PAGKATAPOS kumain ay umuwi na ito para maligo. Matapos magligpit at maghugas ng mga plato ay pumasok na rin siya ng banyo para maligo.Hindi pa rin mawala sa isip niya ang pinag usapan nila ni Draken kanina.Ngayon nabuo na niya ang puzzle tungkol sa binata. Hindi pala maganda ang mga naging karanasan nito.Bumuga siya ng hangin. Hindi niya inakala na ganoon kalalim ang pinagdaanan nito.Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng kwarto ng nakatapis lang ng tuwalya. Agad na nagbihis siya. Nagsuot lang siya ng manipis na nighties na kulay krema.Habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya ay lumabas siya para hintayin sa sala si Leo dahil imamasahe niya ang katawan nito. Natigil siya sa paghakbang nang makita ang binata na nakahiga sa sofa. Tulog na ito at kita sa mukha ang pagod.Bumalik siya sa kwarto niya at kumuha ng kumot upang ikumot kay Leo.Agad niyang kinumutan ang binata ng makalapit siya dito. Gusto niya sana gisingin ito dahil masyado itong matangkad at malaki kaya naman hindi i
NAKASIMANGOT siya. Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin siya dahil hindi siya nakakain ng cake. Dahil sa marami siyang pinamili ay hindi na siya nakabili ng cake dahil nakalimutan niya.Nangalumbaba siya.'Miss you, baby' Text niya kay Leo. 'Miss you more, baby' Nakagat niya ang labi ng mabasa ang reply nito.'Can't wait to rubbish you in bed' Pinamulahan siya ng mukha at mahinang napatili.'Grabe ka, tama na muna. Lamog na ako sa 'yo' Sus, kunwari pa pero gustong gusto naman. Kantiyaw ng utak niya.Hinanda niya ang mga pinabili ni lola Alma para ihatid ang mga iyon. Nang matapos ihanda ay lumakad na siya.Pagkarating niya sa bahay ni lola Alma ay naghanda ito ng iba't ibang klase ng prutas para kainin niya.Hindi niya mapigilan ang mapa-wow. Kahit marami na siyang nakain kanina, parang nagutom ulit siya ng makita ang mga hinanda ni lola Alma. Hinog na langka na napakabango. Agad na dumampot siya 'nun at kumain. "Lola, sabayan mo 'ko." Kumuha siya ng guyabano. Inabot niya ang kut
KAKAALIS palang nito pero miss niya na agad ang binata.Pabagsak siyang nahiga sa kama niya. Dalawang araw niya itong hindi makikita. Bumuga siya ng hangin.Kung maaari lang siyang sumama ay gagawin niya. Kaya lang baka imbis na makapagtrabaho ito ay wala silang gawin kundi ang maglandian.Napahagikgik siya sa naisip. May pagkapilyo pa naman ang binata. Natigilan siya. Kailan kaya siya balak nito ipakilala sa daddy nito? Hindi naman sa nagmamadali siya pero hindi na sila mga bata.Gusto niya makilala ang pamilya ng binata, katulad ng gusto niya na makilala nito ang sa kanya. Bumuntong hininga siya.Natigil siya sa pagmuni-muni ng may kumatok. Galit yata ang kumakatok dahil napakalakas 'nun.Balak pa yata gibain ang pintuan. Tinatamad na lumabas siya ng kwarto para buksan ang pinto.Nanlaki ang mata niya."Surprise!!!!" Bati ng mga kaibigan niya.Nagtilian sila at nagyakapan. Sobrang saya niya!"Beks, namiss ka namin!" Si Rona. Mangiyak-ngiyak ito."Teka, bakit parang ang blooming m
DILAT NA DILAT ang mga mata niya. Panay ang silip niya sa cellphone para makita kung anong oras na. Malaki ang tent nila kaya kasya silang apat.Buti pa itong tatlo na ito ay masarap na ang mga tulog. Samantalang siya ay dilat na dilat ang mga mata. Kasalanan itong lahat ni Perper.Malapit na mag alas dyis ng gabi. Bukod sa malakas na lagaslas ng tubig, rinig din ang iba't ibang huni ng kuliglig sa paligid.Kainis. Ihing ihi na siya.Muli ay sinilip niya kung anong oras na. Napangiwi siya. Sampung minuto nalang at alas dyis na. Malapit na siyang maihi sa pantý niya."Perper." Inalog niya ang balikat nito. Gusto niya sana magpasama.Kaso lahat ng kaibigan niya ay tulog mantika. Kinuha niya ang jacket niya para lumabas dahil napakalamig. Hindi na siya nagsuot ng panjama, lumabas nalang siya ng nakapantý dahil sila lang naman ang tao dito at ihing ihi na rin talaga siya.Lalabas na ang ihi niya. Ginamit niya ang flashlight ng cellphone niya para makita ang dinadaanan.Nang makalayo siya
HINDI pa rin maalis ang inis niya sa lalaki. Kung umasta akala mo ay kung sino. Pumunta lang ba ito dito para sabihin ang bagay na iyon sa kanya?Inis na napabuga siya ng hangin.Parang may galit talaga ito sa kanya. Kung tingnan nga siya ay parang kakainin siya ng buhay.Gusto niya sana makisama dito, hindi lang dahil sa kaibigan ito ng boyfriend niya, kundi sa asawa rin ito ni Amara na kaibigan na rin ang turing niya.Kaso hindi talaga niya kaya. Bukod sa hindi niya gusto ang awra ay parang palaging galit ang lalaki. Parang kayang manapak kahit babae.Hindi katulad ni Leo na masungit lang pero gentle pa rin naman sa mga babae. Sa akin lang pala. Nawala ang inis niya ng maalala si Leo. Kumunot ang noo niya ng makakita ng sasakyan. Isa iyong BMW M3 Competition na kulay itim. Mamahalin iyon at bago sa paningin niya.Hindi niya sana papansinin ang sasakyan, pero huminto ito sa tapat ng bahay ni Leo. Nagulat siya ng makita si Leo na bumaba ro'n.Nagmamadali na tumakbo siya palapit dito.
KAGAT niya ang labi at nagpipigil na wag tumawa. Para kasi siyang sinisilaban sa mga titig ni Leo.Pagkatapos nilang kumain ay hindi na naalis sa kanya ang mga tingin nito.Well, alam niyang maganda siya, kaya siguro hindi rin maalis ang nagniningas nitong tingin sa kanya, at dahil rin sa ginawa niya dito kanina."Go ahead, baby. Laugh at me." Sarkastikong sabi nito.Tuluyan na siyang natawa. "Are you mad? Wala naman ako ginagawa sa 'yo, kaya bakit ka nagagalit." "Really? Wala talaga? As far as I remember, pinasakit mo lang naman ang puson ko." Hindi ngumingiting sabi nito. Iniwas niya ang tingin. "Wala akong alam sa sinasabi mo." Maangmaangan niya.Muli siyang tumingin dito. Nakaupo ito sa sofa na parang hari. Ang gwapo talaga!Tumayo siya at kumandong ito."Gusto mo ituloy natin." Pilyang pinasadahn niya ng dila ang punong tainga nito dahilan para dumilim ang mukha nito at marahas na lumunok."You really know how to make me hard, huh." Pinaghiwalay nito ang hita niya. Nakakalong si
MUGTO ang mga mata niya.Lahat ng napapadaan ay napapatingin sa kanya dahil kahit hindi naman maaraw ay naka-shades siya.Tumingala siya. Madilim ang kalangitan.Nasa bayan siya at nakatambay sa cake shop na pinagdalhan sa kanya ni Draken. Alas singko palang ng umaga ay nandito na siya. Sarado pa nga ito ng dumating siya rito. Sinadya niyang umalis ng maaga sa bahay dahil ayaw niya muna makita o makausap si Leo.Alas dyis na ng umaga. Ilang oras na rin pala siya rito. Hindi niya napansin na halos limang oras na rin pala siyang nakatambay, kaya pala nangangalay na ang balakang niya at pang upo niya.S******p siya ng milktea at sumubo ng cake. Nagbabadya na naman ang mga luha niya ng maalala ang nangyari kagabi.Nag angat siya ng tingin ng may umupo sa harapan niya.Napangiwi siya. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Saka bakit dito pa talaga ito umupo sa harapan niya.Iniwas niya ang tingin sa balbas saradong lalaki na nasa harapan. Ito na naman ang tingin nito na parang galit at han
NAGPAIKOT-IKOT siya sa harap salamin. Isang yellow off shoulder dress ang suot niya, at isang flat sandals naman sa paa niya.Ngayon ang usapan nila ni Leo na magkikita sila. Gusto niyang lalong gumanda sa paningin nito kaya naglagay siya ng manipis na foundation sa mukha at konting blush on sa pisngi. Nagpahid siya ng red lipstick sa labi.Nagsuot din siya ng isang set ng jewelry sa katawan na may pendat na sunflower.Ngumiti siya ng makita ang repleksyon niya sa salamin. Lalong tumingkad ang kaputian niya. Napasimangot siya dahil hindi niya makakasabay si Leo sa pagpunta sa bayan dahil umalis din ito kagabi ng may tumawag dito.Nagbilin naman ang binata na magkita nalang sila doon ng alas otso ng umaga. Masaya na siya dahil kahit alam niyang napakabusy ni Leo sa trabaho ay naisisingit pa rin siya nito sa schedule.Bago tuluyang umalis ay nagwisik siya ng paboritong perfume niya."Bye, Choco. Mamaya na ako uuwi, ha. Dito ka lang at matulog." Katatapos lang niya pakainin ito.Habang