong kapatid baka gumagawa na rin ng milagro.”

“Huwag naman po sana. Salamat po dito.”

Saka ako naglakad pabalik. At sa daan ang aga ng mga chismosa .

“Ang swerte ng mapapangasawa ng binatang Del Mendevil. Aba dalawang kompanya ang iniwan ng mga magulang sa kanya. Kaya nga nagpasya na lang yung binata na patayin yung amang nakaratay sa hospital sa loob ng limang taon.”

“Mga Ale makikiraan po.”

“Ayy!.” Saka nila ako binigyan ng madadaanan.

Dito sa amin napaka-natural na nagkalat ang mga hukbo ng mga chimosa. Kahit napakakipot ng skinita na dinadaanan namin, nariyan sila at naguusap-usap tungkol sa buhay ng iba.

Bago ako makalayo...

“Oo nga pala laging inu-umaga ang kapatid niya sa apartment ni Nano.” Haist. Mga Chismis talaga. Na napapailing na lang ako. Si Amy wala ba siyang paki-alam sa mga naririnig niya? Di ko na alam ang gagawin ko.

Sa wakas pagdating ko. Wala na silang sinatsat pa.

Kinatok ko sa kwarto si Amy. Walang bumukas o sumagot. Kaya binuksan ko. Ayon busy makipag-text.

“Kanina pa akong kumakatok ah.”

“May nagsasalita ba?”

“Amy! Aalis na ako at ikaw na ang magpakain kay tatay.”

“Wow! Inuutusan mo ako?”

Napailing ako at napatalikod. Baka kasi hindi ako makapagpigil mabali ko pa ang leeg ni Amy.  Kaya bago umalis, pinakain ko muna si tatay at nahihirapan ako ng husto na makita siya nagkakaganito. Paglabas ko sa bahay. Sana balang araw kapag umuwi ako, magbago na ang lahat ng 'to.

@DeathWish

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jing Jing Calleja Magalang
nakakainis pag palamunin mga tamad...hahahah
goodnovel comment avatar
Reyziel Denava
Masyado ka naman kasing mabait Janine. Nakakainis na din. Kung ako yan malamang nasampal ko yang Amy na yan.
goodnovel comment avatar
Reyziel Denava
Mga batugan. Bwisit.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Epilogue: His Gratitude

    ( Julius )Lahat ng problema laging may katapat na sulosyun.Kumplikado nga lang kapag napakarami ng sulosyun.dahil mamimili ka kung alin ang tama at nararapat.Kailangan lang natin mag-isip ng maayos.At isa-alang-alang ang kinabukasan ng desisyon mo sa pagpili ng sulosyun.Tama.No Man is an Island.Kahit sabihin mo pang kaya mong manirahan mag-isa. babalutin ka lang ng kalungkutan.Mararamdaman mo lang na walang nagmamahal sa'yo at isinumpa ka para maging malungkot.Tumindig ka man sa sarili mong mga paa.Kailangan mo pa rin ng matatayuan.May pagkakataon na di mo namamalayan.Kailangan mo ng masasandigan, karamay, katuwang at pagmamal. Dahil yan ang bagay na hinabanap ng isang tao para mabubay ng maligaya.Di mo rin namamalayan na unti-unti kang napapalapit sa isang tao. Gaano man katindi ang pag-iwas mo sa kanya.Hahanap-hanapin mo lang naman

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 264 A lovely Young Hearts

    "Uy bata… Tahan na.""Paano ako tatahan? Tayong dalawa lang ang andito sa masukal na lugar na'to!""Hindi ah. Andami kayang paru-paro oh.""Ano naman magagawa ng paru-paro?""Eh, ano pa ba ang magagawa rin ng iyak mo?""Natatakot ako.""Mahahanap din nila tayo. Kaya wag ka ng umiyak."Patuloy sa pag-iyak ang batang babae nang…"Sumasakit tuloy ang ulo ko sa'yo."Natigilan ang batang babae. Tinignan niya ito."Namumutla ka?" Saka niya sinapo ang noo ng batang lalaki."May lagnat ka." Tumango yung batang lalaki."Dapat ako ang umiiyak di'ba?""Masama ang pakiramdam mo?""Oo. Kaya wag ka ng umiyak.""Sigurado ka bang mahahanap nila tayo.""Oo. ""Uulan.""Kasi umiyak ka kasi." Tumayo yung batang lalaki."Hanap tayo ng masisilungan habang di pa umuulan."Inilahad ng batang lalaki ang kamay niya sa batang babae.Inabot naman ito

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 263 Everyone Has A good Heart

    ( Julius )Tinapik ako sa balikat ni Daniel."Kung di ako dumating, ang ganda sana ng wakas niyo.""Ayaw mo noon may part 2 pa.""Tss. Kakasawa na kung kayo parin ang bibida.""Haha. Salamat.""Hindi. Andito lang ako para kay Janine.""Di ka na nagsasawa. Ako parin ang pipiliin ni Janine.""Tsk. Kapag sinakatan mo siya, hindi lang ang tsungo niyang kapatid ang uupak sa'yo. Ingatan mo si Janine. Sige, sususnduin ko na yung anak ko.""Mahanap mo rin sana ang kaligayahan mo Daniel.""Nahanap ko na." Sagot niya habang naglalakad na palayo sa amin.Palabas na kami ng Airport nang… May babaeng nakatayo.Suot ay ang pangkasal na nagulo. Yung babaeng tinalikuran ko sa pangako kong wala namang saysay.Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Janine.Ngumiti sa amin si Ivy."Masaya ako na makita kayong magkasama uli."

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 262 His Lovely Proposal

    ( DEO )Dahil sa utos ni Sir Julius. May bagay akong nakaligtaan. Ang mga taong nasa likod ng pangyayaring ito.ay may chansang makatakas.Tumawag ako sa tauhan ni Julius na huwag nilang hahayaan na makaalis sina Mr. JAUISE at Miss Leiy. Ngunit huli na ako dahil nakaalis na sila.( JANINE )Dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nagdaang araw. nakatulog ako sa upuan ko. Kaya ng magmulat ako. Wala ng mga pasahero na ikinagulat ko.Teka? Lumipad pa lang yung eroplano? Lumanding na ba? Mahaba ba yung pag-idlip ko?Tumayo ako. Saka nasaan ang mga flight attendants? Huh?Nanaginip ba ako?Sumilip ako sa bintana. Nakalanding na nga…Nang biglang .. bumukas ang pinto.Naglakad ako papunta roon. Bumukas ang main door ng eroplano. Pagsilip ko…Halos napasapo ako sa gulat. May malaking tarpul

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 261 I hurt Her

    ( Miss Leiy )Si Daniel. No! Ibig ba nitong sabihin…Mismo sa araw na ito magkakalinawan ang lahat?!No! Not this time!"Guard ilabas niyo na yan." Utos ni Uncle.( DANIEL )Anong ibig niyang sabihin?"Guard ilabas niyo na yan." Utos ng matabang Middle-aged na lalaki. Tumalikod na si Julius at bago pa man ako makaladkad.Saka pumasok sa isipan ko ang sinabi niya.Ako ba?! Ako ba ang dahilan?!"Julius! Wala kaming relasyon ni Janine! Magkaibigan lang kami!"( Ivy )Sa sinabi ni Daniel. Biglang natigilan si Julius.Lalo na nang humarap siya. Natatakot na ako.Kaya ako na ang napaurong. Hindi!"Bitiwan niyo siya." At tuluyan na akong napatalikod.( DEO )Nang dumating ako. Akala ko huli na ako. At n

