Home / Romance / Taming My Husband / Chapter 2: Mr. & Mrs. Hernandez

Share

Chapter 2: Mr. & Mrs. Hernandez

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2022-02-11 17:19:37

“DEAL?” SERYOSONG TANONG sa kan’ya ni BK matapos nitong ilatag ang ilang papeles kung saan nakapaloob lahat ng kondisyon, at kung bakit sila magpapakasal kung sakaling hilingin na ng ina ng binata.

“Deal!”

Napangiti si BK sa kan’ya ng matamis nang marinig ang sinabi niya. “Simula ngayon sanayin mo ng tawagin ako sa gusto mong endearment, para mas kapani-paniwala. Okay?”

Napaisip siya bigla.  “Ano kaya ang maganda?” aniya sa isipan. Tumingin siya sa binata kapagkuwan. “Pag-isipan ko muna. I-send ko na lang sa’yo kapag may napili na ako.”

Tumangu-tango ito sa kan’ya kapagkuwan. “So, paano? Ihahatid na kita? Sa Sunday pa naman tayo pupunta sa bahay, e. May oras pa tayong mag-practice.”

Hindi niya maiwasang mapangiti sa salitang practice. Play lang ang peg?

“Okay,” sang-ayon niya rito. Mabuti naman dahil marami pa siyang lalabhan na mga damit. 

“Lets go,” yaya nito kapagkuwan. 

Ihahatid raw siya nito para alam kung saan siya nito susunduin pagdating ng Linggo.

Nagpatiuna si BK si kan’ya pero tumigil ito sa tapat mismo ng lalaking nilapitan niya rin kanina. Nabanggit na ni BK na kaibigan pala nito ang lalaki, at iyon ang may-ari mismo ng Cafe.

Inalalayan siya nito hanggang sa makasakay siya ng sasakyan nito. Bahagya pa siyang nahiya dahil ang gara ng sasakyan nito, at first time niya kamong sumakay. Taxi lang yata ang nasakyan niyang sasakyan na maganda-ganda. Hindi naman kasi uso sa kanila dahil sa eskinita lang sila. Puro mga tricyckle naman ang mga nakaparada sa labasan ng compound nila. At, ang compound na tinitirhan nila, dikit-dikit ang bahay. Delikado kapag nagkaroon kamo ng sunog.

Napatingin siya sa screen nang itipa ni BK ang address na sinabi niya rito, nasa gitna iyon banda. Ang gara talaga ng sasakyan nito. Talagang mayaman nga ang mapapangasawa niya, kung sakali. Paniguradong magugulat ang ina niya nito.

Hindi niya mapigilang mapangiti tuloy. Yayaman din siya ‘pag nagkataon. Suwerte niya rin sa mapapangasawa dahil guwapo rin ito. Complete package kumbaga.

Tanging musika lang ang maingay sa loob ng sasakyan ni BK ng mga sumunod na sandali. Hindi na kasi ito kumibo. Sabagay, tapos na sila mag-usap na dalawa kanina.

Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila dahil sobrang traffic pauwi sa kanila. ‘Yon ang problema kapag pupunta sa lugar nila. Masyadong crowded.

“Dito na lang,” aniya kay BK at tumingin sa labas. Kita na niya ang eskinitang papasukan papunta sa bahay nila ng kaibigan.

“What? Saan ang bahay niyo, e mukhang factory naman ‘yan?” nakakunot-noo nitong tanong. Nakatingin ito sa hinintuan nila.

“Kita mo ang eskinitang ‘yon? Papasok ‘don. Kilala naman ako, kaya madali mo rin akong mahanap kung sakali.”

Napahawak ito sa sintido. “Okay. Update na lang natin ang isa’t isa,” anito kapagkuwan. 

Tumango siya rito bilang tugon. “Kung kailangan mo akong kausapin, mag-text ka muna para i-open ko ang data ko. Wala kaming Wi-Fi, e.”

“Sige,” pagkasabi nito ay iginiya na niya ang sarili palabas. Hindi man lang siya nito ipinagbukas ng pinto.

Bumusina muna ito bago nag-maniobra ng sasakyan pabalik. Pumasok lang siya sa eskinita matapos itong tanawin na papalayo. 

