Share

Chapter 5

last update Huling Na-update: 2024-02-09 23:13:18

Keisha

Tumabi ako sa kaniya nang makaakyat ako sa tree house. Nakatingala lang siya sa langit at walang kahit anong ekspresyon ang mukha niya. Ni hindi man lang siya natinag sa pag-upo ko.

“Most girls your age should be crying,” sabi ko.

Minsan, natatakot na lang ako sa pwedeng maging epekto ng pag-aaway ng parents namin sa kapatid ko. Noong unang nag-away kasi ang parents ko, todo ang naging pag-iyak ko. Pero lumaki na si Krisha at lahat, hindi ko pa rin siya nakikitang umiyak.

Siguro noong bata pa siya at wala pang muwang sa mundo, oo, nakita ko na siyang umiyak. Pero nang lumaki na siya, hindi ko na siya nakitang nagpakita ng kahit anong ekspresyon.

“I’m not most girls, ate,” ani niya.

Napatawa ako nang maalala ko ang nangyari kanina. “Kapatid nga kita.”

Huminga siya nang malalim bago inalis ang tingin sa langit at tumulala lang sa kawalan. “I’m tired of crying. Nagkamuwang ako sa mundo nang nag-aaway na sila. Siguro, natuyot na lang ang mga mata ko kaya wala nang lumalabas.”

“Bata ka pa. Dapat nga nag-eenjoy ka pa. Hindi mo muna dapat inaalala ang pag-aaway nina nanay at tatay.”

“Bakit ikaw, ate? Hindi na rin kita nakikitang umiiyak o nagpapakita ng kahit anong emosyon. Oo, tumatawa ka. Pero alam ko kung ano ang totoong tawa sa pilit.”

Saglit akong natahimik at napaisip. “Siguro nasanay na lang din ako. Kung araw-araw mo ba namang nakikita at naririnig, hindi ka pa masanay.”

“O baka hindi pa rin tayo sanay hanggang ngayon…”

Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”

“Kaya nga tayo nandito, ‘di ba? Kasi ayaw nating naririnig ang pag-aaway nila. Ibig sabihin, apektado pa rin tayo. Tumatakas lang talaga tayo.”

Hindi na ako nakapagsalita. Ang weird talaga minsan ng kapatid ko. Minsan naisip ko, baka kaya siya ang panganay sa ‘ming dalawa. Kakaiba na kasi ang mga sinasabi niya. Parang ilang dekada na siyang nakatira sa mundong ‘to.

“Tinatamad akong magluto. Gusto mong magpunta sa party?” tanong ko. 

Agad siyang napatingin sa ‘kin. “Seriously?”

I shrugged. “I got invited. Wala dapat akong balak na magpunta pero ngayon, gusto ko na. Sumama ka na lang sa ‘kin.”

“You’re invited. I’m not.”

“Ako ang bahala sa ‘yo. Wala naman sigurong kaso sa kanila kung magsasama ako. Ipakikilala na rin kita sa mga bagong kaibigan ko.”

“Okay. I guess wala akong choice. Wala akong kakainin dito.”

Natawa na lang ako bago tumayo. Nagpalit kaming pareho ng damit dahil ayaw naman naming magpunta roon nang nakapambahay na.

Medyo tahimik na sa bahay kaya mukhang tapos na silang mag-away. Hindi pa rin kami papasiguro. Minsan ay nagigising na lang kami ni Krisha nang madaling araw na nag-aaway sila. Mas mainam nang umalis na muna kami.

Nag-iwan ako ng mensahe kay Paulle na magpupunta ako kasama ang kapatid ko. Gaya ng inaasahan ay pumayag naman siyang isama ko ang kapatid ko. Sabi nga niya, the more, the merrier. Mabilis lang na nakapalagayan ng loob ni Paulle at Reyannah ang kapatid ko.

Pagdating namin sa venue, sobrang daming tao. Hindi ganoon kagarbo gaya ng inaasahan ko. Ang inaasahan ko kasing party sa mga gaya nina Paulle na mayaman ay iyong may pa-buffet, may mga gumagalang staff na namimigay ng mamahaling drinks, at kung ano-ano pa.

