Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2024-01-26 12:21:03

Keisha

“Pasensiya na talaga, guys!” bulalas ni Yeshua pagkasalampak sa sala kung saan kami ngayon nakatambay.

Nakauwi na ang mga tito at tita ni Yeshua. Miski ang mga naging kaklase niya noon ay nakauwi na rin. Ang tanging nandito na lang ay kaming nasa futsal team at ang mga pinsan niyang hanggang ngayon ay nagkakantahan pa rin sa labas.

Ngayon lang namin nakitang nakaupo si Yeshua dahil sa sobrang tao kanina kaya naman pinagpahinga na muna namin siya. Nakakain na rin kami kanina habang hinihintay siya habang nanonood ng soccer sa TV nila.

“Okay lang, ano ka ba?!” Pinalo ni Miya si Yeshua sa balikat habang natatawa. “Ganito talaga kapag nagbe-birthday. Ikaw pa ‘yong pinaka-busy.”

“Nakakahiya kasi sa inyo. Tinulungan niyo pa ako kanina mag-serve sa mga bisita, eh, bisita ko rin naman kayo.”

“Baliw ‘to! Anong gusto mo? Tawanan ka lang naman habang nagkakandaugaga ka na sa mga bisita mo? ‘Buti umuwi rin ang parents mo. Kung hindi, ewan ko na lang.”

“Wala ring silbi kapatid ko. Siya pa nag-eentertain sa mga bisita ko imbis na ako. Siya pa ‘tong nag-eenjoy kasama ang mga pinsan ko. Bwisit!”

Natawa kami sa tinuran niya. Nakita ko na kung sino ang kapatid niya. Si Chad. Mas bata sa kaniya ng isang taon. Hindi sila magkamukha pero kapag tinitigan mo siya ay saka makikita ‘yong pagkakahawig nila. Mas kamukha ni Yeshua ang mama niya habang papa naman nila ‘yong lalaki.

“Magpahinga ka muna bago tayo mag-inuman,” ani Miya. “Mabilis kang malalasing kapag sinagad mo agad.”

“Sige. Tara na roon sa labas. Kaunti na lang mga pinsan ko na nandoon kaya pwede na tayong pakihalo sa kanila.”

Tumango naman kami at pinatay na ang TV. Nakita kong nagpapahinga na rin ang parents ni Yeshua at tapos nang magligpit sa kusina dahil sobrang dami talagang tao kanina. Wala na kaming choice kung hindi ang tumulong na rin.

“Hi!”

Napatingin ako sa bumati sa ‘kin at agad na napangiti. “Hi! Long time no see.” Sa kaniya ako tumabi dahil siya lang ang tiyak makakausap ko rito maliban kina Miya na sa kanan ko naupo.

“Kaya nga. Ang tagal na nating hindi nagkikita. Hindi ka na roon nag-gi-gym?” tanong ni Peter, pinsan ni Yeshua.

“Hindi na ako nagbubuhat lately. Naging busy kasi. Pero baka bumalik ako kasi naglalaro na ulit kami.”

“Doon pa rin?”

“Yhup.”

Inabutan niya kami nina Miya ng alak. Nagpakilala siya sa mga ito. Nakilala ko sina Geob na kasing-hyper nitong si Peter. Sina Oxem, Ava, Jennica, Robert at si Paulle. Nalaman ko na rin kung anong pangalan niya.

Kise.

Iyong lalaki kaninang bigla na lang akong binuhat. Sa tuwing naaalala ko tuloy ‘yon ay hindi ko maiwasang hindi mailang. Sino ba kasi ang hindi maiilang kapag bigla ka na lang binuhat nang ganoon?

I mean, pwede niya naman sabihin na lang na huwag na akong umakyat. Sitahin na lang o kung ano. Pero ‘yong hawakan sa beywang? Ewan ko na lang kung hindi mailang ang kahit na sino. Mabuti na nga lang at hindi na ako inasar nina Miya dahil tiyak mas lalo akong mahihiya na humarap sa kaniya.

Nagpaalam muna ako para mag-CR. Hindi na ako nagpasama dahil alam ko naman na kung nasaan ang banyo. Ngunit pabalik na sana ako nang makasalubong ko si Kise na mukhang magbabanyo rin.

“Hey,” bati niya.

“Hey,” bulong ko sabay lakad sa labas. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makaupo ako sa silya ko. 

