Share

KABANATA III

Author: DeviousGracee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.

Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin.

"Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing.

"Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din.

"Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina.

"Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko.

"Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko.

May manager na ako, may kaibigan na, may cook pa.

Naligo na ako sa halip na magbibihis lang, nanlalagkit kasi ang  katawan ko. Kasing lagkit ng ugali ng lalaking nakasalamuha ko na iyon.

Mabaog sana siya!

Agad akong dumiretso sa kusina nang matapos akong maligo. Naabutan ko si Markus na nakaupo na sa upuan sa harap ng mesa, nakapaghain na rin siya ng pagkain.

"Diet ako, Markus. Bakit ka nagluto ng mga paborito ko?" Nakangusong saad ko habang naglalakad palapit sa upuang katapat niya.

"Huwag ka nang mag-diet, isang diet mo na lang tigok ka na eh." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Feeling mo naman ang sexy mo? Pwede ka na ngang pang-bulalo." Nakangising saad niya bago nilagyan ng plato ang mesa na tapat ng upuang uupuan ko.

Nakanguso akong umupo sa katapat niya. Nang tumingin siya sa akin, nginisihan na naman ako at kumindat pa.

"Batuhin kaya kita nitong tinidor na hawak ko?" Banta ko sa kaniya habang hawak ang tinidor at handa nang ihagis sa kaniya.

"Ito oh, ang paborito mong tapa." Hindi nito pinansin ang banta ko, bagkus, nilagyan niya ng tapa ang plato ko at isang sunny side up saka nilagyan ng tambak na garlic rice.

"Ayan, walang diet diet!" Nakangising aniya saka sumubo ng tapa.

"So.. anong schedule natin for today?" Basag ko sa katahimikan. Bigla na lamang kasing tumahimik. May dumaan atang anghel kaya ganun.

"Kailangan nating pumunta sa Andromeda's Farm. Kailangan ng image mong makisalamuha sa mga farmers doon, mas lalong tataas ang ratings mo kapag nalaman nilang isa kang matulungin." Nakangising saad nito.

Napabuntong-hininga ako sa paliwanag nito, "alam mo namang ayaw ko sa mga ganyan diba?" Tumango ito bilang sagot sa akin.

"Gusto mo iyong ipapakita ang tunay mong ugali. Ayaw mong kailangan mo pang makipagplastikan sa mga taong makakasalamuha mo, dahil ang katwiran mo, gustuhin ka nila sa ugaling mayroon ka!" Nakangiwing saad nito sa akin.

"Alam mo na diba? Bakit kailangan mo pa rin akong ipagsiksikan doon sa farm?" Nakataas ang kilay na sagot ko sa kaniya.

Ngumuso naman siya, "ngayon lang, Alisha. Gusto kasi ng batang Andromeda na naroon ka, tumawag lang siya kanina lang." Aniya at nag-puppy eyes pa.

Hindi niya ako makukuha sa ganyan lang.

"Bakit mo tinanggap? Alam mong ayoko sa mga ganun!" I gritted my teeth, nag-uumpisa na akong mainis. "At, sinong Andromeda ba ang  pinagsasabi mo? Eh, hindi nga kami magkakilala nun eh, tapos gusto niya akong papuntahin doon? Nababaliw na ba siya?"  Paghihimutok ko, naibagsak ko na rin ang kutsara at tinidor na hawak ko, napapitlag siya sa kaniyang upuan.

"Sige na, Alisha, tinanggap ko na ang offer. Ngayon lang naman, pagkatapos nun, balik na tayo sa dati." Nagmamakaawang saad  niya.

"Ngayon lang talaga, ah? Kapag naulit pa, hahanap na talaga ako ng bagong manager." Umikot ang mga mata ko na siyang ikinanguso naman niya.

"Oo, ngayon lang, promise!" Itinaas niya ang kanang kamay na nangangako raw kuno.

Tumango na lang ako bilang tugon, ibinalik muli ang aking atensiyon sa pagkain.

Napatingala muli ako nang may naalala, nagtataka namang tumingin sa akin si Markus.

"Diba, may kilala kang agent?" Tanong ko sa kaniya base sa pagkaka-alala ko na may nabanggit siya noon sa akin.

Tumango naman siya habang ngumunguya. "Yup!" Masiglang saad niya.

"Pwede kayang magpa-investigate doon?" Tanong ko muli. Kumunot naman ang noo nito saka ako tiningnan na para bang sinusuri ako.

Inilapag niya ang kutsara at tinidor, kumuha ng tissue saka pinunasan ang bibig niya bago muling tinuon ang pansin sa akin.

"Sinong papaimbestigahan mo?" Kunot ang noong tanong niya. Sumandal siya sa upuan saka pinagkrus ang kaniyang braso.

"My sister and my neighbor." Diretsong saad ko sa kaniya.