Kinalikot niya ang telepono niya kapagkuwan. Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalalang may picture silang dalawa. Ilang shots din na puro ka-sweetan. Bali, ipapakita daw kasi nito sa ina. Nanghingi rin siya ng copy dito at pinakita sa kaibigang si Amelie.

“O.M.G!” bulalas ng kaibigan nang ipakita niya rito ang litrato nila ni BK sa Cafe. “‘Wag mo nang pakawalan ‘yan! My God! Para kang nanalo sa lotto niyan, ang yaman-yaman pa! Yummy pa kamo! Basta, ‘wag mo akong kalimutan, huh?” segway ng kaibigan mayamaya.

Ngumiti siya kapagkuwan. “Oo ba. Ikaw pa ba?” aniya dito at deretsong pumasok sa silid na ino-ukopa.

ARAW NG HUWEBES noon nang tawagan siya ni BK. Gusto nitong pumunta siya sa condo nito dahil marami raw silang pag-uusapan at e-ensayo. Mahirap daw kasing papaniwalain ang ina talaga nito. Kaya, kaagad namang pumunta siya doon.

Sabagay, hindi pa niya ito kilala masyado. Kahit na nabanggit naman na nito ang mga gusto, iba pa rin ‘pag actual. 

Maaga siyang umalis nang araw na iyon. Dumaan din siya sa palengke para bumili muna ng prutas. 

 As in, maghapon daw sila magba-bonding na dalawa. Siguro, sapat na raw ang isang araw para makilala pa ang isa’t isa. Para lang naman sa parents ni BK.

Medyo nahirapan siyang hanapin ang condo nito. Kasi naman, ang lawak-lawak ng BGC! Nakahinga lang siya ng maluwag nang matanaw na ang mismong building.

“May dala ka?” bungad nito sa kan’ya nang pagbuksan siya ng pinto. Nagpabili kasi ito ng longan. Paborito pala nito iyon. Nahirapan pa siyang maghanap kanina. Dinaig pa yata nito ang naglilihi.   

“Ito o,” aniya at pinakita ang plastic. 

Nakangiting kinuha nito iyon sa kan’ya at iginiya siya papasok ng condo nito. Pumunta ito sa kusina nito. Marahil kumuha ng lagayan.

Hindi niya maiwasang mapahanga pagdating sa interior ng condo ng binata. In fairness, maganda ang taste ni BK. O, baka naman may designer ito?

Bumalik ang binata sa sala na may dalang tray, na may lamang longan. May kinakain na ito. Inalok siya nito pero hanggang lima lang daw ang maibibigay nito, kaya napangiwi siya. Nang-alok pa, limitado naman pala ang puwedeng kunin. Hindi na lang siya humingi dito.

Wala namang nangyari noong araw na ‘yon, nagkaniya-kaniya din naman sila kalaunan. Siya sa sala, at si BK naman sa kuwarto nito. Hindi naman nagyari ang sinasabi nitong bonding. Hindi niya alam kung anong pinaggagawa nito sa loob ng silid nito, ayaw naman niyang makialam talaga.

Bandang alas-singko nang mag-paalam siya rito. Kinatok niya pa ito ng ilang beses pero matagal siya nito pinagbuksan. Abala pala ito sa paglalaro nang sumilip siya. Hindi kasi ito pumasok sa opisina dahil nga magba-bonding daw sila, tapos paglalaro lang pala ang aatupagin.

Mukhang sasanayin na niya ang sarili kung sakali. Hindi ito gentleman. Hindi man lang siya nito hinatid kahit hanggang sa baba man lang sana. Okay lang. May deal naman sila, e.

Mabilis lang na lumipas ang araw. Araw ng Linggo noon. Kagaya ng usapan nila ni BK, pupunta sila sa bahay ng mga ito.

Halong-kaba at excitement ang naramdaman niya. Kahit na, maganda naman siya sa suot niya, kinakabahan pa rin siya. May lahi naman kasi siyang banyaga, kaya, kahit anong damit, bagay sa kan’ya. Hindi naman siya mukhang pulubi. 

