NAPATITIG SI DAPHNE sa sarili mula sa salamin. Kumibot pa ang labi niya bago tumingin banda sa pang-upo kung masagwa ba ang suot. Sinubukan niya ring maglakad pero naiilang siya. Buti na lang may cover-up na kasama. Kita kasi ang pisngi ng pang-upo niya.
Napatigil siya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Kasunod niyon ang tinig ni BK.
“Sandali!” sigaw niya at nagmadaling hinubad ang swimwear na sinukat.
Napalunok siya nang mabungaran si BK na bagong paligo at mukhang may lakad.
“Labas lang ako. If nagugutom ka, tawag ka na lang sa baba or kumain ka sa labas.” May inabot itong card kapagkuwan. May dolyar din. Siyempre, kinuha niya.
“Okay. Thank you.” Pagkasabi niya ay tumalikod na ito.
Napailing na sinundan niya ang asawa. Ini-expect na niya na mangyayari ito.
Kaagad na sinara niya ang pintuan at naupo sa kama. Inilapag niya ang pera, credit at debit card. Sigurista rin si BK. Baka nga naman hindi siya makabalik ng Pilipinas. Paniguradong uulanin ito ng sermon ng ina kapag nawala siya.
Kinuha niya ang planner at notebook niya. Mukhang kailangan na niyang planuhin ang trip papuntang Scandinavia.
Hinigit niya ang teleponong regalo sa kaniya ni BK. Para naman daw maganda pang-display. ‘Yon ang rason nito. Baka kasi mahiya ito kapga nakita ng iba na ganoon ang telepono niya.
Jot down. ‘Yan ang ginawa niya nang makabasa ng mga blog articles tungkol sa kung paano ba mag-travel pauntang Scandianvia. Kung saan unang pupunta. Nagtigin-tingin na rin siya ng may pinakamurang hotel. Pag-sure na talaga, ibo-book na lang niya talaga. May itenerary na naman na siya. Kahit ang origin ng apelyido niya ay hinanap na rin niya. Kaya alam niya kung saan agad magta-tanong-tanong.
Pangalan lang ng ama ang meron siya. Marami na siyang nakita sa ilang social media na kapangalan ng ama niya. Inaral na rin niya kahit basic language. Ang laki ng Scandinavia, pero sa Norway talaga ang pinaka-routa niya. Sanay lang siya sa Scandinavia kasi ‘yon ang laging sinasabi ng ina. Pero noong nagdalaga siya, hinanap niya talaga sa mga gamit ng ina kung taga-saang ba talaga ang ama niya.
Ang Scandinavia ay sub-region ng Nothern Europe. Tatlong kingdom ang bumubuo sa Scandinavia. Isa na roon ang Norway, kung saan naroon ang ama, Sweeden, at Denmark. Malalamig na lugar. Sanay siya sa lamig, pero ‘pag ganoon kababang klima? Naku, mukhang kailangan niya ng makakapal na jacket.
Sana, makakita siya ng Northern Lights pagpunta. Basta, itatapat niya dapat para sulit naman ang pagpunta niya.
Inabot siya ng ilang oras sa telepono. Marami na siyang naisulat sa notebook niya maliban sa itenerary na naisulat niya. Nakalimutan niyang sabihin kay BK na baka abutin siya ng isang buwan. Siyempre, hindi ganoon kadali maghanap ng taong ayaw magpakita.
Hindi siya nakaramdam ng gutom kaya itinulog na lang niya ang pagod. Sa isip lang naman. Feeling niya kasi, pati katawan niya nag-travel din. Nagising siya, gabi na.
Napahawak siya sa tiyan niya nang makaramdam ng hapdi sa tiyan. Gutom na siya!
Mabilis na ngbihis siya ng summer dress at bumaba. Nagtanong siya sa staff kung saan may kainang malapit. Sinabi nitong puwede naman daw siyang magpaluto pero tinanggihan niya. Kailangan niya ding mag-unwind. Si BK nga kung saan-saan na siguro nagpupunta tapos siya, dito lang?
Dahil talagang gutom na siya, lakad takbo ang ginawa niya. Hindi niya tuloy nakita ang paghinto ng nasa unahan. Nakabunggo tuloy siya.
“Aray!” Sapo niya ang noo nang lingunin siya ng matangkad na lalaki.
“Shit! I’m sorry. Did I hurt you?” anang baritonong boses nito.
“Hindi naman— I mean, no!” bawi niya. Nakalimutan niyang nasa Hawaii siya! Tagalog pa more!
“You're Filipino, I see! Akala ko nabingi lang ako sa sinabi mo’ng aray. I’m Max,” anito sabay lahad ng kamay.
