Keisha
“Hello, Keisha!” bati ni Paulle, isa sa mga pinsan ni Yeshua na kaklase ko ngayong senior high school. Matagal ko na siyang kilala pero hindi ko pa siya nakakausap before. Madalas kasi siya sa room namin kasama ang kaibigan niyang si Reyannah na siyang naging kaklase ko.
“Hi!” Sinigurado kong medyo may kalakasan na ang boses ko dahil baka mapagkamalan na naman akong snob.
“Classmate pala tayo ngayon. Nice to meet you! Sana maging mabuti tayong magkaibigan.”Napangiti ako habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Nakakahawa kasi ang pagka-hyper niya.
“Ito nga pala si Reyannah. Classmate din natin siya.”
“I know her,” ani Reyannah. “Naging kaklase ko siya noong junior high school. Tahimik lang siya masyado kaya hindi kami ganoon ka-close.”
“Mukha ngang tahimik ka, Keisha. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kwento.”
Sa bandang dulo kami ng room naupo at doon nagkwentuhan. Hindi naman ako na-OP sa kanilang dalawa lalo na at si Paulle lang talaga ang nagsasalita. Paminsan-minsang nagsasalita si Reyannah pero sa tingin ko ay hindi rin talaga siya palakwento gaya ko.
“Pasensiya na nga pala sa inasta ng kuya ko, ah?” ani Paulle sa kalagitnaan ng kwentuhan namin.
Kumunot ang noo ko. “Ano ‘yon?”
“Madalang malasing ang kuya ko pero kapag nalasing ‘yon, kung ano-ano ang sinasabi. Pero hindi naman siya masamang tao. Nasakto lang talaga na tinamaan siya agad ng alak at kung ano-ano na ang lumabas sa bibig niya.”
Napaawang ang bibig ko. “Kapatid mo si Kise?”
Tumango siya. “Hindi ba halata?”
Ngayong natitigan ko siya, may pagkakahawig nga silang dalawa ni Kise. Kumpara kay Yeshua at sa kapatid niya, kitang-kita ang resemblance nina Paulle at Kise. Bakit hindi ko agad napansin noong una?
“Nag-sorry man lang ba siya sa ‘yo?” Umiling ako. “Minsan talaga, sabaw ang utak n’on. Hayaan mo at pagsasabihan ko.”
“Hayaan mo na lang. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi niya yata narinig na binati ko siya kaya akala niya ay hindi ko siya pinansin. Baka nasaktan lang din siya kasi akala niya yata in-snob ko siya.”
“Kahit na! Dapat nag-sorry man lang siya kahit na hindi ‘yon sinasadya. Nakakahiya tuloy sa ‘yo.”
“Okay lang talaga. Promise.” Nginitian ko siya at sinubukang ibahin ang usapan. “Sino ba ang mas matanda sa inyong dalawa?”
“Mas matanda siya sa ‘kin ng dalawang taon. Nasa college na siya gaya ni Oxem. Dito rin sila nag-aaral sa school na ‘to. Na-meet mo rin si Oxem noong birthday ni Yeshua, ‘di ba?”
Tumango ako. “Anong course naman ang kinuha niya?”
“Business management. Nakakuha ‘yon ng scholarship sa basketball kasi hindi biniyayaan ng katalinuhan.” Natawa siya sa sariling sinabi.
“Grabe ka sa kuya mo, ah?” natatawang sambit ni Reyannah.
“Totoo naman, ah? Hindi niya nga napasa entrance exam sa school natin. Baka nag-private ‘yon kung hindi natanggap sa basketball scholarship. Mabuti na lang at mukha siyang bola kahit noong bata pa siya.”
“Pero sabagay, fair lang. Sobrang galing kasi ng kuya mo maglaro ng basketball ‘tapos sobrang gwapo pa. Ang unfair naman kung pati talino kinuha niya.”
“Gwapo? Ew, Reyannah. Saang parte roon ang gwapo? Ang dungis-dungis niya nga tingnan palagi.”
“Hindi, ah? Ang dami ngang nagkakandarapang mga kaklase natin sa kaniya, eh. Naalala mo si Nami?”
“Iyong maganda nating kaklase noong second year?”
“Oo. Nagka-crush kay Kise ‘yon ‘tapos ni-reject lang. Grabe iyak ni Nami noong mga oras na ‘yon. Ang ganda-ganda na niya pero hindi pa rin sapat sa kuya mo.”
“Wow, ah? Malay mo naman ayaw lang ng kapatid ko sa mas bata. Syempre, ‘di ba may kapatid siyang mas bata?” Tumango si Reyannah. “Pero ang layo talaga. Ang dugyot ng kapatid kong ‘yon.”
“Sa tingin mo, Keisha? ‘Di ba may itsura si Kise?”
Biglang sumagi sa utak ko ang imahe ni Kise. “Hindi ko alam, eh.”
Natawa si Paulle. “Baka iba-iba lang talaga ang definition natin ng gwapo, Reyannah. Mukhang hindi nagwapuhan si Keisha sa kuya ko.”
“Sorry.”
“Baliw! Bakit ka naman nagso-sorry? Okay lang ‘yon, ‘no! Hindi naman lahat magkakandarapa sa kuya ko gaya ng sinasabi nitong si Reyannah.”
“Minsan manood tayo ng laro nila,” ani Reyannah. “Tingnan mo kung gaano karaming mga babae ang tinitili ang pangalan niya. Naalala ko noong pinanood ko ang pinsan ko. Pangalan niya ang palaging sinisigaw.”
Sumang-ayon na lang din ako dahil na-curious din ako sa sinasabi ni Reyannah. Mukha nga kasing maraming mga babae ang nahuhumaling kay Kise. Hindi ko naman masabi dahil ngayon ko lang talaga siya nakilala. Baka nga kung hindi dahil kay Yeshua ay baka hindi ko siya makilala.
At isa pa, baka sobrang galing lang din talaga maglaro ni Kise ng basketball kaya marami ang nagkakagusto sa kaniya. Marami akong kilalang athlete na sobrang lakas ng appeal sa tuwing naglalaro pero hindi ganoong kagwapuhan sa paningin ng iba.
Pero para kay Kise, I don’t know. Hindi siya ganoon kagwapo sa paningin ko. Hindi ko rin naman masasabing pangit siya o ano pero ramdam ko ang charisma niya sa tuwing malapit siya sa ‘kin.
Maybe wala lang talaga akong pakialam sa mga ganitong bagay.
-
“Go, Falcis!”
“Ikaw lang ang MVP sa buhay ko, number 2!”
“Hindi pa kayo naglalaro, panalo ka na sa puso ko, Kise!”
Halos mapailing ako sa mga sinisigaw ng mga kababaihan sa likod ko. Ayon sa uniform nila, mga junior high school pa lang sila. Pero ang mga sinisigaw nila, hindi ko kinakaya.
“Sabi sa inyo,” ani Reyannah, “sikat sa mga babae ‘yang kuya ni Paulle. Kahit sinong nanonood makikilala agad siya kahit na ayaw mo.”
“Nagchi-cheer din ako sa mga magagaling na basketball players,” sabi ko. “Pero hindi ko kaya ‘yong mga sinasabi nila. Ni hindi pa nga nagsisimula ang laro.”
Natawa si Reyannah. “Sinabi mo pa. Ang lakas kasi talaga ng charisma. Kahit ako na palagi siyang napapanood maglaro, hindi ako nagsasawa, eh.”
Pinanood namin si Paulle na ibalibag sa kuya niya ang towel na naiwan nito kanina sa bag niya. Matapos ‘yon ay saka siya nagmartsa palapit sa ‘min.
“Luh! Sino si ate girl? Bakit niya binigyan ng bimpo si Kise?”
“Tungek, kapatid niya ‘yon! Si Paulle. Senior natin.”
“Gusto ko rin maging kapatid si Kise, bhie!”
