Pauwi na sana noon si Sam nang masulyapan niya ang rambolan na naganap malapit lamang sa tinutuluyan nito at dahil na-curious ito ay agad siyang pumunta doon at tumawid mula sa crossing line ng kalsada. Nakita niya kung papaano pagtatadyakan ng mga lokal na kalalakihan ang isang lalake, at nang makita ni Sam kung sino ito ay napabalikwas ito ng takbo palapit sa kanila. "Hey! stop that! or I'll call the cops! Do you want me to arrest you ha! I'm undercover! Shu! shu! shu!" Pagtaboy ni Sam at winagayway pa nito ang mga kamay na tila nambubugaw lang ng isang hayop. Nang lumingon ang lalake mula sa pagkakabugbog at mga galos sa mukha nito ay biglang napatakip si Sam nang makita niya ang katauhan nito. "B-Brent?!" sigaw niya at agad siyang napatakbo upang alalayan ang binata. "Go and help your weakened baby, next time don't mess up with my boys!" sigaw ng isa sa mga lalakeng dayuhan at doon lamang napagtanto ni Sam na ang mga lalaking 'yon ang na-encounter nila ng mga panahong nasa
Maagang nagising si Julian at tila naalimpungatan pa ito nang mapagtanto niyang wala siya sa kanyang sariling condo, napasulyap siya sa kanan nito at labis ang ngiting nadarama nang makita niyang mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Alex satabi nito. ''Maybe napagod kita kagabi kaya super himbing ng tulog ng Aphrodite ko,'' nakangiti nitong sagot saka hinaplos ang mga pisngi nito at mabilisang bumangon. Hindi muna binuksan ni Julian ang bintana dahil ayaw niyang magambala si Alex sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, "What?!" mariin niyang pagtataka nang makita ang suot sa salamin, isang fitted na t-shirt na may disenyong cute na bunny at isang polyester na pajama, Napakamot siya sa batok nito saka napailing ng bahagya, "Well I think this is the first time na napasuot ako ng isang babae ng ganitong damit," muling sagot ni Julian habang nakangiti at napasulyap kay Alex. -------------- Transient Greece Maagang nagising si Brent at tila masakit pa ang ulo nito dala ng
Tahimik si Julian na lumabas sandali sa apartment ni Alex at mula sa gilid ay nakita niya ang sarili niyang sasakyan kaagad siyang pumunta saglit doon upang kunin ang isang paper bag na para kay Alex, Wala siyang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga ilang lokal doon, may mga sumigaw na bumagay daw sakanya ang pantulog niya at ang ilan naman ay nagtatawanan, ngunit napangiti lamang si Julian at hindi pinansin ang mga ito. Pagkatapos niyang makuha ang paper bag ay nagmadali siyang isarado ang at i-locked ang kotse nito gamit ang wireless na controller nito. Nang akma na siyang papasok ay nasa sala na si Alex hawak hawak ang mga damit ni Julian at ang mas nakakahiya pa ay ang brief nito na hawak na ng isang palad ni Alex. "Oh-y-you should put that down baby..." sagot ni Julian at tila hindi siya komportable sa pagkakahawak ni Alex, at napakamot si Julian sa kanyang ulo na tila nawala ang angas nito. Hindi namamalayan ng dalaga na ang hinahawakan na pala niya ay ang br
