Keisha
"Kailangan natin ng matinong goalkeeper ngayon!" sigaw ni Yeshua habang kinakalampag ang kaniyang mga palad sa meeting table sa bawat salita niya. Tumingin siya sa ‘ming mga kasama nang ilang sandali, huminga nang malalim, at bumalik sa pagkamot ng kaniyang ulo na para bang kinukuto siya.
Ang maliit na club room namin ay puno ng mga bola ng futsal at iba pang mga gamit sa pagsasanay tulad ng iron weights at isang single leg press. Mayroon ding mga poster ng mga sikat na soccer players sa pader. Mayroong isang maliit na cabinet na may apat na cubicles sa kaliwa ng kwarto. Bukod roon, puno na ito ng basura.
Nagkatinginan sina Gina at Miya sa isa't isa at nagkibit-balikat.
"Kumalma ka nga lang, captain,” ani Miya habang ngumangata sa chichiryang binili niya kanina pang umaga. “Simula pa lang ang semestre. Alam ko na nag-aadjust pa ‘yong ibang freshies.”
Pinandilatan siya ni Yeshua. "Wala na tayong oras! Malapit na ang Intramurals. May training pa. Kailangan pa nating gumawa ng team play at kung ano-ano pa."
“Pwede namang si Miya ang maging goalkeeper natin. Siya ang last man at defender ng team. Magaling din siyang mag-defend ng bola.”
Napasinghal na lang si Yeshua. “Sige. Sabihin na nating siya ang goalkeeper. Sino ngayon ang magiging defender? Kahit na magkaroon tayo ng goalkeeper, kulang pa rin tayo ng isa.”
Napakamot ng ulo si Gina at nagbuntong-hininga. Tumayo siya mula sa kaniyang upuan upang imasahe ang balikat ni captain. “Iyon lang. Kaya kailangan nating makapagsali ng isa. Kahit hindi marunong basta willing matuto.”
“Iyong kaibigan mo, Yesh?” tanong ni Miya. “Hindi ba at may kaibigan kang magaling maglaro? Bakit hindi siya ang isali mo?”
“Sa tingin niyo ba mai-stress ako nang ganito kung nakumbinsi ko siya? Kasintigas ng bato ang puso ng isang ‘yon.”
“Susubukan kong magtanong sa mga kaklase ko kung may interesadong sumali. Pero hindi ako mangangako. Ilan kasi sa kanila, may napusuan nang club na sasalihan. Iyong iba naman, matagal na talagang member ng club.”
Nang matahimik na kami ay tumayo na ako mula sa upuan upang lumabas ng kwarto.
Tumayo rin si Yeshua para pigilan ako. "Saan ka pupunta?"
"Uwi?" Napakamot pa ako sa batok.
"Hindi pa tapos ang emergency meeting natin!"
"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Kung naghahanap at nagre-recruit tayo ngayon, baka may makuha agad tayong members. Break time ngayon kaya tiyak maraming estudyante sa canteen.”
Mabilis na tumango si Yeshua bago hinablot ang bag at nauna nang lumabas. “May point ka naman. Tara na, guys!”
Nakipag-apir naman sa ‘kin sina Gina at Miya bago kami sumunod kay Yeshua sa labas. Ni-lock na namin ang club room namin dahil tiyak makakalimutan na naman ni captain. Masyado siyang nag-aalala sa kakulangan namin ng member para alalahanin ang mga ganitong bagay.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito siya mag-alala. Tama naman sina Miya na kasisimula pa lang ng term. Hindi pa kami nakakapag-recruit nang maayos kaya wala pa talagang sumasali sa ‘min. Kung mag-iisip kami ng iba’t ibang marketing strategy ay tiyak ang mga player na mismo ang lalapit sa ‘min mismo.
Masyado lang talagang nag-ooverthink ang isang ‘to. Kaya wala ring saysay kung magpa-panic kami kasama siya. Mas mainam nang maging kalmado para hindi namin siya sabayan. Hahayaan na namin ang pag-overthink sa kaniya.
Namigay kami ng flyers na ginawa namin last school year. Ang iba naman doon ay pinagpaalam namin at kinabit sa mga bulletin board ng senior high school. Miski ang bulletin ng junior high school ay pinatulan na rin namin.
Nang matapos kaming mamigay ay doon lang kami bumalik sa room namin. Hindi kami magkakaklase pero ilang room lang ang pagitan namin dahil pare-pareho kaming mga senior high school na.
Nakasalubong ko rin si Bivianne sa hallway na may hawak na namang papel. Mukhang nagre-review na naman.
Bilib talaga ako sa isang ‘to. Kahit gaano kaingay ang paligid ay nakakapag-aral pa rin. At sinong estudyante ang nag-aaral sa simula ng semestre? Miski ako na seryoso sa pag-aaral ay hindi gagawin ‘yon.
“Uy!” bulalas ni Yeshua bago kami maghiwalay. “Sama kayo sa bahay bukas, ah? Magkakaroon ako ng mini birthday celebration. Kahit huwag na kayo magdala ng regalo.”
Tumango na lang ako dahil magpupunta naman talaga ako. Hindi ako nakapunta last year kaya tiyak na magtatampo siya kapag hindi na naman ako nakapunta. Hindi mabilis makalimot ang babaeng ‘yon.
-
“Hinihintay ko lang sina Miya,” sabi ko sa kabilang linya habang nakatayo sa waiting shed. “Nahihiya raw kasi sila magpunta nang sila lang kaya sasabay raw sila sa ‘kin.”
“Jusko naman! Nakilala na nila mga pinsan ko last year. Ngayon pa ba sila mahihiya?” Narinig ko ang ilang boses sa kabilang linya na tinatawag siya.
“Sige na. Magte-text na lang ako kapag papunta na kami. Mukhang marami kang bisita.”
“Wala nga, ‘no! Mga pinsan ko lang talaga ang nandito.” Narinig ko ang boses ng mama niya. “Nandito na po, ‘Ma. Wait lang!”
“I’ll hang up,” sabi ko. “Text-text na lang.”
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay na ang tawag. Naiintindihan ko namang marami siyang inaasikaso kaya hindi ko na siya inistorbo pa. Alam naman nina Miya kung saan ang papunta sa bahay nila kaya hindi na kami maliligaw mamaya. Ako na lang naman ang hindi pa nakakapunta sa kanila.
Alas singko ng hapon na kami nakumpleto nina Miya at Gina. Nag-tricycle na lang kami papunta para mabilis at deretso na.
May mga bukid kaming nadaanan papunta sa looban. Nakaka-relax tuloy habang nakaupo ako sa likod. Mausok kasi palagi sa ‘min sa tuwing pumapasok ako lalo na at sa main highway ang daan ko. Mabuti pa sina Yeshua, kahit medyo may kalayuan ang bahay ay ang sarap pa rin ng hangin.
Nang makarating kami, rinig agad namin ang videoke mula sa loob. Bigla tuloy akong kinabahan. Kahit na sinabi na ni Yeshua na puro mga pinsan niya lang ang nandito ay nakakakaba pa rin. Ni wala naman akong kilala sa kanila.
Pero bago pa namin maihanda ang mga sarili namin ay nakita ko na si Yeshua na tumatakbo papalapit. May dala pa siyang plato habang pinapapasok kami sa loob.
“Doon muna tayo sa loob. Nandito na kasi halos lahat ng mga bisita ko sa labas. Aasikasuhin ko lang sila saglit. Pasensiya na.”
“Okay lang. Ito oh, regalo naming tatlo.” Inabot naman ni Miya ang regalo na pinag-ambagan namin.
“Sabi ko sa inyo ‘wag na kayo mag-abala! Hindi na kailangan ‘to.” Binalik niya sa ‘min ang box pero nagpumilit kami.
“Binili talaga namin ‘yan para sa ‘yo,” sabi ko. “Huwag ka nang mahiya. Wala rin kaming mapagbibigyan niya kapag tinanggihan mo.”
“Ang kulit niyo talaga. Pero salamat, ah? Tara na sa loob.”
Nagmano kami kay Tita Rosie at Tito Roderick na umuwi pa galing Cebu para i-celebrate ang birthday ng panganay nila. Nakilala ko na sila noon pero saglit ko lang sila nakita dahil pabalik na sila ng Cebu at that time. Iyon ang mga panahong kakikilala ko pa lang kay Yeshua.
Dere-deretso kami sa kwarto niya dahil may mga dumating ding tito at tita niya na nasa sala nakatambay. Nahihiya kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila.
Gawa lang sa kahoy ang buong bahay nila. Miski ang sahig dito sa ikalawang palapag ay gawa rin sa kahoy. Para itong bahay-kubo pero gawa na sa yero ang bubong nila. Alam kong mahirap lang sila pero hindi ko inaasahang ganito ang bahay nila.
“Ang sariwa ng hangin dito sa bahay nila, ah?” ani Gina habang nakatingin sa labas ng bintana kung nasaan ang mga pinsan ni Yeshua na nagkakasiyahan.
Nakitingin din ako sa labas. “Hindi na kailangan ng air condition. Kahit electric fan nga yata, hindi na.”
Napangiti ako habang pinanonood ang mga pinsan ni Yeshua. Ngayon ko lang sila nakita lahat pero ang balita ko ay malaki talaga ang pamilya niya sa mother side. Ang alam ko rin ay may kapatid siyang lalaki pero hindi ko alam kung nandito pa at kung sino.
“Grabe ang gagwapo ng mga pinsan niya,” ani Miya habang nakanganga pang nakatitig sa mga pinsang lalaki ni Yeshua.
“Hoy, babae!” bulalas ni Gina pero natawa rin. “Maghunos dili ka. Sang-ayon akong ang gwapo nila pero kalmahan lang natin.”
Miski ako ay natawa dahil sa kanilang dalawa pero kalaunan ay napailing na lang din. Nang ibalik ko ang tingin sa labas ay nagtama ang tingin namin ng isa sa mga pinsan ni Yeshua. Ngumiti na lang ako bilang pagbati kahit na hindi ko siya kilala bago umiwas ng tingin.
“Oh, may puno roon ng saresa,” sabi ko sabay turo sa puno na nasa hindi kalayuan. Kailangan pang tumawid sa bukid pero hindi naman ganoon kalayo. “Gutom na ba kayo? Gusto niyo munang pumunta roon?”
“Tara! Busy pa naman si Yeshua sa mga bisita niya. Magliwaliw muna tayo. I-tour ka namin, Keisha, sa mga napuntahan na namin dati.”
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nagpaalam muna kami kay Yeshua na paulit-ulit ang ginagawang paghingi ng pasensiya dahil hindi niya raw kami maasikaso.
“Ine-expect ko naman na ganito karaming tao,” ani Miya. “Palakaibigan din kasi si Yeshua kaya hindi ako naniniwalang mga pinsan niya lang ang bisita niya.”
“Sa true!” Natawa si Gina. “Hayaan muna natin siyang magpahinga bago tayo magwala mamayang gabi. Nakahanda na ba ang mga kakantahin niyo?”
Mabilis akong nag-thumbs up sa kaniya dahil hilig ko talaga ang pagkanta. Kahit na hindi ganoong biniyayaan ng talento ay mahilig talaga akong mag-videoke. Mayroon din kasi kaming sariling videoke set sa bahay.
“Ang dami roon sa taas, oh!” Tinuro ko ang taas ng puno. “Teka. Sanay akong umakyat ng puno. Ikukuha ko kayo.”