Si BK ang pumili ng suot niya. Simple pero elegante tingnan. Hindi naman daw kasi problema sa ina ang suot. Minsan nga daw mas gusto nitong nagsuot ng simple. 

Napatingin siya sa telepono nang umilaw 'yon. Nag-text si BK na malapit na ito. At ilang sandali lang ang hinintay niya rito bago ito dumating. Hinintay na kasi niya ito sa may labasan.

“I’m sorry, Daph, pinaghintay kita. Ang traffic talaga kasi masiyado dito sainyo.” Huminga pa ito ng malalim. 

“Ayos lang,” aniya.

Napatitig mayamaya sa kan’ya. “You look good,” puri nito sa kan’ya.

“Salamat. Magaling ka pumili, e.”

“Actually, iba ang pumili niyan. Pinakita ko lang ang picture mo, viola!” Ngumiti ito at nagmaniobra na ito ng sa sasakyan.

Mahigit isang oras ang naging biyahe nila mula sa lugar nila.

Napahawak siya sa dibdib nang pumasok sila sa isang magarang subdibisyon.

“Kinakabahan ako,” naisatinig niya.

Bumaling si BK sa kan’ya. “Relax. Hindi sila nangangain. Magugustuhan mo magulang ko, at mas lalong magugustuhan ka nila,” 

Isang beses na nagpakawala siya ng buntong-hininga bago nagsalita, “Nakaka-kaba pa rin. Paano kung hindi ako magustuhan ng magulang mo?”

“That's impossible, Daph. I am sure they will like you. Tiwala lang, okay?”

“Sana.”

Hinawakan nito ang kamay niya. Pero saglit silang natigilan dahil sa kuryenteng biglang nabuhay sa pagitan nila. Nagkatinginin pa sila.

Napaawang siya ng labi nang pumasok sila sa isang magarang bahay. Lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

“Come on,” yakag ni BK nang makababa na siya ng sasakyan. Ipinagbukas siya nito ng pintuan ng sasakyan, for the first time. Kahit sa main door ng bahay.

“Here they are,” bulong ni BK sa kaniya. Yumakap ang kamay nito sa beywang niya, kaya, napalunok siya. “Hi, Ma! ‘Pa!” Kumaway si BK sa magulang na pababa ng hagdanan. 

Naglakad sila palapit sa mga ito.

“Meet my lovely girlfriend, Daphne Frost.” Nakangiting pakilala ni BK sa kaniya pagkuwa’y masuyong tumingin ito sa kan’ya. “Baby, my parents.” Iminuwestra nito ang kamay paturo sa magulang nito.

Hindi niya maiwasang mapatitig sa binata dahil sa endearment nito. Bakit parang ang sarap pakinggan ng baby? Hanggang ngayon kasi, wala siyang maisip na puwedeng  tawagan nila. Ibinaling na lang niya ang tingin sa mag-asawang nakangiti mayamaya

“H-hello po. Good evening,” medyo nautal pa siya.

“Mas maganda pala si Daphne sa personal, huh!” masayang salubong ng ina ng binata sa kanila.

Hindi niya maiwasang mailang nang makipagbeso ito sa kaniya. “Welcome to the family,” ani ng ginang na ikinakunot-noo niya. Girlfriend pa lang ang alam niyang sinabi ni BK sa mga ito, kaya ano ‘tong pa welcome-welcome ng ginang? Ibig sabihin talagang excited ang mga ito kung ikakasal sila ng anak nito? Approved na rin siya sa bilang mapapangasawa ni BK?

“Thank you po,” aniya na lang. Hindi naman kasi niya alam ang sasabihin.

Nakipagkamay siya sa ama ni BK mayamaya. Tama nga ang sinabi ni BK na kamukha nito ang ama. Nakikinita tuloy niya ang itsura ni BK kapag tumanda na.

“Ready na ba si Judge, husbie?” Baling ng ginang sa asawa nito.

Nagkatinginan sila ng binata. Sabay pa silang napalunok ng laway.

Bakit nito tinatanong kung ready na ang judge? ‘Wag nitong sabihing ikakasal sila oramismo?

“On the way na daw, wifey,” sagot naman ng asawa nito.