Nang makita kong nakabalik na rin si Kise ay tumungga ako sa bote ng alak na iniinom ko. Ayaw talagang kumalma ng puso. Hindi ko maintindihan kung bakit. Huminga na lang ako nang malalim para kahit papaano ay kumalma ako. Baka napagod lang din ako kanina.

“Magkakilala na pala kayo?” tanong ni Yeshua sa ‘min ni Peter. “Bakit hindi ko alam?”

“Madalang lang kami magkausap nitong si Keisha pero palagi ko siyang nakikita sa gym. Pareho rin kasi kami ng coach noong nagsisimula pa lang kami.”

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Hahayaan ko na lang siyang magsalita para sa ‘min.

“Mabuti na lang pala nakakausap mo siya?” tanong ni Miya.

“Oo naman. Hindi ba siya madalas makipag-usap sa iba?”

“Nako! Kung alam mo lang. Hindi ka kakausapin niyan kapag hindi mo kinausap.”

Natawa si Yeshua. “Madaldal kasi ‘tong si Peter kaya huwag ka nang magulat, Miya. Kahit sino nagiging kaibigan niya agad kahit na kakakilala pa lang niya.”

“Para palang ikaw,” sabi ko.

Natawa silang lahat sa sinabi ko kahit na hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Noong unang beses ko ring nakilala si Yeshua ay naging magkaibigan na agad kami. Hindi dahil sa ‘kin, kung hindi natural talaga sa kaniya. Lapitin ng mga tao kasi sobrang approachable kumpara sa ‘kin.

“Hindi lang talaga ako marunong mag-first move,” sabi ko. “Pero kapag kinausap mo na ako, sasagot naman ako.”

“Parang hindi naman.”

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at nagulat nang makita si Kise na nakatingin sa ‘kin. Napaawang ang bibig ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” Sinubukan ko pang tumawa para matago ang pagkairita ko sa sinabi niya.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Binati kita kanina pero wala man lang ako nakuhang sagot sa ‘yo.”

Kumunot ang noo ko. “Pero binati kita pabalik kanina.”

“Sino nakarinig? Ikaw?”

“Hey, pare,” ani Chad sabay hawak sa balikat ng pinsan. “Lasing ka na. Tara na.” Humarap siya sa lahat at saka nagpaalam. “Pasensiya na, Keisha. Lasing na ‘tong pinsan namin. Ako na ang humihingi ng sorry.”

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Tumungga na lang ako sa bote at mariin iyong hinawakan. Hindi ko na lang siya tinapunan pa ng tingin dahil baka kung ano pa ang sabihin niya sa ‘kin.

Ayoko rin naman makipagsagutan sa lalaking ‘yon sa harap pa mismo ng kaibigan ko. Birthday pa naman niya. Ayokong sirain ang araw na ‘to dahil lang sa sinabi ng pinsan niya. Hindi ko rin alam kung ano ang problema niya sa ‘kin.

“Pasensiya ka na sa pinsan naming ‘yon, ah?” ani Peter. “Hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa kaniya at nasabi ‘yon. Siguro dahil sa kalasingan. Hindi naman siya normally nagpapakalasing nang ganoon. Baka may nangyari lang.”

“Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Baka nga dala lang ng alak. Nabigla lang din ako sa sinabi niya kaya muntik pa kaming magkasagutan.” Hinarap ko si Yeshua. “Pasensiya na, Yesh.”

“Hindi mo kailangang mag-sorry. Iyong mokong na ‘yon ang may kasalanan. Minsan na nga lang magpapakalasing, nang-aaway pa.”

Tumango na lang ako. Ayon sa sinasabi nitong mag-pinsan, mukhang hindi talaga siya ganoon umasta. Baka nga wala siya sa mood ‘tapos nasaktuhan pang lasing. Palalampasin ko na lang.

-

“May gustong sumali sa team natin!” bulalas ni Yeshua sabay patong ng papel sa ibabaw ng meeting table namin. “Her name’s Lyla. She’s a former volleyball player na gustong maglaro ng futsal. She’s already an athlete kaya hindi tayo mahihirapang i-train siya. Not to mention, middle blocker siya. So she’s a natural defender.”

Napangiti ako nang mabakasan ko ang tuwa sa boses niya. Mukhang masaya talaga siyang may sapat na kaming players. Wala na rin siyang pakialam kung hindi pa nakakalaro ‘tong si Lyla ng futsal.

“Bakit daw hindi siya sa volleyball club sumali?” tanong ni Gina.

“Who cares? Basta sasali siya sa ‘tin, go lang.” Malakas na natawa si Miya matapos basahin ang papel.

“Curious lang naman ako. Baka mamaya bigla siyang umalis ng club kapag naisipan niyang ang boring at wala tayong masyadong members.”

Napanguso si Yeshua. “Ang negative mo! Pero hindi raw siya nakapasok sa volleyball club kaya sumali siya sa ‘tin. Second choice niya raw talaga tayo.”

“Aw. Second choice.”

Napailing na lang ako at natawa habang nakikinig sa kanila. Mas ayos na rin ‘to para makalaro kami sa intramurals. Pero pagkatapos ng intrams at wala pa rin kaming reserve players, mahihirapan kami. Marami pa namang magagaling na players sa ibang department na nakalaro na namin dati.

Nagbihis na ako para sa unang training namin ngayong semester. Ngayon namin unang makikilala at makakalaro itong si Lyla. Hindi namin alam kung marunong na siya pero kailangan naming alamin kung pwede siya sa goalkeeper na position.

Kahit na wala kaming choice, kailangan pa rin naming i-check. Kung hindi niya magagamay ang position na ‘yon ay baka si Miya ang gawin naming goalkeeper at si Lyla ang defender o ang sweeper. Hindi naman namin pwedeng ibigay sa kanila ang position namin nina Gina dahil mas matrabaho ‘yon at kailangan ng madalas pagdi-dribble ng bola.

“Mauna na ako sa court sa inyo,” sabi ko dahil ngayon pa lang sila magbibihis.

“Okay. Padala naman ako ng tubigan ko. Thank you, Keisha!” ani Miya.

“Sure,” sagot ko.

Pagkarating sa court ay agad kong inayos ang gagamitin naming goal. Wala kaming kahati ngayong hapon sa court dahil naka-schedule na kami. Wala kasing sariling court ang futsal dito sa school namin. Madalas lang kaming makigamit.

Habang hinihila ko ang goal papunta sa kabilang dulo ng court ay bigla ‘yong gumaan. Noong una ay kumunot lang ang noo ko at hindi pinansin. Pero nang mapagtantong may ibang humahatak n’on ay doon lang ako napaangat ng tingin.

“Kise,” bulong ko.

Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang. Nakatingin lang siya sa harap habang hinahatak ang goal. Hindi ko rin tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. 

I mean, kahapon lang ay muntik na kaming magkasagutan kung hindi lang kami pinigilan agad. ‘Tapos ngayon ay ito kami at magkasama na para bang walang nangyari.

Naalala niya kaya ‘yong nangyari kahapon? Hindi naman malabong hindi niya maalala. Kaya siguro siya nandito ngayon. Wala naman kasing training ang basketball team. Ang balita ko ay naglalaro siya ng basketball.

“Salamat,” bulong ko ulit nang mailagay namin ang goal pero gaya kanina ay wala akong nakuhang sagot.

Nakatitig lang siya ngayon sa ‘kin at walang sinasabi. Kumunot tuloy ang noo ko. “Bakit? May kailangan ka pa ba?”

“Kaya mo naman palang magsalita nang malakas,” ani niya. “Bakit hindi mo ginawa kahapon?”

“Huh?” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Hindi ko maintindihan.”

“Kung babatiin mo ang ibang tao o magpapasalamat ka, lakasan mo nang kaunti ang boses mo para naririnig nila. Baka mapagkamalan ka ulit na snob.”

Napaawang ang bibig ko. Ulit? Snob ba ang tingin sa ‘kin ng ibang tao? Kailan naman nangyari ‘yon at paano niya nalaman?”

“Pasensiya na,” sabi ko. “Mahina talaga madalas ang boses ko. Susubukan kong lakasan sa susunod.”

Hindi siya sumagot. Nakipagtitigan lang siya sa ‘kin hanggang sa kumunot na ang noo niya kalaunan. Kung hindi pa namin narinig ang boses nina Yeshua sa hindi kalayuan ay hindi pa matatanggal ang tingin namin sa isa’t isa.