Ngumisi naman ito na para bang interesado sa ipapagawa ko sa kaniya.

"Ano namang kinalaman ng kapitbahay mo? " nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

Nilapag ko muna ang kutsara at tinidor na hawak ko saka kinuha ang baso na may tubig at uminom dito. Kumuha ng tissue upang pamunas sa bibig ko.

"Basta. Investigate him," utos ko rito.

"Him? Lalaki?" Aniya.

"Yes, lalaki."

"May gusto ka doon?" Aniya habang nakakunot ang noo.

Umikot naman ang mga mata ko. Oo, pinagpantasyahan ko ang lalaking iyon pero hindi ko iyon gusto. Lalo na ang ugali niyang mapanghusga. Akala mo naman kilala niya ako.

"May gusto agad, Markus? Hindi ba pwedeng pagkamuhi ang nararamdaman ko sa lalaking iyon?" Tumaas ang isang kilay ko sa kaniya nang bahagya siyang tumawa.

"Hate now, love later." Nangungutyang saad niya. "Anong gagawin mo kung malaman mo ang information about sa kaniya?" Kuryosong saad nito. Nakasandal pa rin siya sa upuan habang magkakrus ang kaniyang mga braso, nakadikwatro na rin ang mga paa niya.

"Depende sa masasagap mong information. Also, don't forget my sister . Siya ang pinaka-importante sa lahat." Sarkastikong sabi ko sa kaniya.

Ngumisi naman siya sa akin na para bang sang-ayon siya sa gusto kong mangyari.

"Of course! Expect the information by tomorrow. For now, let's go to the farm." Nakangising aniya saka naunang tumayo mula sa pagkakaupo. Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Sumunod naman akong tumayo.

"Magbibihis muna ako." Paalam ko sa kaniya.

"Don't wear high heels, Alisha. Farm iyon," dinig kong paalala niya sa akin.

Pero, hindi ko siya pinakinggan.

A mini skirt and fitted sleeveless with three inches high heels ang isinuot ko.

Dahan-dahan akong naglalakad pababa, nang matanaw ko sa baba ng hagdan si Markus na nakanganga habang bumababa ako. Diretso itong nakatayo habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon.

Hindi ko naman maitatanggi na may ipagmamalaki ring itsura itong si Markus. Hindi rin nagkakalayo ang kakisigan ng katawan nito sa lalaking napagpantasyahan ko kani-kanina lang. Pero, mas maganda pa ang ugali ni Markus kaysa sa lalaking iyon.

Sa unang tingin, mapagkakamalan mong badboy si Markus dahil sa piercing niya sa kanan niyang tainga. Ang mata niyang mala-tiger look, akala mo kakainin ka nang buhay. Siya talaga 'yung tipo ng tao na hindi mo basta basta mapagkakatiwalaan. Ang perpekto niyang ilong ay siyang nakakahumaling, pero hindi talaga ako nahumaling sa kaniya, may perpektong panga at mapupulang labi.

Mas napapagkamalan pa siyang boyfriend ko kaysa sa manager ko. Ang bata niya pa kasi bilang manager ko. Dalawang taon lang ang ikinatanda niya sa akin.

Bente kwatro ako at bente sais naman siya.

"Hindi bat sinabi kong huwag kang mag-heels? At ano 'yang suot mo, mukha kang pupunta sa bar. Farm ang pupuntahin natin, Alisha, farm!" Sermon nito sa akin nang makarating ako sa harap niya. Iritado niyang ginulo ang buhok niya.

"Galit ka na niyan, Markus?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Malakas naman siyang napabuntong-hininga saka ako tinalikuran at naunang naglakad palabas ng bahay.

Sinundan ko naman siya, hindi na ako pinagbuksan nito ng pintuan. Nagmamartsa akong pumasok sa kaniyang sasakyan.

"Ano bang problema mo, Markus?" Tanong ko rito habang ini-start niya ang engine ng sasakyan.

"Pagpapantasyahan ka na naman ng mga kalalakihan doon, Alisha. Playboy pa ang batang Andromeda, tiyak na ikaw naman ang mapagtitripan nun." Kunot ang noong saad niya. Nang umandar ang sasakyan ay saka ko lamang naisuot ang aking seatbelt.

"My possessive manager," nakangising pang-aasar ko sa kaniya. "I can handle myself, Markus. Huwag praning, ha? Nakakabaliw 'yan," dagdag ko pa.

Bumuntong hininga na lamang ito saka muling ginulo ang kaniyang buhok.

Matataas na mga puno ang nadaanan namin. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan upang makalanghap ako ng sariwang hangin.

"Saang farm pala tayo pupunta, Markus?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa labas, tinitingnan ang mga magagandang tanawin.

