((( Atty. Wenziel POV’ s )))
Di ko alam kung pamilya nga ba ang tawag sa pamilya ni James.
Kaibigan namin ni Dr.Eriez, si James noong nasa College kami kahit magkaiba-iba ang Department namin. Ako nasa College of Law, habang si James sa Bussiness administration at si Eriez sa Medicine.
Sa aming tatlo si James lamang ang nagkaroon ng asawa.
Siya din ang pinakabusy sa amin.
Masaya kami malaman na nanganak na si Mitchelle ng isang malusog na batang lalaki ngunit ikinalulungkot namin ng pumanaw ang asawa niya matapos ang ilang minuto ng iluwal si Julius. Naiwan kay James ang responsibilidad bilang isang ina at ama sa bata.
At ang kompanya na pinapapalakad ni Mitchelle ang Cryzastic Corporation. Kaya lalong bumigat ang pasanin ni James.
Nawalan ito ng oras kay Julius na kapag nagkakasakit si Eriez mismo ang nangangalaga. Dahil para sa amin anak din ang turing namin sa kanyang anak. At kahit ano pang mangyari nanatili kaming sumusuporta sa mag-ama.
Hangang sa isang araw, nabalitaan naming nagkasakit si James. Sa awa ng diyos, nanatili siya sa hospital upang magpagaling.
At sa tatlong araw niyang pamamalagi sa hospital, nangako kami sa kanya na kaming dalawa muna ang mangangalaga ng kompanya. Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik si James at nagpasalamat sa aming nagawa.
Ngunit, hindi pa natatapos ang araw na lumabas siya ng hospital, itinakbo mulis si James at sinabing hinimatay sa gitna ng pagpupulong.
Ang nakakalungkot. Di namin inanaasahan na di na magigising si James matapos ideklara ng doctor na na-komatose ito.
Labing pitong taon si Julius noon. Wala kaming posisyon upang mamahala sa mga iniwang responsibilidad ni James sa kompanya kundi si Julius ang kailangang sumalo nito. Kalat ang balita tungkol sa unang paglabas ng mukha ni Julius sa publiko.
Kami ni Dr. Eriez ay nasa tabi lamang niya upang gabayan siya.
Tinalikuran ni Julius ang kabataan niya upang isakatuparan ang pangako niya sa kanyang ama. Hinarap niya ang lahat ng problema na dumarating sa kompanya habang di pa nagkakamalay si James.
Doon ko napatunayan na magaling ang pagpapalaki ni James kay Julius. Matalino at madiskarte sa pamamahala. Ang tanging nagbago sa kompanya ang pagpapa-alis ni Julius sa mga malalanding babaeng empleyado.
Dahil magkaibang dalawang kompanya ang pinapatakbo ni Julius, naging strikto, masungit at seryoso si Julius sa trabaho. Parang nakaligtaan ang sarili at sumabay sa agos nang negosyo. Resulta upang umunlad ng mabilis ang kompanya.
Limang taon ang lumipas, lumaki ng lumaki ang kompanya.
At sa loob ng mga taon na yun unti-unting nawawalan ng pag-asa kung magigising pa ba si James. Dahil alam naming lahat makina na lamang ang nagbibigay buhay sa katawan nito, na sa sobrang payat parang matagal ng pumanaw.
Ngayon, hawak ni Dr.Eriez ang ducomentong nagsasabi kapag di pa nagising sa loob ng isang buwan si James ay gagawin na namin ang pamamaalam sa kanya.
Bilang malapit na kaibigan at kapamilya ni James. Ako, si Eriez at higit sa lahat si Julius ang pipirma sa ducomentong iyon. Pumirma na kami ni Eriez.
Nang ipatong namin sa mesa ni Julius ang ducomento. Tinignan niya kami.
“Huwag kang mag-alala Julius, may isang buwan pa ang iyong ama. Sa loob ng buwan na yan malalaman natin kung kailangan pa ba natin ipagpatuloy ang pagbuhay sa kanya.”
Tanging ginawa ni Julius ay ibasura ito.
“Walang makikialam tungkol sa aking ama.”
Kung ako nga rin si Julius di ko agad mapipirmahan ang ducomentong iyon. Ngunit ano mang iwas ni Julius ay hindi niya matatalikuran ang tungkulin niya sa kanyang ama.
Isang araw ako mismo ang nagdala kay Julius sa hospital kung saan naroroon ang katawan ng kanyang ama.
“Limang taon nang walang senyales na ipinapakitang magigising pa ang iyong ama, Julius. Kaibigan namin ang iyong ama at alam namin ang nararamdaman mo.” si Dr.Eriez.
Nakamasid lang ang mga mata ni Julius sa boung hinihigaan nang katawan ng kanyang ama.
“Limang taon mo na rin pinapatakbo ang kompanya Julius. Kahit wala ka pa sa tamang gulang. Malaki ang tiwala namin sa'yo at lalo na ng iyong ama na hindi mo pababayaan ang kompanya na iniwan niya sayo ng dis-oras. Saka ilang beses mo nang pinatunayan sa amin na hindi mo ito pababayaan. At bilang nag- iisang tagapamana ng boung ari-arian ng Del Mendevil at kompanya ng iyong ina, ang tanging aalalahanin mo lang ay ang mga habilin nila sayo. At ngayon nasa iyong pagpapasya kung hahayaan mo na ang iyong ama kung saan man ito tutungo. Ito ang tandaan mo. Tanging makina na lamang ang sumusuporta sa katawan ng iyong ama.”
Napahaplos sa mukha si Julius.
Tama parang matagal ng patay ang kanyang ama.
Mismo sa araw na ito, kailangan na niyang magdisisyon.
Malamig ang boung silid at lahat ng paningin ay nakatuon kay Julius.
“Iwan niyo muna ako.” malamig niyang sinabi. Tumango si Dr. Eriez at sabay kaming lumabas ngunit bago ako tumalikod nakita ko ang pagpatak ng luha ng isang anak para sa kanyang ama.
((( Julius POV’ s )))Hindi ko maunawaan kung bakit laging umaalis ang aking ama lalo na labas pasok siya ng bansa. Naiiwan lamang ako sa napakalaking bahay na lahat ng sulok mayroong bantay, kung hindi man may kamera. Wala akong makausap at lumalaking napakatahimik.Nagkukulong lamang ako sa aking sili
((( Julius POV’ s )))Matagal ko na siguro na pinagsisinungalingan ang sarili ko na magkakamalay pa ang aking ama. Sa isang taon, ilang oras ko lamang siya kung makausap. At kunti lamang ang alaala kong pinanghahawakan. Biglang naging malinaw sa alaala -ala ko ang mga sinabi niya sa akin.
((( Julius POV’ s )))Mula sa private area ng hospital, pagkalabas ko agad akong sinalubong ng mga taga-media na kaagad naman pinigilan ng mga tauhan ko. Hindi sinisekreto ng gobyerno ang mga nangyayari sa pamilya namin. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay namin lalo na ako ngayon. Gusto nilang may butas na matagpuan sa pamilya namin at simula
((( Janine POV’ s )))Nakahiligan ko nang dumaan sa lumang kapilya galing sa trabaho ko bilang Cashier sa isang fast food chain.Ginagawa ko yun para magdasal. Bisitahin si Sister Ema at ang paglagay ko ng bulaklak sa isang flolera.
((( Julius POV’s ))) Napaangat ako ng paningin at paglingon ko sa bintana, isang babae ang nadulas. Ewan, bigla na lang ako kumilos. Binuksan ang pinto.&
((( Julius POV’s )))Tumayo ako at lumapit sa vase ulit. Ang bulaklak na gustong ibigay ng babaeng yun sa akin. Kinuha ko yung isa at isinilid sa bulsa ko. Lumabas ako ng kapilya. Napabuntong hininga ako. Dahil nang dahil sa babaeng yun bigla kong nakaligtaan yung hinah
((( Sya POV’s ))) Bakas parin sa mga mukha ni Master Julius ang kalungkutan simula ng makoma ang kanyang ama. Limang taon din siya naghintay na maari pang bumalik ang kanyang ama.Ngunit tulad ng kanyang ama kailangan niya m
((( Julius POV’s ))) Nagising ako sa tunog ng phone ko. Bumangon ako at kinuha yun.Si Deo ang Caller.“Sir, pasensya na po kung naistorbo kita ng ganito kaaga.”