Tahimik si Julian na lumabas sandali sa apartment ni Alex at mula sa gilid ay nakita niya ang sarili niyang sasakyan kaagad siyang pumunta saglit doon upang kunin ang isang paper bag na para kay Alex, Wala siyang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga ilang lokal doon, may mga sumigaw na bumagay daw sakanya ang pantulog niya at ang ilan naman ay nagtatawanan, ngunit napangiti lamang si Julian at hindi pinansin ang mga ito. Pagkatapos niyang makuha ang paper bag ay nagmadali siyang isarado ang at i-locked ang kotse nito gamit ang wireless na controller nito. Nang akma na siyang papasok ay nasa sala na si Alex hawak hawak ang mga damit ni Julian at ang mas nakakahiya pa ay ang brief nito na hawak na ng isang palad ni Alex. "Oh-y-you should put that down baby..." sagot ni Julian at tila hindi siya komportable sa pagkakahawak ni Alex, at napakamot si Julian sa kanyang ulo na tila nawala ang angas nito. Hindi namamalayan ng dalaga na ang hinahawakan na pala niya ay ang br
Habang busy na nag-aasaran at nag-u-u-magahan sina Julian at Alex ay biglang may kumatok sa pintuan, napatigil si Alex sa pagsubo at tumayo ito ngunit inunahan siya ng binata, "No, ako na...maybe si Sam na 'yon." Nakangiting sagot ni Julian at mabilisang binuksan ang pinto, at laking gulat niya nang bumungad ang isang taong hindi niya lubos akalain na mahahanap siya sa lugar na 'yon, "Veronica?" aniya ni Julian at may halong pagtataka, Ngumiti lang ang dalaga, ngunit biglang nag-iba ang postura niya nang makita ang awkward na suot ni Julian, at i-ginala nito ang paningin sa loob ng apartment. Natawa siya ng bahagya at napatakip sa labi. "Wow, what kind of fashion sense do you have, Julian? You surprised me! I thought you weren't into cheap clothing." Sagot ni Veronica na tila may halong pagkasarkastiko, "How did you find me here..." Walang kabuhay-buhay na tanong ni Julian sa dalaga, Tumikhim ito bago nagsalita, "Well...dahil siguro tama ang instinct ko na dito ako dadalh
"I'm sorry for my late arrival," sagot ni Mr. Evans ang ama ni Julian at Eros, habang lumalapit sa isang lumang mesa sa loob ng abandonadong hideout. Tahimik ngunit mabigat ang presensya ng kausap, nakaupo ito sa dilim, humihithit ng sigarilyo na ang usok ay mabagal na lumulutang sa ere. "You've always been like that, simula nung binigyan kita ng garantiya para umusbong ang kumpanya mo," sabi ng kausap, malamig ang boses at puno ng bahid ng paninisi. "No, it's not actually like that..." sagot ni Mr. Evans habang binubuksan ang isang bote ng mamahaling alak mula sa Greece. Maingat niyang binuhos ang alak sa isang kristal na baso, ngunit hindi nito maitagong may bahagyang kaba sa kanyang kilos. "By the way, why did you call me here? Is there any problem?" tanong niya nang diretso, sinusubukang gawing maayos ang tono ng usapan. "Ginagawa mo ba talaga ang trabaho mo?" tanong ng kausap, malamig at puno ng pagdududa. Natigilan si Mr. Evans, napahinto sa pagbuhos ng alak. Tumingin siy
Sa loob ng silid, tahimik si Julian habang inaayos ang kanyang itim na suit. Ang sukat nito’y perpektong nakaangkop sa kanyang matikas na tindig, na lalo pang nagbigay-diin sa kanyang malapad na balikat at matipunong katawan. Ang malinis niyang gupit ay maayos na nakalapat, at ang bahagyang liwanag mula sa chandelier sa kisame ay tumama sa kanyang makinis na mukha. Tumayo siya sa harap ng salamin, pinipihit ang mga cufflink sa manggas ng kanyang suit. Ang bawat galaw niya’y maingat, parang sinisigurado na ang bawat detalye ng kanyang bihis ay walang mintis. Ang repleksyon niya sa salamin ay tila nagbigay ng mas seryosong ekspresyon, na parang may bumabagabag sa kanyang isipan. Habang inaayos ang kurbata, tumigil siya sandali, ibinaba ang kamay at sinapo ang gilid ng mesa kung saan nakapatong ang ilang personal na gamit. Napatingin siyang muli sa salamin, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ang porma niya ang nakita niya kundi ang bigat ng damdamin na pilit niyang itinatago. "I'm