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 260 A Punch

    (Julius)Sinarhan na ang pinto. Senyales na dumating na ang bride ko.Napaupo ako. Kinakabahan ako sa gagawin ko.Kailangan ko bang pakingan ang sinabi ng anak ko."The rule is... Iyong dapat po ihaharap niyo sa Kanya ay yung mahal niyo po at mahal din kayo. Do you love Mama Ivy?"Para ito sa kanya at para sa ikakatahimik ng pamilya namin ni Janine.Huminga ako ng malalim.Nagkamali ako. Hindi dapat ako nagmadali sa pasyang ito.Kung di matutuloy ang kasal namin ni Ivy.Aalis siya. Paano na si Kevin?Saka narinig ko na ang Wedding March song.Bumukas ang pinto…( Miss Leiy )Sa araw na ito yung ikinakatakot ko na baka di dumating si Julius ay hindi nangyari.Oo, nakaramdam ako ng tuwa.Sa wakas ito ang araw na gusto kong mangyari.na kala ko impossibleng mangyari.Ngunit ng makita ko

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 259 The Last 15 Minutes

    ( Deo )Hindi talaga ako dadalo.at papanindigan ko yun. Dahil di ko alam kung bakit di nahahalata ni Julius ang pagkatao ni Ivy. Tss."Sir, may naghahanap po sa inyo." Napasilip ako sa salamin.Yung taong kinuha ko para imbestigahan ang impormasyon na nakaabot kay Sir Julius."Papasukin siya." Nang magkaharap kami. Ipinatong niya sa mesa ko ."Yan yung nakuha kong impormasyon na ikakasigurado ko, ikakalinaw ng lahat.""Ayos kaya pala natagalan ito." Binuksan ko ang folderYung barko kung saan bigla na lang nawala si Miss Janine."Tama yung impormasyon na dinukot si Miss Janine. At ang mga taong nasa likuran noon ay ipinahuli ni Master Julius. Saka ipinagpilitan nilang patay na si Miss Janine matapos tumaob ang bangkang sinasakyan niya. Ngunit ang mga namuno sa nangyari ay.malalaman niyo kung sino kapag binusisi niyo pa iyan."Napatango ako.Sumunod na pahina, isang dalampasigan.

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 258 I do care to her

    ( JULIUS )Nagising ako dahil sa walang modong katok na yun.Nang buksan ko…"Hindi ka parin handa. O baka nakalimutan mo ngayon ang kasal niyo ng pamangkin ko?"Oh. Good. F*ckSh*t!Yung uncle ni Ivy na bigla na lang sumulpot. Di ko alan kung bakit kumukulo ang dugo sa kanya."Gano'n? Nakalimutan ko nga." Saka sinarhan ko ang pinto.Nahiga uli ako .Sana di na muna ako nagising sa araw na ito. Nakakaasar.Ngunit, bumangon na ako. Para ito kay Kevin, kung bakit ko 'to gagawin.( DANIEL )Maaga kaming nakarating sa airport. Halatang may tinatakasan nga si Janine. Isang oras pa ang flight niya at.Isang oras pa bago magsimula ang kasal ni Julius.ayun na rin sa flash news sa may malaking TV kaharap ang waiting area.Tinignan ko si Janine. Halos ayaw niyang tumingin roon at makinig.Kung walang m

  • Taming the Dangerous CEO [Tagalog]   Chapter 257 Fight For

    ( Janine )Sinundo kami ni Deo noong gabing yun. At si Deo na rin ang naghatid sa akin pauwi.Bago ko talikuran si Deo."Deo.""Miss Janine ""Maraming salamat sa lahat.""Ha? Parang mamatay na ako niyan Miss Janine.""At kahit anong mangyari. Wag mong iiwan sa trabaho si Julius at pasecure ang mag-ama ko ha.""Miss Janine.""Sige hangang dito na lang ako." Saka tumalikod na ako.Sinalubong ako ni Daniel."Nakuha ko na yung ticket ko." Bungad na pambati ko sa kanya."Talaga bang tuloy ang alis mo." Marahan akong tumango.Kapag nagtagal ako dito baka di ko na makayanan ang sakit na nararamdaman ko."Hindi mo na ba ipaglalaban yang nararamdaman mo at ang iyong anak." Pinaghahanda ako ng pagkain ni Daniel."Ayoko ng maging komplikado at magulo ang mundo ni Kevin. Sa buhay may kailangan talaga tayong isuko. Kahit gaano pa yun kahalaga.para

DMCA.com Protection Status