Pero mukhang simple lang ang pamumuhay nila. Marami lang talagang tao sa venue. Nasa loob ng bahay ang mga pagkain pero hindi siya pa-buffet type. Basta nasa isang mahabang lamesa lang ang mga pagkain kasama ang drinks.

Halos nasa labas lahat ng bisita. Ang mga tao lang sa loob ay mga tito at tita yata nila. Ngunit ang mga kaedaran namin ay nasa labas.

Parang ang lapit ng mga tao sa isa’t isa. Pakiramdam ko ay hindi kami welcome. Miski kasi si Reyannah ay kilala na ng mga pinsan ni Paulle. Kami na lang ni Krisha ang hindi. Nahiya tuloy ako bigla sa kapatid ko dahil baka naiilang na rin siya.

Kaya naman nang makakuha kami ng pagkain ay naupo kami agad sa sulok kung saan walang masyadong tao. Hindi naman ganoon katagumpay dahil malapit lang din kami sa mga bisita nina Paulle.

“Bakit diyan kayo naupo?” tanong ni Paulle. “May bakanteng upuan doon kasama si kuya Kise. Doon na lang kayo.”

“Dito na lang kami, Paulle. Nakakahiya.”

“Ano ka ba naman, Keisha. Mas nakakahiya kung dudulo kayo riyan. Ako pa naman ang nag-imbita sa inyo. Sasamahan ko naman kayo sa table. Hindi kayo mao-OP. Malalakas ang kalog ng mga pinsan ko.”

Dahil na rin sa hiya ay wala na kaming nagawa ni Krisha kung hindi ang sumunod. Pinauna namin sina Paule at Reyannah sa paglalakad hanggang sa makarating sa table nina Kise.

Lumawak ang ngiti ni Kise. “You made it! Akala ko hindi ka pupunta.”

“Akala ko rin.”

“Kaibigan mo, Kise?” tanong ng isang babae.

“Kaibigan?” pagsingit ng isang lalaki na mukhang hyper. “Walang kaibigang babae si Kise, Ate Ava. Babaero ‘yan!”

“Manahimik ka, Geob,” ani Kise. “Baka maniwala si Keisha. Hindi ako babaero. Palakaibigan lang ako sa mga babae.”

“Huu! Lokohin mo lelang mo. Kilala kita.”

“Kumain ka na lang diyan.” Kumuha siya ng isang shanghai at pilit pinakain doon sa lalaking tinawag niyang Geob.

“Huwag nga kayong maharot, kuya!” bulalas ni Paulle. “Kahit kailan talaga kayo. Mahiya naman kayo sa bisita ko.” Humarap siya sa ‘min at pinaupo kami sa silya malayo sa nagbabangayang kuya niya. “Dito na kayo kumain. Patatahimikin ko lang ‘tong dalawang ‘to.”

Nagsimula naman kaming kumain at medyo tumahimik naman ang lamesa namin. Nagpakilala naman sa ‘min si Geob na pinsan nina Paulle. Si Ate Ava ay pinsan din nila, si Peter na may pagkakalog din, si Jennica na kapatid niya, at si Oxembourg na tanging tahimik na lalaki sa kanila.

Marami pa raw silang magpipinsan pero sila pa lang ang narito. Parating pa lang daw ‘yong iba. Ayoko na lang isipin kung gaano kaingay ang lugar na ‘to kung dumating na lahat ng mga pinsan nila.

“Parating pala si Kuya Ralph,” ani Peter. “Sakto talaga ‘tong party kasi ise-celebrate din natin ang pagiging piloto niya.”

“Grabe!” bulalas ni Geob. “Parang kailan lang, naglalaro lang ‘yong ng eroplano pero ngayon totoong eroplano na ang pinapaandar.”

“Sabi nga nina tito,” ani Jennica, “hindi raw nila inaasahang magiging piloto si kuya. Napakarebelde raw kasi niya noong bata pa siya. Hindi ko na maalala ‘yon pero naalala ko pa palaging pinapagalitan si kuya kasi matigas ang ulo.”

“Pero tingnan mo naman ngayon,” ani Paulle, “successful pilot na! Iba rin.”