“Dinala mo ba ‘yong pinapasuyo ko?” tanong ni Yeshua kay Kise.

May inabot naman ito sa pinsan niya. “Busy raw si Oxem kaya ako ang inutusan niyang magdala.”

“Pfft. Anong busy? Baka nandoon lang ‘yon sa nililigawan niya. Naniwala ka naman.”

“Sino may sabing naniwala ako?” Tinaasan niya ng kilay ang pinsan niya habang nakangisi. 

Hindi ko alam na posible pala ‘yon. Ang dami niya na kayang gawin sa mukha na mga ekspresyon. It’s fascinating.

“Hindi ka rin daw niya masusundo mamaya kaya hihintayin na lang kita.”

“Wala ka bang lakad?” tanong ni Yeshua. “Pwede naman akong mamasahe na lang. Sanay naman ako.”

“Hindi pwede. Hihintayin kita.”

Napanguso lang si Yeshua at hindi na umangal. Hindi rin naman ako papayag na mamasahe siya lalo pa at wala siyang makakasabay. Sa kabilang daan ang bahay namin nina Gina at Miya. Tiyak na gagabihin pa kami.

Lumabas ng gymnasium si Kise nang magsimula na kaming mag-ensayo. Ang buong akala ko ay hindi siya manonood pero mukhang bumili lang pala siya ng pagkain habang hinihintay si Yeshua. Sa bench malapit sa mga gamit namin siya umupo.

Sa buong pag-eensayo namin, nakatutok lang ang atensyon niya sa ‘min. Wala siyang sinasabi pero sa tuwing napapatingin ako sa gawi niya ay nagtatama ang tingin naming dalawa.

Nawawala tuloy ako sa focus.

Related chapters

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 3

    Keisha“Hello, Keisha!” bati ni Paulle, isa sa mga pinsan ni Yeshua na kaklase ko ngayong senior high school. Matagal ko na siyang kilala pero hindi ko pa siya nakakausap before. Madalas kasi siya sa room namin kasama ang kaibigan niyang si Reyannah na siyang naging kaklase ko.“Hi!” Sinigurado kong medyo may kalakasan na ang boses ko dahil baka mapagkamalan na naman akong snob.“Classmate pala tayo ngayon. Nice to meet you! Sana maging mabuti tayong magkaibigan.”Napangiti ako habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Nakakahawa kasi ang pagka-hyper niya.“Ito nga pala si Reyannah. Classmate din natin siya.”“I know her,” ani Reyannah. “Naging kaklase ko siya noong junior high school. Tahimik lang siya masyado kaya hindi kami ganoon ka-close.”“Mukha ngang tahimik ka, Keisha. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kwento.”Sa bandang dulo kami ng room naupo at doon nagkwentuhan. Hindi naman ako na-OP sa kanilang dalawa lalo na at si Paulle lang talaga ang nagsasalita. Pamins

    Last Updated : 2024-01-26
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 4

    KeishaNapalunok ako habang kumakain kami sa isang fast food chain. Kasama ko sina Reyannah at Paulle pagkatapos ng basketball game. Bigla kasi kaming nagutom kaya nagpunta muna kami rito bago umuwi.Pero ang hindi ko inaasahang panauhin ay si Kise.Kasama namin siya sa table imbes na sumama siya roon sa mga teammate niya na kumakain din malapit sa table namin. Hindi ko tuloy malunok nang maayos ang kinakain ko dahil kaharap ko siya at kanina pa siya nakatitig.Wala naman kaso kung gusto niya sa ‘min sumama dahil kapatid siya ni Paulle. Pero nakakailang na kasi ang tingin niya. Babae rin ako. Nakaka-conscious sa tuwing may nanonood sa ‘king kumain.“Bakit ba kasi nandito ka?” tanong ni Paulle. “Nandoon ang mga ka-team mo. Doon ka sumama at i-celebrate ang pagkapanalo niyo.” Bahagya pa niyang tinulak-tulak ang kapatid at pilit pinaaalis ng upuan.“Bakit ba? Gusto ko rito. Kung ayaw mo akong kasama sa isang table, ikaw na lang ang umalis.”“Wow, ah? Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Kaibiga

    Last Updated : 2024-02-07
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 5

