Home / Romance / TWISTED / 2. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

Share

2. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

ANG STORY NA ITO AY SUPER RATED SPG‼️ MAY MGA SCENE NA HINDI PWEDE SA MGA MASESELAN‼️ READ AT YOUR RISK!!!

[Regina]

NANGINGITIM ang ilalim ng mga mata. Magulo ang buhok na parang isang bruha. Kahit sinong makakita sa kanya ay tiyak na matatakot.

Sa loob ng isang linggo ay hindi siya makatulog ng maayos. No'ng unang gabi ay gusto na niyang umuwi pero dahil kailangan niyang sundin ang utos ng mama niya ay pinili nalang niya ang manatili. Sa tingin niya ay kailangan lang talaga niyang masanay.

Nakangiti siyang tumingin sa salamin pero agad din napangiwi nang makita ang ayos niya.

Mukha talaga siyang bruha. Ang kulot niyang buhok ay magulo at halos magtayuan na. Tapos nangingitim pa paligid ng mga mata.

Nakakatakot siyang tingnan.

Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang naligo. Isang linggo na siyang hindi lumalabas ng bahay kaya napapikit siya ng buksan niya ang bintana dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw.

Ngayong araw ay kailangan niya mamili dahil paubos na ang mga stock niyang pagkain.

Pagkatapos niyang suklayin ang buhok na kasing tigas ng bakal ay agad na siyang lumabas. Simpleng blue tshirt lang ang suot niyang pang itaas at skinny jeans naman ang pang ibaba niya na pinarisan ng blue rubber shoes.

Habang naglalakad ay tinitingnan niya ang bawat bahay na madaanan niya. Walang mga nakatira at parang matagal nang inabandona. Naalala niya pa noon halos puro matatanda din ang kapitbahay ng kaniyang lolo. Bawat madaanan na bahay ay mayro'ng babati sayo.

Ngayon ay wala na.

Tila naging abandonadong mga bahay na lamang ang narito.

Malayo rin ang kanyang nilakad bago nakarating sa sakayan ng tricycle papuntang bayan.

Nang makarating siya ng bayan ay naglibot muna siya. Bumili nang iba't ibang uri ng kakanin para kainin.

"Napakasarap naman nito, manang." Muntik pa siya mabilaukan dahil sa pagsasalita ng mayroon pang laman ang bibig.

Natawa ang tindera. Nagpasalamat siya ng abutan siya nito ng isang bote ng softdrink na agad din niyang binayaran. Naparami ang nakain niyang suman kaya busog na busog siya. Bago umalis ay bumili ulit sya ng suman dahil ito ang pinakanagustuhan niya. Matapos bilhin lahat ng kailangan nagpasya na siyang umuwi.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatunganga. Pagkagaling niya sa pamimili ay tumawag ang magulang niya at ganoon din ang mga kaibigan niya. Nangungulit na naman ang mana niya. Halatang exited, sa boses palang ay alam na niya. Ang mga kaibigan naman niya ang daming chika sa kaniya tungkol sa mga successful na date ng mga ito. Mukhang mauuna pa mag asawa ang mga ito sa kanya. Matagal tagal din silang nagkwentuhan. Pagkatapos magkamustahan at kwentuhan ay ito na nga siya, nakatunganga.

Nagtanong ang mama niya kung nakita na daw ba niya ang kababata nito na si aling Linda. Kung nakilala niya ba ang anak nito.

Malakas ang kutob niya na wala ng nakatira sa bahay ng mga ito dahil nang daanan niya kanina ang bahay nito ay walang tao at may kataasan na ang damo sa paligid.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Bigo ang mama niya sa gusto nitong mangyari.

Malakas siyang napahalakhak. Hindi talaga para sa kanya ang pag aasawa.

Si Lee min hoo lang talaga ang nakatakda para sa kaniya. Muli ay napahalakhak siya habang tinitingnan ang wallpaper niya.

"Lee min hoo ko, wait mo ako sa korea. Ako nalang ang pupunta sa iyo." Sabay halik sa screen ng cellphone niya. Ito lang talaga ang lalaking pinagpantasyahan niya, wala ng iba. Paano naman kasi napakagwapo. Wala na yata papantay sa kagwapuhan nito.

Tapos sasabin pa ng mama niya na imulat ang mga niya para makakita ng ibang gwapo.

Napailing nalang siya. Wala naman kasing gwapo sa paningin niya maliban kay Lee min hoo.

Napakamot siya sa ulo ng makitang gabi na. Sa kakatitig niya sa idol niya ay di niya napansin na gabi na pala, kailangan na niya magluto.

Natigilan siya pagsasara ng bintana ng mapansin na bukas ang ilaw ng katabing bahay ng Lolo niya.

Wait, may tao? Nariyan ang may ari?

O baka naman magnanakaw?

Tama! Magnanakaw nga siguro dahil sa isang linggo niyang narito ay wala siyang nakita na tao sa bahay na iyan.

