"Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.
Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan.
"Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.
Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!
"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.
Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.
Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang kami.
"Ang bilis mo namang makalimot, Ate. Parang kahapon lang sinet-up mo pa akong nagnakaw, ah?" Nakangising saad ko rito.
Karamihan ng mga tao sa na nandito sa loob ay napasinghap sa sinabi ko.
"May Ate pala si Alisha,"
"Yes, anak pala siya ng isang sikat na business tycoon eh. Pero, bakit nasa showbiz industry si Alisha?"
"Mukhang hindi siya in good terms sa pamilya niya."
Dinig ko sa iilang nagbubulungan. Malamang ay fans ko dahil kilala ako. Pero, kilala din pala ang Ate ko dahil anak daw kuno ng sikat na business tycoon.
"Wala akong kapatid na artista. Binayaran ka ba ng kapatid ko para siraan ako? Pero, wala 'yong pambayad sa isang utusan." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
Sarkastiko akong tumawa. "Yes, wala siyang pambayad sa isang utusan dahil kaya niyang humarap mismo sa taong may kasalanan sa kaniya. Kaya niya rin itong siraan harap-harapan, nasa harap mo na nga siya ngayon eh." Mahabang lintanya ko sa kaniya. Ngunit, tila sarado ang isip niya.
Humalakhak ito. "You know what? Nangangarap ka bang maging kapatid ko? Naku, kung ako sa'yo huwag 'yon. Mukha kayang manang 'yon at ang dami pa niyang pimples. Like eww?" Aniya na tumatawa.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon iniisip niya na kapag nakita niya ako ganoon pa rin ang hitsura ko?
Naramdaman kong dumikit sa akin si Markus. Inilapit nito ang kaniyang bibig sa tainga ko.
"Alisha, tama na 'yan, dumadami na ang mga tao. May mga reporters na rin sa labas, hindi sila kaya ng dala nating bodyguards." Bulong nito sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Bagkus, kinuha ko ang isang cup ng coffee ng isang netizen na malapit sa amin ni Markus.
Tinanggal ko ang takip nito at dahan-dahang ibinuhos sa dress niyang kulay pula na above the knee.
Napanganga siya sa ginawa ko.
"What the?" Hindi mai-drawing ang mukha niya. Tila uusok na ang kaniyang ilong.
Matamis muli akong ngumiti sa kaniya. "Ayan, kape para sa'yo, kasing pait nang ugali mo!" Huling sinabi ko sa kaniya bago lumabas ng restaurant. Nawalan na ako nang ganang kumain. Nakakita kasi ako ng insekto na hindi dapat makita.
Hindi niya ako marahil makilala dahil kilala ako bilang Alisha Reyes. Well, pinalitan ko ang apelyido ko. Screen name ko lang ang Alisha Reyes.
Nilagpasan ko ang mga reporters, nakasunod sa akin si Markus pati na rin ang mga bodyguards.
Tiyak na headline agad ako nito mamaya.
Pumasok agad ako sa sasakyan, pagka-upo ko ay siyang pasok din naman ni Markus.
"Hindi mo na naman napigilan ang sarili mo, Alisha Dalene? Pinigilan na kita, hindi ka pa rin tumigil." Kunot ang noong saad nito habang ini-start ang engine ng sasakyan. Galit na siya, tinawag na ako sa full name ko.
"Sorry na, hindi ko mapigilan eh. Matagal ko nang tinatago ang pagkamuhi ko sa kanila, ngayon ko lang nailabas, Markus." Mahinahon kong sagot sa kaniya.
"Okay lang naman na gawin mo 'yung ganoon, pero next time na gumawa ka nang gano'n, doon sa walang tao." Suhestiyon nito. Bahagya akong ngumiti sa kaniya.
A good manager and a good friend in one person. Sobrang thankful ko noong nakilala ko si Markus.
Akala ko noong una na inalok niya akong maging artista gino-good time niya lang ako. Akala ko mai-scam ako.
"Inom na lang tayo sa bahay, Markus?" Hinging permiso ko rito. Minsan kasi hindi ako pinapayagan nitong uminom dahil iba ako kapag napaparami ang nainom.
Bumabyahe na kami pauwi ng bahay. Nakasunod din sa amin ang mga bodyguards.
"I'm sorry, hindi natuloy 'yung treat kong dinner sa'yo. Ilista mo nalang utang ko," hinging paumanhin ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito sa akin saka inabot ng isang kamay niya ang ulo ko at ginulo na naman ang buhok ko.
"We can drink, pero konti lang ah?" Pagpayag nito sa gusto ko.
Dumaan muna kami sa isang convenient store. Si Markus nalang ang bumaba. Pagbalik niya ay may dala na siyang soju. My favorite drink.