Saglit na tinitigan niya ito. Mukha namang matino. “Daphne,” pakilala niya rito sabay tanggap ng kamay nito.
“Saan ang punta mo at nagmamadali ka, Daphne? Nice name, anyway.”
“Thank you. Doon lang.” Tinuro niya kapagkuwan ang floating restaurant ng hotel nila BK.
“Wow. Papunta rin ako. Mind if I join you? Oops, may kasama ka?” anito.
Ngumiti siya rito. “Sure. Wala akong kasama.” Hindi niya alam kung puwede bang ipagsabi na asawa siya ng may-ari ng hotel and resort na kinatatayuan nila.
“Let’s go,” yakag nito kapagkuwan.
Magkalayo silang dalawa na naglakad. Gusto niya sanang bilisan, kaso baka sabihin ni Max, PG lang. As in patay gutom.
Pilit na tiniis ni Daphne ang tiyan na tumutunog na. Gumagawa pa siya ng sound kapag nararamdaman niyang tutunog ang tiyan.
Napangiwi siyang tumingin kay Max nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Paupo na siya noon.
“I’m sorry. ‘Di na nakaya. Maghapon kasi’ng walang kain. Na-busy kasi,” paumanhin niya rito. Natawa lang ito ng bahagya.
“It’s okay. Mas malakas pa nga ang tunog ng tiyan ko diyan, e.” Tumawa ito. “Bakit ka nga pala narito? Business or whatever?” Alanganing tanong nito.
“Puwedeng secret muna?” aniya rito.
“Okay. Chismoso lang talaga ako minsan.” Sabay silang natawa nito.
Mayamaya lang ay dumating na ang inorder nila. Filipino food ang inhahain dito kay sigurado siyang mapapasarap ang kain niya.
“Thank you,” aniya rito nnag iabot nito ang para sa kan’ya. Actually, ang usapan nila ay hati sila sa gagastusin pero pagdating sa restaurant ay hindi na ito pumayag. Nahiya tuloy siya. Hindi na siya umorder ng madami kahit gusto niyang marami pang kainin.
Akmang susubo siya nang may napansing nakatayo sa gilid nila. Napataas siya ng tingin. Napalunok siya nang makita ang asawang hindi na maipinta ang mukha. Problema kaya nito? Tumingin pa ito kay Max at nakipagsukatan ng tingin.
“Can I borrow my wife?” deretsahang tanong ni BK kay Max.
“W-Wife? Si Daphne?” puno ng pagatatakang tanong ng kaharap.
“Yes. May iba pa bang babae sa harap mo?”
“Oh.” Tumingin sa kan’ya si Max. Nginitian niya ito ng pilit. “S-Sure!” anito.
Pagkarinig ay hinigit ni BK ang kamay niya at hinila siya palabas. Nilingon niya si Max na tumango lang. Para bang sinasabi nitong okay lang. Inalalayan naman siya ni BK makababa lang sa floating restaurant.
Hinarap siya ni BK nang makalayo sa restaurant.
“Wow! Ano ‘yon, Daph? Care to explain, my dear wife!” halata sa boses nito ang inis.
“Grabe ka naman. Kumakain lang naman-”
“Naman? Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung ma-picturan ka doon, na may kasamang ibang lalaki? Tapos i-send kila Mama. Anong gagawin mo, aber?”
May punto naman ang asawa niya. Pero, kain lang naman talaga ang pinunta niya roon. “Sorry,” aniya sa mahinang himig. Napahawak pa siya sa tiyan dahil gutom na talaga siya.
Matagal bago nakaimik si BK.
“Ano’ng gusto mong kainin?” anito kapagkuwan na nakatingin sa tiyan niya.
“Kahit ano.”
Hinigit ulit ni BK ang kamay niya at iginiya pabalik sa hotel. Pagdating doon ay nagsabi itong magpa-akyat ng pagkain sa silid niya. Pinapili srin siya nito bago sila tuluyang umakyat.
“Bukas ka na mamasyal. Gabi na ngayon. Hintayin mo na lang ang pagkain. Magpapahinga na ako,” anito sabay talikod sa kan’ya.
Lagi na lang ganoon ang asawa niya. Tatalikuran kaagad siya.
Wala siyang nagawa kung hindi ang manood na lang movie habang hinihintay ang inorder ng asawa niya. Ilang sandali lang din ang hinintay niya bago dumating ang pagkain. Saka lang niya napagtantong, napakarami pala ng pagkain. Tumingin siya sa pintuan ng silid niya.
Sana saluhan siya ni BK.
