NAGPAIKOT-IKOT siya sa harap salamin. Isang yellow off shoulder dress ang suot niya, at isang flat sandals naman sa paa niya.Ngayon ang usapan nila ni Leo na magkikita sila. Gusto niyang lalong gumanda sa paningin nito kaya naglagay siya ng manipis na foundation sa mukha at konting blush on sa pisngi. Nagpahid siya ng red lipstick sa labi.Nagsuot din siya ng isang set ng jewelry sa katawan na may pendat na sunflower.Ngumiti siya ng makita ang repleksyon niya sa salamin. Lalong tumingkad ang kaputian niya. Napasimangot siya dahil hindi niya makakasabay si Leo sa pagpunta sa bayan dahil umalis din ito kagabi ng may tumawag dito.Nagbilin naman ang binata na magkita nalang sila doon ng alas otso ng umaga. Masaya na siya dahil kahit alam niyang napakabusy ni Leo sa trabaho ay naisisingit pa rin siya nito sa schedule.Bago tuluyang umalis ay nagwisik siya ng paboritong perfume niya."Bye, Choco. Mamaya na ako uuwi, ha. Dito ka lang at matulog." Katatapos lang niya pakainin ito.Habang
PAGKAUWI niya ay nagdesisyon na siya. Kailangan nilang pag usapan ang tungkol sa relasyon nila. Kailangan nilang ayusin kung anuman ang mayroon sila.Na hindi dapat masira ang mayroon sila ngayon.Alam niyang mahal siya nito. Kung anuman ang pinagdadaanan nito ay handa siyang makinig.Inabot siya ng madaling araw sa paghihintay rito pero hindi ito umuwi. Alas dos na ng madaling araw bago siya nagpasya na pumasok na sa loob.Mabigat ang dibdib na natulog siya.NAGMAMADALI siyang bumangon ng makitang alas nuwebe na."Kaasar naman!" Kahit hindi pa naghihilamos ay tumakbo siya para puntahan ang bahay ng binata. Akmang kakatok siya sa pinto ng maalala na hindi nga pala ito umuwi. Nanghihina na umupo siya. Kailan kaya ito uuwi? Nilabas niya ang cellphone at nag message dito. 'Baby, kailan ka uuwi? Reply ka naman, please. I love you'Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ito nagreply. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha. Bumuga siya ng hangin at saka tumayo. Lumunok siya bago
BANGUNGOT. Ito ang nangyari sa kanya. Gusto niyang isipin na bangungot lang lahat ng ito, at magigising siya sa bangungot na iyon.Pero hindi.Punong puno ng luha ang mga mata niya habang tinitingnan ang dalawang tao na sobrang mahal niya na unti-unting ibinababa sa ilalim ng lupa.Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit kailangan na mawala ang dalawang tao na unang nagmahal sa kanya?Bakit sabay nila akong iniwan?Hindi tumitigil ang luha niya. Parang hindi na siya makahinga sa sobrang sakit.Sa isang iglap lang, dalawa ang nawala sa kanya. Hindi man lang niya nasabi na mahal na mahal niya ang mga ito.Nagsi-alis na ang ibang nakilibing. Naiwan lang ang ilang malalapit sa kanila.Tumingin siya sa babae na humawak sa balikat niya. Bakas ang lungkot sa mata nito.Bumuntong hininga lang ito at malungkot na ngumiti bago umalis.Pamilyar sa kanya ang mukha nito.Ang mga kaibigan ng mama niya ay hanggang ngayon ay tahimik na umiiyak pa rin.Katulad niya.Umiiyak na niyakap siya ng mga kaibigan
HINAYAAN niyang umagos ang malamig na tubig sa hubad niyang katawan. Na para bang aagusin niyon ang bakas na iniwan ni Draken sa kanya.Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya para tingnan sa salamin ang katawan niyaKumibot ang labi niya ng makita ang iniwan nitong marka sa taas ng dibdib niya at sa braso niya.Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Pagkatapos niyang magbihis ay nagkulong lang siya sa kwarto. Sinagot niya ang mga text messages ng mga kaibigan para hindi mag alala ang mga ito sa kanya.Sinigurado niya rin na lahat ng bintana at pintuan ay nakalock.Simula ngayon ay iiwasan na rin niya si Draken. Katulad ng pag iwas niya kay Piero.Humiga siya sa kama niya. 'Leo please, umuwi ka na bukas' Piping dasal ng utak niya bago natulog.DALAWANG araw pa ang lumipas. Malungkot na tinanaw niya ang bahay ng binata. Unti-unti nang kinakain ng takot ang pag asa niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya.Tumingin siya sa langit. Malapit na magdilim at heto siya, naghihintay pa rin sa p