Nagpalit lang ako ng pambahay na damit nang maka-uwi ako sa bahay bago kami mag-inuman sa sala ni Markus.
Binuksan niya rin ang maliit na bluetooth speaker at kino-connect niya sa kaniyang cellphone saka nag-play ng music.
Medyo mahina lang para magkarinigan naman kami.
"Gusto kong sirain ang buhay niya, Markus." Tulala kong kausap sa kaniya. Nasa maliit na baso lang ang tingin ko habang bahagyang pinupukpok sa mesa ang bote ng soju na hawak ko.
Magkatabi kaming nakasalampak sa sahig habang ang likod namin ay nakasandal sa sofa.
"Sa palagay mo ba, kapag nasira mo ang buhay niya magiging masaya ka na?" Tanong nito. Nakataas ang isa niyang paa, nakatukod ang kamay niya sa kaniyang paa habang ang tingin niya ay nasa maliit na basong hawak niya.
"Oo. Magiging masaya ako kapag nasaktan siya. Gusto kong iparanas sa kaniya ang sakit na pinaranas niya sa akin." Malakas akong napabuntong-hininga, mahigpit na rin ang hawak ko sa boteng hawak ko.
Tumungga ako sa bote, hindi na gumamit ng baso.
"Kung wala ka, siguro tuluyan nang nasira ang buhay ko. Kaya sobra-sobra akong nagpapasalamat kay God dahil binigay ka niya sa akin." Saad ko sa kaniya saka lumingon sa katabi ko.
Pero, ang walanghiya!
Nakayuko at natutulog na.
Parang pinipiga ang puso kong makita siyang ganito. Pagod na siya, pero pinili niya pa ring samahan ako at pakinggan ako sa pag-e-emote ko. Mula sa pagsundo, hanggang inaya ko pa siya ng dinner na hindi naman natuloy.
Being an architect and a manager is not easy. Sabi ko, maghahanap na lang ako ng ibang manager para makapag-focus siya sa propesyon niya dahil iyon ang gusto niya. Pero, hindi siya pumayag.
Tinanggal ko sa kaniyang kamay ang basong hawak niya saka nilagay sa mesa. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay niya sa balikat ko at itinayo siya para maihiga sa sofa. Malaki laki naman ang sofa, kasya naman siya.
Nilagay ko ang maliit na pillow sa ulunan niya nang maihiga ko siya.
Niligpit ko muna ang mga bote na nagamit namin bago ako pumanhik patungo sa kwarto ko.
Nag-set muna ako ng alarm sa cellphone ko para magising ako nang maaga dahil balak kong mag-jogging.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Naalala ko na nag-alarm pala ako.
Agad akong umalis sa aking kama saka tumungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Nagsuot lang ako ng leggings at sports bra na pinaresan ng rubber shoes.
Dahan-dahan akong bumaba sa kusina para kumuha ng tumble at lagyan ng tubig. Tahimik akong kumilos dahil baka magising si Markus. Pagod pa naman iyon.
Maingat ko ding sinarado ang pintuan.
Paglabas ko ng gate ay siyang bukas din ng gate ng kapitbahay ko.
Nagkatinginan kaming dalawa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito. Siya iyong kapitbahay kong pinagpantasyahan ko kahapon.
Tila uminit ang pisngi ko nang maalala ko iyon.
Nauna akong umiwas ng tingin sa kaniya. Bahagya akong nag-jog palayo sa kaniya.
Nagdadasal ako sa isip ko na sana hindi kami pareho ng lugar na pagtatakbuhan. Tiyak na hindi ko na naman siya mapipigilang pagpantasyahan. Ang napansin ko lang sa kaniya kanina ay naka-sando lang siya at may nakalagay na headphone sa ulo niya.
Naririnig kong nagja-jog din siya kasunod ko. Nang bahagyang mapagod ako ay saglit akong nagpahinga malapit sa isang puno. Sumandal ako dito para makakuha ng suporta.
Ngayon nalang ulit ako nakapag-ehersisyo, medyo nanginginig ang mga tuhod ko.
"You're an actress, right?" Muntik na akong mapatalon mula sa aking pagkakatayo nang may tumabi sa akin.
Pinagdadasal ko lang kanina na sana hindi mag-cross ang mga landas namin. Pero, heto siya nakatayo sa tabi ko. Umiinom ng tubig. Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nakatitig na ako sa adams apple niyang nag-baba taas habang umiinom siya ng tubig. Bahagya pa itong natapon hanggang dibdib niya kaya napatuon na naman ang pansin ko sa matipuno niyang katawan. Ang suot niyang sando ay fit ito sa kaniya, sumisigaw talaga ng kakisigan ang kaniyang katawan.