Muli akong natawa sa mga babae sa likod ko. Mukhang mali yata kami ng napwestuhan dahil ang ingay talaga nila. Hindi ko maiwasang hindi marinig ang pinag-uusapan nila.
“Bwisit talaga ‘yong lalaking ‘yon!” bulalas agad ni Paulle pagkaupo sa tabi namin. “Ako pa talaga ‘yong pinabalik para sa bimpong naiwan niya. Ang layo-layo ng nilakad ko!”
Inabutan ko siya ng tubig. “Chill ka lang. Minsan lang naman yata mag-utos ang kuya mo. Pagbigyan mo na.”
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Minsan? Araw-araw ko ‘yang kasama sa bahay. Utos nang utos ‘yan. Akala mo katulong ako. Kapag hindi nasunod, nagsusumbong kay mama. Palibhasa, mama’s boy!”
Tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. “Hindi ko alam. Sorry. Bakit hindi ka gumanti? Sumbong mo rin.”
“Iyon nga ang masakit. Wala akong maisumbong kay mama kung hindi ang grades niya. Eh, sanay na sina mama at papa sa tuwing bumabagsak siya kaya wala ring silbi.”
“Kawawa ka naman pala,” natatawang sambit ko.
“Sinabi mo pa.”
Nagsimula na agad ang laro. First five ang kuya niya kaya ganoon na lang kaingay sa buong gym. Hindi nga nagbibiro si Reyannah nang sabihin niyang sikat si Kise sa mga babae dahil sa tuwing nakakapuntos ito ay kaunti na lang, yayanig na ang buong court.
May nagchi-cheer din naman sa ibang mga player, pero halatang-halata talaga ang bias kapag siya na ang pupuntos. Kahit hindi ma-shoot, mga naka-cheer pa rin mostly ang mga babae.
“Malakas naman pala talaga ang charisma ng kuya mo kapag naglalaro,” sabi ko kay Paulle. Agad nalukot ang mukha niya pero hindi nagsalita. “Hindi ko masisisi ang mga nanonood. Magaling din talaga siyang maglaro.
“Dapat lang! Sayang ang scholarship na binibigay sa kaniya kung hindi niya gagalingan.”
Napailing na lang ako sa kaniya. Galit na galit talaga siya sa kuya niya. Hindi naman kami ganito magbangayan ng kapatid ko. Actually, hindi naman kami nagbabangayan talaga.
Habang nagpi-free throw si Kise ay bigla siyang tumuro sa gawi namin. Nagkatinginan agad kami nina Paulle at Reyannah nang may kunot sa noo. Nang ma-shoot niya ang bola, muli siyang tumuro sa gawi namin kaya nagtilian ang mga babaeng nasa paligid namin.
“Ganiyan ba talaga si Kise mang-asar?” tanong ni Reyannah.
“Hindi, ‘no! Miski nga ako nagulat. Hindi naman niya ginagawa ‘yon sa tuwing nanonood ako ng laro niya.”
“Baka nakaisip ng bagong paraan para inisin ka?”
“Ewan ko ba riyan. Baliw yata. Akala ba niya i-cheer ko siya? Asa!”
Natawa na lang ako at muling binalik ang tingin sa pinapanood. Mayamaya ay naramdaman ko ang kakaibang tingin ni Paulle sa tabi ko. Noong una ay hindi ko sana papansinin dahil baka napatingin lang. Pero nang maya’t maya niya akong tinitingnan ay hindi ko na rin napigilan.
“May problema ba?”
Hindi niya ako sinagot. “May nangyari ba sa inyo ng kuya ko maliban noong birthday ni Yeshua?”
“Huh? Wala?”
“Magkakilala na ba kayo before?”
“Hindi. Una ko siyang nakilala noong birthday rin ni Yeshua. Bakit mo naman natanong? Ang random, ah?”
“Bakit pakiramdam ko, ikaw ‘yong tinuturo niya kanina?”
