Home / Romance / TWISTED / 3. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

Share

3. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

ANG STORY NA ITO AY SUPER RATED SPG‼️ MAY MGA SCENE NA HINDI PWEDE SA MGA MASESELAN‼️ READ AT YOUR RISK!!!

[Regina]

PAANO niya ipapaliwanag ang katangahan na ginawa niya. Nakakahiya talaga!

Uminom ng tubig ang lalaki. "Bakit nga pala nasa bakuran kita kagabi."

Ayaw niya sagutin ang tanong nito kaya naman dinampot niya ang tinidor sa harapan at tinusok ang hotdog. Halos isubo niya iyon ng buo kaya naman nabilaukan siya. Mabilis naman siyang inabutan nito ng tubig.

"Salamat." Agad na uminom siya.

Muntik na siya malaglag sa kinauupuan niya ng makita na sumilay ang ngiti sa mapulang labi nito.

Anak ng tokwa naman oh! Ang gwapo!

Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi. Na para bang hihigupin ka sa kadiliman kasama niya sa oras na matitigan mo siya. Matangos ang ilong katulad sa mga hollywood actor na napapanood niya. Manipis ang mapupulang labi. Idagdag pa ang itim na itim na buhok nito na kahit magulo ay hindi man lang nakabawas sa angking kagwapuhan nito.

Ang lakas ng tibok ng puso niya.

'Ma, nakita ko na siya. Ang lalaking mapapangasawa ko' Aniya ng isip niya.

"Hinay hinay lang sa pagkain. Walang aagaw sayo."

Muntik na niya maibuga ang tubig dahil malapit na ang mukha nito sa kaniya. Sa taranta niya ay napaatras siya kaya naman nalaglag siya sa kinauupuan niya.

Malakas na tumawa ang lalaki. "I knew it."

Nakangiwi na hinimas niya ang pang-upo na nasaktan. Bumalik siya sa pagkakaupo niya.

"Kung may hinala ka na magnanakaw ako bakit pumunta ka parin. " Amusement is visible in his eyes.

Teka, paano nito nalaman na 'yon ang nangyari?

Nagtataka na tiningnan niya ito. Nakakabasa ba ito ng isip?

"It's obvious." Dumukwang ito at lumapit sa kaniya. " It's written all over your face."

Hindi siya nakapagsalita. Paano ang lapit sobra ng mukha nito sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito.

Walang maipipintas dito. Matangkad ito. Sa tingin niya ay nasa anim na talampakan ito o higit pa. Maganda ang pangangatawan. Halatang alaga sa exercise. Hindi ito maputi pero makinis at pantay ang kulay. Kumbaga lalaking lalaki ang dating.

Akala niya ay wala na siyang lalaki na magugustuhan bukod sa iniidolo niyang kpop actor star na si Lee min hoo.

Pero mali siya.

Ito na nga ang lalaking nasa harap niya. Gusto niya tuloy magpasalamat ng wala sa oras sa mama niya dahil kung hindi dahil dito ay hindi niya makikilala ang lalaking nasa harapan niya.

Matapos niyang kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan nila. Hindi naman siya pinigilan ng lalaki. Iyon nga lang ay naiilang siya dahil nakatingin ito sa kanya habang naghuhugas siya.

Nang matapos siyang maghugas ang akala niya ay hahayaan nalang siya nito na umalis pero mali siya. Dahil inihatid siya nito sa tapat ng bahay ng lolo niya.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Hindi niya natandaan na sinabi niya rito na kapitbahay niya lang ito.

"Sinundan lang kita. Ihahatid sana kita para malaman ang bahay mo." Tinuro nito ang bahay. "Dito ka huminto. So, I assumed that maybe this is your house." Paliwanag nito.

Tumango siya. "Salamat, ha. Pasensya ka na sa abala." Tumango lang ito sa sinabi niya.

Pagkapasok niya sa bahay ay agad na itong umalis.

"Dapat ba niyaya ko siyang pumasok? Ay, hindi. Kakakilala ko lang sa kaniya. Pero dapat in-invite ko parin siya for coffe." Kanina pa siya hindi mapakali. Gusto niya silipin ang gwapo niyang kapitbahay ngunit pinipigilan lang niya ang sarili.

Talagang tinamaan siya rito!

KINABUKASAN ay maaga siyang nagdilig ng mga halaman. Syempre para na rin silipin ang kanyang mapapangasawa. Kinikilig na natawa siya.

"Ano kaya ang pangalan niya?" Kahit tapos na niya diligan ang mga halaman ay hindi pa rin siya huminto. Kandahaba ang kaniyang leeg sa pagsilip. Muntik na siya mapatalon sa tuwa ng makitang lumabas ito.

Naupo ang binata sa bangko. Nakita niya na inilapag nito ang tasa na sa tingin niya ay kape sa maliit na mesa na naroon, may dala rin itong laptop.

Ilang beses siyang lumunok ng dumako ang kaniyang mata sa namumutok na muscles nito sa mga braso na kitang kita dahil nakasando lang ito.

