AGAD NA hinanap ng mata niya si Leo nang magmulat siya ng mata, pero hindi niya ito nakita. Napangiwi siya nang magtangka siyang umupo dahil masakit ang buo niyang katawan, partikular sa gitnang bahagi ng kanyang hita.Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Leo. Dati ay hindi sumagi sa isip niya na magkakaroon siya ng mamahalin ng sobra, na magkakaroon siya ng papahalagahan higit pa sa buhay niya. Nakita niya na may damit siyang nakatupi na nakapatong sa bedside table. Malinis iyon at sigurado siya na kinuha iyon ni Leo sa bahay niya.Nang matapos magbihis ay nagpunta siya sa kusina. Tama nga ang hinala niya dahil naroon ang binata. Nakatalikod ito habang nagluluto.Wala ito pang itaas kaya kitang kita ang nakakatakam na katawan nito. "Sarap titigan." Naglalaway na naman siya dito. "Parang gusto ko ulit magpadilig ngayon dito!" Sigaw ng utak niya."Good morning, baby." Yumakap siya mula sa likuran nito. Humarap ito sa kanya at hinalikan siya sa noo, hanggang sa ilo
NAKANGITING dinadama niya ang hangin na humahampas sa mukha niya habang nakayakap kay Leo na nagmamaneho ng motor.Dati nakahawak lang siya sa balikat nito, ngayon ay nakayakap na siya dito ngayon.Pangarap lang niya dati ang binata. Pangarap na mahalin siya nito. Pangarap na pansinin at mapasakanya ito. Ngayon ay natupad lahat ng iyon.Hinigpitan niya ang yakap dito. Inamoy niya rin ang mabangong amoy nito na kinakaadikan ng ilong niya. Lalaking lalaki ang amoy. Ang sarap sa ilong. Kaya hinahanap hanap niya ang amoy nito pagwala ito. Hindi siya sanay na hindi ito naaamoy sa loob ng isang araw. Halos magkasama na sila palagi. Kulang na nga kang ay tumira siya sa bahay nito o ito ang tumira sa bahay niya.Namangha siya ng magpunta sila sa bayan ay napakaraming tao. Halos lahat ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Nakasuot ng iba't ibang costumes ang mga tao, mapa-bata man o matanda.Namilog ang mata niya sa pagkagulat at pagkamangha. Nagtataka na tumingin siya kay Leo."Anong meron
TINAKTAK niya ang kamay pagkatapos maghugas. Katatapos lang niya tumulong kay lola Alma magtanggal ng damo sa paligid ng mga tanim nito. Halos hindi pa niya natatapos iyon dahil malawak ang lupa na pinagtataniman nito. Muli niyang sinuot ang gloves na pinagamit sa kanya ni Lola. Sinimulan niya ulit ang pagdadamo.Pawis na umupo siya para makapagpahinga. Ngumiti siya ng punasan siya ni Leo sa mukha ng pawis."Aalis ka na?" Tanong niya ng mapansin ang suot nito. Tumango ito. "Oo, pero babalik din ako mamayang gabi." Mabilis na hinalikan siya nito sa labi. Nawala ang ngiti niya ng umalis na ito sa harapan niya. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Napansin niya na palagi itong umaalis. Pagtinatanong niya ang sagot nito ay para daw sa kanila ang ginagawa nito.Masipag talaga ito magtrabaho.Hindi na niya tinapos muna ang pagdadamo. Nagpaalam siya kay Lola na uuwi na muna. Pagkauwi ay naligo siya. Agad na nonood siya ng korean nobela sa kwarto niya. Hindi pa siya nagtatagal sa
PAGKATAPOS kumain ay umuwi na ito para maligo. Matapos magligpit at maghugas ng mga plato ay pumasok na rin siya ng banyo para maligo.Hindi pa rin mawala sa isip niya ang pinag usapan nila ni Draken kanina.Ngayon nabuo na niya ang puzzle tungkol sa binata. Hindi pala maganda ang mga naging karanasan nito.Bumuga siya ng hangin. Hindi niya inakala na ganoon kalalim ang pinagdaanan nito.Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng kwarto ng nakatapis lang ng tuwalya. Agad na nagbihis siya. Nagsuot lang siya ng manipis na nighties na kulay krema.Habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya ay lumabas siya para hintayin sa sala si Leo dahil imamasahe niya ang katawan nito. Natigil siya sa paghakbang nang makita ang binata na nakahiga sa sofa. Tulog na ito at kita sa mukha ang pagod.Bumalik siya sa kwarto niya at kumuha ng kumot upang ikumot kay Leo.Agad niyang kinumutan ang binata ng makalapit siya dito. Gusto niya sana gisingin ito dahil masyado itong matangkad at malaki kaya naman hindi i