KAKATOK SANA SI Daphne nang bumukas ang silid na inuukupa ni BK.“Kumain ka na ba? Baka gusto mo akong sabayan,” alok niya sa asawa.Tinitigan na naman siya nito bago tumango. Ngumiti siya rito ng matamis bago tumalikod.Inayos niya ang mesa at ang platong gagamitin ng asawa. Hindi niya namalayang nakangiti siya habang inihahanda ang mga gagamitin ni BK sa pagkain. Pero napalis iyon nang mapansing titig na titig na naman sa kan’ya ang asawa.“Sorry nga pala sa nangyari kanina. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko. Tama naman ako, ‘di ba? Alalahanin mong nasa hotel tayo na pag-aari ng magulang ko.”Ngumiti siya
“COME HERE, DAPH.” Napalabi siya nang hilahin nito ng kamay niya. Mabilis ang paghila nito kaya hindi niya nakontrol ang sarili, napakandong siya sa asawa.“Perfect,” ani pa nito habang may hawak na selfie stick na may camera.Tumingin ito sa kandungan nito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng asawa na perfect.“Smile, baby.”Tumingin siya sa camera nito pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang endearment nito sa kan'ya. Napangiti siya sa loob-loob niya.Shit! Ang pogi ng asawa niya talaga ‘pag nakangiti!Sa totoo lang, hin
"I'LL HELP YOU, Daph para mapabilis ang pag-alis mo. Gagamitin ko na lang ang koneksyon ko."Napatingin siya sa asawa. Abala siya sa paghuhugas ng pinagkainan nila ng mga sandaling iyon."Talaga? Passport pa lang ang meron ako, e." Wala kasi siyang pera kaya 'yan lang ang nakaya niyang asikasuhin."Ako na ang bahala sa ibang bagay na dapat ayusin." Naupo ito sa counter at pinapanood siya.Ngumiti siya rito ng mabilis bago bumalik sa paghuhugas.Wala siya sa mood makipag-usap dito ng matagal. May kaonting tampo kasi siya rito.Hindi pa rin kasi siya nito pinapayagang pumasok ng trabaho. Inalok
BUMALIK ANG ASAWA niya makalipas ang ilang sandali. Sinabi nitong nakahanda na raw sa kusina ang inorder nito. Mukhang bumabawi sa ginawa nito sa kan’ya. “Sige. Susunod na lang ako,” aniya at tinalikuran ito. Wala na ito sa pintuan nang lingunin niya ulit. Wala silang imikan habang kumakain mayamaya. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig niya ng mga sandaling iyon. Patapos na siya nang tumunog ang doorbell nila. Siya na tumayo para tingnan kung sino iyon. Sinundan lang siya ng tingin ng asawa nanag tumayo siya. Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na babae sa gate nila. Kung hindi siya nagkakamali, iyon sa nadala ni BK nitong mga nakaraan sa bahay nila. Naiiling na lumapit siya sa may gate.
NGAYON LANG YATA siya nahirapang makatulog. Panay kasi ang galaw ng kama nila. Pabaling-baling kasi si BK. Mukhang hindi alam kung paano ang puwesto. Hindi na siya nakatiis, bumaling na siya sa asawa. "Gusto mo bang lumipat ako sa kabilang silid? Hindi naman na siguro babalik ang Mama mo. Isa pa, ni-lock mo na ‘di ba?" Tukoy niya sa pintuan. “No. Baka, biglang kumatok bukas. Paano kung sumilip siya tapos makitang wala ka sa tabi ko? Anong sasabihin ko?” “Eh ‘di sabihin mo, nasa banyo ako. Dapat marunong kang magpalusot. Tutal ginusto mo ‘tong set-up na 'to.” “Hindi ako magaling sa palusot, e.” “Sus.”