Natapos kaming kumain ni Krisha nang nakikinig lang sa mga magpipinsan. Tinanong din nila kami tungkol sa buhay namin pero wala naman kaming masyadong masagot. Bukod sa half sisters lang kami ni Krisha, wala namang interesanteng bagay pa ang pwede kong ikwento.

Open naman kami sa topic na ganito. Hindi naman namin tinatago ang tungkol sa lagay ng pamilya namin. Kahit na half sisters lang kami, para na rin kaming totoong magkapatid. Masaya pa rin ako dahil mayroon akong Krisha sa buhay ko. Kung hindi, baka nabaliw na ako sa mga magulang ko.

Habang pinanonood na magbangayan ang mga magpipinsan, hindi ko maiwasang hindi mainggit. This is the kind of family I’ve dreamed of. Iyong malapit sa isa’t isa, madalas magbangayan pero sa oras ng kagipitan, sila pa rin ang magkakasama.

Hindi kasi sang-ayon ang parents ng nanay at tatay namin ang pagsasama nila kaya miski kami ni Krisha ay napalayo na rin ang loob sa mga lolo at lola namin. Wala na rin kaming contact sa mga tito at tita namin.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin iyong tinawag nilang kuya Ralph. Halos mapanganga pa ako sa kakisigan at kagwapuhan nito. Marami na akong nakilalang gwapo pero never pa akong nakakita ng ganito kagwapong lalaki.

Nagkatinginan kami ni Krisha at mukhang pareho kami ng nasa isip. Napatango siya sa ‘kin na para bang may gustong iparating. 

Pinakilala rin kami ni Paulle kay Ralph kaya naman halos pumalakpak ang tainga ko. Kung hindi ako nagkakamali, nasa twenty-seven na siya or something. Sobrang tangkad pa niya noong lumapit sa ‘min. Para akong nakakita ng isang foreigner.

“Hey.” Nawala lang ang tingin ko sa pinsan nilang ‘yon nang lumapit si Kise sa tabi ko.

“Hi,” bati ko pabalik.

“Nag-eenjoy ka ba sa party?”

“Sobra. Salamat sa pag-imbita, ah?”

“Mukha ngang sobrang nag-eenjoy ka. Hindi mo maalis ang tingin sa pinsan namin.”

Doon ko lang napansin na nakatitig pa rin ako kay kuya Ralph. Tumingin na lang ako kay Kise na ngayon ay nakakunot ang noo sa gawi ko.

“Pasensiya na. Ang tangkad niya kasi,” pagpapalusot ko. Narinig ko pang natawa si Krisha sa tabi ko pero hindi ko na lang pinansin.

“Really?”

“Oo. I mean, ngayon lang ako nakakita ng ganiyan kalaking tao. Ano bang height niya?”

“I don’t know. Why don’t you ask him?” Pagkasabi n’on ay tumayo na siya at umalis.

Napakurap pa ako dahil hindi ko alam kung ano ang problema niya. Mukhang badtrip kasi siya. Wala naman akong ginagawang masama para maging ganoon ang reaksyon niya. Hindi rin naman ako nagsinungaling dahil matangkad naman talaga ang pinsan niya.

Sinundan ng mga mata ko si Kise. Gusto kong malaman kung ano ang problema niya. Pupuntahan ko na dapat siya nang makita ko pero napaupo ako ulit nang makitang naglalabas sila ng inumin.

Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nainis. Alam kong nasa tamang edad naman na kaming lahat pero ayoko talagang nakakakita ng mga umiinom ng alak. Alam kong party ‘to, pero ewan ko ba sa sarili ko. Bigla akong nawala sa mood nang makitang tumutungga na rin siya ng alak kasama ang mga pinsan niya.

Agad akong lumapit kay Krisha at sinabing uuwi na kami. Ayokong ma-expose siya sa alak dahil bata pa siya. Uuwi na lang kami.

“Hindi ka ba iinom, ate?”

“Hindi ako nagpunta rito para uminom.”

“Bakit hindi ka rin uminom? Party naman ‘to. Hahatid naman daw tayo ni ate Paulle.”