Habang busy na nag-aasaran at nag-u-u-magahan sina Julian at Alex ay biglang may kumatok sa pintuan, napatigil si Alex sa pagsubo at tumayo ito ngunit inunahan siya ng binata, "No, ako na...maybe si Sam na 'yon." Nakangiting sagot ni Julian at mabilisang binuksan ang pinto, at laking gulat niya nang bumungad ang isang taong hindi niya lubos akalain na mahahanap siya sa lugar na 'yon, "Veronica?" aniya ni Julian at may halong pagtataka, Ngumiti lang ang dalaga, ngunit biglang nag-iba ang postura niya nang makita ang awkward na suot ni Julian, at i-ginala nito ang paningin sa loob ng apartment. Natawa siya ng bahagya at napatakip sa labi. "Wow, what kind of fashion sense do you have, Julian? You surprised me! I thought you weren't into cheap clothing." Sagot ni Veronica na tila may halong pagkasarkastiko, "How did you find me here..." Walang kabuhay-buhay na tanong ni Julian sa dalaga, Tumikhim ito bago nagsalita, "Well...dahil siguro tama ang instinct ko na dito ako dadalh
"I'm sorry for my late arrival," sagot ni Mr. Evans ang ama ni Julian at Eros, habang lumalapit sa isang lumang mesa sa loob ng abandonadong hideout. Tahimik ngunit mabigat ang presensya ng kausap, nakaupo ito sa dilim, humihithit ng sigarilyo na ang usok ay mabagal na lumulutang sa ere. "You've always been like that, simula nung binigyan kita ng garantiya para umusbong ang kumpanya mo," sabi ng kausap, malamig ang boses at puno ng bahid ng paninisi. "No, it's not actually like that..." sagot ni Mr. Evans habang binubuksan ang isang bote ng mamahaling alak mula sa Greece. Maingat niyang binuhos ang alak sa isang kristal na baso, ngunit hindi nito maitagong may bahagyang kaba sa kanyang kilos. "By the way, why did you call me here? Is there any problem?" tanong niya nang diretso, sinusubukang gawing maayos ang tono ng usapan. "Ginagawa mo ba talaga ang trabaho mo?" tanong ng kausap, malamig at puno ng pagdududa. Natigilan si Mr. Evans, napahinto sa pagbuhos ng alak. Tumingin siy
Sa loob ng silid, tahimik si Julian habang inaayos ang kanyang itim na suit. Ang sukat nito’y perpektong nakaangkop sa kanyang matikas na tindig, na lalo pang nagbigay-diin sa kanyang malapad na balikat at matipunong katawan. Ang malinis niyang gupit ay maayos na nakalapat, at ang bahagyang liwanag mula sa chandelier sa kisame ay tumama sa kanyang makinis na mukha. Tumayo siya sa harap ng salamin, pinipihit ang mga cufflink sa manggas ng kanyang suit. Ang bawat galaw niya’y maingat, parang sinisigurado na ang bawat detalye ng kanyang bihis ay walang mintis. Ang repleksyon niya sa salamin ay tila nagbigay ng mas seryosong ekspresyon, na parang may bumabagabag sa kanyang isipan. Habang inaayos ang kurbata, tumigil siya sandali, ibinaba ang kamay at sinapo ang gilid ng mesa kung saan nakapatong ang ilang personal na gamit. Napatingin siyang muli sa salamin, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ang porma niya ang nakita niya kundi ang bigat ng damdamin na pilit niyang itinatago. "I'm
"Hello, Julian," bati ng isang babae na may pamilyar na tinig. Napamulat si Julian, at isang pamilyar na ngiti ang bumungad sa kanya. Inaasahan ni Julian na si Alex ang makakaharap niya, ngunit sa kasamaang palad, si Veronica ang bumungad. Nakasuot ito ng kulay abong silk dress na hapit na hapit sa kurba ng katawan habang hawak ang isang glass of wine. "You look surprised. Maybe you didn't expect na makakadalo ako," saad nito sa mapaglarong tono sabay maingat na lumagok sa hawak nitong ladies' drink, ang mga mata nito ay puno ng kumpiyansa at bahid ng panunukso. Hindi komportable si Julian na kasama si Veronica, ngunit alam niyang hindi niya ito pwedeng talikuran nang basta-basta. Alam niyang magaling itong gumawa ng eksena kung gugustuhin niya. "Enjoy yourself. Pupunta lang ako sa balcony..." sagot ni Julian, pilit na pinapakalma ang sarili habang naglalakad papalayo. Ngunit bago pa siya makalayo, muling nagsalita si Veronica. "Take me with you," sagot nito sa nakakaakit n
"Don't… try to intervene! Let her," sagot ni Mr. Evans na tila may pagbabanta sa tono nito. "Ano!? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Lasing siya! And she's making a scene!" pagpupumilit ni Mrs. Evans, ngunit tinignan lang siya ng masama ng kanyang asawa. "Alam ni Veronica ang ginagawa niya, at huwag na huwag kang makikialam. Pumunta ka doon, lumayo ka rito kung ayaw mong marinig ang sasabihin niya," pasimpleng bulyaw ni Mr. Evans na tila lumalabas ang pagka-superior nito sa kanyang asawa. Halos sumabog sa galit ang ina ni Julian nang mas pinaboran pa ng asawa ang gagawin ni Veronica—at mismo pa sa harap ng mga kaibigan niya. "What are you looking at? Walang magagawa ang galit mo. Now, go and serve your own guests. Harapin mo na lang ang mga ibang bisita mo," kalmadong sagot ni Mr. Evans na tila kung magsalita ay parang hindi asawa ang turing sa kinakausap nito. Dahil sa takot ni Mrs. Evans, mabilisan itong umalis habang hawak-hawak ang mahabang gown nito. Sa kabilang banda, pinagpa
Ngunit sa kalagitnaan ng eksena ay biglang napalingon ang dalawa nang pumasok si Julian. "Dad, w-what is happening here?" nagtatakang sabi ni Julian nang makita ang mga nagkalat at basag na bote sa sahig. "Amh...buti naman at maaga kang nakauwi ngayon. Kailangan ninyong mag-usap na mag-asawa Julian. Kung hindi pa ako napasugod dito ay hindi ko malalaman na may nangyayari na pa lang hindi maganda sa pagitan ninyong mag-asawa," malamig na sagot ng kanyang Ama. "Dad, wala ka dapat ikabahala. Okay kami ni Veca, at isa pa Honey, bakit ganyan ang itsura mo, anong nangyari dito?" wika ni Julian na tila pilit inililihis ang mabigat na sitwasyon. Ngumisi lamang si Veca at tila bahagya pa itong napangiti ng sarkastisko. "You're asking if anong nangyari dito? Huwow! Mag-tu-two months na tayong kasal Julian, pero bakit hindi ko pa rin ramdam na kasal tayo!?" sambit nito at tila may tama na ng alak ang paraan na pagsasalita ni Veca. "Maybe you should talk about this matter na kayo lang
"B-Brent okay ka lang?!" nag-aalalang sigaw ni Alex nang biglang nakaramdam ng kakaiba si Brent na halos mapaupo ito. "Y-yes d-don't worry...I-I think we should go back Alex. I'm sorry...hindi na yata muna kita masasamahan na m-mamasyal..." usal ng binata habang nakahawak sa tiyan nito. "Brent ano ka ba? Iyan pa talaga ang una mong inisip, a-ano kaya mo ba? P-pupunta na ba tayo sa hospital?" sagot nito na dala ang pagka-panic sa tinig ni Alex. "Alex...relax...I-I'm okay," sagot ni Brent na pinipilit pa din na tumayo. "Hindi ka okay Brent, halika na, a-ako na magda-drive ng motor," sagot nito at inalalayan ang binata. "M-marunong ka ba?..." tanong ni Brent. "Oo, kumapit ka lang sa'kin, namumutla ka," muling sagot ni Alex habang naglalakad sila patungo sa motorsiklo ni Brent. Halos hindi maiwas ni Brent na titigan si Alex habang inaalalayan siya at patuloy lang sa paglalakad. Wala siyang kamalay-malay na napapangiti na siya sa pag-aalalang pinapakita ng dalaga. "K