KANINA pa siya naglalakad. Mag aalas singko na ng umaga. Napatingala siya ng bumuhos ang malakas na ulan. Muling tumulo ang luha niya.Napakasakit pala magmahal. Kung alam lang sana niya ay nagkulong nalang siya ng kwarto at nanood ng mga korean nobela.Mas matatanggap pa siguro niya kung iniwan nalang siya nito bigla. O pinatay nalang siya nito.Pero ang malaman na naging kabit siya? Nakaka-putangina.Kinapa niya ang dibdib.Puro galit ang nararamdaman niya ngayon. Galit dahil pinagmukha siyang tanga ni Leo. Galit dahil pinaikot siya sa palad nito.Tuwang tuwa siguro ito sa pagiging tanga niya.Nanginginig na niyakap niya ang sarili at tumingala sa langit ng malakas na kumidlat.Pati ang langit ay nakikisimpatya sa kanya. Walang emosyon na tiningnan niya ang sasakyan na huminto sa gilid niya.Lumabas si Piero ro'n na may dalang payong.Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang panginginig ng katawan."What the hell are you doing?" Pinigil nito ang braso niya. Agad na b
She couldn't believe that all this was happening to her.Sariwa pa ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng magulang niya. Ang sakit na ginawa ni Leo sa kanya. Maging ang iniwan ni Draken na takot sa kanya.Tapos ngayon ito?Did she deserve this? Why? Nagmahal lang naman siya. Pero bakit kailangan mangyari sa kanya lahat ng ito? Bakit niya pa nakilala ang mga taong ito kung ganito lang naman ang mapapala niya?Patuloy na hinahalikan siya ni Piero. Manhid na ang labi niya sa sakit dahil halos durugin nito ang labi niya sa paraan ng paghalik nito.Halata ang gigil nito sa katawan niya.Sunod-sunod ang pagmumura nito ng tumunog ulit ang cellphone nito. Galit na umalis ito sa ibabaw niya.Humugot siya ng malalim na hininga at saka pinakawalan ang hikbi na hindi niya mailabas kanina dahil sa diin ng paghalik nito.Nangingig ang katawan niya dahil sa sakit. Kailangan niyang makatakas rito bago pa siya mababoy nito.Medyo napaurong ang katawan niya ng makita ang malagkit nitong tingin
PARA sa mga lalaking nang iiwan matapos kang paasahin!" Lasing na si Rona. Ipinatong pa nito ang paa sa table nila kaya naman nakita na nila ang panty nito. Itinaas din nito ang kamay na may hawak na ibang klase na naman ng alak. "Tubuan sana ng pigsa si Ruben sa itlog! Cheers!" "Cheers!" Sabay lahat nilang sabi.Umiikot na ang paningin niya. "Stay away you jerk!" Lahat kami ay napatingin kay Perper dahil pilit itong kinukulit ng lalaki na kanina pa niya napapansin na pabalik-balik sa table nila."Hoy! Kuya na hindi naman gwapo, stay away daw! hik!" Sumusuray na lumapit sa mga ito si Judith. "Di sasama yan sa'yo, mukha ka kasing gulong." Humahagikgik na sabi nito. Halatang lasing na.Wala nang nagawa ang lalaki at galit nalang na umalis habang masama ang titig kay Judith."Look guys, tumingin sa 'kin yung gulong." Lumapit sa kanya si Judith at inakbayan siya. Umupo na rin sa si Perper na halatang lasing narin dahil pulang pula na ang mukha nito.Nag-shot na naman si Rona ng alak. "M
TULALA lang siya habang nakatingin sa harap ng salamin. Tumulo ang luha niya na agad niyang pinunasan. Apat na araw na siyang nakakulong sa kwarto ni Draken. Subukan man niyang tumakas ay hindi niya magawa dahil sa palaging naka-lock ang pinto. Dinadalhan lang din siya ng pagkain ni Draken sa kwarto. Halata na wala itong balak na palabasin siya sa kwarto. Palagi din itong nakabantay sa kanya kaya hindi niya magawang tumakas.Pati ang bintana ng kwarto ay nakasarado. Pinilit niyang buksan 'yon pero hindi niya nagawa. Hindi rin pamilyar sa kanya ang bahay nito. Iba kasi ito sa bahay ni Draken na nakita niya noon.Kinagat niya ang labi ng makita ang mga marka na gawa ni Draken. Halos mapuno nito ang buo niyang katawan. Kahit sa hita niya at sa singit ay halos may mga marka siya.Agad na inayos niya ang suot na nighties ng marining ang pagbukas ng pinto. Nagmamadali siyang tumakbo at humiga. Binalot niya din ng kumot ang sarili dahil tiyak na may gagawin na naman ito sa kanya makita lang