NAPAYUKO SI DAPHNE nang makita ang sasakyan ng asawa sa labas ng pinagtatrabahuan niya. Kanina pa ito doon naghihintay sa kan’ya. Sinabihan na nga niya ang kasamahang nauna, na sabihan ang asawa niya na umuwi na siya. Pero mukhang hindi ito naniwala sa kan’ya. Nanatili pa rin ito.“Ginagawa mo?” pang-aasar na sabi ni Amelie nang makita na ganoo ang posisyon niya.“Ayaw niyang umalis, e.” Tukoy niya sa asawa. Sumilip din ito.“Hindi talaga aalis ‘yan. Sabi ko kasi nandito ka pa.” Tumayo siya ng maayos at hinarap ang kaibigan dahil sa narinig.“Kaya naman pala, e.” Kanina pa siya tago ng tago tapos alam pala nito na nandito pa siya. Sayang lang ang pago
SABAY NA NAPATINGIN si BK at Daphne sa bintana nang marinig ang lakas ng hanging humahampas sa bintana nila, na malapit sa komedor.Bukas ang isang bintana kaya dinig nila sa loob ang tunog na nagmumula sa malakas na hangin. Kasunod niyon ang pagtunog ng telepono mula sa sala. Nagkatinginan pa silang dalawa.Si BK ang tumayo para sagutin ang tawag. Kakasimula lang nilang mag-almusal ng mga sadaling iyon.Nakailang subo na siya nang makitang pabalik na si BK.“Si Papa ang tumawag. Cancelled lahat ng flights, local at intenational dahil sa paparating na bagyo,” malakas ang boses nito dahil hindi pa nakakarating sa komedor.Bahagya siyang nalungkot
SAGLIT NA PINUTOL ni BK ang halík sa pagitan nila. Kakapasok lang nila noon sa banyo.Mabilis na hinubaran siya ng asawa pagkababa sa kan’ya. Wala itong itinira ni isa man, maging sa sarili nito.Hinapit siya nito at siniil ng halík kapagkuwan. Iginiya din siya nito papalapit sa dutsang nakabukas na.Napaungol siya sa loob ng bibig nito nang bahagyang panggigilang ng asawa ang kaliwang bahagi ng dibdíb niya, bago lumipat sa kanan.Saglit na tumigil ito sa paghalík sa kan’ya. Lumayo sila sa dutsa. Hinigit nito ang liquid body soap na gamit niya at kumuha ito doon. Sinabon nito ang buong katawan niya kapagkuwan. Napapaungol siya kapag tinatagalan nito sa maselang bah
MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g
"SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat
NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa
“K-KANINA KA PA?” Dayan-dahan siyang kumilos paupo. Maingat dahil baka magising si Mirielle “Kakarating ko lang.” Tulog na tulog pa rin ang anak sa tabi niya nang lingunin niya ulit. Pilit na inabot niya ang saklay niya kapagkuwan. Hindi niya maabot kaya si BK ang kumuha. Hindi na siya kumontra nang alalayan siya nito pababa. “Umuwi na si Emmanuel. Sabihin ko na lang daw sa ‘yo pag gising mo.” Nakaramdam siya ng konsensya. Tinulugan niya kasi ito kanina. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat. “Okay. Sa couch, please,” aniya sa asawa. Nakaalalay sa kan’ya si BK hanggang sa couch. Akmang aalis ito nang magsalita siya. “Mag-usap tayo, BK. Tungkol kay Mirielle. P-paanong nangyaring nabuhay siya? Sabi mo ikaw mismo ang nag-asikaso ng lahat tapos ngayon buhay pala. Matagal mo na bang lihim ito? ‘Yong totoo, BK.” Saglit na tumitig ito sa kan’ya. Marahil nagtataka ito, nakakaalala na siya. Naupo si BK sa tabi niya na nakayuko. “Si Amber ang nakatuklas na buhay ang anak natin. Naroon siy
NAPASINGHAP SI DAPHNE nang biglang lumuhod si BK sa kan’ya. Kaagad na sinapo nito ang mga paa niya at sinipat iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kan’ya. “What happened, baby?” Napalunok siya sa naging tanong nito. What happened ba kamo? Bakit hindi nito tanungin ang sarili nito kung ano ba ang nangyari sa kan’ya? Naikuyom niya ang mga ngipin. Umisang lunok pa siya bago tuluyang sinalubong ang tingin nito. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “B-baby…” puno ng pagtatakang sambit ng asawa. Nagkaroon siya ng temporary amnesia nang mangyari ang aksidenteng iyon pero agad din namang bumalik. Sana nga hindi agad bumalik, para talagang makalimutan niya ang asawa. Kotang-kota na siya sa sakit. “Hindi kita kilala kaya bitawan mo nga ang paa ko. Baka makita ka ng asawa ko. Ayokong maging ng away namin.” Patawarin nawa siya ni Emmanuel. Hindi pa niya kayang harapin si BK sa ngayon. Pakiramdam niya naulit lang ang nakaraan. Buntis din siya noon nang puntahan siya ng asawa matapos na umalis siy
