"SAAN ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya kay Wilma. Bigla nalang kasi siya nitong niyaya. Malayo-layo na rin ang nilalakad nila pero hindi parin sila humihinto. Hindi naman nito sinabi sa kanya kung saan sila pupunta."Malapit na tayo. 'Yon na sila!" Tiningnan niya ang itinuro nito. Nakita niya si Joseph kasama ng maraming bata. Nang lumapit sila rito ay nakita niya ang mga bata na seryoso habang nagsusulat. Ni hindi napansin ng mga bata ang pagdating nila dahil nakatuon lang ang atensyon ng mga ito sa papel na nasa harapan.Siniko siya ni Wilma at ngumuso sa kubong maliit na naro'n, kung saan lumabas si Bernard na may mga dalang bananaque.Napangiti siya. Hindi sila napansin ni Bernard dahil abala ito sa pagbibigay ng meryenda sa mga bata katulong si Joseph."May artista po!" Lumingon ang lahat sa pwesto nila ng ituro siya ng isang bata. Nagtakbuhan ang mga ito sa pwesto nila kaya nahihiya na tumingin siya kay Bernard, na nakangiti sa kanya. Baka na-abala niya ang mga bata sa ginag
NANG magising siya ay nasa hindi pamilyar na kwarto siya. Takot na takot na sumiksik siya sa sulok ng maalala ang nangyari.Ang huli niyang natatandaan ay nawalan siya ng malay ng may iturok si Piero sa tapat ng dibdib niya.Sobrang takot niya ng maalala kung paano siya nito tutukan ng baril.Balak siyang patayin nito!Kahit nanginginig ang tuhod niya sa takot ay tumayo siya ng makita na tumunog ang pinto, hudyat na may nagbubukas nito. Agad na tinungo niya ang isang pinto ro'n na bathtroom pala. Nagpasalamat siya ng mabuksan niya 'yon.Agad na ini-lock niya 'yon ng makapasok siya. Napa-atras siya sa takot ng malakas na kumatok ro'n ang lalaki na kinakatakutan niya."Open this fucking door, now!" Halos masira ang pinto sa lakas ng pagkatok nito.Naitakip niya ang kamay sa bibig. Naghanap siya na pwedeng gamitin para ipagtanggol ang sarili pero wala siyang makita ni-isang gamit na pwede niyang magamit laban kay Piero.Nakahinga siya ng maluwag ng tumigil na ito sa pagkatok.Umupo siya a
PAGOD na pagod ang katawan niya. Hindi niya magawang kainin ang mga pagkain na hinahain sa kanya ni Piero.Nanghihina siya. Parang anumang sandali ay mawawalan siya ng malay.Dalawang araw na siyang hindi tinitigilan nito at palagi nalang ginagalaw. Hindi na rin halos ito umaalis sa tabi niya.Tulala lang siya habang nakatingin sa kawalan. Pakiramdam niya anumang oras ay tatakasan na siya ng katinuan niya.Nakakunot ang mukha ni Piero ng makita na walang bawas ang pagkain niya na nakalagay sa tray.Umupo ito sa tabi niya at inumang ang kutsara na may laman na pagkain sa harap ng bibig niya."You need to eat. You looked pale." Hindi niya ito kinibo. Nanatiling nakatingin sa kawalan ang mata niya."I said you need to eat." Halata na hindi nito nagustuhan ang hindi niya pagsagot.Tumingin siya rito.Tumayo ito at madilim na ang mukha na tumingin sa kanya. Hinilot nito ang batok at may ngisi sa labi na tumingin sa kanya."B-bitiwan mo nga ako!" Hindi siya nakapalag ng walang babala na bin
NANG ilapag siya ni Piero sa isang bench ay tumabi ito sa kanya, kaya umusod siya palayo dito.Hindi niya parin nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Galit na galit siya rito—sa tatlo pala. Nawala ang atensyon niya rito ng ilibot niya ang mata sa paligid. Di niya mapigilan ang mamangha.Para siyang nasa isang paraiso!Napapaligiran sila ng iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Tumayo siya at maang na nilapitan ang mga 'yon. Bago lang sa paningin niya ang ibang bulaklak. Napatingala siya dahil sa mga paruparo na nagliliparan sa paligid.Nakakatuwa na makakita ng maraming paruparo na sama-sama sa panahon ngayon.Inilahad niya ang palad ng may paruparo na paikot-ikot na lumilipad sa kanya.Ngumiti siya ng dumapo sa kamay niya ang isang puting paruparo. Napakaganda nito.Kumunot ang noo niya ng may dumapo pa na tatlong paruparo sa palad niya. Kulay itim, pula at asul 'yon.Bigla siyang nangilabot ng lapitan ng tatlong bagong dating ang puting paruparo sa kamay niya.Naalala niya ang tatlon