"Antipolo, Rizal." Napatango-tango na lamang ako dahil hindi ko naman alam ang lugar na iyon.

Malakas akong napabuntong-hininga nang matanaw ko ang farm na tinutukoy ni Markus. Malayo pa lang parang susuko na ako sa taas ng daanan nito.

My god! I'm wearing three inches high heels for Pete's sake!

Nag-park lang si Markus sa gilid ng kalsada bago bumaba at pagbuksan ako.

Napakaganda ng paligid, napakaraming puno, masarap ang simoy ng hangin. Pero, susuko ka sa lakarin dahil paakyat ito bago ang patag.

"Binalaan na kita, Alisha. Kaya huwag kang magrereklamo sa akin," nang-aasar na saad sa akin ni Markus, kumindat pa ito bago nagpatiuna paakyat.

Napaka-gentleman naman!

Naglakad ako pabalik, tiningnan ang likod ng sasakyan ni Markus kung may extrang tsinelas. Pero, kamalas-malasan wala itong dala.

Bwisit talaga!

Nagmamartsa kong tinanggal ang heels ko, binitbit ko ito sa kanan kong kamay. Ang aking shoulder bag na may lamang cellphone ay nasa loob nito.

Nag-inhale exhale muna ako bago umakyat sa ahunin na daan.

Pawis na pawis akong nakarating sa patag. Pati ang kili-kili ko ay may pawis na ring tumutulo mula rito.

Natanaw ko naman si Markus sa kubo na hindi kalayuan, nakikipagbatian na ito sa mga taong naroroon. Tapos ako, hinayaan dito.

Nang lumingon siya sa akin ay ngumisi ito, umikot ang mga mata ko dito.

Mangiyak-ngiyak akong nagmartsa palapit sa kanila. Nang makalapit ako kay Markus ay agad kong inihampas sa dibdib niya ang heels ko. Napa-aray siya dahil dito pero umikot lang ang mga mata ko. Kinuha niya sa kamy ko ang aking heels at lumuhod sa harap ko upang isuot ito sa paa ko.

"Bwisit ka!" Inis kong saad sa kaniya. Hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa amin.

"Iho, bakit mo naman kasi iniwan ang nobya mo? Hindi mo manlang inakay sa likod mo," saad ng isang matanda. Naka-sumbrero ito ng pang-magsasaka.

Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. May mali sa kaniyang sinabi.

"Naku, 'nay! Hindi ko ho nobyo ang isang ito," dinuro ko pa si Markus na humalakhak lang sa harap ko.

"Naku, e. Ligawan mo na, iho. Ang hina mo naman," nagtawanan ang iba pang nakapaligid sa kanila.

May kanya-kanya silang ginagawa.

Masaya akong nakisalamuha sa kanila kahit na alam nila isa akong actress. Karamihan kasi kapag nalaman nilang actress ka, iiwas sila dahil hinuhusgahan nila. Kesyo maarte, ganun, ganyan.

Tao lang din kami, nasasaktan.

Masaya kaming nagkukwentuhan nang may isang nilalang ang eksaderang tumikhim. Nagmumula sa aking likuran.

Agad namang pumihit paharap si Markus sa lalaking tumikhim.

"Oh, 'dre! Ikaw pala," dinig kong bati ni Markus sa bagong dating.

"Yeah, thank you for accepting my invitation." sagot nito. Kilala ko kung kaninong boses iyon!

My god! Magkikita na naman kami. 

Dahan-dahan akong pumihit  paharap sa kanila. 

Hinatak ako ni Markus palapit sa kaniya.

"By the way, this is my friend, Alisha Reyes. And, Alisha, this is Kiro Andromeda, my bestfriend." pagpapakilala nito, na sana hindi na lamang niya ginawa.

I don't care about his name anyway. Gusto ko lang din malaman kung anong dahilan niya at bakit galit siya sa mga artista. Or, maybe I can do something worst to make his life miserable. Ayokong hinuhusgahan ako dahil lang sa nakikita nila at sa mga nirereport ng media. Ayokong hinuhusgahan ako dahil sa panlabas na anyo ko.

He held out his hand to me to shake hands with me. Peke akong ngumiti at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

Sh*t ang lambot!

"Nice meeting you, beautiful lady." nakangising saad niya saka mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Marahas kong tinanggal ang kamay ko sa kaniya, sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi siya nagpatinag, mas lalo pang lumawak ang ngisi sa kaniyang mapupulang labi.

Dapat ba akong matakot sa ngisi na iyon?

Related chapters

  • Taming Mr. Andromeda   Simula

    Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA I

    Makalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA II

    "Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang

Latest chapter

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA III

    "Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA II

    "Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang

  • Taming Mr. Andromeda   KABANATA I

    Makalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.

  • Taming Mr. Andromeda   Simula

    Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang

DMCA.com Protection Status