"Hello, Julian," bati ng isang babae na may pamilyar na tinig. Napamulat si Julian, at isang pamilyar na ngiti ang bumungad sa kanya. Inaasahan ni Julian na si Alex ang makakaharap niya, ngunit sa kasamaang palad, si Veronica ang bumungad. Nakasuot ito ng kulay abong silk dress na hapit na hapit sa kurba ng katawan habang hawak ang isang glass of wine. "You look surprised. Maybe you didn't expect na makakadalo ako," saad nito sa mapaglarong tono sabay maingat na lumagok sa hawak nitong ladies' drink, ang mga mata nito ay puno ng kumpiyansa at bahid ng panunukso. Hindi komportable si Julian na kasama si Veronica, ngunit alam niyang hindi niya ito pwedeng talikuran nang basta-basta. Alam niyang magaling itong gumawa ng eksena kung gugustuhin niya. "Enjoy yourself. Pupunta lang ako sa balcony..." sagot ni Julian, pilit na pinapakalma ang sarili habang naglalakad papalayo. Ngunit bago pa siya makalayo, muling nagsalita si Veronica. "Take me with you," sagot nito sa nakakaakit n
"Don't… try to intervene! Let her," sagot ni Mr. Evans na tila may pagbabanta sa tono nito. "Ano!? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Lasing siya! And she's making a scene!" pagpupumilit ni Mrs. Evans, ngunit tinignan lang siya ng masama ng kanyang asawa. "Alam ni Veronica ang ginagawa niya, at huwag na huwag kang makikialam. Pumunta ka doon, lumayo ka rito kung ayaw mong marinig ang sasabihin niya," pasimpleng bulyaw ni Mr. Evans na tila lumalabas ang pagka-superior nito sa kanyang asawa. Halos sumabog sa galit ang ina ni Julian nang mas pinaboran pa ng asawa ang gagawin ni Veronica—at mismo pa sa harap ng mga kaibigan niya. "What are you looking at? Walang magagawa ang galit mo. Now, go and serve your own guests. Harapin mo na lang ang mga ibang bisita mo," kalmadong sagot ni Mr. Evans na tila kung magsalita ay parang hindi asawa ang turing sa kinakausap nito. Dahil sa takot ni Mrs. Evans, mabilisan itong umalis habang hawak-hawak ang mahabang gown nito. Sa kabilang banda, pinagpa
Labis na nagulat si Alex nang biglang maramdaman niya ang tila paggalaw ng eroplano at tila papalipad na ito patungo sa himpapawid. "Julian?! Julian, umaandar yung eroplano!" sigaw nito sa nag-aalalang boses, ngunit hindi alintana ng binata ang mga pagsigaw nito. Sa halip, niyakap lamang ni Julian si Alex, na noo'y hindi mawari kung anong nangyayari. "Shhh... Ito 'yong surprise ko sa'yo. We're going to escape this country for a while," nakangiting sagot nito kay Alex habang suot pa rin ng dalaga ang kanyang blindfold at patuloy pa rin ang pagkapit kay Julian. "A-ano?! S-saan mo'ko dadalhin? Baliw ka ba?!" sigaw ni Alex at mabilisan niyang inalis ang blindfold at dumistansya ng bahagya sa binata. "Don't worry, Alex. Kung inaalala mo ang mga naiwan mo, well, ako na ang bahala sa kanila," kalmadong sagot nito habang banayad ang mga pagtitig niya sa dalaga. "Julian? Okay ka pa ba? A-akala ko normal lang na place ang pupuntahan natin. Bakit... bakit tayo nasa loob ng eroplano?
Binasag ni Veronica ang hawak nitong wine glass, at ang matulis na piraso mula sa basag na bagay ay dinampot niya. Akma na sana niyang itutusok ito sa kamay malapit sa pulso niya, ngunit kaagad nahagilap ni Mr. Evans ang matulis na bagay at itinapon ito. "Veronica! What the hell are you doing?!" Awat ni Mr. Evans habang tinignan ang paligid upang siguraduhing walang bisitang nakapansin sa pagtatangka ng dalaga sa sarili. "Look at yourself! Hindi ba nag-usap na tayo na huwag na huwag kang magpapakita ng kahinaan sa harapan ng lahat?! Lalong-lalo na kay Julian! If you really want to make this wedding possible, then act professionally! Do you hear me?!" sagot ni Mr. Evans na tila pinapatatag ang loob nito. Tumango lamang si Veronica na parang batang napagalitan. Kasabay nito ay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga pisngi. "I told you, Veronica, don't show the weakness within you! Huwag kang iiyak. Don't worry, aayusin ko ang lahat at sisiguraduhin kong makakasal kayo sa lalo
[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f
[Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,
[ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan
[Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl