Home / Romance / Taming My Husband / Chapter 3: Honeymoon

Share

Chapter 3: Honeymoon

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2022-02-26 16:08:14

TININGNAN NI DAPHNE si BK matapos siya nitong batiin. As if naman, siya lang ang ikinasal.

“‘Yong usapan natin, huh?” Tinutukoy niya ang trip niya papuntang Scandinavia. Excited pa naman siyang mag-ayos ng mga papeles.

“Don’t worry, kahit saang bansa mo pa gusto, mapupuntahan mo. Basta ‘wag mong kalimutan ang usapan natin.”

Napangiti siya sa narinig. Siya pa ba? Kahit anong gawin nito wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kan’ya makapunta ng Scandinavia. Mabilis naman ang annulment kapag may pera. 

“Congratulations, bunso and Daphne!” masayang bati ni Andy sa kanila. Kasama nito ang asawa at mga anak nito. Gumanti rin siya dito ng yakap nang yakapin siya nito.

“Thank you,” nahihiyang sabi niya rito.

“Congratulations on getting married,” dinig niyang sabi ng asawa ni Andy sa asawa niya. Tumingin ito sa kan’ya kapagkuwan. Nakipagbeso din ito sa kaniya bago siya binati.

Mayamaya lang din ay lumapit sa kanila ang panganay na kapatid ni BK na si Astin. Kamukha rin ama nito pero mas kuhang-kuha ng asawa ang lahat ng features a ng ama nito.

Pakiramdam niya dumidikit na sa mukha niya ang mga pisngi ng kamag-anak ni BK. Ang dami naman kasi. Sa tingin niya, hindi lang kamag-anak ang naroon, mga malalapit na kaibigan din yata. Pero hindi magugulo tingnan. At galing din sa buena familia ang mga ito. Siya lang yata ang pulubi sa mga naroon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya.

Napangiti rin siya sa sarili, umalis siyang single kanina tapos uuwi siyang may asawa na. Paniguradong magtatampo ang kaibigan niya dahil hindi ito naimbitahan.

Nakakapagod pala kapag ikinasal. Kakabihis lang niya at damit muna ni BK ang suot niya. Wala naman kasi siyang dala.

Napatingin siya sa sala ng mansion ng mga Hernandez. Nagsi-uwian na ang mga bisita. Ang daming regalo. Hindi niya akalaing prepared ang mga bisita sa regalo. Ibig sabihin, naabisuhan na ang mga ito ng maaga.

Napatingin siya kay BK nang lumapit ito sa kan’ya. Inakay siya nito papasok ng silid nito kapagkuwan.

“Nasayo ba ‘yong sobre na galing kay Mama?” anito ng asawa nang makapasok sila. 

Kinuha niya ang sobre'ng ipinasok kanina sa dibdib. “What the f*ck, Daph!  Diyan mo talaga nilagay?” ani ni BK na hindi makapaniwala. 

"Mabango naman 'to, e!" Inabot niya dito ang envelope na medyo nayupi na. 

"Damn! Gusot na rin." Sinipat nito iyon sabay iling

"Ano ba kasi 'yan?"

Lumapit siya rito para tingnan iyon. Ganoon  na lang ang pagkamangha niya nang makitang ticket iyon papuntang Hawaii.

"Oh my God! Hawaii?!" bulalas niya nang makita iyon.

“Yeah. Gusto nilang mag-honeymoon tayo d’yan. At ini-expect nilang may laman na ‘yan pagbalik natin.” Ngumuso pa ito sa tiyan niya.

“Aww! Gano’n? Paano ‘yan?” bahagya siyang nalungkot.

“Siyempre, sabihin nating oo. Malay ba naman nila kung ginawa talaga natin o hindi. 'Di ba? ” Ngumisi ang asawa niya at kinurot siya nito sa pisngi.

"Aray ko naman!" Tiningan niya ito ng masama. "'Yong trip ko, huh?!" paalala niya rito. 

