INABOT din siya ng isang oras sa labas ng magpasya siyang pumasok na. Natigil siya sa paghakbang ng may dumating na dalawang sasakyan. Bumaba si Leo sa isa at si Draken naman sa isa, pero may akay ang huli na tila lasing na lalaki dahil sa kung wala si Draken ay baka nasubsob na ito sa lupa."Damn it, Piero! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo." Tila galit ang boses ni Draken."A-ako pa huh?!" Pinilit tumayo ng lalaki. "K-kasalan lahat ito ng gag*ong ito." Pilit nitong lumapit kay Leo.Naitakip niya ang kamay sa bibig ng sapakin nito sa Leo. Gusto niya lapitan ang binata pero tila napako ang paa niya sa lupa."G*go ka! Alam mo 'yan!" Bitaw nito ng salita bago pagewang gewang na umalis dahil sa kalasingan.Pinahid ni Leo ang dugo sa gilid ng labi. Nakita niya ang paghawak ni Draken sa balikat ni Leo bago ito iwan.Nanatili siya sa kinatatayuan. Gusto niya lapitan ang binata pero pinili nalang niya na wag, dahil kahit malayo siya ay kita niya ang paggalaw ng bagang nito at madilim na mukha
PAGKAHAPON ay naisipan niyang puntahan ang bahay ng kababata ng mama niya. Isinama na rin niya si Choco.Nang malapit na sila sa bahay ay tumakbo si Choco papunta sa bahay pero hindi ito dumaan sa harap kundi sa likuran. Sinundan lang niya ito. Nabuksan niya ang pintuan sa likod. Tulad noong una siyang nagpunta ay malinis ang lugar pero wala paring tao. Hindi rin sila nagtagal ng magpasya siyang umalis na pero hindi pa siya nakakalayo ay nakita niya ang paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay.Hindi makapaniwala na napanganga siya.Si Leo ang bumaba at nakita niya ang pagpasok nito roon. Nagpasya siyang bumalik at maghintay sa harap para hintayin ang paglabas nito.Ang pagsilay ng ngiti sa labi niya ay hindi mapigilan. Hindi niya akalain na ito pala ang sinasabi ng matanda na kalaro niya noon.Halata ang gulat sa mata ni Leo ng makita siya."Hi. Anong ginagawa mo rito?" Usisa niya kahit na alam na niya ang sagot."May kinuha lang." Sagot nito sabay taas ng kamay para ipakita ang mga s
PAGDILAT ay agad niyang hinawakan ang labi. Parang panaginip lang ang nangyari kagabi.Nagtatalon siya sa tuwa.Boyfriend na niya si Leo! OMG!Bago lumabas para magdilig ng mga halaman ay sinigurado niya muna na maganda siya bago lumabas. Naglagay siya ng manipis na lipstick at nagpulbo ng kaunti."Ganda mo talaga, Regina." Kausap niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Matapos magpaganda ay lumabas na siya para magdilig, at syempre para na rin makita ang boyfriend niya.Habang nagdidilig ay panay ang hawak niya sa labi. Hindi siya mapakali at hindi makapaniwala. Parang panaginip lang kasi. Hindi niya akalain na magkakatotoo at mangyayari ang pangarap lang niya.Ngumiti siya ng makita si Leo na nakalalabas lang."Good morning." Halatang pinipigilan nito ang ipakita ang ngiti sa kanya na parang nahihiya. "Good morning din, Leo.""Dito ka na mag almusal. Nagluto ako para sa 'tin." Nakangiting sabi nito.Nagmamadali siyang pumunta sa bahay nito. Habang kumakain sila ay panay ang su
HABANG naghahalo siya ng niluluto niya ay hindi siya mapakali, nahihiya pa rin siya dahil sa nangyari kanina, tapos nasa likuran niya pa ang boyfriend niya!Gusto man niyang pagsawain ang mga mata dito dahil sa kagwapuhan nito ay hindi naman siya makatingin dito dahil nga sa hiya.Halatang bagong ligo ito dahil medyo basa pa ang buhok nito at nakasando na ito ngayon at shorts short."I'm sorry nga pala tungkol sa... about kanina." Hindi lumilingon na sabi niya."Ako ang dapat magsorry, dapat hindi ako pumasok ng walang paalam. I'm sorry." Humarap siya rito. Parang huminto ang paghinga niya ng magkasalubong ang mga mata nila.Nauna na siyang nag iwas ng tingin dito. Hindi niya matagalan ang titig nito.Pagkatapos niyang magluto ay nagsandok na siya ng ulam. Si Leo naman ang naghanda ng mga kakainan nila.Nanakit na ang leeg niya kakaiwas ng tingin dito. Habang kumakain ay tahimik din sila. Natapos nalang sila kumain ay walang pag uusap na naganap sa pagitan nila.Nahihiya siya sa nang