Kung umiinom lang ako ngayon ay baka nabuga ko na ‘yon. “Anong sinasabi mo? Bakit naman niya ako ituturo? Ako ba ‘yong inaasar niya? Hindi pa naman kami ganoon ka-close para asarin na niya ako, ah?”
“Hm. Ewan. Bakit kaya?”
“Ikaw ang kapatid, eh. Itanong mo na lang mamaya sa kaniya.”
Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Napailing na lang ako sa pagiging random niya. Pero sa loob-loob ko, nagwawala ang puso ko.
Paano kung ako nga ang tinuturo niya? Kung oo, anong ibig sabihin no’n? May ibig sabihin ba ‘yon? Baka naman nagyayabang lang talaga? Nang-aasar?
Ay ewan.
KeishaNapalunok ako habang kumakain kami sa isang fast food chain. Kasama ko sina Reyannah at Paulle pagkatapos ng basketball game. Bigla kasi kaming nagutom kaya nagpunta muna kami rito bago umuwi.Pero ang hindi ko inaasahang panauhin ay si Kise.Kasama namin siya sa table imbes na sumama siya roon sa mga teammate niya na kumakain din malapit sa table namin. Hindi ko tuloy malunok nang maayos ang kinakain ko dahil kaharap ko siya at kanina pa siya nakatitig.Wala naman kaso kung gusto niya sa ‘min sumama dahil kapatid siya ni Paulle. Pero nakakailang na kasi ang tingin niya. Babae rin ako. Nakaka-conscious sa tuwing may nanonood sa ‘king kumain.“Bakit ba kasi nandito ka?” tanong ni Paulle. “Nandoon ang mga ka-team mo. Doon ka sumama at i-celebrate ang pagkapanalo niyo.” Bahagya pa niyang tinulak-tulak ang kapatid at pilit pinaaalis ng upuan.“Bakit ba? Gusto ko rito. Kung ayaw mo akong kasama sa isang table, ikaw na lang ang umalis.”“Wow, ah? Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Kaibiga
KeishaTumabi ako sa kaniya nang makaakyat ako sa tree house. Nakatingala lang siya sa langit at walang kahit anong ekspresyon ang mukha niya. Ni hindi man lang siya natinag sa pag-upo ko.“Most girls your age should be crying,” sabi ko.Minsan, natatakot na lang ako sa pwedeng maging epekto ng pag-aaway ng parents namin sa kapatid ko. Noong unang nag-away kasi ang parents ko, todo ang naging pag-iyak ko. Pero lumaki na si Krisha at lahat, hindi ko pa rin siya nakikitang umiyak.Siguro noong bata pa siya at wala pang muwang sa mundo, oo, nakita ko na siyang umiyak. Pero nang lumaki na siya, hindi ko na siya nakitang nagpakita ng kahit anong ekspresyon.“I’m not most girls, ate,” ani niya.Napatawa ako nang maalala ko ang nangyari kanina. “Kapatid nga kita.”Huminga siya nang malalim bago inalis ang tingin sa langit at tumulala lang sa kawalan. “I’m tired of crying. Nagkamuwang ako sa mundo nang nag-aaway na sila. Siguro, natuyot na lang ang mga mata ko kaya wala nang lumalabas.”“Bata
“Gusto niyong sumama sa mall?” tanong ni Paulle kina Reyannah at Keisha matapos ang kanilang klase.“Ako, okay lang. Ikaw, Keisha?”Napatingin ito sa kaniyang orasan. “Maaga pa naman. Sama ako.”“Yown! Tara. Libre ko kayo.”Nagsimula silang maglakad palabas ng room habang nagkukuwentuhan. Maaga silang pinalabas dahil maaga ring natapos ang lecture ng kanilang guro. Malayo pa ang midterms examination kaya naman napagpasyahan nilang gumala.“Pasko na, ‘no?” ani Paulle habang nakatingin sa isang malaking Christmas tree sa kanilang campus. “Ang bilis ng araw.”“Sinabi mo pa,” ani Reyannah. “Parang kailan lang nagsimula ang klase, ‘tapos pasko na agad. Kaunting push na lang, mga college students na rin tayo.”“May Christmas party nga palang gaganapin sa ‘min, sama kayo. Magkakaroon kami ng exchange gift kaya magbubunutan na tayo sa Sabado.”“Ay! Gusto ko ‘yan. Sama ka, Keisha. Last year, sobrang kwela ng naging party sa kanila.” Nang mapansin ang pagdadalawang isip nito ay nagpatuloy siya,
Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi
Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la
Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.