Taranta na lumabas siya ng bahay. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng tapang para pumunta sa gilid ng bakuran at tawirin ang mababang bakod na nagsisilbing harang sa pagitang ng dalawang bahay.

Nakahinga siya ng maluwag ng makalagpas sa bakod na walang nagagawang ingay. Tiyak na hindi siya mapapansin dahil sa hindi naman masyado umabot ang liwanag ng ilaw sa parteng iyon ng bahay. Muli ay gumapang siya habang kinakapa ang cellphone sa bulsa para humingi ng tulong sa kapulisan.

"Bwisit naman nalaglag pa." Mahina niyang sambit nang hindi makapa ang cellphone sa bulsa.

Kung kailan naman kailangan!

Gumapang ang kilabot sa sistema niya ng makarinig ng yabag. Ibang iba ang pakiramdam na ito kaysa pagnanonood siya ng mga horror movies.

Mas nakakakilabot pala pagtotoo nang nangyayari!

Paano kapag nakita siya nito? Dahil sa nasaksihan niya ang ginawa nitong pagnanakaw ay baka ilibing siya nito matapos patayin o baka ilibing siya ng buhay!

Ang malala pa ay walang makakaalam sa magiging kamatayan niya!

Hindi man niya nakikita ang mukha niya ay sigurado siya na namumutla na siya sa takot. Hindi na rin siya gumagalaw mula sa pagkakadapa dahil sa takot na makagawa ng ingay. Ang dibdib niya tanging naririnig niya dahil sa malakas na kabog nito dahil sa takot. Maging ang paghinga niya ay pigil din dahil baka marinig siya nito.

Mas lalo siyang pinagpawisan nang malapot ng marinig na tila lumalapit na sa pwesto niya ang yabag.

Katapusan niya na!

'Ma, wag mo sisihin ang sarili mo sa mangyayari sa akin. Promise ko sa 'yo na lalabas na ako para makipagdate pagnakaligtas ako dito. Bibigayan kita ng apo kahit sampo pa 'yan' Piping saad ng utak niya.

Nangangalay na ang katawan niya dahil sa pagkakadapa lalo na ang kaniyang malaman na dibdib. Pero wala siyang pakialam basta hindi lang makagawa ng ingay.

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig na tila naglakad palayo ang magnanakaw mula sa pinagdadapaan niya.

"Thank you, Lord." Bulong na wika niya.

Napangiwi siya ng igalaw ang katawan para gumapang muli paalis. Kailangan niyang makaalis doon ng walang nililikhang ingay dahil tiyak na iyon ang magiging mitsa ng buhay niya. Masakit man ang katawan niya ay pinilit niyang gumapang sa abot ng makakaya niya.

Malapit na siyang maiyak sa tuwa dahil malapit na siya sa bakod. Pero natigilan siya nang marinig na parang may tao sa likod niya. Sa takot ay parang nanigas na ang katawan niya.

Kahit sobrang takot ay nagawa niya parin itong lingunin at ganoon na lamang ang pasasalamat niya nang makita na isa lamang pala itong aso. Akala niya ay nahuli na siya.

Isa itong aso na kulay itim at mabalibo.

Wait aso???

Ito ba iyong aso na nakita niya noong unang araw niya rito? Tumayo ang balahibo niya. Baka sa sunod ay siya na ang sunod na pagnakawan!

Sa kabila ng takot gumapang ulit siya pero napahinto din ng tumahol ang aso.

"Wag ka tumahol, please." Mahina niyang pakiusap na para bang naiintindihan siya nito. Ngunit hindi ito nakinig at muling tumahol.

Lagot na.

"Bwisit kang aso ka, pag ako nakatakas dito gagawin kitang corndog." Tila natutuwa pa ang aso sa mga sinasabi niya dahil gumagalaw pa ang buntot nito at inamoy-amoy pa siya.

Nakahinga siya ng maluwag ng tumigil ito sa pagtahol.

Good dog!

Parang sasabog na ang dibdib niya sa kaba. Kaunti nalang at makakaalis din siya rito.

Ang buong akala niya ay hindi na muli pang tatahol ang aso pero mali siya. Dahil ng muli siyang gumalaw para gumapang ay tumahol itong muli nang mas malakas pa kumpara kanina.

"I'm dead." Nanghihina niyang sambit.

Hindi pwede na dito nalang matapos ang buhay niya. Sabi nga nila habang may buhay may pag asa. Maliit man ang chance na makaligtas ay gagamitin pa rin niya ang maliit na chance na iyon kaysa ang magsisi dahil wala siyang ginawa.

Lahat ng lakas ng loob ay inipon niya. Nanghihina man ay tumayo siya at nagmamadali para sana tumawid sa mababang bakod ngunit bago siya makatawid ay may malaking braso na ang nakapulupot sa leeg niya.

Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya.

"Sino ka?" Malaki at kasing lamig ng yelo ang boses ng taong nasa likuran niya. Alam din niya na malaking tao ito base sa brasong nakapulupot sa leeg niya.