NILAYO nito ang katawan sa kaniya at matiim na tiningnan siya sa mata. "Wala kang alam sa ano?" "Sa ano... sa sex." Mahinang sagot niya.Naggalawan ang panga nito at nagdilim ang mga mata. Kumabog ang dibdib niya ng bumaba ang mukha nito. Pumikit siya ng maramdaman ang malambot nitong labi sa labi niya. Napaatras siya ng bahagya dahil naging mapusok ang halik nito. Nang bumukas ang bibig niya para humigit ng hangin ay siya namang pasok ng dila nito sa loob ng bibig niya na tila may hinahanap.Napakapit ang dalawang kamay niya sa dibdib nito. Mawawalan na siya ng lakas. Nanlalambot na ang tuhod niya at parang hinahalukay ang sikmura niya.Saglit nitong pinakawalan ang labi niya pero hinalikan din siya agad ng makalanghap ng hangin. Ang isang kamay nito ay nakaalalay sa baiwang niya habang ang isa ay nakahawak sa likod ng ulo niya.Nang magtapo ang dila nila ay para itong uhaw na uhaw. Dumilat siya at ganun din ito. Punong puno ng pagnanasa ang mata nito.Pareho silang naghahabol ng h
AGAD NA hinanap ng mata niya si Leo nang magmulat siya ng mata, pero hindi niya ito nakita. Napangiwi siya nang magtangka siyang umupo dahil masakit ang buo niyang katawan, partikular sa gitnang bahagi ng kanyang hita.Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Leo. Dati ay hindi sumagi sa isip niya na magkakaroon siya ng mamahalin ng sobra, na magkakaroon siya ng papahalagahan higit pa sa buhay niya. Nakita niya na may damit siyang nakatupi na nakapatong sa bedside table. Malinis iyon at sigurado siya na kinuha iyon ni Leo sa bahay niya.Nang matapos magbihis ay nagpunta siya sa kusina. Tama nga ang hinala niya dahil naroon ang binata. Nakatalikod ito habang nagluluto.Wala ito pang itaas kaya kitang kita ang nakakatakam na katawan nito. "Sarap titigan." Naglalaway na naman siya dito. "Parang gusto ko ulit magpadilig ngayon dito!" Sigaw ng utak niya."Good morning, baby." Yumakap siya mula sa likuran nito. Humarap ito sa kanya at hinalikan siya sa noo, hanggang sa ilo
NAKANGITING dinadama niya ang hangin na humahampas sa mukha niya habang nakayakap kay Leo na nagmamaneho ng motor.Dati nakahawak lang siya sa balikat nito, ngayon ay nakayakap na siya dito ngayon.Pangarap lang niya dati ang binata. Pangarap na mahalin siya nito. Pangarap na pansinin at mapasakanya ito. Ngayon ay natupad lahat ng iyon.Hinigpitan niya ang yakap dito. Inamoy niya rin ang mabangong amoy nito na kinakaadikan ng ilong niya. Lalaking lalaki ang amoy. Ang sarap sa ilong. Kaya hinahanap hanap niya ang amoy nito pagwala ito. Hindi siya sanay na hindi ito naaamoy sa loob ng isang araw. Halos magkasama na sila palagi. Kulang na nga kang ay tumira siya sa bahay nito o ito ang tumira sa bahay niya.Namangha siya ng magpunta sila sa bayan ay napakaraming tao. Halos lahat ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Nakasuot ng iba't ibang costumes ang mga tao, mapa-bata man o matanda.Namilog ang mata niya sa pagkagulat at pagkamangha. Nagtataka na tumingin siya kay Leo."Anong meron
TINAKTAK niya ang kamay pagkatapos maghugas. Katatapos lang niya tumulong kay lola Alma magtanggal ng damo sa paligid ng mga tanim nito. Halos hindi pa niya natatapos iyon dahil malawak ang lupa na pinagtataniman nito. Muli niyang sinuot ang gloves na pinagamit sa kanya ni Lola. Sinimulan niya ulit ang pagdadamo.Pawis na umupo siya para makapagpahinga. Ngumiti siya ng punasan siya ni Leo sa mukha ng pawis."Aalis ka na?" Tanong niya ng mapansin ang suot nito. Tumango ito. "Oo, pero babalik din ako mamayang gabi." Mabilis na hinalikan siya nito sa labi. Nawala ang ngiti niya ng umalis na ito sa harapan niya. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Napansin niya na palagi itong umaalis. Pagtinatanong niya ang sagot nito ay para daw sa kanila ang ginagawa nito.Masipag talaga ito magtrabaho.Hindi na niya tinapos muna ang pagdadamo. Nagpaalam siya kay Lola na uuwi na muna. Pagkauwi ay naligo siya. Agad na nonood siya ng korean nobela sa kwarto niya. Hindi pa siya nagtatagal sa