    KeishaTumabi ako sa kaniya nang makaakyat ako sa tree house. Nakatingala lang siya sa langit at walang kahit anong ekspresyon ang mukha niya. Ni hindi man lang siya natinag sa pag-upo ko.“Most girls your age should be crying,” sabi ko.Minsan, natatakot na lang ako sa pwedeng maging epekto ng pag-aaway ng parents namin sa kapatid ko. Noong unang nag-away kasi ang parents ko, todo ang naging pag-iyak ko. Pero lumaki na si Krisha at lahat, hindi ko pa rin siya nakikitang umiyak.Siguro noong bata pa siya at wala pang muwang sa mundo, oo, nakita ko na siyang umiyak. Pero nang lumaki na siya, hindi ko na siya nakitang nagpakita ng kahit anong ekspresyon.“I’m not most girls, ate,” ani niya.Napatawa ako nang maalala ko ang nangyari kanina. “Kapatid nga kita.”Huminga siya nang malalim bago inalis ang tingin sa langit at tumulala lang sa kawalan. “I’m tired of crying. Nagkamuwang ako sa mundo nang nag-aaway na sila. Siguro, natuyot na lang ang mga mata ko kaya wala nang lumalabas.”“Bata

    Last Updated : 2024-02-09
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 6

    “Gusto niyong sumama sa mall?” tanong ni Paulle kina Reyannah at Keisha matapos ang kanilang klase.“Ako, okay lang. Ikaw, Keisha?”Napatingin ito sa kaniyang orasan. “Maaga pa naman. Sama ako.”“Yown! Tara. Libre ko kayo.”Nagsimula silang maglakad palabas ng room habang nagkukuwentuhan. Maaga silang pinalabas dahil maaga ring natapos ang lecture ng kanilang guro. Malayo pa ang midterms examination kaya naman napagpasyahan nilang gumala.“Pasko na, ‘no?” ani Paulle habang nakatingin sa isang malaking Christmas tree sa kanilang campus. “Ang bilis ng araw.”“Sinabi mo pa,” ani Reyannah. “Parang kailan lang nagsimula ang klase, ‘tapos pasko na agad. Kaunting push na lang, mga college students na rin tayo.”“May Christmas party nga palang gaganapin sa ‘min, sama kayo. Magkakaroon kami ng exchange gift kaya magbubunutan na tayo sa Sabado.”“Ay! Gusto ko ‘yan. Sama ka, Keisha. Last year, sobrang kwela ng naging party sa kanila.” Nang mapansin ang pagdadalawang isip nito ay nagpatuloy siya,

    Last Updated : 2024-02-11
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 7

    Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi

    Last Updated : 2024-02-22
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 8

    Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la

    Last Updated : 2024-02-25
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 9

    Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.

    Last Updated : 2024-03-07
  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 10

    Today is Kise’s basketball competition. Gaya ng mga naunang laro nila ay puno na naman ng mga tao ang buong gym.Bukod sa sikat talaga ang larong basketball sa school nila, ang iba sa mga ito ay narito upang panoorin at suportahan ang kanilang mga iniidolo. Natapat ding uwian na ng ilan sa mga estudyante kaya naman dito sila dumeretso imbis na umuwi agad.Maaga pa lang ay naroon na sina Paulle, Keisha at Reyannah upang suportahan ang mga kaibigan nila. Maglalaro din si Kise at kabilang ito sa first five ng kanilang school. Kahit hindi man ipakita ni Paulle ay naroon siya para suportahan ang kapatid. Kahit naman may tampo ito sa kaniya dahil sa sinabi ay kapatid pa rin niya ito. Nangako siya sa sariling susuportahan ang kuya sa tuwing may kompetisyon ito.Sa kalagitnaan ng laro, napansin agad ni Paulle ang kakaibang kilos ng kapatid at ng kaibigang si Keisha. Sa katunayan, ilang araw na rin niyang napapansin na palagi itong magkasama at magkasabay na umuwi.Ngayon niya lang nasigurado