“‘Ma, may ipapakita lang ako kay Daph sa room ko.” Hinawakan ng binata ang kamay niya at pinagsiklop iyon.

“Okay. Ipatawag ko na lang kayo ‘pag ready na. Okay?” Ngumiti ang ginang nang tumingin sa kan’ya, kaya, ginantihan din niya ito ng ngiti.

Ini-lock ni BK ang pintuan ng silid nito nang makapasok na sila.

“F*ck! Akala ko nagbibiro si Mama!” papalatak ng binata sabay tingin sa kan’ya.

“Tungkol saan?”

“Hindi mo ba ‘yon narinig? Papunta si Judge Israel para ikasal tayo! Damn it!”

Napaawang siya ng labi. “A-anong gagawin natin?”

“‘Di ba napag-usapan naman na natin ito? Expected na natin na mangyayari ito. Pero hindi ko akalaing ngayon mismo. I think, hindi naniwala ni Mama sa palabas natin,”

Napatitig siya sa binata. “Okay naman sa akin kahit ngayon na ang kasal, BK.”

“Seryoso ka?” anitong lukot ang mukha. Tumango siya dito. Napabuntong-hininga na lang ito sabay upo sa kama. “Okay.”

KAGAYA NG INI-EXPECT nila ni BK, gusto nga ng ginang na ikasal na sila, at ngayon din mismo. Mukhang planado ng ginang dahil may mga dumalong kamag-anak ng mga ito. Dumating din ang dalawang anak pa nito na pamilyado na. 

Hindi rin akalain ni Daphne na may inihandang simpleng wedding gown ang magulang ni BK para sa kan’ya. Masasabi niyang ang galing nito, dahil sukat na sukat sa kan’ya ang puting damit na gagamitin.

“Ang ganda-ganda mo, hija!” ani ng ginang at inayos ang veil niya. “Hayaan mo, sa simbahan, hindi mawawala ang magulang mo, pangako ‘yan. For the meantime, gusto ko lang makasigurong, ikasal na agad kayo. Okay?” Pilit na ngiti ang ibinigay niya dito matapos nitong sabihin iyon. Iginiya siya nito pababa mayamaya. Naglakad sila papuntang pool.

Napalabi siya nang makita si BK na nakasuot din ng tuxedo. Tama nga ang kaibigan niya, ang hot din ng mapapangasawa niya. Ang lakas ng apeal nito sa kulay dark green na tuxedo. Kaso ang seryoso nito, nabawasan tuloy ang kapogian nito. Ngumiti siya dito, kaya ngumiti din ito nang ihakbang na niya ang sarili palapit sa babaeng nasa karpet na pula. Mukhang hinihinitay siya nito.

“Meet Andy, ang nag-iisang babaeng anak ko. Anak si Daphne,” nakangiting pakilala ng ginang sa kan’ya.

“Welcome sa Hernandez family, Daphne. Masaya akong napatino mo na ang bunso namin. Basta kung may problema ka, nandito lang kami. You know, girl power!”  Natatawa na tumango siya sa sinabi nito. 

Mayamaya ay may mga sinabi ito sa kan’ya. Kailangan pa pala niyang maglakad sa pulang karpet, kung saan naghihintay sa unahan si BK at ang judge.

Dahan-dahan ang hakbang niya nang magsimulang tumugtog ang ‘Make You Feel My Love’ ni Adelle. Hindi siya ang pumili no’n pero nagustuhan niya ang awiting iyon. 

Titig na titig siya sa mapapangasawa habang naglalakad. Ganoon din ito. Kabado siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Wala silang nararamdaman sa isa’t isa pero bakit parang naiiyak siya? Pinatigas niya ang sarili para pigilan ang pag-iyak. 

Ngumiti siya sa magulang ni BK nang makarating siya sa harapan ng mga ito. Niyakap siya ng mga ito at binati. 

Kumapit siya kay BK kapagkuwan. Napasinghap siya nang halikan nito ang ulo niya bago sila humakbang palapit sa judge. Hindi niya ini-expect ang ginawa ni BK na iyon, mukhang pinaghandaan para sa palabas na iyon.