Iniwas niya ang tingin ng sumulyap ito sa kaniya. Pulang pula ang mukha niya. Nakita kaya nito na pinagnanasaan niya ang katawan nito?

"Lunod na 'yan."

Napakagat siya ng labi. Grabe lalaking lalaki ang boses. Parang kinikiliti ang buo niyang katawan dahil lang sa narinig niya ang boses nito.

"Miss!"

Tila nagising siya sa mahabang panaginip ng malakas na tawagin siya nito.

Namumula siyang tumingin dito. "Bakit?"

"Kanina mo pa dinidiligan iyang mga halaman mo. Lunod na 'yan."

"Huh?" Wala sa sarili na tiningnan niya ang hawak na hose. Napangiwi siya. Kung mga tao lang itong halaman ay sigurado na sinakal na siya dahil sa nasobrahan na niya sa pagdilig ang mga ito.

Bakit parang nawawala siya sa sarili kapag nasa paligid ito? Ganito ba ang pakiramdam kapag nagmamahal?

Napapakagat siya ng labi sa tuwing hihigop sa tasa ng kape ang lalaki, napapalunok rin siya sa tuwing nagtataas baba ang adams apple nito.

Perfect!

Para sa kaniya ay isa itong perpektong lalaki. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay at nagtimpla ng kaniyang kape. Kahit hindi siya mahilig magkape. Ganoon na lamang ang panlulumo niya ng paglabas niya ay wala na roon ang gwapong kapitbahay.

"Sayang naman." May panghihinayang na sambit niya.

MALAKAS na tugtog ang maririnig habang siya ay nagluluto kasabay ng pag indak ng kaniyang katawan. Pati ang itim niyang buhok na kulot at mahaba ay sumasabay sa bawat galaw niya.

Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang hinahalo ang kare-kare. Balak niyang bigyan ang kapitbahay niya kaya nagluto siya ng marami.

Sakto tanghalian na. Dinamihan na niya ang pagdala ng ulam dahil balak niya na sabayan ito sa pagkain. Kakapalan na niya ang mukha niya. Napahagikhik siya sa naisip.

Maisip pa lang niya na makikita niya ang binata ay kinikilig na siya.

Teka... binata pa nga kaya ito?

Nasapo niya ang dibdib dahil sa kumirot iyon sa isipinin na baka mayroon na itong asawa. Paano kung wala nga itong asawa ngunit may nobya naman.

Bumuga siya ng hangin.

"Sana wala pa, Lord. Please." Nakatingala niyang usal. Hindi yata niya kakayanin pag nangyari nga iyon.

Ngayon lang siya nagkagusto sa isang lalaki. Kaya sana naman ay binata pa ito.

Agad na kumatok siya sa pinto ng bahay nito dala ang niluto niya. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang malapad nitong dibdib. Nang magtaas siya ng tingin ay nakita niya ang buhok nito na basa pa. Halatang kakaligo lang. Magulo man ang basang buhok nito ay napakagwapo parin.

Nakakapanghina ang kagwapuhan nito. Muntik na siya matumba pero nasalo siya ng malapad nitong dibdib.

"S-sorry." Agad siyang umayos ng tayo kahit ang totoo ay gusto niya lang sumandal roon ng matagal para maamoy ang nakakahalina at mabangong amoy nito. Kahit ang sabon na gamit nito ay nakakaadik din ang amoy.

"Namumula ka." Puna nito sabay lapat ng kamay sa noo niya. Tila sinusuri kung may lagnat siya o wala.

Ilang beses siyang napalunok. Tila may kuryenteng gumapang sa sistema niya ng lumapat ang mainit nitong kamay sa noo niya.

"Ayos lang ako. Dinalhan nga pala kita nitong niluto ko. Ayos lang ba sa 'yo k-kung... kung sasabay ako sayo kumain." Kahit nauutal ay nasabi niya pa rin ang gusto niyang sabihin.

Natigilan ito saglit habang nakatitig sa mga mata niya kaya nagbaba siya ng tingin. Baka hindi niya mapigil ang sarili ay baka kung ano pa ang magawa niya. Baka mahalikan niya ito.

Nais niyang sampalin ang sarili sa naisip. Kailan pa siya naging ganito? Para na tuloy siyang manyak na babae. Hindi naman siya ganito. Malakas lang talaga ang tama niya sa lalaking nasa harapan.

"Sige. Pasok ka."

Nagliwanag ang paligid niya sa narinig.

OMG! Makakasabay niya ito kumain!

Nang makarating sila sa kusina nito ay agad niyang inilapag ang dala niyang lutong ulam. Ito naman ang naghanda ng pagkakainan nila.

Napansin niya ang de lata sa mesa. Mukhang ito lamang ang kakainin nito kung hindi siya dumating. Matapos maghain ay pinaupo na siya nito. Katulad noong una niyang napansin sa lalaki ay malakas ito kumain. Palagi rin mayroong kape sa tabi nito. Tumingin siya sa kape na nasa gilid niya. Tinimpla ito ng lalaki para sa kaniya. Hindi man mahilig sa kape ay ininom niya iyon.