Pagkatapos mamasyal nina Brent at Alex ay napagpasyahan ni Brent na sabihin ang magandang sorpresa nito sa dalaga. "Amh... Alex, hindi ko alam if papayag ka sa sasabihin ko pero, gusto ko sana na ipasok ka sa company namin ni Lola. Payag ka ba?" wika ng binata. "Brent... mukhang sobra-sobra na ang pagtulong na ginagawa mo sa'kin. Mahirap na at baka masanay ako niyan," nakangiting saad ni Alex."Alex...ayaw ko lang isipin mo na pinapabayaan kita. Gusto ko lang din naman na makatulong sa'yo. At habang nasa kumpanya kita ay siguradong safe ka doon, walang mangangahas na mang-away sa'yo," sinserong sagot ni Brent. "Kahit naman tumanggi ako Brent, for sure, kukulitin mo pa din ako. Sige, papasok ako sa company mo pero please lang hayaan mo na lang ako magtrabaho sa'yo. Hindi mo na kailangan na bayaran pa," aniya habang nakahawak sa kamay ni Brent. "Alex, huwag mong isipin ang mga effort na ginagawa ko sa'yo. Ginusto ko ang ganito dahil mahal kita. Pero bago ang lahat...nais ko munang m
Hanggang sa paatras abante na ito, na-feel ko din na hindi siya wild pagdating sa ganitong bagay. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha habang ginagawa niya ang paggalaw at nang malapit na kaming lab*san ay lubha akong nagulat nang biglang. "A-Alex? Hey," sagot ni Brent ngunit tila naririnig ko lamang ang boses niya na umaalingawngaw sa aking isipan. "Hmmm," muli kong ungol at napapakagat pa ako ng labi then suddenly. Napamulat ako, at mula sa harapan ko ay naroroon si Brent--nakatayo at pinagmamasdan akong nakahiga sa kama. Sh*t! Panaginip! Panaginip lang ang lahat! "B-Brent ka-kanina ka pa diyan?" mahiyain kong sabi sabay yuko. Namuo ang mga pilyong ngiti ni Brent habang nakapamewang ito. "Hmm... you're calling my name, while you were sleeping," mahina niyang sabi at kaagad kong kinuha ang unan at dahan-dahan kong itinakip sa mukha ko. "Well, maybe... it's time to wake up! Bangon na Alex, may pupuntahan tayo," muli niyang sabi at banayad na hinila ang i
Habang nasa gig si Brent ay wala siyang kaalam-alam na naparoon pala si Alex, suto nito ang kanyang mapang-akit na casual dress. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang binata na kumakanta habang naggigitara. "Ang ganda talaga ng boses," bulong nito sa sarili habang papalapit ito sa binata. Nang matapos ito kumanta ay kaagad itong bumaba at biglang napansin ang presensya ni Alex na noo'y nakatayo malapit sa kinaroroonan niya at nakikipagpalakpakan din. "Alex? Oh, I didn't expect na...na manonood ka pala ng gig ko and, wow, you look... gorgeous tonight," nakangiting sagot ni Brent kasabay ng paggawi ng tingin nito sa dalaga. "Amh, na-bored ako sa bahay mo eh, tsaka nagawa ko na lahat ng gawaing bahay pero...nababagot pa din ako, kaya nagdesisyon ako na puntahan ka dito," masayang sagot ng dalaga."Oh, tara doon tayo, wait lang kuha lang ako ng drinks natin," sagot ni Brent ngunit kaagad na hinawakan ni Alex ang kamay nito. " Kailangan natin mag-usap Brent," biglang sagot ni Alex n
Ang unang gabi nina Julian at Veca ay puno ng init, nang matapos sa pagligo ang dalaga ay mabilisan itong pumunta sa kama at naroroon naman noon si Julian at nakasandal sa headboard ng kama. "Hi Honey, do I look attractive tonight?" pang-aakit na sagot ni Veca. Suminghap ang binata at tila wala itong narinig habang nanonood lamang sa mobile phone nito. Napansin iyon ng dalaga at banayad na kinuha ang cellphone nito tsaka umupo sa tabi ni Julian. "You should take away that cellphone and focus on me Julian, this is our moment at sana naman huwag kang mag astang parang napipilitan," naiinis na sagot ng dalaga. "Veca... di'ba sinabi ko naman sa'yo, it takes time for everything, hindi pa ba enough sa'yo na kasal na tayo?" diin na sagot ni Julian. "It will never be enough Julian, kapag lagi ganyan ang trato mo sa'kin ay balak mapilitan akong gawin ang nararapat...kahit pa alam kong madami akong masasagasaan!" sagot ni Veca na tila may pagbabanta sa tinig nito. "Don't threaten me