Mabilis ang naging seremonya para kan’ya. Parang gusto niyang i-skip ang sandali nang i-announce ng judge ang hudyat na puwede ng selyuhan nila ni BK ng halik ang seremonyang iyon.

Napahawak siya sa dibdib ng asawa nang hapitin nito ang beywang niya. Napapikit siya nang idiin nito ang labi sa kaniya. Kakaiba ang naramdaman niya nang maglapat ang labi nila. Siguro, unang halik niya, e. Mabilis lang ang halik na iyon pero pakiramdam niya ang tagal. Parang naiwan yata ang labi nito sa kan’ya.

Isang masigabong palakpakan ang narinig nila matapos iyon. Nahihiyang tumingin siya sa mga bisitang naroon. Samantalang si BK, ang lapad ng ngiti.

Hindi siya nakaiwas nang ilapit ni BK ang mukha nito sa kaniya. Kasabay niyon ang bulong nito na,“Welcome to married life, Daphne Sevilla Frost Hernandez.”

Comments (19)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
yan ang nanay, ang bilis makiramdam ,,,kaya binilisan nya rin kumilos hahaa wla kaung kawala na dalawa,mas mabilis mag isip c Mommy Kendra
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Sobrang bilis nman Ng mama mo BK nready tlga nya pati kasal nyo ni Daphne..Ano Daphne Hindi kana talaga nakaurong sa kasal nyo..Ikaw na tlaga Ang Asawa ni Bk.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Glodielyn Velasco Pabalan Banogon
ang bilis naman kasalan kaagad...ang utak talaga ni kendra pinaghandaan ang kasal.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Taming My Husband   Chapter 3: Honeymoon

    TININGNAN NI DAPHNE si BK matapos siya nitong batiin. As if naman, siya lang ang ikinasal.“‘Yong usapan natin, huh?” Tinutukoy niya ang trip niya papuntang Scandinavia. Excited pa naman siyang mag-ayos ng mga papeles.“Don’t worry, kahit saang bansa mo pa gusto, mapupuntahan mo. Basta ‘wag mong kalimutan ang usapan natin.”Napangiti siya sa narinig. Siya pa ba? Kahit anong gawin nito wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kan’ya makapunta ng Scandinavia. Mabilis naman ang annulment kapag may pera.“Congratulations, bunso and Daphne!” masayang bati ni Andy sa kanila. Kasama nito ang asawa at mga anak nito. Gumanti rin siya dito ng yakap nang yakapin si

    Last Updated : 2022-02-26
  • Taming My Husband   Chapter 4: Angry

    NAPATITIG SI DAPHNE sa sarili mula sa salamin. Kumibot pa ang labi niya bago tumingin banda sa pang-upo kung masagwa ba ang suot. Sinubukan niya ring maglakad pero naiilang siya. Buti na lang may cover-up na kasama. Kita kasi ang pisngi ng pang-upo niya. Napatigil siya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Kasunod niyon ang tinig ni BK. “Sandali!” sigaw niya at nagmadaling hinubad ang swimwear na sinukat. Napalunok siya nang mabungaran si BK na bagong paligo at mukhang may lakad. “Labas lang ako. If nagugutom ka, tawag ka na lang sa baba or kumain ka sa labas.” May inabot itong card kapagkuwan. May dolyar din. Siyempre, kinuha niya.

    Last Updated : 2022-03-03
  • Taming My Husband   Chapter 4.1: BK

    KAKATOK SANA SI Daphne nang bumukas ang silid na inuukupa ni BK.“Kumain ka na ba? Baka gusto mo akong sabayan,” alok niya sa asawa.Tinitigan na naman siya nito bago tumango. Ngumiti siya rito ng matamis bago tumalikod.Inayos niya ang mesa at ang platong gagamitin ng asawa. Hindi niya namalayang nakangiti siya habang inihahanda ang mga gagamitin ni BK sa pagkain. Pero napalis iyon nang mapansing titig na titig na naman sa kan’ya ang asawa.“Sorry nga pala sa nangyari kanina. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko. Tama naman ako, ‘di ba? Alalahanin mong nasa hotel tayo na pag-aari ng magulang ko.”Ngumiti siya

    Last Updated : 2022-03-11
  • Taming My Husband   Chapter 4.2: First Day

    “COME HERE, DAPH.” Napalabi siya nang hilahin nito ng kamay niya. Mabilis ang paghila nito kaya hindi niya nakontrol ang sarili, napakandong siya sa asawa.“Perfect,” ani pa nito habang may hawak na selfie stick na may camera.Tumingin ito sa kandungan nito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng asawa na perfect.“Smile, baby.”Tumingin siya sa camera nito pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang endearment nito sa kan'ya. Napangiti siya sa loob-loob niya.Shit! Ang pogi ng asawa niya talaga ‘pag nakangiti!Sa totoo lang, hin

    Last Updated : 2022-03-13
  • Taming My Husband   Chapter 5: Bumped

    "I'LL HELP YOU, Daph para mapabilis ang pag-alis mo. Gagamitin ko na lang ang koneksyon ko."Napatingin siya sa asawa. Abala siya sa paghuhugas ng pinagkainan nila ng mga sandaling iyon."Talaga? Passport pa lang ang meron ako, e." Wala kasi siyang pera kaya 'yan lang ang nakaya niyang asikasuhin."Ako na ang bahala sa ibang bagay na dapat ayusin." Naupo ito sa counter at pinapanood siya.Ngumiti siya rito ng mabilis bago bumalik sa paghuhugas.Wala siya sa mood makipag-usap dito ng matagal. May kaonting tampo kasi siya rito.Hindi pa rin kasi siya nito pinapayagang pumasok ng trabaho. Inalok

    Last Updated : 2022-03-17
  • Taming My Husband   Chapter 5.1: His Parents

    BUMALIK ANG ASAWA niya makalipas ang ilang sandali. Sinabi nitong nakahanda na raw sa kusina ang inorder nito. Mukhang bumabawi sa ginawa nito sa kan’ya. “Sige. Susunod na lang ako,” aniya at tinalikuran ito. Wala na ito sa pintuan nang lingunin niya ulit. Wala silang imikan habang kumakain mayamaya. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig niya ng mga sandaling iyon. Patapos na siya nang tumunog ang doorbell nila. Siya na tumayo para tingnan kung sino iyon. Sinundan lang siya ng tingin ng asawa nanag tumayo siya. Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na babae sa gate nila. Kung hindi siya nagkakamali, iyon sa nadala ni BK nitong mga nakaraan sa bahay nila. Naiiling na lumapit siya sa may gate.

    Last Updated : 2022-04-01
  • Taming My Husband   Chapter 5.2: Pleasure

    NGAYON LANG YATA siya nahirapang makatulog. Panay kasi ang galaw ng kama nila. Pabaling-baling kasi si BK. Mukhang hindi alam kung paano ang puwesto. Hindi na siya nakatiis, bumaling na siya sa asawa. "Gusto mo bang lumipat ako sa kabilang silid? Hindi naman na siguro babalik ang Mama mo. Isa pa, ni-lock mo na ‘di ba?" Tukoy niya sa pintuan. “No. Baka, biglang kumatok bukas. Paano kung sumilip siya tapos makitang wala ka sa tabi ko? Anong sasabihin ko?” “Eh ‘di sabihin mo, nasa banyo ako. Dapat marunong kang magpalusot. Tutal ginusto mo ‘tong set-up na 'to.” “Hindi ako magaling sa palusot, e.” “Sus.”

    Last Updated : 2022-04-02
  • Taming My Husband   Chapter 6: Good Morning

    NAPAYUKO SI DAPHNE nang makita ang sasakyan ng asawa sa labas ng pinagtatrabahuan niya. Kanina pa ito doon naghihintay sa kan’ya. Sinabihan na nga niya ang kasamahang nauna, na sabihan ang asawa niya na umuwi na siya. Pero mukhang hindi ito naniwala sa kan’ya. Nanatili pa rin ito.“Ginagawa mo?” pang-aasar na sabi ni Amelie nang makita na ganoo ang posisyon niya.“Ayaw niyang umalis, e.” Tukoy niya sa asawa. Sumilip din ito.“Hindi talaga aalis ‘yan. Sabi ko kasi nandito ka pa.” Tumayo siya ng maayos at hinarap ang kaibigan dahil sa narinig.“Kaya naman pala, e.” Kanina pa siya tago ng tago tapos alam pala nito na nandito pa siya. Sayang lang ang pago