"Masarap kang magluto." Tumatangong sabi nito habang ngumunguya.

"Masarap talaga ako-este masarap talaga akong magluto." Muntik na niya mabatukan ang sarili. Ano ba itong pinagsasabi niya.

"Matagal ka na bang nakatira dito?" Noong bata pa siya ay wala siyang natandaan na nakita na niya ito dito noon.

"Sort of." Maikling sagot nito.

"Ayos lang ba na nakikain ako dito. H-hindi ba magagalit ang asawa mo?" Halos pigil ang paghinga niya habang hinihintay ang sagot nito.

Parang bumagal ang oras habang hinihintay niya ang sagot sa tanong niya. Alam niya na anumang sandali ay baka madurog ang puso niya.

Itinaas nito ang kamay upang ipakita na wala itong suot na singsing. "I don't have a wife. I'm still single. What about you?"

"Kahit g-girlfriend wala ka?" Tanong niya imbis sagutin ang tanong nito.

Mahina itong tumawa dahilan para matulala siya.

"Single nga, ang kulit."

Nakanganga na tumango siya. Single daw! OMG!

"Ako din single." Huli na para bawiin niya ang sinabi. "I-Ibig kong sabihin... pareho pala tayong single."

Inilapag nito ang tasa matapos humigop ng kape. Matiim ang titig ang ibinigay nito sa kaniya. Para tuloy siyang sinilihan sa katawan.

Ang klase ng titig nito ay nagbibigay ng ibang pakiramdam. Nag init ang mukha niya. Ganito pala kapag nasa harapan mo ang taong gusto mo at parang hindi siya mapakali.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Taas ang dalawang kilay na tanong nito.

Agad siyang tumayo ng wala sa oras. "A-ano naman ang sasabihin ko?" Kinakabahan na sabi niya. "Sandali may gagawin pa pala ako. Alis na ako." Nagmamadali siyang tumayo at umalis. Sa tindi ng kabog ng dibdib niya ay nabibingi siya.

Hindi pwede na magtapat agad siya rito. Masyado pa maaga para magsabi ng nararamdaman. Baka hindi nito magustuhan iyon at mag isip ng hindi maganda tungkol sa kaniya.

Pagkarating sa bahay ay napangiwi siya ng mapansin na nadala niya pala ang kutsara ng binata. Hindi niya marahil napansin dahil sa kaba.

"Kainis ka, Regina. Nagtanong lang naman siya tapos ganiyan agad naging reaksyon mo." Mahina niyang inuntog ang ulo sa pinto. Baka isipin nito na ang weird niya.

Tinitigan niya ang hawak na kutsara. Kailangan niya itong ibalik.

'Dahilan mo lang yan para makita siya' Sigaw ng isang parte ng utak niya.

Hindi niya maitatanggi na gusto niya ulit itong makita. Nakangiti na lumabas siya ng bahay. Nakita niya ang binata na sumakay sa isang motor na halatang mamahalin. Nang makita siya nito ay hindi muna nito pinaandar iyon na parang hinihintay siya na makalapit.

Kung titingnan ang pustura ng binata ay para itong badboy. Kupas na maong na pantalon at nakasando lamang ito na pinatungan ng itim na leather jacket. Ang rubber shoes naman nito ay tila sobrang luma na. Pero ang lakas parin ng dating nito.

Lumapit siya rito. "Nadala ko, ibabalik ko lang." Nahihiya na ipinakita niya ang hawak na kutsara.

"Yan lang pala." Itinuro nito ang bahay. "Ikaw na magbalik."

"S-sige." Gusto niya sana magtanong kung bakit hindi ito naglock ng pintuan pero sinarili na lamang niya.

Ang buong akala niya ay wala na ito sa paglabas niya pero naroon pa rin ang binata. Nakasandal na ito sa motor nito.

Nagbantay ba ito dahil baka pagnakawan niya ang bahay nito?

'Ikaw nga itong nagbintang sa kaniya na isa siyang magnanakaw'

Napasimangot siya sa naisip. Oo nga pala.

"Uhmm... binalik ko na nga pala." Naiilang siya sa klase ng tingin na binibigay nito.

Parang kasing dilim ng gabi ang mga tingin nito. Masyadong madilim. Misteryoso.

Tumango lamang ito sa sinabi niya. Wala na siyang ibang masabi kaya nagbaba na lang siya ng tingin. "Sige, uwi na ako." Gusto pa sana niyang makausap ito pero pinili nalang siya magpaalam dahil mukhang may lakad ang binata. Baka makaistorbo lang siya rito.

Mabigat ang bawat hakbang niya. Panghihinayang ang nararamdaman niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan nito.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
grabe dami tawa ko dito ang kulito regina
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahahq mamatay matay ako kakatawa naku ganyanbtalaga pag na inlove Ang cute
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status