Share

KABANATA I

Author: DeviousGracee
last update Last Updated: 2021-07-08 11:27:11

Makalipas ang limang taon....

"Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin.

"Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.

Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.

Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya nang makalapit ako sa kaniya.

"Hey, Miss Actress! Long time no see," he said while grinning ear to ear. Niyakap niya ako saglit bago ako iginiya papasok sa kaniyang sasakyan.

Ang mga bodyguards ay nagkanya-kaniya na ring sakay, sa isa pang sasakyan na para sa kanila.

"So, how's New York?" Tanong nito, nilingon ko siya at nakatuon lamang ang pansin nito sa pagmamaneho.

Hindi pa rin mawala ang ngisi sa kaniyang labi.

"It was fine, until I need to go back here!" Pabiro kong inikot ang aking mga mata. He chuckled sexily, pero hindi ako naakit sa tawa niya. Lalo akong naasar.

"So.. what's your plan? Ngayong nakabalik ka na sa pinaka-ayaw mong bansa?" Nakangising tanong nito sa akin.

"Ang ihulog ka ngayon sa bangin. That's my plan, for now." He chuckles again.

"Ang sama talaga ng ugali," saad niya ngunit hindi ko na sinagot.

Bagkus, isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng sasakyan. Ipinikit ko naman ang aking mata.

Narinig ko namang binuksan ni Markus ang radio, bumungad ang balitang tungkol agad sa akin. Hindi na bago.

"The famous artist, Alisha Reyes, is now arrived at the Philippines!" Anunsiyo ng isang reporter sa radio.

"Iba talaga kapag famous," dinig kong saad ni Markus.

Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Marahil dahil sa pagod sa byahe.

"Alisha, Alisha....." yumuyugyog ang aking balikat.  Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Mukha ni Markus ang bumungad sa akin, naaamoy ko na ang hininga niya sa sobrang lapit niya sa akin.

"Ang baho ng hininga mo," itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. Tumawa na naman ito bago inilayo ang mukha niya sa akin. Umayos naman ako ng upo.

Nakatulog pala ako sa byahe.

"We're here!" Anunsiyo nito bago naunang bumaba saka lumipat sa pintuan sa passenger seat at pinagbuksan ako.

Maingat naman akong bumaba, nasa tatlong pulgada kasi ang suot kong takong ngayon. Hindi na ako sanay na magsuot ng flat sandals na gaya ng dati.

Iginiya naman ako ni Markus papasok sa bahay.

"Ito 'yung bahay na pina-design mo mismo sa akin, ang ganda diba?" Nakangising saad nito habang nasa tabi ko.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng two-storey house. The house looks classy, sumisigaw ng kasimplehan pero hindi bastang simple lang dahil pinasadya kong ipa-disenyo ito sa nag-iisa kong abnormal na kaibigan.

The house color is blue and white. Sa gilid ay may mga halamanan, na may halaman na. Hindi ko alam kung saan galing. Safe naman dito dahil mataas ang gate, hindi rin basta basta makakapasok ang mga bisita kung walang pahintulot sa mga bibisitahin nila. Kaya, walang surprise visit.

Sa taas ay may terrace, one coffee chair and coffee table. Sakto sa isang taong gusto magkape habang nasa terrace.

"Here's your key," inabot nito sa akin ang susi ng bahay gamit ang kaliwa niyang kamay, hila-hila niya ang maleta ko sa kaniyang kanang kamay.

"Para ikaw na mismo ang magbukas," kumindat pa ito sa akin na ikinangiwi ko na naman.

Naglakad kami patungo sa pintuan ng bahay, binuksan ko ito gamit ang susinv inabot niya sa akin.

Bumungad sa akin ang malinis na sahig,

"May gamit na pala?" Kunot ang noong saad ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumango si Markus.

"Yup! Syempre, ayokong ma-mroblema ka pa!" Aniya na ikinalingon ko sa gawi niya, medyo naka-distansiya na siya sa akin. Hila pa rin ang maleta ko. Palinga-linga ito na para bang hindi siya ang nag-disenyo ng bahay na ito.

"Thank you, Markus." Saad ko, lumingon naman ito sa akin at ilang beses na napakurap-kurap, bahagya pa siyang naka-nganga.

Naglalakad na ako palayo sa kaniya nang marinig ko pang may sinabi siya.

"Wow! Sinabi niya ba talaga 'yon?" Aniya sa kaniyang sarili na dinig ko naman.

Wala sa dictionary ko ang magpasalamat.

Lihim akong napangiti nang makita ko ang litrato kong naka-display sa sala ng bahay. Napaka-laki nito at parang sinadya pa itong ipagawa.

"Markus!" Sigaw ko mula sa sala, hindi ko na kasi naramdaman ang presensiya niya.

"Yes!" Sagot nito. Wala pang ilang segundo ay nasa tabi ko na ulit siya.

"Pinasadya mo ba 'yang picture ko?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Yup, para naman parati mong maalala na hindi ka naging pangit kailanman." Nakangising saad niya, automatic namang lumipad ang kamay ko sa kaniyang pisngi at kinurot siya.

Medyo namula iyon dahil sa pagkaka-kurot ko.

"Ang pangit ng ugali mo, Markus. Kaya hindi kita gusto maging boyfriend eh." Nakangusong saad ko sa kaniya. Binitawan ko na rin ang namumula niyang pisngi.

"At sinong gusto mo? Iyong childhood friend mong bungi na matagal mo nang hinahanap?" Nakataas ang kilay nitong saad. Napunta na naman ang kamay ko sa pisngi niya at pinanggigilan ito.

Nakanguso siyang humawak sa pisngi niya.

"Magpapahinga na muna ako, Markus. Salamat sa paghatid sa akin dito," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Ngumiti din ito, dumako ang kaniyang kamay sa buhok ko at ginulo ito. Kung ang hobby ko ay ang kurutin ang pisngi niya, ang hobby naman niya ay ang guluhin ang buhok ko.

Napanguso naman ako,

"No problem! Basta ikaw," kumindat pa ito.

"Dinner tayo, later. Libre ko!" Alok ko sa kaniya na lalo namang nagpalawak sa kaniyang ngiti.

"Ito naman, di mo nalang sabihin na gusto mong makipag-date sa 'kin!"

Hinampas ko siya sa braso, "asa ka naman! Alis na! Magpapahinga na ako!" Pagtataboy ko sa kaniya.

Bumeso muna ito sa akin saka naglakad palabas ng bahay ko. Isinara niya na rin ang pinto.

Kinuha ko naman ang maleta sa tabi ng sofa, binitbit ito paakyat ng hagdan. Dalawa ang kwarto sa taas, ang isa ay may nakalagay ng pangalan ko. Siguro, para hindi na siya mag-explain. Ang ayaw niya kasi sa lahat ay ang magpaliwanag.

Kaya, kapag slow ka, asahan mong magwo-walkout siya.

Pagkabukas ko ng kwarto, bumungad sa akin ang color blue na queen size bed. Sa gilid nito ay color blue na bedside table, sa ibabaw ng table ay may color blue na lamp.

Sa bandang kaliwa, color blue na walk-in closet.

Naglakad ako papunta sa kama, nilagay sa gilid ang dala kong maleta.

Hinawi ko ang asul na kurtina para magkaroon ng kaunting liwanag.

Babasaging bintana ang tinatabunan ng mga kurtina, inangat ko ito upang makita ko kung anong ikinukubli nito sa labas.

Kapansin-pansin ang isang black and white na bahay. Ang gate lang ang hadlang sa aming mga bahay. Maganda ang kulay na black and white pero hindi ko gusto sa kulay ng bahay.

Saglit ko pa itong pinagmasdan.

Hanggang sa bumukas ang bintana nito. Hindi ko alam kung bakit naku-curious ako kung sinong nakatira dito. Hindi ko binawi ang tingin ko.

Bumunngad sa akin ang isang lalaking nasa late 20s, tanging boxer short lang ang suot nito. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa.

Magulo ang kaniyang buhok, bagong gising, may hawak na tasa sa kanang kamay. Parang biglang naging malinaw ang mga mata ko dahil sa tila mala-diyos ang katawan ng lalaking kapitbahay ko. Ang katawan nito ay talagang nadepina sa edad niya, nakaka-akit ang mga abs niyang talaga namang pwedeng ipagmayabang. Sayang nga lang at katawan niya lang ang napapagpantasyahan ko ngayon, hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya.

Mamaya, macho ito tapos mukha palang shokoy.

Nang mai-angat ko ang paningin ko mula sa pagpapantasya sa kaniyang katawan, nanlaki na naman ang mga mata ko dahil nakatingin na siya sa akin. Kahit nakatingin na siya sa akin ay hindi ko pa rin makita nang malinaw ang mukha niya.

Tila nag-iinit ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Agad kong ibinaba ang bintana at ibinalik ang kurtina.

Malakas akong napabuntong hininga nang maka-upo ako sa kama.

Nakakahiya, nahuli niya ako. Ano kayang iisipin nun tungkol sa 'kin?

Ay, bahala na. Tiyak na hindi kami magkikita sa subdivision na ito. Sana nga. Nakakahiya talaga.

Nang mahimasmasan na ako ay agad akong pumasok sa asul na banyo, kulang nalang pati bowl ay maging asul.

Matapos kong makapag-linis ng katawan, dumiretso agad ako sa kama. Hindi kalaunan ay bumigat agad ang talukap ng aking mga mata.

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone, na sa pagkaka-alala ko ay nilagay ko sa ibabaw ng bedside table.

Kinapa ko ito hanggang sa makuha ko, sinagot ito nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello, who's this?" Inaantok kong bungad dito.

"Anong who's this? Sabi mo, magdi-date tayo?" Sagot ni Markus sa kabilang linya.

Agad akong napabangon nang marinig ko ang boses niya.