Pumorma lang kamay nito ng heart at nagpatihulog na sa kama. Naiiling na sinundan niya ito ng tingin. Pagod na siguro. Late naman na talaga kasi. Kahit siya, pagod na rin gusto na niyang mahiga. Nang maalala ang mga regalo ay ginising niya ito.

"Paano pala 'yong mga regalo sa sala?" 

"Hmmn… Bukas na 'yon. Matulog na tayo," anito sabay kabig sa kan'ya pahiga. 

Hindi na siya nito pinakawalan. Mahigpit na niyakap siya nito habang  nakapatong sa hita niya ang binti nito. Awkward tingnan pero hinayaan na ang niya.

Nagising sila kinabukasan sa sunod-sunod na katok. Siya na ang nagbukas dahil tulog na tulog pa si BK.

"Anong oras na, anak. Bakit hindi pa kayo nakahanda?" anang ina ni BK nang pagbuksan niya.

"P-po?" aniyang naguguluhan.

"Hindi ba nabanggit sa'yo anak ni BK, na bukas ang alis niyo papuntang Hawaii? Aba'y kailangan niyo ng mag-ayos ng mga gamit niyo. May passport ka naman yata, 'di ba?"

Napaawang siya ng labi. Bukas na kaagad? Ang bilis naman yata. Pero, sabagay, kinabukasan talaga ang alis ng mga honeymooners. O 'di kaya, after ng ceremony kung local lang.

"Opo, meron po." Naman, may passport na talaga siya dahil sa nakatakdang trip niya pa-Scandinavia. Malakas kasi ang kutob niya noon na makakagawa siya ng paraan para makapunta doon. Kaya, inuna niya ang passport since matagal naman ang expiration.

"Good. Gisingin mo na si BK para makapamili na kayo ng mga dadalhin. Nakahanda na rin ang almusal. Okay?" 

"Sige po, Ma'am." Ngumiti siya dito pero napalis nang mapansing hindi ito gumanti.

"I told you, hija. Mama. 'Yan na ang itatawag mo sa akin since mag-asawa na kayo ng anak ko."

"Mama," aniya na lang.

Ngumiti ang ginang sa kan'ya. "See? Masarap pakinggan, hija. O siya, sunod kayo, huh? Pababa na rin ang Papa niyo."

Napangiti siya sa sinabi ng ginang. Wala talaga siyang masabi rito. Napakabait kasi at tanggap siya. Malambing pa magsalita. Hay…

KAAGAD na ginising niya si BK para sabihin ang lahat ng napag-usapan nila ng ina nito. Hindi raw natandaan ni BK na kinabukasan ang biyahe nila para mag-honeymoon. 

Naging sunod-sunuran lang sila sa ina nito. Sumama kasi ito sa kanilang mag-asawa. Namili sila ng mga gagamitin sa Hawaii, especially mga  beach wear, na kailanman ay hindi siya nakagamit. Kung maliligo kasi sila sa dagat, shorts at T-shirts lang sapat na. Pero itong pinili ng ginang? Mga swimsuit! Kita na Ang kinabuhi niya. Nakakahiya magsuot niyon. 

"Paano 'yan, hindi ako nagsusuot ng mga ganiyan?" aniya sa asawa nang bulatlatin niya iyon sa harap ni BK. Tinawanan lang siya nito. 

"Seriously?" anito kapagkuwan.

"Oo. As in, BK!"

"Bakit?"

"Siyempre, mahirap lang kami. Tsaka sa probinsya, hindi uso 'yan."

Tumango-tango naman ito sa sagot niya. "Try mo kayang sukatin kung bagay sa'yo," suhestiyon nito.