"Hindi maaari...bakit ngayon ko lang ito napansin?" Anang ng matanda nang makita ang suot na singsing ni Eros. "Sa pagkakaalam ko, ang singsing na suot ni Eros ay pagmamay-ari ni Julian," nagtatakang tanong ng matanda at pilit na kinakalkyula kung paano napunta kay Eros ang bagay na iyon. "Dios ko, ano ba itong naiisip ko," muling bulong ng matanda kasabay ng pagtingala nito sa itaas. *** Nakaplano na ang lahat, natapos na din ang decorations ng wedding theme nina Julian at Veca. Nang nasa simbahan na ang lahat ay puspusan ang kasiyahan ng bawat isa.Habang galak na naglalakad si Veca sa altar ay ganon naman ang ngiting ipinupukol sa kanya ni Julian habang papalapit ito. "You've made the right decision son," Anang ni Mr. Evans na noo'y malapit lamang sa tabi ng kanyang anak na si Julian. Natuloy nga ang kasal ng dalawa at habang nagsasaya sila sa loob ng simbahan ay naroroon naman si Alexa at nakamalong ito at naka-shades. " Magsaya ka Julian, pero hindi ako papayag na
"Marry me..." Natameme ng husto si Alex at hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Brent. "B-Brent... seryoso ka ba sa pinaplano mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "I'm a hundred percent sure Alex, it's okay if you marry me para lang makaganti sa kanila. Kung iyon ang nararapat at tanging paraan then, let's do it. Alam kong mahirap para sa'yo ang desisyon na ito, pero mas lalo akong mahihirapan Alex kapag hinayaan mo lang sila sa ginawa nila sa'yo," sagot ni Brent sa dalaga. "P-Pero Brent...kapag nagpakasal tayo, baka mas lalo nilang isipin na ginagamit kita para makapaghiganti sa kanila. At isa pa, h-hindi ko maipapangakong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kasal na ito," saad ng dalaga na tila ramdam pa din ang kaba sa kanyang dibdib. "Pinaghahandaan ko na iyan Alex, I'm not expecting in return, I just want to bring the real you, the new YOU. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko Alex kaya hindi ko hahayaan na tinatapak tapakan ka lang. Marry me for vengeance," muli
Kinaumagahan ay napansin ni Alex na hindi maganda ang pakiramdam ni Brent kaya kaagad niya itong nilapitan. "Brent? Okay ka lang ba? Ang init mo, sandali lang," saad ng dalaga at nang akma na itong tatayo ay hinawakan siya ni Brent. "D-Don't leave me..." may pag-nginig sa boses ng binata habang nagsasalita. "Stay...with me, please," muling dagdag nito habang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.Kaagad naman napaupo si Alex at hinawakan ang dalawang magkabilang kamay nito at kinumutan habang nasa sofa. "Hindi ako aalis Brent, pero hayaan mo na alagaan kita, hindi ako aalis," sagot ni Alex at habang hinahaplos ang buhok ng binata. At nang mapakiramdaman ni Alex na kumalma ang binata ay kaagad siyang kumuha ng mainit na tubig upang punasan ito. "Hay, kawawa ka naman, buti na lang nagkataon na nandito ako," bulong ni Alex sa sarili habang patuloy na inaasikaso si Brent. Pinagtyagaan niyang bantayan, pagsilbihan ang binata hanggang sa medyo bumaba ang init ng katawan nito. Gabi