NAKASIMANGOT siya. Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin siya dahil hindi siya nakakain ng cake. Dahil sa marami siyang pinamili ay hindi na siya nakabili ng cake dahil nakalimutan niya.Nangalumbaba siya.'Miss you, baby' Text niya kay Leo. 'Miss you more, baby' Nakagat niya ang labi ng mabasa ang reply nito.'Can't wait to rubbish you in bed' Pinamulahan siya ng mukha at mahinang napatili.'Grabe ka, tama na muna. Lamog na ako sa 'yo' Sus, kunwari pa pero gustong gusto naman. Kantiyaw ng utak niya.Hinanda niya ang mga pinabili ni lola Alma para ihatid ang mga iyon. Nang matapos ihanda ay lumakad na siya.Pagkarating niya sa bahay ni lola Alma ay naghanda ito ng iba't ibang klase ng prutas para kainin niya.Hindi niya mapigilan ang mapa-wow. Kahit marami na siyang nakain kanina, parang nagutom ulit siya ng makita ang mga hinanda ni lola Alma. Hinog na langka na napakabango. Agad na dumampot siya 'nun at kumain. "Lola, sabayan mo 'ko." Kumuha siya ng guyabano. Inabot niya ang kut
KAKAALIS palang nito pero miss niya na agad ang binata.Pabagsak siyang nahiga sa kama niya. Dalawang araw niya itong hindi makikita. Bumuga siya ng hangin.Kung maaari lang siyang sumama ay gagawin niya. Kaya lang baka imbis na makapagtrabaho ito ay wala silang gawin kundi ang maglandian.Napahagikgik siya sa naisip. May pagkapilyo pa naman ang binata. Natigilan siya. Kailan kaya siya balak nito ipakilala sa daddy nito? Hindi naman sa nagmamadali siya pero hindi na sila mga bata.Gusto niya makilala ang pamilya ng binata, katulad ng gusto niya na makilala nito ang sa kanya. Bumuntong hininga siya.Natigil siya sa pagmuni-muni ng may kumatok. Galit yata ang kumakatok dahil napakalakas 'nun.Balak pa yata gibain ang pintuan. Tinatamad na lumabas siya ng kwarto para buksan ang pinto.Nanlaki ang mata niya."Surprise!!!!" Bati ng mga kaibigan niya.Nagtilian sila at nagyakapan. Sobrang saya niya!"Beks, namiss ka namin!" Si Rona. Mangiyak-ngiyak ito."Teka, bakit parang ang blooming m
DILAT NA DILAT ang mga mata niya. Panay ang silip niya sa cellphone para makita kung anong oras na. Malaki ang tent nila kaya kasya silang apat.Buti pa itong tatlo na ito ay masarap na ang mga tulog. Samantalang siya ay dilat na dilat ang mga mata. Kasalanan itong lahat ni Perper.Malapit na mag alas dyis ng gabi. Bukod sa malakas na lagaslas ng tubig, rinig din ang iba't ibang huni ng kuliglig sa paligid.Kainis. Ihing ihi na siya.Muli ay sinilip niya kung anong oras na. Napangiwi siya. Sampung minuto nalang at alas dyis na. Malapit na siyang maihi sa pantý niya."Perper." Inalog niya ang balikat nito. Gusto niya sana magpasama.Kaso lahat ng kaibigan niya ay tulog mantika. Kinuha niya ang jacket niya para lumabas dahil napakalamig. Hindi na siya nagsuot ng panjama, lumabas nalang siya ng nakapantý dahil sila lang naman ang tao dito at ihing ihi na rin talaga siya.Lalabas na ang ihi niya. Ginamit niya ang flashlight ng cellphone niya para makita ang dinadaanan.Nang makalayo siya
HINDI pa rin maalis ang inis niya sa lalaki. Kung umasta akala mo ay kung sino. Pumunta lang ba ito dito para sabihin ang bagay na iyon sa kanya?Inis na napabuga siya ng hangin.Parang may galit talaga ito sa kanya. Kung tingnan nga siya ay parang kakainin siya ng buhay.Gusto niya sana makisama dito, hindi lang dahil sa kaibigan ito ng boyfriend niya, kundi sa asawa rin ito ni Amara na kaibigan na rin ang turing niya.Kaso hindi talaga niya kaya. Bukod sa hindi niya gusto ang awra ay parang palaging galit ang lalaki. Parang kayang manapak kahit babae.Hindi katulad ni Leo na masungit lang pero gentle pa rin naman sa mga babae. Sa akin lang pala. Nawala ang inis niya ng maalala si Leo. Kumunot ang noo niya ng makakita ng sasakyan. Isa iyong BMW M3 Competition na kulay itim. Mamahalin iyon at bago sa paningin niya.Hindi niya sana papansinin ang sasakyan, pero huminto ito sa tapat ng bahay ni Leo. Nagulat siya ng makita si Leo na bumaba ro'n.Nagmamadali na tumakbo siya palapit dito.