Napaangat siya ng kilay. "Sigurado ka? Baka masagwaan ka," 

"Tsk. Ako pa ba, Daph? Sanay akong makakita ng húbo't-húbad. Remember, honeymoon natin 'yon. At ini-expect nilang magsu-suot ka niyan, lalo na si Mama dahil siya ang bumili niyan. Sige ka, magtatampo 'yon. Malambot pa naman 'yon."

Napaisip siya bigla. Oo nga naman, ang ginang ang bumili, dapat lang na suotin niya. 

"Sige na nga. Ta-try ko lang kung bagay." Naglakad na siya papasok ng banyo para magbihis. 

Napangiwi siya sa harap ng salamin nang makita ang kabuohan niya. Bagay sa kan'ya pero nakakahiya dahil ito ang unang beses na magsusuot siya ng ganito ka daring na suot. Two-piece suit kaya halos kita ang kaluluwa niya. Kahit na natatakpan ang pang-upo niya, nakakailang pa rin.

"Are you done, Daph?"

Napatingin siya sa pintuan nang tawagin siya ni BK. Kasabay kasi niyon ang katok nito.

Napalunok siya. Parang ayaw niyang lumabas ng banyong iyon. Baka masagwaan nga si BK sa ayos niya.

"Okay na! Doon ko na lang siguro susukatin-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si BK. Hindi pala niya na-ilock.

"Can I see-" 

Napalunok siya nang mapatigil si BK. Hinagod  din nito ang kabuohan niya. Siguradong napapangitan ito ngayon base sa reaksyon nito.

Matagal bago nakahuma ang asawa niya. Kita pa niya ang pagpilig ng mukha nito.

"Nice," ani lang nito bago tumalikod.

"'Yon lang?" aniya sa sarili.

Ang sagwa niya siguro tingnan nga kaya nagmadali na lang siya ng bihis saka lumabas. May iniinom na alak ang asawa niya nang madatnan ito. 

Malungkot na ibinalik niya ang mga pinamili ng ginang sa paper bag. Mukhang hindi nagustuhan ni BK, 'di na kasi siya nito pinansin. 

Naglatag siya ng extrang mat sa sahig para ayusin ang mga damit niya pati kay BK na dadalhin. Dumaan silang mag-asawa sa bahay nila ng kaibigan para kumuha ng ilang gamit niya kanina. Bukas na kasi ang flight nila papuntang Hawaii. 

Unang labas niya ito ng bansa kung sakali, kaya exciting. Pero honeymoon nila ito. Magiging masaya kaya? Ano kaya ang gagawin nila pagdating doon? Tapos two weeks? Ang tagal no'n!

Nauna siyang matulog kay BK dahil lumabas pa ito kasama ang kaibigan nito. Hindi na niya alam kung anong oras itong nakauwi. Basta nagising siya na umaga na.

Mahigit 12 hours ang ibiniyahe nila mula Moore Airport hanggang Honolulu. Mahigit kalahating oras din bago makarating ng hotel na tutuluyan.

May chauffeur din namang nagsundo sa kanila na tauhan pala nila BK. Hindi niya akalaing pag-aari ng pamilya nito ang hotel na pupuntahan nila. So, ibig sabihin maraming mata nito kung sakali. 

"We need two rooms," bulong ni BK sa kan'ya na ikinatanga niya.

"B-bakit?"

“Marami akong lakad. Baka maistorbo lang kita. Kapag magkahiwalay tayo ng room, magagawa mo ang lahat ng gusto mo,” pandedemonyo nito sa kan’ya. 

Napaisip siya sa sinabi ni BK.

Oo nga, noh? Paano kung magdala ito ng mga kakilala at babae nito, tapos nandoon siya? Eh ‘di, nakakailang. Nakakahiya pa.

Kagaya ng napag-usapan nila ng asawa, bukod sila ng silid pagdating sa hotel. Magkatabi lang naman. Nakausap na rin ni BK ang ilang staff na ‘wag sanang makarating sa magulang nito ang set-up nilang mag-asawa.

Comments (13)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ano BK sobrang naseksihan Kaba Kay Daphne..Ang tagal ng honeymoon nyo pro Hindi nman kayo magkasama sa kwarto BK at Daphne.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Glodielyn Velasco Pabalan Banogon
mukang nabighani c bk ky daph aahh,natulala at nice lng ang nasabi......
goodnovel comment avatar
🦋VioletFreya🦋
Ano BK waley ka masabi sa sinukat ni Daphne nuh nagandahan kaba?haha......Honeymoon na taliwas may kanya kanya silang gagawin..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Taming My Husband   Chapter 4: Angry

    NAPATITIG SI DAPHNE sa sarili mula sa salamin. Kumibot pa ang labi niya bago tumingin banda sa pang-upo kung masagwa ba ang suot. Sinubukan niya ring maglakad pero naiilang siya. Buti na lang may cover-up na kasama. Kita kasi ang pisngi ng pang-upo niya. Napatigil siya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Kasunod niyon ang tinig ni BK. “Sandali!” sigaw niya at nagmadaling hinubad ang swimwear na sinukat. Napalunok siya nang mabungaran si BK na bagong paligo at mukhang may lakad. “Labas lang ako. If nagugutom ka, tawag ka na lang sa baba or kumain ka sa labas.” May inabot itong card kapagkuwan. May dolyar din. Siyempre, kinuha niya.

    Last Updated : 2022-03-03
  • Taming My Husband   Chapter 4.1: BK

    KAKATOK SANA SI Daphne nang bumukas ang silid na inuukupa ni BK.“Kumain ka na ba? Baka gusto mo akong sabayan,” alok niya sa asawa.Tinitigan na naman siya nito bago tumango. Ngumiti siya rito ng matamis bago tumalikod.Inayos niya ang mesa at ang platong gagamitin ng asawa. Hindi niya namalayang nakangiti siya habang inihahanda ang mga gagamitin ni BK sa pagkain. Pero napalis iyon nang mapansing titig na titig na naman sa kan’ya ang asawa.“Sorry nga pala sa nangyari kanina. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko. Tama naman ako, ‘di ba? Alalahanin mong nasa hotel tayo na pag-aari ng magulang ko.”Ngumiti siya

    Last Updated : 2022-03-11
  • Taming My Husband   Chapter 4.2: First Day

    “COME HERE, DAPH.” Napalabi siya nang hilahin nito ng kamay niya. Mabilis ang paghila nito kaya hindi niya nakontrol ang sarili, napakandong siya sa asawa.“Perfect,” ani pa nito habang may hawak na selfie stick na may camera.Tumingin ito sa kandungan nito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng asawa na perfect.“Smile, baby.”Tumingin siya sa camera nito pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang endearment nito sa kan'ya. Napangiti siya sa loob-loob niya.Shit! Ang pogi ng asawa niya talaga ‘pag nakangiti!Sa totoo lang, hin

    Last Updated : 2022-03-13
  • Taming My Husband   Chapter 5: Bumped

    "I'LL HELP YOU, Daph para mapabilis ang pag-alis mo. Gagamitin ko na lang ang koneksyon ko."Napatingin siya sa asawa. Abala siya sa paghuhugas ng pinagkainan nila ng mga sandaling iyon."Talaga? Passport pa lang ang meron ako, e." Wala kasi siyang pera kaya 'yan lang ang nakaya niyang asikasuhin."Ako na ang bahala sa ibang bagay na dapat ayusin." Naupo ito sa counter at pinapanood siya.Ngumiti siya rito ng mabilis bago bumalik sa paghuhugas.Wala siya sa mood makipag-usap dito ng matagal. May kaonting tampo kasi siya rito.Hindi pa rin kasi siya nito pinapayagang pumasok ng trabaho. Inalok

    Last Updated : 2022-03-17
  • Taming My Husband   Chapter 5.1: His Parents

    BUMALIK ANG ASAWA niya makalipas ang ilang sandali. Sinabi nitong nakahanda na raw sa kusina ang inorder nito. Mukhang bumabawi sa ginawa nito sa kan’ya. “Sige. Susunod na lang ako,” aniya at tinalikuran ito. Wala na ito sa pintuan nang lingunin niya ulit. Wala silang imikan habang kumakain mayamaya. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig niya ng mga sandaling iyon. Patapos na siya nang tumunog ang doorbell nila. Siya na tumayo para tingnan kung sino iyon. Sinundan lang siya ng tingin ng asawa nanag tumayo siya. Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na babae sa gate nila. Kung hindi siya nagkakamali, iyon sa nadala ni BK nitong mga nakaraan sa bahay nila. Naiiling na lumapit siya sa may gate.

    Last Updated : 2022-04-01
  • Taming My Husband   Chapter 5.2: Pleasure

    NGAYON LANG YATA siya nahirapang makatulog. Panay kasi ang galaw ng kama nila. Pabaling-baling kasi si BK. Mukhang hindi alam kung paano ang puwesto. Hindi na siya nakatiis, bumaling na siya sa asawa. "Gusto mo bang lumipat ako sa kabilang silid? Hindi naman na siguro babalik ang Mama mo. Isa pa, ni-lock mo na ‘di ba?" Tukoy niya sa pintuan. “No. Baka, biglang kumatok bukas. Paano kung sumilip siya tapos makitang wala ka sa tabi ko? Anong sasabihin ko?” “Eh ‘di sabihin mo, nasa banyo ako. Dapat marunong kang magpalusot. Tutal ginusto mo ‘tong set-up na 'to.” “Hindi ako magaling sa palusot, e.” “Sus.”

    Last Updated : 2022-04-02
  • Taming My Husband   Chapter 6: Good Morning

    NAPAYUKO SI DAPHNE nang makita ang sasakyan ng asawa sa labas ng pinagtatrabahuan niya. Kanina pa ito doon naghihintay sa kan’ya. Sinabihan na nga niya ang kasamahang nauna, na sabihan ang asawa niya na umuwi na siya. Pero mukhang hindi ito naniwala sa kan’ya. Nanatili pa rin ito.“Ginagawa mo?” pang-aasar na sabi ni Amelie nang makita na ganoo ang posisyon niya.“Ayaw niyang umalis, e.” Tukoy niya sa asawa. Sumilip din ito.“Hindi talaga aalis ‘yan. Sabi ko kasi nandito ka pa.” Tumayo siya ng maayos at hinarap ang kaibigan dahil sa narinig.“Kaya naman pala, e.” Kanina pa siya tago ng tago tapos alam pala nito na nandito pa siya. Sayang lang ang pago

    Last Updated : 2022-04-03
  • Taming My Husband   Chapter 6.1 : Under The Rain

    SABAY NA NAPATINGIN si BK at Daphne sa bintana nang marinig ang lakas ng hanging humahampas sa bintana nila, na malapit sa komedor.Bukas ang isang bintana kaya dinig nila sa loob ang tunog na nagmumula sa malakas na hangin. Kasunod niyon ang pagtunog ng telepono mula sa sala. Nagkatinginan pa silang dalawa.Si BK ang tumayo para sagutin ang tawag. Kakasimula lang nilang mag-almusal ng mga sadaling iyon.Nakailang subo na siya nang makitang pabalik na si BK.“Si Papa ang tumawag. Cancelled lahat ng flights, local at intenational dahil sa paparating na bagyo,” malakas ang boses nito dahil hindi pa nakakarating sa komedor.Bahagya siyang nalungkot

    Last Updated : 2022-04-06

Latest chapter

  • Taming My Husband   THE END (With Teaser)

    MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g

  • Taming My Husband   Chapter 64: Proposal

    "SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat

  • Taming My Husband   Chapter 63: Threat

    NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa

  • Taming My Husband   Chapter 62: Walkout

    “K-KANINA KA PA?” Dayan-dahan siyang kumilos paupo. Maingat dahil baka magising si Mirielle “Kakarating ko lang.” Tulog na tulog pa rin ang anak sa tabi niya nang lingunin niya ulit. Pilit na inabot niya ang saklay niya kapagkuwan. Hindi niya maabot kaya si BK ang kumuha. Hindi na siya kumontra nang alalayan siya nito pababa. “Umuwi na si Emmanuel. Sabihin ko na lang daw sa ‘yo pag gising mo.” Nakaramdam siya ng konsensya. Tinulugan niya kasi ito kanina. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat. “Okay. Sa couch, please,” aniya sa asawa. Nakaalalay sa kan’ya si BK hanggang sa couch. Akmang aalis ito nang magsalita siya. “Mag-usap tayo, BK. Tungkol kay Mirielle. P-paanong nangyaring nabuhay siya? Sabi mo ikaw mismo ang nag-asikaso ng lahat tapos ngayon buhay pala. Matagal mo na bang lihim ito? ‘Yong totoo, BK.” Saglit na tumitig ito sa kan’ya. Marahil nagtataka ito, nakakaalala na siya. Naupo si BK sa tabi niya na nakayuko. “Si Amber ang nakatuklas na buhay ang anak natin. Naroon siy

  • Taming My Husband   Chapter 61: The Truth

    NAPASINGHAP SI DAPHNE nang biglang lumuhod si BK sa kan’ya. Kaagad na sinapo nito ang mga paa niya at sinipat iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kan’ya. “What happened, baby?” Napalunok siya sa naging tanong nito. What happened ba kamo? Bakit hindi nito tanungin ang sarili nito kung ano ba ang nangyari sa kan’ya? Naikuyom niya ang mga ngipin. Umisang lunok pa siya bago tuluyang sinalubong ang tingin nito. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “B-baby…” puno ng pagtatakang sambit ng asawa. Nagkaroon siya ng temporary amnesia nang mangyari ang aksidenteng iyon pero agad din namang bumalik. Sana nga hindi agad bumalik, para talagang makalimutan niya ang asawa. Kotang-kota na siya sa sakit. “Hindi kita kilala kaya bitawan mo nga ang paa ko. Baka makita ka ng asawa ko. Ayokong maging ng away namin.” Patawarin nawa siya ni Emmanuel. Hindi pa niya kayang harapin si BK sa ngayon. Pakiramdam niya naulit lang ang nakaraan. Buntis din siya noon nang puntahan siya ng asawa matapos na umalis siy

  • Taming My Husband   Chapter 60: New Life

    ILANG BESES PANG tumingin si Daphne sa orasan bago tuluyang nahiga. Hanggang ngayon, umaasa siyang uuwi si BK gaya ng sabi nito sa kan’ya. Pero pangalawang gabi na niya ito sa bahay nila na naghihintay dito, pero hindi pa rin ito umuuwi. Ayaw niyang umalis ng bahay nito na hindi ito nakakausap, at ang sabi rin kasi nito, hintayin niya ang pagbabalik nito. Pero bakit wala pa rin? Hindi na niya kayang mag-stay sa bahay nila ng ganito kalungkot. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ng asawa. Nag-o-overthink na siya. Mas mabuti pang hindi sila magkasama sa iisang bubong nito.Ramdam naman niya sa asawa na mahal siya nito pero kailangan pa rin nila ng space. Kailangan niya ng pahinga. Ngayon niya ramdam ang sobrang pagod dahil sa lahat ng mga nangyari sa kan’ya. Hindi pa pala siya nakaka-recover sa lahat ng hirap na naranasan, dumagdag pa ang kasalukuyang problema nila na talagang nagpapahina sa kan’ya. Pakiramdam niya, Sinalo niya ang lahat ng problema ng mundo. P

  • Taming My Husband   Chapter 59: Last Kiss

    NAPAHAWAK SI DAPHNE sa ulo nang maramdama ang pagkirot. D*****g din siya kapagkuwan. Hindi pa man niya naiuupo ang sarili sa kama nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Minabuti na lang niyang mahiga muna. Inilinga niya ang tingin sa buong silid. Wala siya sa silid niya. ‘Kanino kayang silid ito?’ tanong niya sa sarili. Natampal niya ang noo niya nang maalala ang professor niya, si Emmanuel Yu. Nasa bahay siya nito siguro. Hindi na kasi niya maalala ang sumunod na nangyari. Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali lang ay pumasok si Emmanuel na may dalang tray. Nakakahiya dahil mukhang ipinagluto pa siya nito. “I’m sorry, Sir...” Sapo niya ang ulo habang iginigiya ang sarili paupo. “You need this soup para mabawasan ang hangover mo,” anito sabay lapag ng dala sa mesang nasa gilid. Ngumiti ito sa kan’ya. “Ubusin mo na lang ‘to muna bago ka bumalik sa pagtulog ulit. Iba-ibang alak ba naman kasi, masakit talaga sa ulo, lalo pa’t hindi ka sanay. Kung gusto mo ring maligo, ma

  • Taming My Husband   Chapter 58: The truth

    NAGISING SI DAPHNE sa yugyog ni Amelie.“Daph, gising. Wala kabang pasok bukas? Alas sieyete na, dito ka ba matutulog?”“Akala ko ba puwede ako dito?”“Puwede naman. Ang iniisip ko, ang pasok mo.”“Pahiramin mo na lang ako ng damit. Dala ko naman ang mga kailangan ko sa school.”Wala naman sigurong quiz kaya ayos lang na hindi siya mag-aral.“Sure.” Seryosong tumitig ito sa kan’ya kapagkuwan. “Nag-text ang asawa mo, anong sasabihin ko?”“Sabihin mo wala ako dito. Te-text ko na lang siya na May group work kami, kailangan kong mag-sleep over para matapos.”Tumango ang kaibigan. “Ikaw ang bahala.” “Salamat, Amelie.”Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kaibigan ng seryoso.“Anong gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin ang maganda kong gawin. Wala akong maisip. Hindi ko rin alam kung paano sasabihing alam ko.”Bumontonghininga si Amelie at naupo sa tabi niya.“Hindi ako perpektong babae, Daph. Hindi ko alam kung puwede mong paniwalaan ang mga sasabihin ko. Pero sa tingin ko, dapat n

  • Taming My Husband   Chapter 57: Pain

    NAPAPITLAG SI DAPHNE nang marinig ang malakas na busina sa labas. Walang guard dahil nagpaalam sa kan’ya saglit na maghuhulog daw ng pera sa kamag-anak nito sa labas lang ng subdibisyong kinaroroonan nila. Naka-lock ang gate sa utos niya dahil wala nga ito. Kaya hindi rin mabubuksan agad ni BK, kung ito nga ang nasa labas nila. Isa ‘yon sa feature ng gate nila. Tanging nasa loob lamang ang may kakayahang magbukas.Tinuyo niya ang kamay ng malinis na kitchen towel saka tumalima palabas ng bahay. Si BK nga. Bumaba ito at sinisipat ang loob ng guard house mula sa labas.Mapaklang ngiti ang iginanti niya sa asawa nang kumaway ito. Parang wala lang?Tinalikuran niya ito at bumalik sa pintuan. May ginalaw siya sa screen para mabuksan nito ang gate. Bumalik na rin siya sa kusina kapagkuwan.Maghapon niyang inabala ang sarili sa paglilinis ng bahay. Gusto niyang ukupahin ang isip ng kung anu-ano. Ayaw niyang mag-isip masyado dahil kailangan niya bukas ang sarili, bukas kasi ang schedule niya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status