"Oh my god!" Napatakip ako sa aking bibig, I forgot. Ang himbing ng tulog ko.

"Ano? Nakalimutan mo na naman? Huwag ka mag-alala, sanay naman akong laging nakakalimutan. By the way, nandito na ako sa sala ng bahay mo." Sunod-sunod na saad niya saka ibinaba ang tawag.

Kaloka! May duplicate key siya ng bahay ko? Goodness gracious!

Nagmamadali akong bumangon sa aking kama saka dumiretso sa banyo.

Naghilamos lang ako dahil naglinis naman ako ng aking katawan bago matulog. Nagbihis lang ako ng croptop at pinaresan ng ripped jeans at three inches na heels. Naglagay lang ako ng konting make-up. Hindi pwedeng haggard ako dahil maraming nagkalat na camera sa paligid, kailangan kahit stolen maganda pa rin ako. Hinayaan ko lang na nakalugay ang chocolate wavy hair ko na hanggang balikat ko lang.

Agad naman akong bumaba nang matapos akong makapag-ayos.

Naabutan ko nga si Markus na prenteng naka-upo sa sofa, naka-dikwatro ang kaniyang paa habang nakatuon ang pansin sa kaniyang cellphone.

Tumikhim ako upang makuha ang kaniyang atensiyon. Nakuha ko naman agad ang pansin niya, agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Pinisil ko agad ang kaniyang pisngi na siyang ikinanguso na naman niya.

"Bakit may duplicate key ka ng bahay ko?" Tanong ko dito habang hawak ang pisngi niya. Huwag siyang sumagot nang maayos at didiinan ko pa ang pagkakahawak ko sa pisngi niya.

"Syempre, manager mo ako. Paano kung kailangan kitang tawagan at hindi ka makontak? Tapos naka-lock pa ang bahay mo, anong gagawin ko? Hintayin ka hanggang sa lumabas ka ng bahay mo? Paano kung nagpakamatay ka pala? Eh di, nag-abang ako sa wala?" Sunod-sunod na aniya habang nagtataas baba ang kaniyang kilay. Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakapisil ko sa pisngi niya.

"Ang advance mo naman mag-isip. Pwede namang sumagot ka lang nang maayos, hindi 'yung iisipin mo pang magpapakamatay ako." Umikot ang mga mata ko bago binitawan ang pisngi niya at naunang lumabas ng pintuan palabas ng bahay.

Paglabas ng gate ay nakaparada ang kaniyang sasakyan. Hindi ko na inantay pa na pagbuksan niya ako ng pintuan.

Ilang segundo lang din ang lumipas ay bumukas ang pintuan sa driver seat at pumasok ang Markus na nakanguso pa.

Tahimik kaming bumyahe, sinabi ko nalang sa kaniya kung saan ko gustong kumain ng dinner. Wala naman siyang tutol doon dahil ako naman ang manlilibre sa kaniya.

Nakarating naman agad kami sa isang korean restaurant. Nang matapos siyang makapag-park agad siyang lumabas ng driver seat at umikot patungo sa pintuan ng passenger saka ako pinagbuksan.

Ang mga bodyguards naman ay pinaiwan niya na lamang sa labas in case na may paparazzi na papasok para istorbohin kami.

Iginiya ako ni Markus papasok ng restaurant. Ibinaling ko ang aking patingin sa kaniya, seryoso lamang itong nasa tabi ko. Hanggang sa buksan niya ang pintuan ng restaurant ay nakatingin pa rin ako sa kaniya.

"Oh my god!" Hindi ko namalayan na may nabunggo na ako dahil sa pagkakatingin ko kay Markus na masyadong seryoso ngayon, kanina lang nakanguso pa ito.

"I'm sorry, Miss." Paghingi ng pasensiya ni Markus sa nabunggo ko.

Tiningnan ko kung sino ang babaeng nabunggo ko dahil napaka-eksadera naman. Nabunggo lang eh.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kabuuan nito. Natapon pala ang frappe na dala-dala niya sa kaniyang damit. Nakayuko siya, pinupunasan ang parte ng natapunan ng frappe.

Agad kong binawi ang panlalaki ng mga mata ko bago pa niya makita.

Nang i-angat niya ang kaniyang ulo mula sa pagkakayuko, nagkasalubong ang aming mga tingin. Binigyan niya ako ng kaniyang famous glare.

"Look!" Turo nito sa parte ng damit niyang natapunan ng frappe. "What you have done to my dress?" Masama ang tingin nitong sabi sa akin.

Matamis ko siyang nginitian.

"Ikaw pala................

Ate."

Related chapters

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA II

    "Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang

    Last Updated : 2021-07-08
  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA III

    "Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan

    Last Updated : 2021-07-20
  • Taming Mr. Andromeda   Simula

    Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang

    Last Updated : 2021-07-08

Latest chapter

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA III

    "Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA II

    "Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA I

    Makalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.

  • Taming Mr. Andromeda   Simula

    Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang

DMCA.com Protection Status