Sa sobrang takot ay hindi na siya nakapagsalita. Agad na naglandas ang luha sa mga mata niya. Ito na ang mapait na katapusan niya. Ang masaklap ay mamamatay siyang virgin!

MASAKIT ang ulo nang magmulat siya ng mata. Bukod sa masakit ang ulo ay masakit din ang katawan niya, lalo na ang kaniyang dibdib.

Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin na iba ang silid na kinaroroonan niya. Halos sumabog ang ulo niya nang maalala niya ang nangyari. Kinapa niya ang sarili.

"B-buhay pa ako." Aniya habang pinipisil ang sariling pisngi. Di makapaniwala na humihinga pa siya.

Naawa ba sa kaniya ang magnanakaw kaya iniwan nalang siya nito at umalis na lang? Paano kung nasa labas ito nag aabang sa paggising niya?

Nanumbalik ang kaba sa dibdib niya.

Marahan ang kilos na bumangon siya at dahan-dahan na lumapit sa pinto para silipin kung may tao. Kagat ang labi nang pihitin niya ang doorknob ngunit bago pa niya tuluyang mabuksan ang pinto ay may tao nang nauna sa kanya na buksan 'yon.

Napapikit siya at malakas na napatili sa takot.

"Wahhh! Tulong!" Sigurado na masisira ang eardrum ng kung sino man ang makakarinig sa lakas ng tili niya.

"Ang ingay mo."

"Wag mo ako papatayin! Please!" Kung kinakailangan na magmakaawa siya ay gagawin niya. Sa tingin naman niya ay maawain na magnanakaw naman ito.

Binuhat pa siya sa kwarto.

Gusto niyang kutusan ang sarili sa naisip. Mayroon bang maawain na magnanakaw?

"Will you please, shut up. Ang ingay mo nakakabingi ka. Saka hindi ako mamamatay tao." Baritono ang boses nito. Ayaw man niyang aminin ay maganda iyon sa pandinig niya.

Sumisinghot na nagmulat siya ng mata. Gusto niya sana na magmakaawa pa pero lahat ng gusto niyang sabihin ay biglang naglaho lahat.

Napanganga siya at ilang beses kumurap. Pinahid niya rin ang luha sa mata dahil baka epekto lang ng luha ang nakikita niya ngayon.

Ang kaninang takot ay nawala at napalitan ng pagkamangha. Tumutulo na rin siguro ang laway niya dahil sa nilalang na nasa harapan niya.

Kagabi ay malakas ang kabog nang dibdib niya dahil sa takot, ngayon ay hindi na dahil sa takot.

Na love at first sight na yata siya!

Wala sa sarili na kinapa niya ang dibdib. Lakas ng tibok!

"Anong problema? May masakit ba sa 'yo?" Ang kaninang seryosong mukha ng lalaki ay napalitan ng pag aalala.

"W-wala... ayos lang ako." Parang ayaw lumabas ng boses niya.

"Kung gano'n. Sumunod ka." Seryoso ang mukha na sabi nito.

Hindi na siya hinayaan na magsalita nito. Lumabas na ito ng kwarto kaya naman agad siyang sumunod dito. Natakam siya ng makarating sila sa kusina dahil sa pagkain na nasa ibabaw ng mesa.

Umupo ito. "Umupo ka kung ayaw mo kumain ng nakatayo." Ituro ng lalaki ang upuan sa harapan kung saan ito umupo.

Ang sungit naman.

Nagsimula na itong maglagay ng pritong itlog sa plato at bacon. Siya ay nanatili lang na nakatingin dito. Hindi siya makapaniwala na nagagawa pa nitong kumain sa kabila ng ginawa nito. Grabe!

Gwapo pa naman sana.

"Di ka ba kakain." Takang tanong nito sa pagitan ng pagnguya.

"Hindi ako guto—" Nahihiyang nagbaba siya ng tingin ng malakas na tumunog ang tiyan niya.

Nakakahiya!

Kumunot ang noo nito. "Hindi mo gusto ang pagkain?"

"Naku hindi." Agad niyang tanggi.

"Kumain kana para makauwi kana pagkatapos mo."

"B-bakit ikaw di ka pa uuwi? Di ka pa tapos sa pagnanakaw mo d-dito?"

Lakas loob na tanong niya.

Nangunot na naman ang noo nito. "Uuwi? Pagnanakaw?"

Nagkaroon na yata nang amnesia ang lalaking ito. Ang bilis makalimot. "What are you talking about. This is my house so basically dito ako uuwe."

Nanlaki ang mata niya sa narinig.

'This is my house'

Tila nag echo sa pandinig niya ang salitang iyon.

Napagkamalan niyang magnanakaw ang may-ari mismo ng bahay!

Ang tanga mo, Regina!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahahaha ay naku naman hahqhq
goodnovel comment avatar
Demi Demi
support kota sis hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status