Chapter: KABANATA III"Ang g*go niya! Bwisit siya!" I murmured to myself.Pawisan akong nagmamartsa papasok ng bahay. Naabutan ko si Markus na nakapameywang sa sala na diretsong nakatingin sa akin."Bakit nakabusangot ka?" Kunot ang noo na tanong nito, sa halip na tanungin ako kung saan ako galing."Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing?" Sinagot ko siya ng tanong din."Alisha, halata namang nag-jogging ka. Look at your attire," umikot pa ang mga mata nito saka ako tinalikuran at nagmamartsang naglakad patungo sa kusina."Nakaluto na ako!" Pahabol pa nito bago nawala sa paningin ko."Magbibihis lang ako!" Sigaw ko saka nagtatakbong umakyat sa hagdan
Last Updated: 2021-07-20
Chapter: KABANATA II"Ikaw pala.... Ate." Matamis akong ngumiti sa kaniya.Tumaas ang kaniyang kilay. Pinag-krus ang mga braso saka ako diretsong tiningnan."Ate?" Pagak itong tumawa. "I don't have a sister." Umikot ang mga mata nito.Well, hindi ko naman ine-expect na alalahanin niya pa rin ako. Pero, gusto ko maalala niya lahat ng ginawa niya sa akin. Lahat-lahat!"Oh, ang sakit naman no'n!" Pabiro akong humawak sa dibdib ko, sa tapat kung nasaan ang puso ko.Naramdaman ko din na humawak si Markus sa siko ko, senyales na pinapahinto ako sa kung anong gagawin ko.Malapit kami sa pintuan, malamang nakakasagabal kami sa mga nais lumabas dahil nakaharang
Last Updated: 2021-07-08
Chapter: KABANATA IMakalipas ang limang taon...."Ma'am Alisha, ano pong masasabi niyo na isa na kayo sa hinahangaang artista sa panahon ngayon?" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.Kinuha ko ang mikroponong hawak niya. Saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata, pero hindi ko na 'yon pinansin."Well, sa umpisa pa lang, alam niyo nang isa akong magaling na artista. Kaya hindi na bago na hahangaan ako ng karamihan." Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila bago ako dumiretso ng lakad palayo sa kanila. Sumunod naman ang tatlo kong bodyguards na ibinigay lamang sa akin ng isang kaibigan, na medyo abnormal.Natanaw ko naman agad si Markus, nakangisi na kumakaway sa akin. Ang abnormal kong kaibigan.
Last Updated: 2021-07-08
Chapter: SimulaIsang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagpasok ko sa aming tahanan.Tila namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakatama ng kamay ng aking ama sa aking pisngi."Wala ka talagang kwentang anak!" Sigaw nito sa akin. Ang aking ina ay nasa kaniyang tabi, pinipigilang makalapit muli ito sa akin.Ang kapatid ko ay nasa tabi ng hagdan, nakangisi sa akin."Utang na loob mo sa amin ang buhay mo, Alisha! Utang na loob mong binuhay ka pa namin, pero bakit ganito ang isusukli mo sa amin? Pagkatapos ng lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Mamula mula ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay lalabas na ang mga luha nito.Nanatali akong naging bato sa kinatatayuan ko, nakatingin sa kapatid kong nakang
Last Updated: 2021-07-08