Bumalik mulit ang tingin ko sa kaniyang mukha. Malinaw ko nang natititigan ngayon ang features ng mukha niya. Magulo ang kaniyang buhok pero hindi ito hadlang sa kagwapuhan niya. Bagkus, mas lalo pa itong nagpadagdag sa kagwapuhang mayroon siya. Maamo ang kaniyang mukha, hindi mo aakalaing may gagawin itong masama sa iyo. Makakapal ang kaniyang mga kilay, abuhin ang inosenteng mga mata, perpektong ilong, perpektong panga at manipis na mapupulang labi. Hindi siya ganoong kaputian, sakto lang.
Nang magpaulan ng kagwapuhan nasalo niya lahat.
"Staring is rude, Miss Actress." Nakangising aniya nang mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya saka napakamot sa aking kilay.
Tila nag-init ang mukha ko dahil sa pagkapahuli.
"You're blushing, Miss Actress." Pang-aasar nito sa tabi ko.
Napahawak sa mukha ko.
"Kidding!" Tumatawang aniya. Gusto ko nalanh lumubog mula sa kinatatayuan ko.
"So... kamusta ang pag-aartista?" Nilingon ko siya sa tanong na ito. Nakatingin siya sa akin na para bang isang nakakatawa ang pagiging artista ko. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
"Okay lang, masaya. Why are you asking?" Seryosong sagot ko sa kaniya.
"Masaya ba talaga o may gusto ka lang mapatunayan?" Tumaas din ang isang kilay nito. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa puno at isa ay hawak ang kaniyang tumbler.
"Do I know you? Kung makapagtanong ka akala mo naman matagal na tayong magkakilala." Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.
Tumawa naman ito kaya't lumabas ang pantay-pantay na mapuputing ngipin.
"Of course! I know you, you're an actress. Sino bang hindi makakakilala sa isang magaling, maganda at sexy na artista?" Hindi mawala ang ngiti nitong saad.
Pero, feeling ko pang-iinsulto kapag nanggaling sa kaniya.
"So.. anong gusto mong patunayan?" Nakataas ang kilay kong saad sa kaniya. Parang isang bulang naglaho ang pagpantasya ko sa kaniya.
"No. Anong gusto niyong patunayan?" Balik nitong tanong sa akin. Seryoso na rin ang inosente nitong mukha.
"Niyo?" Nagtataka kong saad sa kaniya.
"Kayong mga artista? Magaling lang kayo kapag may camerang nakatutok sa inyo," ngumisi itong muli.
Umikot ang mga mata ko. Akala ko isang fan, isang basher pala.
"You know what, Mister Basher? Mind your own business. O, baka naman gusto mo din maging artista kaya naman kailangan mo bang mang-bash para lang mapansin ka?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hindi ka naman mukhang naghihirap," pagak itong tumawa sa sinabi ko.
"No, thanks. I don't need to be an artist just to gain attention," tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko sa sinabi nito.
Ano bang gusto niyang iparating?
"So, sinasabi mo na naging artista ako dahil gusto ko lang ng atensiyon?" May diing saad ko rito. Naikuyom ko na rin ang aking kamao. Magkamali lang siya ng sagot, tiyak na tatama ang kamao ko sa mukha niya.
"Bakit hindi ba? Look, yesterday, you had fight with your sister. Maraming nakakuha nakisimpatya sa'yo dahil hinahangaan ka ng lahat. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Ang makakuha ng maraming atensiyon dahil hindi mo iyon nakuha sa pamilya mo!" May diing sagot nito. Awtomatikong dumapo ang nakakuyom kong kamao sa mukha niya. Bahagya siyanh napaatras dahil sa impact ng suntok ko.
Hindi ako nag-aral ng martial arts para sa wala!
Ang gagong 'to!
"Ang lakas ng loob mong husgahan ako, sino ka ba sa inaakala mo?!" Sigaw ko sa kaniya. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil naalala kong hindi pwedeng magpadalos dalos.
Napahinga ako nang maluwag nang walang tao sa paligid.
Nagmamartsa akong tinalikuran siya.
"By the way, I'm Kiro!" Sigaw pa nito ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Pakialam ko ba sa pangalan niya. Sana lang ay hindi na muli mag-cross pa ang landas namin, tiyak na hindi na ako makakapagtimpi pa. Gago siya! Sa susunod na makita ko pa siya, manghihiram talaga siya ng mukha sa aso.
Ang kaso, kapitbahay ko pa siya!
"Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan
Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang
Makalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.
"Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan
"Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang
Makalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.
Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang