Home / Romance / TWISTED / 4. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

Share

4. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

ANG STORY NA ITO AY SUPER RATED SPG‼️ MAY MGA SCENE NA HINDI PWEDE SA MGA MASESELAN‼️ READ AT YOUR RISK!!!

[Regina]

GANO'N pa man ay hindi maitatanggi na masaya siya dahil nalaman niya na wala pa itong asawa o girlfriend.

Nakapagtataka lang dahil sa kagwapuhan nito ay single pa rin 'to. Tiyak siya na marami ang mga babae na nahuhumaling dito at isa na siya ro'n.

Hindi naman siguro bakla ito.

Napailing siya. Siguro ay wala pa itong nagugustuhan. Ano naman kaya ang tipo nito sa isang babae.

Sigurado na gusto nito sa maganda. Inipit niya ang buhok sa likod ng tainga.

Maganda siya. Bukod sa mama niya ay marami ang nagsasabi sa kanya no'n. Natural ang pagkakulot ng kaniyang itim na buhok. Maliit ang matangos niyang ilong. Natural na mapula palagi ang kanyang labi at mapula ang kanyang magkabilang pisngi lalo na kapag naiinitan. Limang talampakan at apat na pulgada ang kanyang taas. Maputi ang kanyang balat na tila hindi nasisinagan ng araw na ayon sa mga kaibigan niya ay para siyang isang bampira.

Bumuga siya ng hangin. Masyado naman yata niyang pinupuri ang sarili niya para lang masabi na magugustuhan siya nito.

Ngunit kung kinakailangan gawin niya iyon para magkaroon ng lakas ng loob ay 'yon ang gagawin niya. Minsan lang siya magkagusto sa isang lalaki kaya sisiguraduhin niya na masasabi niya 'yon. dito.

Go, Regina!

Napahawak siya sa dibdib ng makarinig ng malakas na busina. Paglingon niya ay nakita niya ang binata na nasa tapat ng bahay ng lolo niya. Ang buong akala niya ay umalis na ito. Bumaba ito sa motor at naglakad palapit sa kaniya.

Nagtataka man ay hinintay niyang makalapit ito. Kasabay ng malakas ng ihip ng hangin ay inilipad no'n ang kanyang buhok. Abot ang kaba niya ng huminto ito sa harap niya.

"Kanina pa kita tinatawag. Kaso mukhang malayo ang iniisip mo kaya hindi mo 'ko naririnig."

"Ganoon ba. H-hindi kita narinig, pasensya na." Kinunutan niya 'to ng noo. "Bakit nga pala?"

Dahil malapit sila sa isa't isa ay langhap niya ang amoy nito. Saglit siyang pumikit at sinamyo ang nakakaakit nitong amoy. Sigurado siya na ang amoy nito ang kaniyang magiging paborito simula ngayon.

Gwapo na mabango pa!

"Tinatanong kita kung gusto mo sumama."

Nagtataka na tumingin siya dito. Saan naman kaya? My god! Niyaya niya ba akong sumama sa...sa...

Ang bilis naman niya!

Kumunot ang noo nito "Namumutla ka. Ano ba sa akala mo." Umiiling iling ito. "Ang tinatanong ko kung gusto mo sumama sa bayan."

Humawak siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkahiya. "H-hindi naman ako nag iisip ng hindi maganda." Sinungaling. Sigaw ng utak niya.

"Ano, sama ka?"

Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. Niyaya siya ng binata!

"Pwede ba hintayin mo ako? Sige na kahit fifteen minutes lang!" Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata. Agad na siyang tumakbo papasok ng bahay para maligo.

Siyempre hindi naman pwede na ito lang ang mabango. Mabilis na naligo lang siya at habang nagsusuklay pakiramdam niya ay napakatagal ng oras. Tanging lipstick lang ang inilagay nya at nagwisik ng pabango.

Muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin. Isang maong na pantalon ang sinuot niya at tshirt na pink na hapit sa kaniyang katawan. Lumitaw lalo ang hugis nang kaniyang may kalakihan na dibdib. Pagkasuot niya ng kaniyang rubber shoes ay nagmamadali siyang lumabas.

Muntik pa siyang madapa sa pagmamadali niya.

"Ang tagal ko ba?" Hinihingal na tanong niya sa lalaki na seryoso lang na nakatingin sa kaniya.

"Hindi naman." Maikling sagot nito.

Napakagat siya ng labi. Mukhang nainip ito sa paghihintay sa kaniya. "Pasensya na. Nainip ka yata sa paghihintay."

Tumango lang ito bago sumakay sa motor. "Sakay na."

"Huh?" Napatingin ako sa likuran niya.

"Sabi ko sakay kana." Tinapik nito ang upuan sa likuran nito.

Napalunok siya. Sasakay siya sa motor nito. Sa mismong likuran nito!

Kinakabahan man ay sumakay na siya. Medyo nahirapan pa siya dahil masyadong mataas ang motor nito at hindi siya sanay na sumakay sa mga ganito.

Huminga siya ng malalim nang buhayin na nito ang makina.

"Hanggang ngayon hindi mo parin sinasabi ang pangalan mo." Nagsimula ng umandar ang motor. Dahil sa kaba niya ng humarurot iyon ay napahawak ang nanginginig na kamay niya sa balikat nito.

"Regina nga pala! Pero pwede mo ako tawaging Gina!" Malakas na sabi niya. Bahagya niyang inilapit ang bibig sa tainga nito para marinig ang sinasabi niya dahil kinakain ng malakas na hangin ang boses niya.

Lumingon ito sa kaniya.

"I'm Leonardo Perez. You can call me Leo."

NAPAKALAKAS nang tibok ng puso niya.

Leo...

Ganda ng pangalan, bagay na bagay sa binata. Ilang beses siyang napalunok habang nakatingin sa kamay niya na nasa balikat nito. Pakiramdam niya ay tumatagos ang init na nagmumula sa katawan nito patungo sa mga kamay niya.

Pumikit siya at dinama ang hangin na humahampas sa mukha niya. Bakas din sa mukha niya ang saya niya.

PINIPIGIL niya ang kilig na nararamdaman ng alalayan siya ni Leo para bumaba nang motor. Agad na gumapang ang tila kuryente sa katawan nang hawakan nito ang kamay niya.

Daig niya pa ang teenager!

Lumunok siya at agad na hinila ang kamay. "Salamat." Hindi tumitingin na sabi niya.

"Nakapunta kana dito?" Tanong ni Leo.

Tumango siya. Gusto niyang magtanong kung saan sila pupunta pero nauna na itong nagtanong.

"Kumakain ka ng bulalo?"

"Oo naman. Lahat naman yata ng tao ay gusto ng bulalo." Napangiti siya ng kumamot ito sa kilay na parang nahihiya.

"Maganda na yung nagtatanong. Mamaya hindi ka pala kumakain no'n." Naglakad ito kaya sumunod siya rito. "May alam akong bulaluhan dito. Masarap kaya ang dami ng dumadayo." Tuloy lang sa paglakad ang binata tila walang pakialam sa paligid kahit halos magtilian na ang mga babae sa dinadaanan nila.

Ang mga karibal nya!

Sinasabi na nga ba. Marami ang mga babaeng nagkakandarapa dito. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Leo. Ma-appeal na tapos gwapo pa.

Baka marami itong patataubin na artista pagnagkataon.

Habang naglalakad ay nakita niya ang inggit na tingin sa kaniya ng ibang mga babae.

Napangisi siya. Sige lang. Mainggit lang kayo hangga't gusto nyo. Aniya sa isip na sinabayan pa ng halakhak.

Nasapo niya ang ilong ng bumangga ang mukha niya sa likod ni Leo. Ang sakit! Tigas ba naman ng likod. Kakaisip nang kung ano-ano ay hindi niya namalayan na huminto pala 'to.

Tiningnan niya ang hinintuan nila. Isa iyong munting nipa house. Maliit lamang pero marami ang kumakain sa paligid dahil nasa labas ang mga mesa at upuan. Napatingin lahat sa kanila ng mapansin sila ng mga tao.

Nakita niya ang pagtango ng iilan kay Leo na para bang kilala nila 'to. May matatandang babae naman na ngumiti sa kaniya kaya ngumiti rin siya sa mga ito.

Nang makahanap ng bakanteng upuan ay agad silang naupo. Gusto niyang matawa dahil parang hirap na hirap ang binata sa pagkakaupo. May kaliitan kase ang upuan. At dahil malaki siya ay para lamang nagmukhang laruan ang upuan rito.

"Ang cute mo." Natatawa niyang sabi pero agad ding natahimik nang marealized niya ang sinabi niya.

Kita ang banas sa mukha nito. Hindi na niya napigilan ang matawa ng tumayo ito at nasama pati ang upuan. Maging ang ibang matandang babae na nasa gilid lang nila ay natawa.

Habang naglalakad ito paalis upang umorder ay siya namang titig niya sa kabuohan nito. Kahit nakatalikod ay ang lakas pa rin ng dating. Nangalumbaba siya at tila nangangarap na tumingin sa malayo.

"Pag hindi ka napunta sa akin hinding hindi na talaga ako mag aasawa." Mahinang sambit niya. Muntik na siya mahulog sa kinauupuan ng makita na nasa harap na pala niya ang binata nang hindi niya napapansin.

Mabuti nalang at mukhang hindi siya narinig nito dahil nakatuon ang pansin nito sa hawak na papel.

Hindi niya maiwasan ang matakam ng dumating ang pagkain nila. Halos maglaway siya sa dami noon. Bukod sa bulalo ay mayroon pang iba't ibang klase ng putahe.

Hindi niya maiwasan ang kiligin ng lagyan ng binata ng kanin ang kaniyang pinggan.

Ang sweet naman niya. Paano pa kaya pag naging boyfriend na niya ito. Ito na naman ang utak niya. Kung ano-ano ang naiisip.

"Salamat, Leo."Aniya at matamis na nginitian ito. Agad niyang tinikman ang sabaw ng bulalo at talaga naman masarap iyon. "Sarap nga!" Hindi na niya napigilan ang kumain ng kumain. Kung tutuusin ay hindi naman siya gutom pero dahil sa masasarap ang mga pagkain ay hindi niya napigilan ang sarili na kumain ng marami.

Natigilan siya sa akmang pagsubo ng makita niyang hindi pa ito nagsisimulang kumain.

Takang tiningnan niya ito. "Bakit hindi ka pa kumakain?" Gusto niyang idugtong na 'Gusto mo subuan kita'

"Hindi ako gutom." Simpleng tugon nito.

Napasimangot siya. "Hindi pwede 'yun. Ikaw nag invite tapos di ka kakain." Tumusok siya ng karne gamit ang tinidor saka itinapat sa bibig nito. "Nganga."

"Ako na. Hindi na ako bata." Kinuha nito sa kamay niya ang hawak na tinidor at sinubo iyon.

Nahihiya na nagbaba siya ng tingin. Ano ba naisip niya at balak niya pang subuan ito.

Hanggang matapos kumain ay wala ng nagsalita sa kanilang dalawa. Medyo nahihiya pa rin siya sa inasal niya kanina.

Ano ba kasing akala mo, Gina? Na girlfriend ka niya?

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasan ang mag alala. Paano kung nainis ito sa kaniya kanina at hindi na siya ulit kausapin?

Napabuga siya ng hangin. Ang hirap palang magmahal tapos hindi ka naman mahal ng taong mahal mo. Masakit pala.

Hindi agad sila umuwi pagkatapos kumain. Naglibot pa silang dalawa hanggang sa madaanan niya ang binilhan niya ng kakanin noong nakaraan. Bumili ulit siya ng mga ito.

Inabot sila ng gabi sa paglilibot. Kahit paano ay nawala na sa isip niya ang nangyari kanina.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Leo habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Tumango siya. "Oo. Salamat sa pagsama sa akin dito. Nag enjoy talaga ako." Kasama kasi kita. Dugtong niya sa utak.

Nang sumakay ito sa motor ay ganun din siya. Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasan ang mag isip tungkol sa binata kahit kasama niya ito.

Minsan lang ito ngumiti. Minsan lang din ito tumawa. Mas madalas itong seryoso.

Baka hindi lang siya nito gusto.

Agad na binasag niya ang nasa isip. Masyado pang maaga para masabi iyon. Ano naman kung hindi siya gusto ni Leo.

Marami pang oras para maipakita sa binata na karapatdapat siya rito. Hindi siya basta susuko. Ngayon pa na nakita na niya ang lalaki na nagpatibok sa puso niya.

