KANINA pa siya naglalakad. Mag aalas singko na ng umaga. Napatingala siya ng bumuhos ang malakas na ulan. Muling tumulo ang luha niya.Napakasakit pala magmahal. Kung alam lang sana niya ay nagkulong nalang siya ng kwarto at nanood ng mga korean nobela.Mas matatanggap pa siguro niya kung iniwan nalang siya nito bigla. O pinatay nalang siya nito.Pero ang malaman na naging kabit siya? Nakaka-putangina.Kinapa niya ang dibdib.Puro galit ang nararamdaman niya ngayon. Galit dahil pinagmukha siyang tanga ni Leo. Galit dahil pinaikot siya sa palad nito.Tuwang tuwa siguro ito sa pagiging tanga niya.Nanginginig na niyakap niya ang sarili at tumingala sa langit ng malakas na kumidlat.Pati ang langit ay nakikisimpatya sa kanya. Walang emosyon na tiningnan niya ang sasakyan na huminto sa gilid niya.Lumabas si Piero ro'n na may dalang payong.Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang panginginig ng katawan."What the hell are you doing?" Pinigil nito ang braso niya. Agad na b
She couldn't believe that all this was happening to her.Sariwa pa ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng magulang niya. Ang sakit na ginawa ni Leo sa kanya. Maging ang iniwan ni Draken na takot sa kanya.Tapos ngayon ito?Did she deserve this? Why? Nagmahal lang naman siya. Pero bakit kailangan mangyari sa kanya lahat ng ito? Bakit niya pa nakilala ang mga taong ito kung ganito lang naman ang mapapala niya?Patuloy na hinahalikan siya ni Piero. Manhid na ang labi niya sa sakit dahil halos durugin nito ang labi niya sa paraan ng paghalik nito.Halata ang gigil nito sa katawan niya.Sunod-sunod ang pagmumura nito ng tumunog ulit ang cellphone nito. Galit na umalis ito sa ibabaw niya.Humugot siya ng malalim na hininga at saka pinakawalan ang hikbi na hindi niya mailabas kanina dahil sa diin ng paghalik nito.Nangingig ang katawan niya dahil sa sakit. Kailangan niyang makatakas rito bago pa siya mababoy nito.Medyo napaurong ang katawan niya ng makita ang malagkit nitong tingin
PARA sa mga lalaking nang iiwan matapos kang paasahin!" Lasing na si Rona. Ipinatong pa nito ang paa sa table nila kaya naman nakita na nila ang panty nito. Itinaas din nito ang kamay na may hawak na ibang klase na naman ng alak. "Tubuan sana ng pigsa si Ruben sa itlog! Cheers!" "Cheers!" Sabay lahat nilang sabi.Umiikot na ang paningin niya. "Stay away you jerk!" Lahat kami ay napatingin kay Perper dahil pilit itong kinukulit ng lalaki na kanina pa niya napapansin na pabalik-balik sa table nila."Hoy! Kuya na hindi naman gwapo, stay away daw! hik!" Sumusuray na lumapit sa mga ito si Judith. "Di sasama yan sa'yo, mukha ka kasing gulong." Humahagikgik na sabi nito. Halatang lasing na.Wala nang nagawa ang lalaki at galit nalang na umalis habang masama ang titig kay Judith."Look guys, tumingin sa 'kin yung gulong." Lumapit sa kanya si Judith at inakbayan siya. Umupo na rin sa si Perper na halatang lasing narin dahil pulang pula na ang mukha nito.Nag-shot na naman si Rona ng alak. "M
TULALA lang siya habang nakatingin sa harap ng salamin. Tumulo ang luha niya na agad niyang pinunasan. Apat na araw na siyang nakakulong sa kwarto ni Draken. Subukan man niyang tumakas ay hindi niya magawa dahil sa palaging naka-lock ang pinto. Dinadalhan lang din siya ng pagkain ni Draken sa kwarto. Halata na wala itong balak na palabasin siya sa kwarto. Palagi din itong nakabantay sa kanya kaya hindi niya magawang tumakas.Pati ang bintana ng kwarto ay nakasarado. Pinilit niyang buksan 'yon pero hindi niya nagawa. Hindi rin pamilyar sa kanya ang bahay nito. Iba kasi ito sa bahay ni Draken na nakita niya noon.Kinagat niya ang labi ng makita ang mga marka na gawa ni Draken. Halos mapuno nito ang buo niyang katawan. Kahit sa hita niya at sa singit ay halos may mga marka siya.Agad na inayos niya ang suot na nighties ng marining ang pagbukas ng pinto. Nagmamadali siyang tumakbo at humiga. Binalot niya din ng kumot ang sarili dahil tiyak na may gagawin na naman ito sa kanya makita lang