Today is Kise’s basketball competition. Gaya ng mga naunang laro nila ay puno na naman ng mga tao ang buong gym.Bukod sa sikat talaga ang larong basketball sa school nila, ang iba sa mga ito ay narito upang panoorin at suportahan ang kanilang mga iniidolo. Natapat ding uwian na ng ilan sa mga estudyante kaya naman dito sila dumeretso imbis na umuwi agad.Maaga pa lang ay naroon na sina Paulle, Keisha at Reyannah upang suportahan ang mga kaibigan nila. Maglalaro din si Kise at kabilang ito sa first five ng kanilang school. Kahit hindi man ipakita ni Paulle ay naroon siya para suportahan ang kapatid. Kahit naman may tampo ito sa kaniya dahil sa sinabi ay kapatid pa rin niya ito. Nangako siya sa sariling susuportahan ang kuya sa tuwing may kompetisyon ito.Sa kalagitnaan ng laro, napansin agad ni Paulle ang kakaibang kilos ng kapatid at ng kaibigang si Keisha. Sa katunayan, ilang araw na rin niyang napapansin na palagi itong magkasama at magkasabay na umuwi.Ngayon niya lang nasigurado
Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng Ayala residence. Mabilis ang kilos ng mga maid at butler upang salubungin ang bagong dating.Unang lumabas ang driver upang pagbuksan si Gavin Ayala. Inalalayan naman nito si Susan sa pagbaba bago pumasok sa loob ng mansyon.“Nasaan ang mga bata?” bungad na tanong ni Gavin.“Nasa eskwela pa po si ma’am Krisha, sir,” sagot ni Jana, ang mayordoma. “Sina sir Philip at ma’am Keisha naman po ay kanina pa sa kusina.”Nagkatinginan sina Gavin at Susan dahil sa balita. “My son and Keisha are together?” Tumango ang mayordoma. “Is everything okay?”Napangiti ang mayordoma. “Yes po, sir. Mukhang nagiging maganda na rin po ang relasyon ng magkapatid.”Dahil hindi pa rin makapaniwala si Gavin sa narinig ay sila na mismo ang nagtungo sa kusina upang silipin ang dalawa. Hindi sila makapaniwalang nag-uusap, at higit sa lahat, nagtatawanan ang dalawa habang nagbe-bake.“I can’t believe my eyes,” bulong ni Gavin.“Ang cute nilang panoorin,” ani Susan.“I g
Isang gabi, naalala niyang ayain si Kise na sumama sa kasal ng kaniyang ina at ni Gavin. Hindi makapupunta si Reyannah dahil may event sa simbahan nila ngunit susunod ito sa reception. Hindi rin makakapunta si Paulle dahil may sarili itong lakad sa araw na ‘yon kasama ang mga kaklase niya noong elementary.“Wedding?” tanong ni Kise sa kabilang linya. “Sure. Why not? Wala naman akong gagawin sa araw na ‘yon.”“Hindi kasi makakasama si Paulle dahil may lakad rin pala siya sa araw na ‘yon.”“Sinabi niya nga sa ‘kin. Ano pala ang theme ng wedding? Para makabili na ako ng isusuot ko.”“Royal Blue. Bakit bibili ka pa? Bakit hindi ka na lang magrenta? Gagastos ka pa.”“Okay lang. Tiyak magagamit ko rin ‘yon sa susunod.”Hindi na lang pinansin pa ni Keisha at hinayaan ito. May punto naman ito. Hindi lang naman ito ang okasyon na maaaring kailanganin ni Kise ng tuxedo. Nagpatuloy na siya sa pagre-review habang nagsasalita pa rin si Kise. Kasalukuyan itong naglalaro ng online games sa kaniyang
Napaingit si Kise pagkabangon sa higaan. Napahawak agad siya sa kaniyang sentido nang kumirot iyon kaya imbis na bumangon ay bumalik na lang siya sa pagkakahiga. Wala naman siyang klase o kahit anong lakad sa araw na ‘yon. Babalik na sana siya sa pagtulog kung hindi lang dahil sa kapatid niyang bigla na lang pumasok sa kaniyang kwarto. Nagtatalon pa ito sa kaniyang kama habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.“Not now, Paulle. Masakit ang ulo ko.” Pinatong na lang niya ang kaniyang braso upang takpan ang mga mata.Napasinghal si Paulle. “Eh ‘di nagsisi ka rin dahil sa pagpapakalasing mo kagabi?” Hindi sumagot ang kuya niya. “Sasama ka ba?”“Saan?”“Jusko! Sa sobrang kalasingan mo kagabi, wala ka nang maalala. Usapang lasing lang pala ang nangyari.”“Tama na ang panenermon. Saan nga tayo pupunta?”“Sa Manila. Hiniram ‘yong van nina kuya Oxem para hindi na tayo mamasahe. ‘Tapos in-offer mo rin ‘yong kotse mo dahil hindi tayo magkakasya lahat sa van.”“Palagi naman tayong nag
Matapos ang party, hindi nawalan ng alak ang mga lalaki. Miski ang ilang mga babae ay hindi na rin pinigilan pa. Ngunit kumpara sa mga lalaki ay hindi sila nag-hard drinks.“Tara sa loob, Krisha,” ani Reyannah. “Doon tayong mga good girl na hindi umiinom.”“Huwag kang gagaya sa ‘min,” ani Paulle. “Bata ka pa kaya wala munang alak. Saka na kapag malaki ka na.”“Ikaw, Keisha?” tanong ni Reyannah.Napatingin silang lahat kay Keisha na mukhang walang balak sumunod sa loob.“I think I’ll drink tonight,” ani niya sabay abot ng isang bote.Nagkatinginan silang tatlo ngunit walang nagsalita. Pumasok na sina Reyannah at Krisha sa loob habang pinanood naman ni Paulle ang kaibigan. Alam niyang may problema sila ng kuya niya, pero hindi niya inaasahang mag-iinom ito.Ang alam niya ay hindi ito umiinom at kung minsan nga ay galit pa sa tuwing nakakakita ng alak. Doon niya lang napagtanto kung gaano talaga ito kaapektado sa nangyayari sa kanila ni Kise, na siyang ikinagulat niya dahil hindi niya in
Matapos ang party, naiwan ang magkapatid na sina Kise at Paulle sa sala matapos maglinis. Sinulit naman ni Paulle ang pagkakataon para makausap ang kapatid. Naupo siya sa tabi nito at hinayaan ang malaking espasyo sa gitna nila.“It’s one o’clock now in the morning,” sabi ni Paulle. “It’s not your birthday anymore.”Kumunot ang noo ni Kise. “Okay?”“I know we’re okay now. Nakapag-sorry ka na at lahat, thanks to Keisha, by the way. Alam kong never kang magso-sorry sa ‘kin kung hindi dahil sa kaniya.”“It’s my fault. I know.”Napabuntonghininga si Paulle. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What’s with that attitude a while ago? Bakit ganoon na lang ang naging trato mo kay Keisha?”Hindi sumagot si Kise.“She traveled from Nueva Ecija just for your birthday. Alam mo bang nagpapalit pa siya ng shift dahil may work siya dapat ngayong araw? Just for your birthday.”Nanlaki ang mga mata ni Kise. “Sh!t! Oo nga pala.”“Sh!t, oo nga pala,” she mocked. “Kung nakita mo lang ‘yong itsura niya ka