Share

Taming Mr. Andromeda
Taming Mr. Andromeda
Author: DeviousGracee

Simula

Author: DeviousGracee
last update Last Updated: 2021-07-08 11:26:28

Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.

Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi.

"Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.

Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin.

"Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.

Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakangisi sa akin.

Tinaasan ako nito ng kaniyang kilay bago umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kwarto. Ibinalik ko muli ang aking atensiyon kay Papa, na sana hindi ko nalang ginawa dahil lumipad muli ang kaniyang palad sa aking pisngi. Sa lakas nito, napabaling ang aking mukha sa gawing kaliwa.

Ibinalik ko muli ang aking paningin sa kaniya na para bang walang nangyari.

"Ano bang ginawa ko sa inyo, Pa? Bakit ako ang pinarurusahan ninyo?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.

Pagak itong tumawa at binigyan ako ng masamang tingin.

"Pabagsak na ang kumpanya natin! At nagawa mo pang magnakaw sa kumpanya? Ginawa namin ang lahat para maibigay sa inyo ang pangangailangan ninyo, ano bang pagkukulang ko para gawin mo sa akin ang ganito?" Mahabang lintanya nito.

Hindi na bago ito. Mas malala nga lang ang ginawa niya ngayon. Tiyak na hindi na ito palalagpasin ni Papa ngayon. Handa ako sa anuman ang mangyari.

"Pa, kapag sinabi ko bang hindi ako ang nagnakaw, maniniwala ka ba?" Natahimik siya sa naging tanong ko sa kaniya. Nilingon ko si Mama, na tahimik na nasa tabi ni Papa. "Ikaw ma? Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi ako nagnakaw sa kumpanya niyo?" Wala itong naging tugon. May awa lamang akong nakita sa kaniyang mga mata.

"May ebidensiya kami, Alisha. Ikaw ang nagnakaw. Huwag ka nang gumawa pa ng kung ano-anong dahilan! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ito sa amin," umiling-iling ito na para bang isa akong nakakahiyang anak.

Sabagay, kahit kailan hindi ko naramdaman na naging magulang sila sa akin.

"Hindi niyo nga ako paniniwalaan kahit na magpaliwanag ako." Malakas akong napabuntong-hininga at pagak na tumawa. "Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng interes sa kumpanya ng pamilya natin. Alam ninyo iyon, sa umpisa pa lang." Hindi ko alintana na nanlalabo na ang aking mga mata, dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas.

"Lumayas ka sa pamamahay ko, Alisha. Hindi ko maatim na makasama ang isang magnanakaw sa bahay na ito. Sa oras na makabalik ako mula paglabas ko ng pintuang iyan," tinuro nito ang pintuang pinasukan ko, na nasa likuran ko lamang. "Wala ka na rito," dagdag pa nito bago naglakad patungo sa pintuan. Sumunod din si Mama sa kaniya, lumingon muna ito sa akin, ngunit pagod akong ngumiti sa kaniya.

Nilibot ko ang aking paningin sa medyo kalakihang bahay. Ang family picture na naka-display sa sala, na tila bang kumpletong pamilya at walang pinoproblema.

Umakyat ako sa hagdan para magtungo sa kwarto. Handa ako. Handa akong magpaka-layo layo. Alam ko noon pa na anumang oras kailangan kong umalis sa bahay na ito.

Ang bahay na nagturo sa akin na hindi patas ang mundo. Hindi pantay-pantay ang trato sa bawat isa. Ang bahay na nagturo sa aking maging matapang. Huwag umiyak dahil wala itong saysay. Gagamitin lang ito laban sa iyo.

Nakapasok ako sa kwarto, agad akong dumireto sa aking walk-in closet at kinuha ang isang hindi kalakihang maleta. Pinaglalabas ko rin ang mga kakailangan kong mga gamit.

Kaunting damit, passport, diploma at kung anu-ano pang dokumento.

Umupo ako sa kama, kinuha ang litratong naka-frame sa bedside table at  pinagmasdan ito.