Kumunot ang noo ko. “Uuwi na tayo.”

Natuop naman ang bibig niya nang makitang wala na ako sa mood. Tumayo na kami at lumapit kay Paulle at Reyannah para magpaalam. Miski si Reyannah ay uuwi na rin daw dahil bawal siyang gabihin.

“Teka,” ani Paulle, “sasama ako sa inyo sa paghatid. Magpaalam muna tayo kina kuya Ralph saka kina mama.”

Sumunod kami sa kaniya para magpaalam kay tita Cassie at tito Joaquin, ang mama at papa nina Paulle at Kise. Kung hindi lang ako nawala sa mood ay baka nagtatalon pa ako sa tuwa dahil makakausap ko ulit si kuya Ralph, pero wala.

Gusto pa sana kaming pigilan ni tita pero wala na siyang nagawa. Bawal din gabihin si Reyannah. 

Maaga pa naman kasi talaga. Sinabi ko na lang na may kasama ako kaya hindi rin ako pwedeng gabihin. Nawala lang din talaga sa mood para makipag-socialize. Wala naman talaga akong balak na umuwi nang maaga.

“Pasensiya na, ah?” ani Paulle.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Hindi ko kasi inaasahan na maglalabas sila ng alak. Sabi nitong si Krisha, ayaw mo ng nakakakita ng umiinom. Baka kako kaya ka nag-ayang umuwi.”

“Ayos lang. Ako nga ang dapat mag-sorry. Parang nag-eat and run lang tuloy kami. Saka umiinom ako. Last time, ‘di ba?”

“Wala ‘yon. Sa susunod, mag-party tayo nang tayo lang. Normal party lang ‘tapos walang drinks.”

“Sige ba. Hihintayin ko ‘yan.”

“Sama ako riyan, ah?” ani Reyannah.

“Syempre naman.”

“Ako rin!” Nagtaas pa ng kamay si Krisha na ikinatawa namin.

“Ako ang bahala sa inyo.”

Hindi naman nagtagal ay umalis na kami. Nagpaalam pa rin kami sa mga pinsan ni Paulle para hindi maging rude. Pero ang nakakainis, hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Kise.

Hindi ko maintindihan kung anong problema niya. Menopausal na yata siya.

Kaugnay na kabanata

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 6

    “Gusto niyong sumama sa mall?” tanong ni Paulle kina Reyannah at Keisha matapos ang kanilang klase.“Ako, okay lang. Ikaw, Keisha?”Napatingin ito sa kaniyang orasan. “Maaga pa naman. Sama ako.”“Yown! Tara. Libre ko kayo.”Nagsimula silang maglakad palabas ng room habang nagkukuwentuhan. Maaga silang pinalabas dahil maaga ring natapos ang lecture ng kanilang guro. Malayo pa ang midterms examination kaya naman napagpasyahan nilang gumala.“Pasko na, ‘no?” ani Paulle habang nakatingin sa isang malaking Christmas tree sa kanilang campus. “Ang bilis ng araw.”“Sinabi mo pa,” ani Reyannah. “Parang kailan lang nagsimula ang klase, ‘tapos pasko na agad. Kaunting push na lang, mga college students na rin tayo.”“May Christmas party nga palang gaganapin sa ‘min, sama kayo. Magkakaroon kami ng exchange gift kaya magbubunutan na tayo sa Sabado.”“Ay! Gusto ko ‘yan. Sama ka, Keisha. Last year, sobrang kwela ng naging party sa kanila.” Nang mapansin ang pagdadalawang isip nito ay nagpatuloy siya,

    Huling Na-update : 2024-02-11
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 7

    Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi

    Huling Na-update : 2024-02-22
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 8

    Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la

    Huling Na-update : 2024-02-25
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 9

    Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.

    Huling Na-update : 2024-03-07
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 10

    Today is Kise’s basketball competition. Gaya ng mga naunang laro nila ay puno na naman ng mga tao ang buong gym.Bukod sa sikat talaga ang larong basketball sa school nila, ang iba sa mga ito ay narito upang panoorin at suportahan ang kanilang mga iniidolo. Natapat ding uwian na ng ilan sa mga estudyante kaya naman dito sila dumeretso imbis na umuwi agad.Maaga pa lang ay naroon na sina Paulle, Keisha at Reyannah upang suportahan ang mga kaibigan nila. Maglalaro din si Kise at kabilang ito sa first five ng kanilang school. Kahit hindi man ipakita ni Paulle ay naroon siya para suportahan ang kapatid. Kahit naman may tampo ito sa kaniya dahil sa sinabi ay kapatid pa rin niya ito. Nangako siya sa sariling susuportahan ang kuya sa tuwing may kompetisyon ito.Sa kalagitnaan ng laro, napansin agad ni Paulle ang kakaibang kilos ng kapatid at ng kaibigang si Keisha. Sa katunayan, ilang araw na rin niyang napapansin na palagi itong magkasama at magkasabay na umuwi.Ngayon niya lang nasigurado

    Huling Na-update : 2024-03-15
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 11

    Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng Ayala residence. Mabilis ang kilos ng mga maid at butler upang salubungin ang bagong dating.Unang lumabas ang driver upang pagbuksan si Gavin Ayala. Inalalayan naman nito si Susan sa pagbaba bago pumasok sa loob ng mansyon.“Nasaan ang mga bata?” bungad na tanong ni Gavin.“Nasa eskwela pa po si ma’am Krisha, sir,” sagot ni Jana, ang mayordoma. “Sina sir Philip at ma’am Keisha naman po ay kanina pa sa kusina.”Nagkatinginan sina Gavin at Susan dahil sa balita. “My son and Keisha are together?” Tumango ang mayordoma. “Is everything okay?”Napangiti ang mayordoma. “Yes po, sir. Mukhang nagiging maganda na rin po ang relasyon ng magkapatid.”Dahil hindi pa rin makapaniwala si Gavin sa narinig ay sila na mismo ang nagtungo sa kusina upang silipin ang dalawa. Hindi sila makapaniwalang nag-uusap, at higit sa lahat, nagtatawanan ang dalawa habang nagbe-bake.“I can’t believe my eyes,” bulong ni Gavin.“Ang cute nilang panoorin,” ani Susan.“I g

    Huling Na-update : 2024-04-02
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 12

    Matapos ang party, naiwan ang magkapatid na sina Kise at Paulle sa sala matapos maglinis. Sinulit naman ni Paulle ang pagkakataon para makausap ang kapatid. Naupo siya sa tabi nito at hinayaan ang malaking espasyo sa gitna nila.“It’s one o’clock now in the morning,” sabi ni Paulle. “It’s not your birthday anymore.”Kumunot ang noo ni Kise. “Okay?”“I know we’re okay now. Nakapag-sorry ka na at lahat, thanks to Keisha, by the way. Alam kong never kang magso-sorry sa ‘kin kung hindi dahil sa kaniya.”“It’s my fault. I know.”Napabuntonghininga si Paulle. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What’s with that attitude a while ago? Bakit ganoon na lang ang naging trato mo kay Keisha?”Hindi sumagot si Kise.“She traveled from Nueva Ecija just for your birthday. Alam mo bang nagpapalit pa siya ng shift dahil may work siya dapat ngayong araw? Just for your birthday.”Nanlaki ang mga mata ni Kise. “Sh!t! Oo nga pala.”“Sh!t, oo nga pala,” she mocked. “Kung nakita mo lang ‘yong itsura niya ka

    Huling Na-update : 2024-05-23
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 13

    Matapos ang party, hindi nawalan ng alak ang mga lalaki. Miski ang ilang mga babae ay hindi na rin pinigilan pa. Ngunit kumpara sa mga lalaki ay hindi sila nag-hard drinks.“Tara sa loob, Krisha,” ani Reyannah. “Doon tayong mga good girl na hindi umiinom.”“Huwag kang gagaya sa ‘min,” ani Paulle. “Bata ka pa kaya wala munang alak. Saka na kapag malaki ka na.”“Ikaw, Keisha?” tanong ni Reyannah.Napatingin silang lahat kay Keisha na mukhang walang balak sumunod sa loob.“I think I’ll drink tonight,” ani niya sabay abot ng isang bote.Nagkatinginan silang tatlo ngunit walang nagsalita. Pumasok na sina Reyannah at Krisha sa loob habang pinanood naman ni Paulle ang kaibigan. Alam niyang may problema sila ng kuya niya, pero hindi niya inaasahang mag-iinom ito.Ang alam niya ay hindi ito umiinom at kung minsan nga ay galit pa sa tuwing nakakakita ng alak. Doon niya lang napagtanto kung gaano talaga ito kaapektado sa nangyayari sa kanila ni Kise, na siyang ikinagulat niya dahil hindi niya in

    Huling Na-update : 2024-05-24

Pinakabagong kabanata

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 15

    Isang gabi, naalala niyang ayain si Kise na sumama sa kasal ng kaniyang ina at ni Gavin. Hindi makapupunta si Reyannah dahil may event sa simbahan nila ngunit susunod ito sa reception. Hindi rin makakapunta si Paulle dahil may sarili itong lakad sa araw na ‘yon kasama ang mga kaklase niya noong elementary.“Wedding?” tanong ni Kise sa kabilang linya. “Sure. Why not? Wala naman akong gagawin sa araw na ‘yon.”“Hindi kasi makakasama si Paulle dahil may lakad rin pala siya sa araw na ‘yon.”“Sinabi niya nga sa ‘kin. Ano pala ang theme ng wedding? Para makabili na ako ng isusuot ko.”“Royal Blue. Bakit bibili ka pa? Bakit hindi ka na lang magrenta? Gagastos ka pa.”“Okay lang. Tiyak magagamit ko rin ‘yon sa susunod.”Hindi na lang pinansin pa ni Keisha at hinayaan ito. May punto naman ito. Hindi lang naman ito ang okasyon na maaaring kailanganin ni Kise ng tuxedo. Nagpatuloy na siya sa pagre-review habang nagsasalita pa rin si Kise. Kasalukuyan itong naglalaro ng online games sa kaniyang

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 14

    Napaingit si Kise pagkabangon sa higaan. Napahawak agad siya sa kaniyang sentido nang kumirot iyon kaya imbis na bumangon ay bumalik na lang siya sa pagkakahiga. Wala naman siyang klase o kahit anong lakad sa araw na ‘yon. Babalik na sana siya sa pagtulog kung hindi lang dahil sa kapatid niyang bigla na lang pumasok sa kaniyang kwarto. Nagtatalon pa ito sa kaniyang kama habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.“Not now, Paulle. Masakit ang ulo ko.” Pinatong na lang niya ang kaniyang braso upang takpan ang mga mata.Napasinghal si Paulle. “Eh ‘di nagsisi ka rin dahil sa pagpapakalasing mo kagabi?” Hindi sumagot ang kuya niya. “Sasama ka ba?”“Saan?”“Jusko! Sa sobrang kalasingan mo kagabi, wala ka nang maalala. Usapang lasing lang pala ang nangyari.”“Tama na ang panenermon. Saan nga tayo pupunta?”“Sa Manila. Hiniram ‘yong van nina kuya Oxem para hindi na tayo mamasahe. ‘Tapos in-offer mo rin ‘yong kotse mo dahil hindi tayo magkakasya lahat sa van.”“Palagi naman tayong nag

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 13

    Matapos ang party, hindi nawalan ng alak ang mga lalaki. Miski ang ilang mga babae ay hindi na rin pinigilan pa. Ngunit kumpara sa mga lalaki ay hindi sila nag-hard drinks.“Tara sa loob, Krisha,” ani Reyannah. “Doon tayong mga good girl na hindi umiinom.”“Huwag kang gagaya sa ‘min,” ani Paulle. “Bata ka pa kaya wala munang alak. Saka na kapag malaki ka na.”“Ikaw, Keisha?” tanong ni Reyannah.Napatingin silang lahat kay Keisha na mukhang walang balak sumunod sa loob.“I think I’ll drink tonight,” ani niya sabay abot ng isang bote.Nagkatinginan silang tatlo ngunit walang nagsalita. Pumasok na sina Reyannah at Krisha sa loob habang pinanood naman ni Paulle ang kaibigan. Alam niyang may problema sila ng kuya niya, pero hindi niya inaasahang mag-iinom ito.Ang alam niya ay hindi ito umiinom at kung minsan nga ay galit pa sa tuwing nakakakita ng alak. Doon niya lang napagtanto kung gaano talaga ito kaapektado sa nangyayari sa kanila ni Kise, na siyang ikinagulat niya dahil hindi niya in

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 12

    Matapos ang party, naiwan ang magkapatid na sina Kise at Paulle sa sala matapos maglinis. Sinulit naman ni Paulle ang pagkakataon para makausap ang kapatid. Naupo siya sa tabi nito at hinayaan ang malaking espasyo sa gitna nila.“It’s one o’clock now in the morning,” sabi ni Paulle. “It’s not your birthday anymore.”Kumunot ang noo ni Kise. “Okay?”“I know we’re okay now. Nakapag-sorry ka na at lahat, thanks to Keisha, by the way. Alam kong never kang magso-sorry sa ‘kin kung hindi dahil sa kaniya.”“It’s my fault. I know.”Napabuntonghininga si Paulle. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What’s with that attitude a while ago? Bakit ganoon na lang ang naging trato mo kay Keisha?”Hindi sumagot si Kise.“She traveled from Nueva Ecija just for your birthday. Alam mo bang nagpapalit pa siya ng shift dahil may work siya dapat ngayong araw? Just for your birthday.”Nanlaki ang mga mata ni Kise. “Sh!t! Oo nga pala.”“Sh!t, oo nga pala,” she mocked. “Kung nakita mo lang ‘yong itsura niya ka

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 11

    Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng Ayala residence. Mabilis ang kilos ng mga maid at butler upang salubungin ang bagong dating.Unang lumabas ang driver upang pagbuksan si Gavin Ayala. Inalalayan naman nito si Susan sa pagbaba bago pumasok sa loob ng mansyon.“Nasaan ang mga bata?” bungad na tanong ni Gavin.“Nasa eskwela pa po si ma’am Krisha, sir,” sagot ni Jana, ang mayordoma. “Sina sir Philip at ma’am Keisha naman po ay kanina pa sa kusina.”Nagkatinginan sina Gavin at Susan dahil sa balita. “My son and Keisha are together?” Tumango ang mayordoma. “Is everything okay?”Napangiti ang mayordoma. “Yes po, sir. Mukhang nagiging maganda na rin po ang relasyon ng magkapatid.”Dahil hindi pa rin makapaniwala si Gavin sa narinig ay sila na mismo ang nagtungo sa kusina upang silipin ang dalawa. Hindi sila makapaniwalang nag-uusap, at higit sa lahat, nagtatawanan ang dalawa habang nagbe-bake.“I can’t believe my eyes,” bulong ni Gavin.“Ang cute nilang panoorin,” ani Susan.“I g

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 10

    Today is Kise’s basketball competition. Gaya ng mga naunang laro nila ay puno na naman ng mga tao ang buong gym.Bukod sa sikat talaga ang larong basketball sa school nila, ang iba sa mga ito ay narito upang panoorin at suportahan ang kanilang mga iniidolo. Natapat ding uwian na ng ilan sa mga estudyante kaya naman dito sila dumeretso imbis na umuwi agad.Maaga pa lang ay naroon na sina Paulle, Keisha at Reyannah upang suportahan ang mga kaibigan nila. Maglalaro din si Kise at kabilang ito sa first five ng kanilang school. Kahit hindi man ipakita ni Paulle ay naroon siya para suportahan ang kapatid. Kahit naman may tampo ito sa kaniya dahil sa sinabi ay kapatid pa rin niya ito. Nangako siya sa sariling susuportahan ang kuya sa tuwing may kompetisyon ito.Sa kalagitnaan ng laro, napansin agad ni Paulle ang kakaibang kilos ng kapatid at ng kaibigang si Keisha. Sa katunayan, ilang araw na rin niyang napapansin na palagi itong magkasama at magkasabay na umuwi.Ngayon niya lang nasigurado

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 9

    Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 8

    Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 7

    Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi

DMCA.com Protection Status