    Last Updated : 2024-03-15

Latest chapter

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 15

    Isang gabi, naalala niyang ayain si Kise na sumama sa kasal ng kaniyang ina at ni Gavin. Hindi makapupunta si Reyannah dahil may event sa simbahan nila ngunit susunod ito sa reception. Hindi rin makakapunta si Paulle dahil may sarili itong lakad sa araw na ‘yon kasama ang mga kaklase niya noong elementary.“Wedding?” tanong ni Kise sa kabilang linya. “Sure. Why not? Wala naman akong gagawin sa araw na ‘yon.”“Hindi kasi makakasama si Paulle dahil may lakad rin pala siya sa araw na ‘yon.”“Sinabi niya nga sa ‘kin. Ano pala ang theme ng wedding? Para makabili na ako ng isusuot ko.”“Royal Blue. Bakit bibili ka pa? Bakit hindi ka na lang magrenta? Gagastos ka pa.”“Okay lang. Tiyak magagamit ko rin ‘yon sa susunod.”Hindi na lang pinansin pa ni Keisha at hinayaan ito. May punto naman ito. Hindi lang naman ito ang okasyon na maaaring kailanganin ni Kise ng tuxedo. Nagpatuloy na siya sa pagre-review habang nagsasalita pa rin si Kise. Kasalukuyan itong naglalaro ng online games sa kaniyang

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 14

    Napaingit si Kise pagkabangon sa higaan. Napahawak agad siya sa kaniyang sentido nang kumirot iyon kaya imbis na bumangon ay bumalik na lang siya sa pagkakahiga. Wala naman siyang klase o kahit anong lakad sa araw na ‘yon. Babalik na sana siya sa pagtulog kung hindi lang dahil sa kapatid niyang bigla na lang pumasok sa kaniyang kwarto. Nagtatalon pa ito sa kaniyang kama habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.“Not now, Paulle. Masakit ang ulo ko.” Pinatong na lang niya ang kaniyang braso upang takpan ang mga mata.Napasinghal si Paulle. “Eh ‘di nagsisi ka rin dahil sa pagpapakalasing mo kagabi?” Hindi sumagot ang kuya niya. “Sasama ka ba?”“Saan?”“Jusko! Sa sobrang kalasingan mo kagabi, wala ka nang maalala. Usapang lasing lang pala ang nangyari.”“Tama na ang panenermon. Saan nga tayo pupunta?”“Sa Manila. Hiniram ‘yong van nina kuya Oxem para hindi na tayo mamasahe. ‘Tapos in-offer mo rin ‘yong kotse mo dahil hindi tayo magkakasya lahat sa van.”“Palagi naman tayong nag

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 13

    Matapos ang party, hindi nawalan ng alak ang mga lalaki. Miski ang ilang mga babae ay hindi na rin pinigilan pa. Ngunit kumpara sa mga lalaki ay hindi sila nag-hard drinks.“Tara sa loob, Krisha,” ani Reyannah. “Doon tayong mga good girl na hindi umiinom.”“Huwag kang gagaya sa ‘min,” ani Paulle. “Bata ka pa kaya wala munang alak. Saka na kapag malaki ka na.”“Ikaw, Keisha?” tanong ni Reyannah.Napatingin silang lahat kay Keisha na mukhang walang balak sumunod sa loob.“I think I’ll drink tonight,” ani niya sabay abot ng isang bote.Nagkatinginan silang tatlo ngunit walang nagsalita. Pumasok na sina Reyannah at Krisha sa loob habang pinanood naman ni Paulle ang kaibigan. Alam niyang may problema sila ng kuya niya, pero hindi niya inaasahang mag-iinom ito.Ang alam niya ay hindi ito umiinom at kung minsan nga ay galit pa sa tuwing nakakakita ng alak. Doon niya lang napagtanto kung gaano talaga ito kaapektado sa nangyayari sa kanila ni Kise, na siyang ikinagulat niya dahil hindi niya in

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 12

    Matapos ang party, naiwan ang magkapatid na sina Kise at Paulle sa sala matapos maglinis. Sinulit naman ni Paulle ang pagkakataon para makausap ang kapatid. Naupo siya sa tabi nito at hinayaan ang malaking espasyo sa gitna nila.“It’s one o’clock now in the morning,” sabi ni Paulle. “It’s not your birthday anymore.”Kumunot ang noo ni Kise. “Okay?”“I know we’re okay now. Nakapag-sorry ka na at lahat, thanks to Keisha, by the way. Alam kong never kang magso-sorry sa ‘kin kung hindi dahil sa kaniya.”“It’s my fault. I know.”Napabuntonghininga si Paulle. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What’s with that attitude a while ago? Bakit ganoon na lang ang naging trato mo kay Keisha?”Hindi sumagot si Kise.“She traveled from Nueva Ecija just for your birthday. Alam mo bang nagpapalit pa siya ng shift dahil may work siya dapat ngayong araw? Just for your birthday.”Nanlaki ang mga mata ni Kise. “Sh!t! Oo nga pala.”“Sh!t, oo nga pala,” she mocked. “Kung nakita mo lang ‘yong itsura niya ka