Dalawang batang magka-akbay, parehong nakangiti. Isang lalaki at isang babae. Ang sarap bumalik sa pagkabata, 'yung tipong sugat mo lang ang iiyakan mo dahil mahapdi. Ayaw mong palagyan ng alcohol dahil masakit.

Nasaan na kaya ang kababata ko na iyon? Simula noong mawala sila, hindi na siya muling nagparamdam. Nangako siyang susulat sa akin, pero kahit isang sulat wala akong natanggap.

Sabagay, promises are meant to be broken. Ano pa nga bang aasahan ko?

Isa-isa kong nilalagay ang aking mga damit sa maleta ko nang marinig kong bumukas ang pinto.

Nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Masaya siya. Masaya  siya dahil nagawa na naman niya ang gusto niyang gawin.

Nginitian ko siya. Ngiting hindi na niya muling makikita pa.

Sumandal siya sa bukas na pintuan. Tumingin sa akin na para bang isa akong kawawang nilalang. Hindi niya alam, na handa ako sa anumang mga bagay na mangyayari sa akin.

"Masaya ka na ba?" Tanong ko sa kaniya, ibinalik ko na muli ang pansin ko sa ginagawa ko. Nagliligpit ng mga gamit na dadalhin ko.

Tumawa ito,"saan ka na pupunta niyan? Wala kang mga kaibigan, wala kang ibang mapupuntahan. Alam mo na, mas gusto nila ako kaysa sa'yo." Nahihinuha kong nakangisi ito sa likuran ko.

Ngumiti ako sa isiping, iniwan ako ng mga kaibigan ko kuno dahil mas gusto raw nila ang Ate ko. Nililibre daw sila nito, samantalang ako walang maibigay sa kanila. Hindi ko alam na ganoon na pala ang basehan para magkaroon ka ng kaibigan.

"Kung concern ka sa akin, Ate. Huwag kang mag-alala, I can handle myself!" Saad ko rito na hindi pa rin siya binabalingan ng tingin. "Nga pala, Ate. Salamat, ha? Salamat dahil ginawa mo akong matapang, hindi na ako duwag, hindi na ako matatakot na ipakita ang kung anuman o kung sinuman ako sa ibang tao. Hindi ko na kailangang magpanggap pa, salamat sa'yo." Sarkastikong saad ko rito.

Tumawa muli ito, tawa na para bang isa siyang kontrabida. Sabagay, kontrabida naman talaga siya sa buhay ko.

"At least, nagpasalamat ka. Nawa'y magkaroon ka na talaga ng kaibigan sa kung saan ka man pupunta. Sana hindi sila mandiri sa kung anong pananamit mo, na mukhang manang. At pati na rin 'yang mukha mong puno ng tigyawat, sana magkaroon ka pa ng tunay na kaibigan na tatanggapin ang nakakadiri mong pagmumukha!" Mahabang panlalait nito. "Hindi ko talaga maatim na makita 'yang pagmumukha mo, mabuti na lang at aalis ka na ngayon." Dagdag pa niya.

Lumingon ako sa kaniya, ngumiti ako na tipong maaasar siya. Tama nga ako, naasar siya dahil ngumiwi ito.

"Huwag kang mag-alala, Ate. Tatandaan ko lahat nang ginawa mo sa akin, pati ang araw na ito. Sisiguraduhin kong pagbalik ko, luluhod ka sa akin dahil kailangan mo ng tulong ko." Nagbabanta kong saad sa kaniya.

---------------

Disclaimer!

This story is only fictional. The names, personnel, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictional manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or real events is purely coincidental.

The author is not perfect. Expect grammatical errors, construction of sentences, and wrong spelling.

READ AT YOUR OWN RISK!

Note: Do not distribute any softcopies! Ang hindi sumunod mababaog!

Related chapters

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA I

    Makalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.

    Last Updated : 2021-07-08
  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA II

    "Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang

    Last Updated : 2021-07-08
  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA III

    "Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan

    Last Updated : 2021-07-20

Latest chapter

  • Taming Mr. Andromeda   Simula

    Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang

DMCA.com Protection Status