    Last Updated : 2022-04-03

Latest chapter

  • Taming My Husband   THE END (With Teaser)

    MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g

  • Taming My Husband   Chapter 64: Proposal

    "SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat

  • Taming My Husband   Chapter 63: Threat

    NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa

  • Taming My Husband   Chapter 62: Walkout

    “K-KANINA KA PA?” Dayan-dahan siyang kumilos paupo. Maingat dahil baka magising si Mirielle “Kakarating ko lang.” Tulog na tulog pa rin ang anak sa tabi niya nang lingunin niya ulit. Pilit na inabot niya ang saklay niya kapagkuwan. Hindi niya maabot kaya si BK ang kumuha. Hindi na siya kumontra nang alalayan siya nito pababa. “Umuwi na si Emmanuel. Sabihin ko na lang daw sa ‘yo pag gising mo.” Nakaramdam siya ng konsensya. Tinulugan niya kasi ito kanina. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat. “Okay. Sa couch, please,” aniya sa asawa. Nakaalalay sa kan’ya si BK hanggang sa couch. Akmang aalis ito nang magsalita siya. “Mag-usap tayo, BK. Tungkol kay Mirielle. P-paanong nangyaring nabuhay siya? Sabi mo ikaw mismo ang nag-asikaso ng lahat tapos ngayon buhay pala. Matagal mo na bang lihim ito? ‘Yong totoo, BK.” Saglit na tumitig ito sa kan’ya. Marahil nagtataka ito, nakakaalala na siya. Naupo si BK sa tabi niya na nakayuko. “Si Amber ang nakatuklas na buhay ang anak natin. Naroon siy

  • Taming My Husband   Chapter 61: The Truth

    NAPASINGHAP SI DAPHNE nang biglang lumuhod si BK sa kan’ya. Kaagad na sinapo nito ang mga paa niya at sinipat iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kan’ya. “What happened, baby?” Napalunok siya sa naging tanong nito. What happened ba kamo? Bakit hindi nito tanungin ang sarili nito kung ano ba ang nangyari sa kan’ya? Naikuyom niya ang mga ngipin. Umisang lunok pa siya bago tuluyang sinalubong ang tingin nito. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “B-baby…” puno ng pagtatakang sambit ng asawa. Nagkaroon siya ng temporary amnesia nang mangyari ang aksidenteng iyon pero agad din namang bumalik. Sana nga hindi agad bumalik, para talagang makalimutan niya ang asawa. Kotang-kota na siya sa sakit. “Hindi kita kilala kaya bitawan mo nga ang paa ko. Baka makita ka ng asawa ko. Ayokong maging ng away namin.” Patawarin nawa siya ni Emmanuel. Hindi pa niya kayang harapin si BK sa ngayon. Pakiramdam niya naulit lang ang nakaraan. Buntis din siya noon nang puntahan siya ng asawa matapos na umalis siy

  • Taming My Husband   Chapter 60: New Life

    ILANG BESES PANG tumingin si Daphne sa orasan bago tuluyang nahiga. Hanggang ngayon, umaasa siyang uuwi si BK gaya ng sabi nito sa kan’ya. Pero pangalawang gabi na niya ito sa bahay nila na naghihintay dito, pero hindi pa rin ito umuuwi. Ayaw niyang umalis ng bahay nito na hindi ito nakakausap, at ang sabi rin kasi nito, hintayin niya ang pagbabalik nito. Pero bakit wala pa rin? Hindi na niya kayang mag-stay sa bahay nila ng ganito kalungkot. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ng asawa. Nag-o-overthink na siya. Mas mabuti pang hindi sila magkasama sa iisang bubong nito.Ramdam naman niya sa asawa na mahal siya nito pero kailangan pa rin nila ng space. Kailangan niya ng pahinga. Ngayon niya ramdam ang sobrang pagod dahil sa lahat ng mga nangyari sa kan’ya. Hindi pa pala siya nakaka-recover sa lahat ng hirap na naranasan, dumagdag pa ang kasalukuyang problema nila na talagang nagpapahina sa kan’ya. Pakiramdam niya, Sinalo niya ang lahat ng problema ng mundo. P