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 11

    Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng Ayala residence. Mabilis ang kilos ng mga maid at butler upang salubungin ang bagong dating.Unang lumabas ang driver upang pagbuksan si Gavin Ayala. Inalalayan naman nito si Susan sa pagbaba bago pumasok sa loob ng mansyon.“Nasaan ang mga bata?” bungad na tanong ni Gavin.“Nasa eskwela pa po si ma’am Krisha, sir,” sagot ni Jana, ang mayordoma. “Sina sir Philip at ma’am Keisha naman po ay kanina pa sa kusina.”Nagkatinginan sina Gavin at Susan dahil sa balita. “My son and Keisha are together?” Tumango ang mayordoma. “Is everything okay?”Napangiti ang mayordoma. “Yes po, sir. Mukhang nagiging maganda na rin po ang relasyon ng magkapatid.”Dahil hindi pa rin makapaniwala si Gavin sa narinig ay sila na mismo ang nagtungo sa kusina upang silipin ang dalawa. Hindi sila makapaniwalang nag-uusap, at higit sa lahat, nagtatawanan ang dalawa habang nagbe-bake.“I can’t believe my eyes,” bulong ni Gavin.“Ang cute nilang panoorin,” ani Susan.“I g

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 10

    Today is Kise’s basketball competition. Gaya ng mga naunang laro nila ay puno na naman ng mga tao ang buong gym.Bukod sa sikat talaga ang larong basketball sa school nila, ang iba sa mga ito ay narito upang panoorin at suportahan ang kanilang mga iniidolo. Natapat ding uwian na ng ilan sa mga estudyante kaya naman dito sila dumeretso imbis na umuwi agad.Maaga pa lang ay naroon na sina Paulle, Keisha at Reyannah upang suportahan ang mga kaibigan nila. Maglalaro din si Kise at kabilang ito sa first five ng kanilang school. Kahit hindi man ipakita ni Paulle ay naroon siya para suportahan ang kapatid. Kahit naman may tampo ito sa kaniya dahil sa sinabi ay kapatid pa rin niya ito. Nangako siya sa sariling susuportahan ang kuya sa tuwing may kompetisyon ito.Sa kalagitnaan ng laro, napansin agad ni Paulle ang kakaibang kilos ng kapatid at ng kaibigang si Keisha. Sa katunayan, ilang araw na rin niyang napapansin na palagi itong magkasama at magkasabay na umuwi.Ngayon niya lang nasigurado

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 9

    Keisha“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”“That’s good, right?” tanong ko.“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 8

    Tinapik ni Keisha ang balikat ni Krisha nang marinig itong nagbuntonghininga. Napaangat naman ang tingin niya sa kaniyang ate at tipid na ngumiti.“I can’t wait to be rich,” sarkastikong sambit ni Krisha.“We’ll be fine.” “Sana nga. Ang hirap din magpalipat-lipat ng bahay. Mabuti nga at malapit lang din ang bahay nila rito kaya hindi natin kailangang lumipat na naman ng school.”Napatigil si Keisha. Ngayon niya lang din napagtanto ang bagay na ‘yon. Parang ayaw na lang niyang isipin na aalis na naman sila at lalayo gayong napalapit na ang loob niya kina Paulle at sa mga pinsan nito.Not to mention Kise…“Parang hindi ko rin kayang malayo rito.”“Is it because of that guy?” tanong ni Krisha.“Anong guy?”“Iyong kasama mo sa mall noong nakaraan. Dumaan kami ng kaklase ko para bumili ng supplies na gagamitin natin. I saw you with a guy. Naalala ko siya noon sa party kina ate Paulle.”“Hindi siya ang dahilan kung bakit ayoko nang malayo rito. Well, he’s one of the reasons. Pero hindi la

  • Tame Her Heart (Good Girls Gone Bad #2)   Chapter 7

    Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.“Wala naman. Sa bahay lang.”Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.“Nothing.”“Really?”Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring bi

DMCA.com Protection Status