"SANDALI po, manong." Agad na pinahinto niya ang taxi kahit wala pa 'to sa tapat ng bahay nila.Kinabahan siya ng makita na may mga lalaking nakabantay sa paligid nito. Hindi lang isa kundi marami!"Ineng, tutuloy pa ba tayo?" Nilingon siya ng driver. Wala pa naman siyang pambayad. Napahilamos siya. "Manong, may pakiusap po sana ako sa 'yo. Kung pwede lang po. Nakasalalay sa kamay mo ang buhay ko."Nalukot ang mukha ng matanda. "Aba, ibig sabihin ba niyan pagnamatay ka, kasalanan ko?" Tumango siya. "Gano'n na nga po."INIWAN siya ng driver. Takot ito sa sinabi niya at agad siyang pinababa. Gusto lang sana niyang makiusap rito na puntahan 'yong bahay ni Judith na isang kanto lang ang layo. Para do'n muna kunin ang pambayad niya rito at sabihin na narito siya.Hindi kasi siya pwede na pumunta sa mga ito. Natatakot siya na madamay ang mga kaibigan niya.Lalo niyang siniksik ang sarili sa basurahan ng makita na lingon ng lingon ang isang tauhan ni Draken.Kailan ba aalis ang mga ito?K
"DALAWANG daan po lahat." Agad na kinuha niya ang bayad ng costumer na bumibili ng bigas.Lumapit sa kanya si Wilma. "Hindi ka ba naiinitan sa ayos mo? Ang init kaya, tapos balot na balot ka." Tila nawiwirduhan na sabi nito.Kasama niya rin ito sa trabaho. Samantalang si Joseph naman ay nagtitinda ng mga karne sa palengke sa sariling pwesto.Natigilan siya. Isang linggo na rin simula ng magsimula siyang magtrabaho dito. Nakurpirma niya rin ikakasal na nga si Draken at Piero sa mga kaibigan niya. Wala ng dahilan para matakot siya.Ngumiti siya.Napakasaya niya dahil tuluyan ng magiging maayos ang buhay niya. Hindi na niya kailangan magtago at matakot.Hinubad niya ang sumbrero na suot, pati ang kanyang mask at salamin sa mata. Hinubad niya rin ang jacket dahil naka-sando naman siya.Tumingin siya kay Wilma at kumunot ang noo. Paano ay nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Sinuklay niya ang maikling buhok gamit ang kamay."W-wow..." Nakanganga na ito. "Para ka talagang diyosa, prend
"REGINA? Simula ng bumalik ka palagi ka ng tulala." May pag aalala na sabi ni Wilma. "Ayos ka lang ba? Saka bakit may sugat at pasa ka?" Hinawakan nito ang braso niya at pulsuhan niya na may mga pasa."Nakipagsapakan ka ba?" Tinitigan din nito ang sugat sa gilid ng labi niya.Umiling siya at tumawa. "Wala lang 'to." Umiwas siya ng tingin."Bakit ka nga pala tumakbo no'ng isang araw? Hinanap ka namin pero hindi ka namin nakita. Ang daming tao na natakot kasi maraming dumating na mga lalaki. Ang tsismis pa nga may kinuha daw na babae." Kwento ni Wilma.Yumuko siya at lumunok."Akala nga namin ikaw na 'yong kinidnap." Sabi naman ni Joseph. "Saan ka ba kasi galing? Saka 'yong totoo, ha. Nakipag away ka, no?" Kumamot nalang siya sa ulo at hindi na sumagot. Natigil lang sa pagtatanong sa kanya ang dalawa ng may costumer na dumating.Pagkagising niya ay nasa isang hotel na siya. Malakas ang kutob niya na dinala siya do'n ni Leo nang makatulog siya. Dalawang araw din siya nagtagal sa poder n
TINAGGAP niya ang isang tasa ng kape na inabot sa kanya ni Wilma. Tumabi ito sa kanya at naupo. Narito siya sa kubo na pansamantalang tinitirhan niya."Salamat nga pala sa inyo ni Joseph, Wilma." Kung hindi dahil sa dalawa ay hindi siya makakalayo."Maliit na bagay." Nakangiting sabi nito. "Basta magpakasaya ka lang muna habang di ka pa nila nakikita." Marahas na napalingon siya rito. "Regina, aminin na natin na sa yaman ng mga 'yon, madali lang para sa kanila ang mahanap ka. Sa tingin ko, hindi ka lang nila gusto para habul-habulin ka ng ganito. Ang malas mo lang talaga kasi tatlo silang naghahabol sa 'yo." Umiling ito. "Grabe, buti nalang talaga hindi ako naging ganyan kaganda."Natawa siya ng mahina sa huli nitong sinabi. Tiningnan niya ang maaliwalas na dagat. Papalubog na ang araw kaya napakaganda tingnan ng tanawin. Tama si Wilma. Mahahanap siya ng mga ito dahil sa makapangyarihan ang bawat isa sa kanila. Wala siyang ligtas. Makapagtago man siya ay mahahanap din siya agad ng m