  • Taming My Husband   Chapter 59: Last Kiss

    NAPAHAWAK SI DAPHNE sa ulo nang maramdama ang pagkirot. D*****g din siya kapagkuwan. Hindi pa man niya naiuupo ang sarili sa kama nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Minabuti na lang niyang mahiga muna. Inilinga niya ang tingin sa buong silid. Wala siya sa silid niya. ‘Kanino kayang silid ito?’ tanong niya sa sarili. Natampal niya ang noo niya nang maalala ang professor niya, si Emmanuel Yu. Nasa bahay siya nito siguro. Hindi na kasi niya maalala ang sumunod na nangyari. Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali lang ay pumasok si Emmanuel na may dalang tray. Nakakahiya dahil mukhang ipinagluto pa siya nito. “I’m sorry, Sir...” Sapo niya ang ulo habang iginigiya ang sarili paupo. “You need this soup para mabawasan ang hangover mo,” anito sabay lapag ng dala sa mesang nasa gilid. Ngumiti ito sa kan’ya. “Ubusin mo na lang ‘to muna bago ka bumalik sa pagtulog ulit. Iba-ibang alak ba naman kasi, masakit talaga sa ulo, lalo pa’t hindi ka sanay. Kung gusto mo ring maligo, ma

  • Taming My Husband   Chapter 58: The truth

    NAGISING SI DAPHNE sa yugyog ni Amelie.“Daph, gising. Wala kabang pasok bukas? Alas sieyete na, dito ka ba matutulog?”“Akala ko ba puwede ako dito?”“Puwede naman. Ang iniisip ko, ang pasok mo.”“Pahiramin mo na lang ako ng damit. Dala ko naman ang mga kailangan ko sa school.”Wala naman sigurong quiz kaya ayos lang na hindi siya mag-aral.“Sure.” Seryosong tumitig ito sa kan’ya kapagkuwan. “Nag-text ang asawa mo, anong sasabihin ko?”“Sabihin mo wala ako dito. Te-text ko na lang siya na May group work kami, kailangan kong mag-sleep over para matapos.”Tumango ang kaibigan. “Ikaw ang bahala.” “Salamat, Amelie.”Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kaibigan ng seryoso.“Anong gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin ang maganda kong gawin. Wala akong maisip. Hindi ko rin alam kung paano sasabihing alam ko.”Bumontonghininga si Amelie at naupo sa tabi niya.“Hindi ako perpektong babae, Daph. Hindi ko alam kung puwede mong paniwalaan ang mga sasabihin ko. Pero sa tingin ko, dapat n

  • Taming My Husband   Chapter 57: Pain

    NAPAPITLAG SI DAPHNE nang marinig ang malakas na busina sa labas. Walang guard dahil nagpaalam sa kan’ya saglit na maghuhulog daw ng pera sa kamag-anak nito sa labas lang ng subdibisyong kinaroroonan nila. Naka-lock ang gate sa utos niya dahil wala nga ito. Kaya hindi rin mabubuksan agad ni BK, kung ito nga ang nasa labas nila. Isa ‘yon sa feature ng gate nila. Tanging nasa loob lamang ang may kakayahang magbukas.Tinuyo niya ang kamay ng malinis na kitchen towel saka tumalima palabas ng bahay. Si BK nga. Bumaba ito at sinisipat ang loob ng guard house mula sa labas.Mapaklang ngiti ang iginanti niya sa asawa nang kumaway ito. Parang wala lang?Tinalikuran niya ito at bumalik sa pintuan. May ginalaw siya sa screen para mabuksan nito ang gate. Bumalik na rin siya sa kusina kapagkuwan.Maghapon niyang inabala ang sarili sa paglilinis ng bahay. Gusto niyang ukupahin ang isip ng kung anu-ano. Ayaw niyang mag-isip masyado dahil kailangan niya bukas ang sarili, bukas kasi ang schedule niya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status