Nang makarating sa kanila ay hindi na niya hinintay na alalayan siya nito para bumaba kaya naman muntik pa siyang masubsob sa gilid ng kalsada mabuti na lamang ay napigilan iyon ng binata. Agad nitong nahawakan ang tshirt niya sa bandang batok.

Kandaubo siya dahil nasakal siya.

Grabe ibang iba ito sa mga napapanood niya. Sa movie sa baiwang hahawakan tapos magkakatitigan at dahan dahan na maglalapit ang mga mukha tapos sa kaniya ganito.

Nang makabawi hinaplos niya ang masakit na leeg.

"Ayos ka lang?" Bumaba ito at lumapit sa kaniya. "Muntik ka nang malaglag. Bakit ba kasi nagmamadali kang bumaba."

"Inaantok na kasi ako." Pagdadahilan niya. Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Sa susunod sa baiwang mo na ako hahawakan ha, lalo na pag ganitong eksena."

Bumuga ng hangin ang binata. "Kung sa baiwang kita hahawakan kanina ay baka hindi na ako umabot at mangudngod kana." Inginuso nito ang babagsakan niya sana kanina.

Hindi maiwasan na kiligin siya sa sinabi nito. Ibig sabihin pala ay ayaw nito na masaktan siya.

"Sige bye na, salamat sa araw na 'to, Leo." Tumango lang ang binata at pinaandar na ulit ang motor.

Ang ngiti sa labi niya ay hindi maalis. Ito na siguro ang simula ng magandang samahan nilang dalawa bilang magkaibigan.

Magkaibigan muna sa ngayon.

Nang gabing iyon ay nakatulog siyang may ngiti sa labi.

MASIGLA siyang bumangon. Tulad ng mga nakaraang araw ay magdidilig siya ng halaman para makita na rin ang binata. Nginingitian niya ito pero madalas na tumango lang ito sa kaniya.

Minsan nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya-este sa mga bulaklak.

Gusto niya itanong sa binata kung mahilig ba ito sa mga bulaklak pero nagdadalawang isip siya dahil parang hindi nito gusto ng kausap nitong mga nakaraang araw.

Malungkot na bumuntong hininga siya.

"Lalim naman."

Muntik na siyang mapatalon sa gulat.

"Nakakagulat ka naman." Nawala ang lungkot sa mukha niya ng makita ito. Ang buong akala niya ay wala ito dahil hindi niya ito nakitang nagkakape. "Nariyan ka pala. Akala ko ay umalis ka." Nag iwas siya ng tingin nang makita na hubad ang pang itaas nito.

"Nag exercise lang ako saglit."

Ayaw man niya tingnan ang katawan nito ay tinaraydor na siya ng mga mata niya. Natagpuan niya ang sarili na nakatingin sa basa nitong dibdib.

"Nag almusal ka na?"

Nagsalubong ang mga mata nila ng mag angat siya ng tingin.

Namiss niya ang mga mata nito. Ilang araw din silang hindi nagkalapit ng ganito.

"Hindi pa. Mag aalmusal palang."

"Tamang tama nagluto ako ng champurado. Sa bahay ka na mag almusal."

Muntik nang pumalakpak ang mga tainga niya sa narinig.

Sabay silang mag aalmusal!

"Sandali lang." Pagkatapos niyang magdilig ay inamoy niya ang sarili. Hindi naman siya amoy pawis kaya agad na siyang pumunta sa bahay nito. Namiss niya na makasabay ito sa pagkain.

Tulad ng dati ay ito ang naghanda ng pinagkainan nila. Nagtimpla rin ito ng kape para sa kanilang dalawa. Malakas talaga kumain ang binata kaya nakapagtataka na hindi halos ito kumain nang nasa bayan sila.

"Mamaya aalis ako. Pupunta ako sa kaibigan ko. Tutulong ako doon maghango ng mga mangga. Gusto mo sumama?" Tanong nito habang umiinom ng kape.

"Sige ba." Hindi nag iisip na sagot niya. "Pero ayos lang ba? hindi ba ako makakaabala?"

"Bakit ka naman makakaabala?" Nakakunot ang noo nito. "Hindi ka naman lumpo."

"Sige. Sasama ako."

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
ganda ng story nakakatuwa clang dalawa
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Opo naka-lock na po
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status