NANIGAS siya sa kinauupuan ang maramdaman na umupo si Piero sa tabi niya. Hindi nagtagal ay yumakap na ito sa baiwang niya.At katulad ng inaasahan niya ay humihimas na naman ito.Inis na inalis niya ang kamay nito. "M-magbabanyo ako." Tumayo siya at nagmamadaling umalis sa tabi nito at saka pumasok ng banyo.Nakahinga siya ng malalim ng makapasok sa banyo. Kahit hindi niya gustong maligo ay naligo siya para magtagal siya ro'n.Nakahinga siya ng maluwag ng hindi ito pumasok o sumulpot sa tabi niya habang naliligo na palagi nitong ginagawa.Pati ang pagtu-toothbrush ay binagalan niya, para na ngang luminis ang ngipin niya ng isang libong beses dahil nakatatlong ulit pa siya.Napasimangot siya ng wala siyang nakita na pajama sa walking closet. Puro mga maminipis na nighties ang naro'n at mga dresses.Inis na isinuot niya ang manipis na kulay kremang nighties na hanggang kalahati lang ng hita niya.Bumuga siya ng hangin bago lumabas ng bathroom. Sinadya niyang iiwas ang mata sa binata na
TUWANG-tuwa siya ng may sasakyan agad na dumaan. Hindi 'yon bus o dyip, pero pinara niya 'yon para makaalis siya agad sa lugar na 'to.Nakahinga siya ng maluwag ng huminto ang isang pick up sa harap niya. Agad na sumakay siya ro'n."Salamat ho!" Masayang sambit niya. Hindi tumingin sa kanya ang matandang driver niyon. Nanatili lang na nasa daan ang mga mata nito. Pinagdikit niya ang labi at pinili na wag nalang magsalita. Halata na wala 'tong balak makipag usap sa kanya.Dahil sa tagal ng byahe ay nakatulog pa siya sa sasakyan ng matanda. Nagising lang siya dahil sa malakas na tikhim nito."Salamat po uli, manong." Katulad kanina ay hindi man lang 'to nagsalita o sumulyap sa kanya. Ang sungit naman nito.Dahil sa perang nakuha niya sa bahay ni Piero ay nakabalik siya sa inuupahan niya. Gulat na gulat si Aling Myla ng makita siya. Hinila siya nito sa isang sulok. "Akala ko talagang bata ka ay hindi ka na babalik." Nagpalinga-linga ito sa paligid. "Bakit pala ngayon ka lang? Alam mo b
MASAKIT ang ulo na nagdilat siya ng mata. Bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ng mga kaibigan niya."Beks!" Niyakap agad siya ni Rona. Kahit masakit ang ulo ay unti-unting sumilay sa labi niya ang ngiti hanggang sa tuluyan na siyang naiyak na yumakap sa mga ito.Lahat ng nangyari sa kanya ay gusto niyang ikwento sa mga 'to, lalo na ang naranasan niyang panggagahasa sa mga baliw na binata, pero hindi maaari dahil baka sumugod ang mga ito sa mga baliw na lalaking 'yon. Mapapahamak lang ang mga kaibigan niya, kaya mas pinili nalang niya na wag sabihin sa mga ito. Hindi niya gusto na madamay ang mga kaibigan niya.Tumalikod si Perper sa kanya pero nakita niya ang pagtulo ng luha nito at awa sa mga mata. Si Judith naman ay yumakap rin sa kanya.Kung hindi sana nangyari ang mga ganitong bagay sa kanya ay masaya siya kasama ang mga kaibigan niya. Kung hindi niya nakilala si Leo ay normal pa sana ang lahat.Napahagulhol siya.Napakababoy ng mga taong 'to. Hindi na naawa sa kanya. Alam
KUMUNOT ang noo niya ng mapansin na may ilang kalalakihan ang nasa labas ng kinakain niyang Pastry shop. Dahil salamin ang dingding ay kitang kita niya ang mga tao sa labas. Pinilig niya ang ulo.Sigurado na mali lang siya. Dalawang araw na ang lumipas pero tahimik pa naman ang dalawang araw na 'yon sa kanya. Walang Leo, Draken o Piero na nanggugulo sa kanya. Muli niyang ibinalik sa harap ang atensyon niya at kumain.Nang maubos niya ang mga cake na inorder ay tumayo na siya para maglibot na naman. Sa dalawang araw niya na narito sa maynila ay wala siyang ginawa kundi ang kumain.Inalis niya ang suot na itim na sumbrero saka sinuklay ang maikling buhok gamit ang kamay. Lahat ng nakakita ay natigilan ng makita siya. Mga inggit ang nasa mata ng mga babae, samantalang paghanga naman ang sa mga lalaki.Muli niyang sinuot ang sumbrero ng maayos ang maikli niyang buhok. Bumuga siya ng hangin. Nakakasawa ang ganito. Paulit-ulit lang ang ginagawa niya. Wala siyang bahay na maaaring uwian.Tu