"SANDALI po, manong." Agad na pinahinto niya ang taxi kahit wala pa 'to sa tapat ng bahay nila.Kinabahan siya ng makita na may mga lalaking nakabantay sa paligid nito. Hindi lang isa kundi marami!"Ineng, tutuloy pa ba tayo?" Nilingon siya ng driver. Wala pa naman siyang pambayad. Napahilamos siya. "Manong, may pakiusap po sana ako sa 'yo. Kung pwede lang po. Nakasalalay sa kamay mo ang buhay ko."Nalukot ang mukha ng matanda. "Aba, ibig sabihin ba niyan pagnamatay ka, kasalanan ko?" Tumango siya. "Gano'n na nga po."INIWAN siya ng driver. Takot ito sa sinabi niya at agad siyang pinababa. Gusto lang sana niyang makiusap rito na puntahan 'yong bahay ni Judith na isang kanto lang ang layo. Para do'n muna kunin ang pambayad niya rito at sabihin na narito siya.Hindi kasi siya pwede na pumunta sa mga ito. Natatakot siya na madamay ang mga kaibigan niya.Lalo niyang siniksik ang sarili sa basurahan ng makita na lingon ng lingon ang isang tauhan ni Draken.Kailan ba aalis ang mga ito?K
"DALAWANG daan po lahat." Agad na kinuha niya ang bayad ng costumer na bumibili ng bigas.Lumapit sa kanya si Wilma. "Hindi ka ba naiinitan sa ayos mo? Ang init kaya, tapos balot na balot ka." Tila nawiwirduhan na sabi nito.Kasama niya rin ito sa trabaho. Samantalang si Joseph naman ay nagtitinda ng mga karne sa palengke sa sariling pwesto.Natigilan siya. Isang linggo na rin simula ng magsimula siyang magtrabaho dito. Nakurpirma niya rin ikakasal na nga si Draken at Piero sa mga kaibigan niya. Wala ng dahilan para matakot siya.Ngumiti siya.Napakasaya niya dahil tuluyan ng magiging maayos ang buhay niya. Hindi na niya kailangan magtago at matakot.Hinubad niya ang sumbrero na suot, pati ang kanyang mask at salamin sa mata. Hinubad niya rin ang jacket dahil naka-sando naman siya.Tumingin siya kay Wilma at kumunot ang noo. Paano ay nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. Sinuklay niya ang maikling buhok gamit ang kamay."W-wow..." Nakanganga na ito. "Para ka talagang diyosa, prend
"REGINA? Simula ng bumalik ka palagi ka ng tulala." May pag aalala na sabi ni Wilma. "Ayos ka lang ba? Saka bakit may sugat at pasa ka?" Hinawakan nito ang braso niya at pulsuhan niya na may mga pasa."Nakipagsapakan ka ba?" Tinitigan din nito ang sugat sa gilid ng labi niya.Umiling siya at tumawa. "Wala lang 'to." Umiwas siya ng tingin."Bakit ka nga pala tumakbo no'ng isang araw? Hinanap ka namin pero hindi ka namin nakita. Ang daming tao na natakot kasi maraming dumating na mga lalaki. Ang tsismis pa nga may kinuha daw na babae." Kwento ni Wilma.Yumuko siya at lumunok."Akala nga namin ikaw na 'yong kinidnap." Sabi naman ni Joseph. "Saan ka ba kasi galing? Saka 'yong totoo, ha. Nakipag away ka, no?" Kumamot nalang siya sa ulo at hindi na sumagot. Natigil lang sa pagtatanong sa kanya ang dalawa ng may costumer na dumating.Pagkagising niya ay nasa isang hotel na siya. Malakas ang kutob niya na dinala siya do'n ni Leo nang makatulog siya. Dalawang araw din siya nagtagal sa poder n
TINAGGAP niya ang isang tasa ng kape na inabot sa kanya ni Wilma. Tumabi ito sa kanya at naupo. Narito siya sa kubo na pansamantalang tinitirhan niya."Salamat nga pala sa inyo ni Joseph, Wilma." Kung hindi dahil sa dalawa ay hindi siya makakalayo."Maliit na bagay." Nakangiting sabi nito. "Basta magpakasaya ka lang muna habang di ka pa nila nakikita." Marahas na napalingon siya rito. "Regina, aminin na natin na sa yaman ng mga 'yon, madali lang para sa kanila ang mahanap ka. Sa tingin ko, hindi ka lang nila gusto para habul-habulin ka ng ganito. Ang malas mo lang talaga kasi tatlo silang naghahabol sa 'yo." Umiling ito. "Grabe, buti nalang talaga hindi ako naging ganyan kaganda."Natawa siya ng mahina sa huli nitong sinabi. Tiningnan niya ang maaliwalas na dagat. Papalubog na ang araw kaya napakaganda tingnan ng tanawin. Tama si Wilma. Mahahanap siya ng mga ito dahil sa makapangyarihan ang bawat isa sa kanila. Wala siyang ligtas. Makapagtago man siya ay mahahanap din siya agad ng m
"SAAN ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya kay Wilma. Bigla nalang kasi siya nitong niyaya. Malayo-layo na rin ang nilalakad nila pero hindi parin sila humihinto. Hindi naman nito sinabi sa kanya kung saan sila pupunta."Malapit na tayo. 'Yon na sila!" Tiningnan niya ang itinuro nito. Nakita niya si Joseph kasama ng maraming bata. Nang lumapit sila rito ay nakita niya ang mga bata na seryoso habang nagsusulat. Ni hindi napansin ng mga bata ang pagdating nila dahil nakatuon lang ang atensyon ng mga ito sa papel na nasa harapan.Siniko siya ni Wilma at ngumuso sa kubong maliit na naro'n, kung saan lumabas si Bernard na may mga dalang bananaque.Napangiti siya. Hindi sila napansin ni Bernard dahil abala ito sa pagbibigay ng meryenda sa mga bata katulong si Joseph."May artista po!" Lumingon ang lahat sa pwesto nila ng ituro siya ng isang bata. Nagtakbuhan ang mga ito sa pwesto nila kaya nahihiya na tumingin siya kay Bernard, na nakangiti sa kanya. Baka na-abala niya ang mga bata sa ginag
NANG magising siya ay nasa hindi pamilyar na kwarto siya. Takot na takot na sumiksik siya sa sulok ng maalala ang nangyari.Ang huli niyang natatandaan ay nawalan siya ng malay ng may iturok si Piero sa tapat ng dibdib niya.Sobrang takot niya ng maalala kung paano siya nito tutukan ng baril.Balak siyang patayin nito!Kahit nanginginig ang tuhod niya sa takot ay tumayo siya ng makita na tumunog ang pinto, hudyat na may nagbubukas nito. Agad na tinungo niya ang isang pinto ro'n na bathtroom pala. Nagpasalamat siya ng mabuksan niya 'yon.Agad na ini-lock niya 'yon ng makapasok siya. Napa-atras siya sa takot ng malakas na kumatok ro'n ang lalaki na kinakatakutan niya."Open this fucking door, now!" Halos masira ang pinto sa lakas ng pagkatok nito.Naitakip niya ang kamay sa bibig. Naghanap siya na pwedeng gamitin para ipagtanggol ang sarili pero wala siyang makita ni-isang gamit na pwede niyang magamit laban kay Piero.Nakahinga siya ng maluwag ng tumigil na ito sa pagkatok.Umupo siya a
PAGOD na pagod ang katawan niya. Hindi niya magawang kainin ang mga pagkain na hinahain sa kanya ni Piero.Nanghihina siya. Parang anumang sandali ay mawawalan siya ng malay.Dalawang araw na siyang hindi tinitigilan nito at palagi nalang ginagalaw. Hindi na rin halos ito umaalis sa tabi niya.Tulala lang siya habang nakatingin sa kawalan. Pakiramdam niya anumang oras ay tatakasan na siya ng katinuan niya.Nakakunot ang mukha ni Piero ng makita na walang bawas ang pagkain niya na nakalagay sa tray.Umupo ito sa tabi niya at inumang ang kutsara na may laman na pagkain sa harap ng bibig niya."You need to eat. You looked pale." Hindi niya ito kinibo. Nanatiling nakatingin sa kawalan ang mata niya."I said you need to eat." Halata na hindi nito nagustuhan ang hindi niya pagsagot.Tumingin siya rito.Tumayo ito at madilim na ang mukha na tumingin sa kanya. Hinilot nito ang batok at may ngisi sa labi na tumingin sa kanya."B-bitiwan mo nga ako!" Hindi siya nakapalag ng walang babala na bin
NANG ilapag siya ni Piero sa isang bench ay tumabi ito sa kanya, kaya umusod siya palayo dito.Hindi niya parin nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Galit na galit siya rito—sa tatlo pala. Nawala ang atensyon niya rito ng ilibot niya ang mata sa paligid. Di niya mapigilan ang mamangha.Para siyang nasa isang paraiso!Napapaligiran sila ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Tumayo siya at maang na nilapitan ang mga 'yon. Bago lang sa paningin niya ang ibang bulaklak. Napatingala siya dahil sa mga paruparo na nagliliparan sa paligid.Nakakatuwa na makakita ng maraming paruparo na sama-sama sa panahon ngayon.Inilahad niya ang palad ng may paruparo na paikot-ikot na lumilipad sa kanya.Ngumiti siya ng dumapo sa kamay niya ang isang puting paruparo. Napakaganda nito.Kumunot ang noo niya ng may dumapo pa na tatlong paruparo sa palad niya. Kulay itim, pula at asul 'yon.Bigla siyang nangilabot ng lapitan ng tatlong bagong dating ang puting paruparo sa kamay niya.Naalala niya ang tatlon