ILANG BESES PANG tumingin si Daphne sa orasan bago tuluyang nahiga. Hanggang ngayon, umaasa siyang uuwi si BK gaya ng sabi nito sa kan’ya. Pero pangalawang gabi na niya ito sa bahay nila na naghihintay dito, pero hindi pa rin ito umuuwi. Ayaw niyang umalis ng bahay nito na hindi ito nakakausap, at ang sabi rin kasi nito, hintayin niya ang pagbabalik nito. Pero bakit wala pa rin? Hindi na niya kayang mag-stay sa bahay nila ng ganito kalungkot. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ng asawa. Nag-o-overthink na siya. Mas mabuti pang hindi sila magkasama sa iisang bubong nito.Ramdam naman niya sa asawa na mahal siya nito pero kailangan pa rin nila ng space. Kailangan niya ng pahinga. Ngayon niya ramdam ang sobrang pagod dahil sa lahat ng mga nangyari sa kan’ya. Hindi pa pala siya nakaka-recover sa lahat ng hirap na naranasan, dumagdag pa ang kasalukuyang problema nila na talagang nagpapahina sa kan’ya. Pakiramdam niya, Sinalo niya ang lahat ng problema ng mundo. P
NAPAHAWAK SI DAPHNE sa ulo nang maramdama ang pagkirot. D*****g din siya kapagkuwan. Hindi pa man niya naiuupo ang sarili sa kama nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Minabuti na lang niyang mahiga muna. Inilinga niya ang tingin sa buong silid. Wala siya sa silid niya. ‘Kanino kayang silid ito?’ tanong niya sa sarili. Natampal niya ang noo niya nang maalala ang professor niya, si Emmanuel Yu. Nasa bahay siya nito siguro. Hindi na kasi niya maalala ang sumunod na nangyari. Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali lang ay pumasok si Emmanuel na may dalang tray. Nakakahiya dahil mukhang ipinagluto pa siya nito. “I’m sorry, Sir...” Sapo niya ang ulo habang iginigiya ang sarili paupo. “You need this soup para mabawasan ang hangover mo,” anito sabay lapag ng dala sa mesang nasa gilid. Ngumiti ito sa kan’ya. “Ubusin mo na lang ‘to muna bago ka bumalik sa pagtulog ulit. Iba-ibang alak ba naman kasi, masakit talaga sa ulo, lalo pa’t hindi ka sanay. Kung gusto mo ring maligo, ma
NAGISING SI DAPHNE sa yugyog ni Amelie.“Daph, gising. Wala kabang pasok bukas? Alas sieyete na, dito ka ba matutulog?”“Akala ko ba puwede ako dito?”“Puwede naman. Ang iniisip ko, ang pasok mo.”“Pahiramin mo na lang ako ng damit. Dala ko naman ang mga kailangan ko sa school.”Wala naman sigurong quiz kaya ayos lang na hindi siya mag-aral.“Sure.” Seryosong tumitig ito sa kan’ya kapagkuwan. “Nag-text ang asawa mo, anong sasabihin ko?”“Sabihin mo wala ako dito. Te-text ko na lang siya na May group work kami, kailangan kong mag-sleep over para matapos.”Tumango ang kaibigan. “Ikaw ang bahala.” “Salamat, Amelie.”Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kaibigan ng seryoso.“Anong gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin ang maganda kong gawin. Wala akong maisip. Hindi ko rin alam kung paano sasabihing alam ko.”Bumontonghininga si Amelie at naupo sa tabi niya.“Hindi ako perpektong babae, Daph. Hindi ko alam kung puwede mong paniwalaan ang mga sasabihin ko. Pero sa tingin ko, dapat n
NAPAPITLAG SI DAPHNE nang marinig ang malakas na busina sa labas. Walang guard dahil nagpaalam sa kan’ya saglit na maghuhulog daw ng pera sa kamag-anak nito sa labas lang ng subdibisyong kinaroroonan nila. Naka-lock ang gate sa utos niya dahil wala nga ito. Kaya hindi rin mabubuksan agad ni BK, kung ito nga ang nasa labas nila. Isa ‘yon sa feature ng gate nila. Tanging nasa loob lamang ang may kakayahang magbukas.Tinuyo niya ang kamay ng malinis na kitchen towel saka tumalima palabas ng bahay. Si BK nga. Bumaba ito at sinisipat ang loob ng guard house mula sa labas.Mapaklang ngiti ang iginanti niya sa asawa nang kumaway ito. Parang wala lang?Tinalikuran niya ito at bumalik sa pintuan. May ginalaw siya sa screen para mabuksan nito ang gate. Bumalik na rin siya sa kusina kapagkuwan.Maghapon niyang inabala ang sarili sa paglilinis ng bahay. Gusto niyang ukupahin ang isip ng kung anu-ano. Ayaw niyang mag-isip masyado dahil kailangan niya bukas ang sarili, bukas kasi ang schedule niya