“Hala! Baka mahulog ka pa,” ani Miya.
“Hindi ‘yan. Ako bahala.”
Nagtanggal ako ng sandals bago nagsimulang umakyat sa puno. Mabuti na lang at maluwag na pantalon ang suot ko ngayon kaya hindi ako nahirapan. Ngunit hindi pa man ako nakaaakyat nang tuluyan ay may malakas na braso na ang humila sa ‘kin pababa. Hindi ko naiwasang hindi mapatili.
Nang makababa ako ay agad kong tiningnan kung sino ang bumuhat sa ‘kin at medyo napaatras pa nang makita ang isa sa mga pinsan ni yata ni Yeshua. Siya ‘yong nginitian ko kanina.
“Sorry,” ani niya bago binitiwan ang beywang ko. “May pansalok kami rito. Baka mahulog ka pa.” Tumalikod siya nang hindi hinihintay ang sasabihin ko.
Ilang segundo siyang umalis at mayamaya lang ay may inabot nang pansalok. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat pa rin sa pangyayari. Ngunit kalaunan ay nagawa ko namang ngumiti at magpasalamat.
Napakamot siya sa batok. “Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magtanong sa ‘min. Mga kaibigan kayo ni Yeshua, ‘di ba? Hindi niyo kailangang umakyat pa sa puno. Baka madisgrasya pa kayo.”
“Sige,” sabi ko. “Pasensiya na.”
Ngumiti lang ulit siya sa gawi ko bago tumalikod at bumalik sa mga pinsan niya. Nakanganga pa rin ako habang nakatitig sa likod niya nang bigla akong hampasin ni Miya sa likod.
“Ano ‘yon? Bakit may sparks?” Natawa sila pareho ni Gina.
“May hindi ba kami alam? Bakit ang bilis naman yata?”
Kumunot ang noo ko. “Hindi ko rin alam.”
Keisha“Pasensiya na talaga, guys!” bulalas ni Yeshua pagkasalampak sa sala kung saan kami ngayon nakatambay.Nakauwi na ang mga tito at tita ni Yeshua. Miski ang mga naging kaklase niya noon ay nakauwi na rin. Ang tanging nandito na lang ay kaming nasa futsal team at ang mga pinsan niyang hanggang ngayon ay nagkakantahan pa rin sa labas.Ngayon lang namin nakitang nakaupo si Yeshua dahil sa sobrang tao kanina kaya naman pinagpahinga na muna namin siya. Nakakain na rin kami kanina habang hinihintay siya habang nanonood ng soccer sa TV nila.“Okay lang, ano ka ba?!” Pinalo ni Miya si Yeshua sa balikat habang natatawa. “Ganito talaga kapag nagbe-birthday. Ikaw pa ‘yong pinaka-busy.”“Nakakahiya kasi sa inyo. Tinulungan niyo pa ako kanina mag-serve sa mga bisita, eh, bisita ko rin naman kayo.”“Baliw ‘to! Anong gusto mo? Tawanan ka lang naman habang nagkakandaugaga ka na sa mga bisita mo? ‘Buti umuwi rin ang parents mo. Kung hindi, ewan ko na lang.”“Wala ring silbi kapatid ko. Siya pa n
Keisha“Hello, Keisha!” bati ni Paulle, isa sa mga pinsan ni Yeshua na kaklase ko ngayong senior high school. Matagal ko na siyang kilala pero hindi ko pa siya nakakausap before. Madalas kasi siya sa room namin kasama ang kaibigan niyang si Reyannah na siyang naging kaklase ko.“Hi!” Sinigurado kong medyo may kalakasan na ang boses ko dahil baka mapagkamalan na naman akong snob.“Classmate pala tayo ngayon. Nice to meet you! Sana maging mabuti tayong magkaibigan.”Napangiti ako habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Nakakahawa kasi ang pagka-hyper niya.“Ito nga pala si Reyannah. Classmate din natin siya.”“I know her,” ani Reyannah. “Naging kaklase ko siya noong junior high school. Tahimik lang siya masyado kaya hindi kami ganoon ka-close.”“Mukha ngang tahimik ka, Keisha. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kwento.”Sa bandang dulo kami ng room naupo at doon nagkwentuhan. Hindi naman ako na-OP sa kanilang dalawa lalo na at si Paulle lang talaga ang nagsasalita. Pamins
KeishaNapalunok ako habang kumakain kami sa isang fast food chain. Kasama ko sina Reyannah at Paulle pagkatapos ng basketball game. Bigla kasi kaming nagutom kaya nagpunta muna kami rito bago umuwi.Pero ang hindi ko inaasahang panauhin ay si Kise.Kasama namin siya sa table imbes na sumama siya roon sa mga teammate niya na kumakain din malapit sa table namin. Hindi ko tuloy malunok nang maayos ang kinakain ko dahil kaharap ko siya at kanina pa siya nakatitig.Wala naman kaso kung gusto niya sa ‘min sumama dahil kapatid siya ni Paulle. Pero nakakailang na kasi ang tingin niya. Babae rin ako. Nakaka-conscious sa tuwing may nanonood sa ‘king kumain.“Bakit ba kasi nandito ka?” tanong ni Paulle. “Nandoon ang mga ka-team mo. Doon ka sumama at i-celebrate ang pagkapanalo niyo.” Bahagya pa niyang tinulak-tulak ang kapatid at pilit pinaaalis ng upuan.“Bakit ba? Gusto ko rito. Kung ayaw mo akong kasama sa isang table, ikaw na lang ang umalis.”“Wow, ah? Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Kaibiga
KeishaTumabi ako sa kaniya nang makaakyat ako sa tree house. Nakatingala lang siya sa langit at walang kahit anong ekspresyon ang mukha niya. Ni hindi man lang siya natinag sa pag-upo ko.“Most girls your age should be crying,” sabi ko.Minsan, natatakot na lang ako sa pwedeng maging epekto ng pag-aaway ng parents namin sa kapatid ko. Noong unang nag-away kasi ang parents ko, todo ang naging pag-iyak ko. Pero lumaki na si Krisha at lahat, hindi ko pa rin siya nakikitang umiyak.Siguro noong bata pa siya at wala pang muwang sa mundo, oo, nakita ko na siyang umiyak. Pero nang lumaki na siya, hindi ko na siya nakitang nagpakita ng kahit anong ekspresyon.“I’m not most girls, ate,” ani niya.Napatawa ako nang maalala ko ang nangyari kanina. “Kapatid nga kita.”Huminga siya nang malalim bago inalis ang tingin sa langit at tumulala lang sa kawalan. “I’m tired of crying. Nagkamuwang ako sa mundo nang nag-aaway na sila. Siguro, natuyot na lang ang mga mata ko kaya wala nang lumalabas.”“Bata
“Gusto niyong sumama sa mall?” tanong ni Paulle kina Reyannah at Keisha matapos ang kanilang klase.“Ako, okay lang. Ikaw, Keisha?”Napatingin ito sa kaniyang orasan. “Maaga pa naman. Sama ako.”“Yown! Tara. Libre ko kayo.”Nagsimula silang maglakad palabas ng room habang nagkukuwentuhan. Maaga silang pinalabas dahil maaga ring natapos ang lecture ng kanilang guro. Malayo pa ang midterms examination kaya naman napagpasyahan nilang gumala.“Pasko na, ‘no?” ani Paulle habang nakatingin sa isang malaking Christmas tree sa kanilang campus. “Ang bilis ng araw.”“Sinabi mo pa,” ani Reyannah. “Parang kailan lang nagsimula ang klase, ‘tapos pasko na agad. Kaunting push na lang, mga college students na rin tayo.”“May Christmas party nga palang gaganapin sa ‘min, sama kayo. Magkakaroon kami ng exchange gift kaya magbubunutan na tayo sa Sabado.”“Ay! Gusto ko ‘yan. Sama ka, Keisha. Last year, sobrang kwela ng naging party sa kanila.” Nang mapansin ang pagdadalawang isip nito ay nagpatuloy siya,
Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi
Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la
Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.
Isang gabi, naalala niyang ayain si Kise na sumama sa kasal ng kaniyang ina at ni Gavin. Hindi makapupunta si Reyannah dahil may event sa simbahan nila ngunit susunod ito sa reception. Hindi rin makakapunta si Paulle dahil may sarili itong lakad sa araw na ‘yon kasama ang mga kaklase niya noong elementary.“Wedding?” tanong ni Kise sa kabilang linya. “Sure. Why not? Wala naman akong gagawin sa araw na ‘yon.”“Hindi kasi makakasama si Paulle dahil may lakad rin pala siya sa araw na ‘yon.”“Sinabi niya nga sa ‘kin. Ano pala ang theme ng wedding? Para makabili na ako ng isusuot ko.”“Royal Blue. Bakit bibili ka pa? Bakit hindi ka na lang magrenta? Gagastos ka pa.”“Okay lang. Tiyak magagamit ko rin ‘yon sa susunod.”Hindi na lang pinansin pa ni Keisha at hinayaan ito. May punto naman ito. Hindi lang naman ito ang okasyon na maaaring kailanganin ni Kise ng tuxedo. Nagpatuloy na siya sa pagre-review habang nagsasalita pa rin si Kise. Kasalukuyan itong naglalaro ng online games sa kaniyang
Napaingit si Kise pagkabangon sa higaan. Napahawak agad siya sa kaniyang sentido nang kumirot iyon kaya imbis na bumangon ay bumalik na lang siya sa pagkakahiga. Wala naman siyang klase o kahit anong lakad sa araw na ‘yon. Babalik na sana siya sa pagtulog kung hindi lang dahil sa kapatid niyang bigla na lang pumasok sa kaniyang kwarto. Nagtatalon pa ito sa kaniyang kama habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.“Not now, Paulle. Masakit ang ulo ko.” Pinatong na lang niya ang kaniyang braso upang takpan ang mga mata.Napasinghal si Paulle. “Eh ‘di nagsisi ka rin dahil sa pagpapakalasing mo kagabi?” Hindi sumagot ang kuya niya. “Sasama ka ba?”“Saan?”“Jusko! Sa sobrang kalasingan mo kagabi, wala ka nang maalala. Usapang lasing lang pala ang nangyari.”“Tama na ang panenermon. Saan nga tayo pupunta?”“Sa Manila. Hiniram ‘yong van nina kuya Oxem para hindi na tayo mamasahe. ‘Tapos in-offer mo rin ‘yong kotse mo dahil hindi tayo magkakasya lahat sa van.”“Palagi naman tayong nag
Matapos ang party, hindi nawalan ng alak ang mga lalaki. Miski ang ilang mga babae ay hindi na rin pinigilan pa. Ngunit kumpara sa mga lalaki ay hindi sila nag-hard drinks.“Tara sa loob, Krisha,” ani Reyannah. “Doon tayong mga good girl na hindi umiinom.”“Huwag kang gagaya sa ‘min,” ani Paulle. “Bata ka pa kaya wala munang alak. Saka na kapag malaki ka na.”“Ikaw, Keisha?” tanong ni Reyannah.Napatingin silang lahat kay Keisha na mukhang walang balak sumunod sa loob.“I think I’ll drink tonight,” ani niya sabay abot ng isang bote.Nagkatinginan silang tatlo ngunit walang nagsalita. Pumasok na sina Reyannah at Krisha sa loob habang pinanood naman ni Paulle ang kaibigan. Alam niyang may problema sila ng kuya niya, pero hindi niya inaasahang mag-iinom ito.Ang alam niya ay hindi ito umiinom at kung minsan nga ay galit pa sa tuwing nakakakita ng alak. Doon niya lang napagtanto kung gaano talaga ito kaapektado sa nangyayari sa kanila ni Kise, na siyang ikinagulat niya dahil hindi niya in
Matapos ang party, naiwan ang magkapatid na sina Kise at Paulle sa sala matapos maglinis. Sinulit naman ni Paulle ang pagkakataon para makausap ang kapatid. Naupo siya sa tabi nito at hinayaan ang malaking espasyo sa gitna nila.“It’s one o’clock now in the morning,” sabi ni Paulle. “It’s not your birthday anymore.”Kumunot ang noo ni Kise. “Okay?”“I know we’re okay now. Nakapag-sorry ka na at lahat, thanks to Keisha, by the way. Alam kong never kang magso-sorry sa ‘kin kung hindi dahil sa kaniya.”“It’s my fault. I know.”Napabuntonghininga si Paulle. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What’s with that attitude a while ago? Bakit ganoon na lang ang naging trato mo kay Keisha?”Hindi sumagot si Kise.“She traveled from Nueva Ecija just for your birthday. Alam mo bang nagpapalit pa siya ng shift dahil may work siya dapat ngayong araw? Just for your birthday.”Nanlaki ang mga mata ni Kise. “Sh!t! Oo nga pala.”“Sh!t, oo nga pala,” she mocked. “Kung nakita mo lang ‘yong itsura niya ka
Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng Ayala residence. Mabilis ang kilos ng mga maid at butler upang salubungin ang bagong dating.Unang lumabas ang driver upang pagbuksan si Gavin Ayala. Inalalayan naman nito si Susan sa pagbaba bago pumasok sa loob ng mansyon.“Nasaan ang mga bata?” bungad na tanong ni Gavin.“Nasa eskwela pa po si ma’am Krisha, sir,” sagot ni Jana, ang mayordoma. “Sina sir Philip at ma’am Keisha naman po ay kanina pa sa kusina.”Nagkatinginan sina Gavin at Susan dahil sa balita. “My son and Keisha are together?” Tumango ang mayordoma. “Is everything okay?”Napangiti ang mayordoma. “Yes po, sir. Mukhang nagiging maganda na rin po ang relasyon ng magkapatid.”Dahil hindi pa rin makapaniwala si Gavin sa narinig ay sila na mismo ang nagtungo sa kusina upang silipin ang dalawa. Hindi sila makapaniwalang nag-uusap, at higit sa lahat, nagtatawanan ang dalawa habang nagbe-bake.“I can’t believe my eyes,” bulong ni Gavin.“Ang cute nilang panoorin,” ani Susan.“I g
Today is Kise’s basketball competition. Gaya ng mga naunang laro nila ay puno na naman ng mga tao ang buong gym.Bukod sa sikat talaga ang larong basketball sa school nila, ang iba sa mga ito ay narito upang panoorin at suportahan ang kanilang mga iniidolo. Natapat ding uwian na ng ilan sa mga estudyante kaya naman dito sila dumeretso imbis na umuwi agad.Maaga pa lang ay naroon na sina Paulle, Keisha at Reyannah upang suportahan ang mga kaibigan nila. Maglalaro din si Kise at kabilang ito sa first five ng kanilang school. Kahit hindi man ipakita ni Paulle ay naroon siya para suportahan ang kapatid. Kahit naman may tampo ito sa kaniya dahil sa sinabi ay kapatid pa rin niya ito. Nangako siya sa sariling susuportahan ang kuya sa tuwing may kompetisyon ito.Sa kalagitnaan ng laro, napansin agad ni Paulle ang kakaibang kilos ng kapatid at ng kaibigang si Keisha. Sa katunayan, ilang araw na rin niyang napapansin na palagi itong magkasama at magkasabay na umuwi.Ngayon niya lang nasigurado
Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.
Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la
Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi