Home / Romance / TWISTED / 1. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

Share

TWISTED
TWISTED
Author: SEENMORE

1. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

ANG STORY NA ITO AY SUPER RATED SPG‼️ MAY MGA SCENE NA HINDI PWEDE SA MGA MASESELAN‼️ READ AT YOUR RISK!!!

SOBRANG HALAY AT MALASWA!

WALANG FILTERED ANG MGA SALITA!

UNEDITED!

Ito ay kwento ng OBSESSION at KABALIWAN na pagmamahal! Halata naman dahil sa title nito✅

Please leave ‼️ baka hindi ninyo kayanin ang maselang salita at scenes!

[Regina]

"HAPPY BIRTHDAY, REGINA!" Malakas na bati ng mga kaibigan niya. Pakiramdam niya ay parang mababasag na ang eardrum niya sa lakas ng pagbati ng mga 'to.

Malaking ngiti ang pinakawalan niya bago hipan ang nakasinding kandila sa cake na binili pa ng mga kaibigan niya.

'MAG-ASAWA KANA, REGINA' Ito ang nakasulat sa cake. Sarap pag uuntigin, kala mo naman sila may mga asawa na.

Gusto niyang matawa sa mga ito, dahil hindi lang naman siya ang wala pang asawa sa kanilang magkakaibigan, maging ang mga ito ay wala pa rin.

"Thank you, guys!" Masayang sambit niya. "Mag asawa na rin kayo hindi 'yong ako nalang palagi ang napagdidiskitahan nyo."

"Oo nga! Magsipag-asawa na kayo ng magka-apo na kami." Malakas na sabi ni tita Elsa na para bang palaging galit. Ito ang ina ni Perper na kababata niya.

"Paano magkakanobyo ang mga batang 'yan kung hindi naman nakikipag-date. Lalo na 'yang anak mo, Doring. Wala na halos ginawa kundi manood ng Korean nobela pagkagaling sa tindahan." Ituro siya ni tita Josie. Ang ina ni Judith.

"Mas gusto kong manood nalang ng mga Korean nobela at kiligin sa kanila kaysa ang maloko ng mga lalaki na 'yan." Sambit niya habang nilalantakan ang cake na nasa harapan. "Tapos ang manloloko pa sa 'yo ay panget pa. Pass nalang talaga." Dagdag niya pa.

Natawa ang papa niya nang marinig ang sinabi niya.

"Ramon, wag kang tatawa-tawa riyan baka nakakalimutan mong nag-iisang anak natin iyang si Gina. Gusto mo bang mamatay ng hindi man lang nakikita ang magiging apo natin." Pinandilatan pa ng mama niya ang papa niya.

Nagkatawanan nalang silang magkaibigan dahil hindi pa rito natapos ang argumento ng mga ito tungkol sa apo at pag-aasawa. Sanay na sila sa mga magulang nila kaya naman tinatawanan nalang nila ang mga ito.

Para sa kanya ay hindi minamadali ang pag-aasawa. Kung mag-aasawa man siya ay sisiguraduhin niyang si Lee min hoo iyon.

Napahagikgik siya sa naisip niya. Wala na yata talagang pag asa na makapag-asawa siya kung palagi na lamang mga gwapong artista ang nasa isip niya.

Hindi lang basta artista kundi si Lee min hoo pa!

ISANG malalim na hininga ang pinakawalan niya at nangalumbaba siya. "Bakit kase nasa Korea ka, Love." Naiiyak pa na wika niya sabay kuha ng kaniyang cellphone para titigan ang mukha ni Lee min hoo na ginawa niyang wallpaper. Isang linggo na rin ang nakalipas nang magdiwang siya ng kaarawan.

Napasigaw siya sa gulat ng bigla siyang batukan ng mama niya. "Aray! ma, naman!"

"Tigilan mo nga 'yang pag-eemote mo diyan. Kaya ka hindi nagkakanobyo dahil sa pagpapantasya mo sa mga 'yan."

"Ma, syempre kung magpapantasya ako 'dun na ako sa gwapo." Nagniningning ang mga mata na muli niyang binalik ang tingin sa wallpaper ng kanyang cellphone.

"Madaming gwapo riyan. Imulat mo lang iyang mga mata mo."

Mulat na mulat kaya ang mga mata niya. Pero kahit kailan ay wala naman siyang nakitang gwapo dito sa kanilang lugar maliban kay Ruben na patay na patay kay Rona.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko." Nagsimula na naman itong magdaldal. "kapapanood mo ng mga iyan tumaas na ng sobra ang standard mo sa mga lalaki."

"Ma, wag ka mag alala, mag-aasawa din ako."

Nagliwanag ang mukha nito. "Kailan naman anak?"

"Ito ma," sabay pakita ng wallpaper kong si Lee min hoo sa kaniya. "pagpumunta siya dito ng pinas ipapakilala ko na siya sa'yo, ma—arayyy!" Nabatukan na naman ulit siya.

"Lintik kang bata ka! Tigilan mo na kakapantasya mo!"

KULANG nalang ay sumayad ang kaniyang nguso habang nag-iimpake ng mga gamit. Pagkalipas ng isang linggo mula ng kaniyang kaarawan ay bigla nalang nagdesisyon ang mama niya na ipatapon siya sa kanilang probinsya.

Limang taon na ang nakalipas nang mamatay ang kaniyang lolo kaya wala ng tao sa bahay nito. Nag iisang anak lang din ang mama niya kung kaya wala ng nagbabantay sa bahay ng mga ito. Matagal narin wala ang kaniyang lola kaya talagang hindi na sila muli pang pumunta roon.

Alam niya ang dahilan ng mga magulang niya kaya bigla nagdesisyon ang mga ito na ipatapon siya roon. Dahil gusto siyang ireto sa anak ng kababata ng mama niya. Hindi sinasadya na narinig niya kasi ang usapan ng mga ito.

"Sa ayaw at gusto mo pupunta ka roon!"

Hanggang ngayon ay naririnig pa niya ang boses ng mama niya sa kaniyang utak.

"Ma!" Mangiyak-ngiyak siya at halos umatungal na. Buong akala niya ay tututol ang papa niya sa desisyon ng kaniyang mama, pero hindi pala!

"Pa, paano mo ito nagawa sa akin? Anak mo ako." Suminghot siya. "You betrayed me, papa. How dare you."

Sinamaan niya ng tingin ang dalawang magulang na nasa pintuan ng kaniyang kwarto. Nag-high five pa ang dalawa na tila bata at tuwang-tuwa sa kaniyang pag alis.

"Grabe kayo sa akin, ma. Anak niyo ako. Hindi niyo ako kailangan ipatapon doon."

"Anong tinapon? Ano ba ang sinasabi mong bata ka. Gusto ka lang naman namin magbakasyon. Kase palagi kang busy magbantay ng tindahan natin kaya iyan tuloy wala ka na oras para sa mga date-date na 'yan." Palusot pa ng mama niya.

Buong maghapon siyang nagdamdam sa naging desisyon ng mga ito.

Alam niya na mabigat din itong desisyon para sa mga magulang niya. Bukod sa nag-iisang anak siya ay hindi sanay ang mga ito na malayo sa kaniya. Nang magtapos siya ng kolehiyo ay agad siya nakahanap ng trabaho. Pero sa loob ng tatlong taon niyang pagtatrabaho ay napansin niya na palagi matamlay ang mama niya at malaki din ang ibinagsak ng katawan.

Marahil sa sobrang pagod sa pagbabantay sa kanilang grocery store at pagka-miss sa kaniya.

Mayroon silang maliit na grocery store na pinagkukuhaan nila ng pangkabuhayan. Maliit man ito ay malakas naman bumenta at malaki ang kinikita. Isang retired na sundalo naman ang papa niya. Kung tutuusin ay maari nilang palakihan ang kanilang maliit na grocery store ngunit ayaw naman ng mama niya.

Nang tumigil siya magtrabaho ay talagang tutol ang mga ito, pero mas pinili nalang niya ang tumulong sa tindahan nila. Masaya naman siya sa naging desisyon dahil nanumbalik ang pagiging masigla ng mama niya.

Sa sobrang sigla nga lang ay mayroon itong lakas maghapon para sabihan siya na mag asawa na.

Sana magbago pa ang isip nila tungkol sa pagpunta niya ng probinsya. Dahil sa tingin niya ay wala naman mangyayare sa kaniya at wala pa siyang balak mag asawa!

UMIIYAK na parang namatayan ang mga kaibigan niya ng sabihin niya sa mga ito ang tungkol sa pag alis niya.

"Paano na kami ngayong mawawala ka na!" Umaatungal pa si Rona habang pumapadyak ang mga paa.

"My god! Bakit, Ginabeks! Sabi mo walang iwanan, diba? Nasaan na iyong mga pangako na sinumpaan natin!" Suminghot si Judith at nagpahid ng luha. "Mag aasawa pa tayo, diba?"

Malakas niyang sinapok ang dalawang kaibigan. "Mga beks, aalis lang ako. Hindi pa ako mamamatay. Kung makaiyak naman kayo parang mamamatay na ako. Mga impakta kayo."

"Sigurado na ang alis mo? Pwede ba kami sumama?" Ani Jennifer o mas kilala na Perper. Sa tatlo niyang kaibigan ito lang ang maituturing niyang matino. Palaging kalmado. Pero iba magalit. Nakakatakot.

"Walang sasama sa inyo!!!"

Lahat sila ay napatalon sa gulat ng marinig ang boses ng mama niya.

"Naku kayong mga bata kayo! Sisirain niyo pa ang plano ko. Walang sasama o pagkukurutin ko iyang mga singit niyo!" Nakapamewang pa ito habang iwinawasiwas ang isang kamay na may hawak na walis tambo sa ere.

Sanay na ang mga ito sa mama niya. Kaya kahit magbunganga ang mama niya ay hindi minamasama ng mga kaibigan dahil lahat ng kanilang ina ay ganoon.

"Tita, bakit? Ano ba ang plano mo?" Curious na tanong ni Perper.

"Oo nga, tita. Saka bakit bawal kami sumama?" Maging si Judith ay ganun din.

"Ah basta! Wag na kayo magtanong. Maghanap na lamang kayo ng makaka-date niyo nang magkanobyo na kayo."

"Tita naman." Aangal pa sana si Rona pero agad din napatigil ng bantaan ito ng tingin ng mama niya "Ito na nga po. Uuwe na kami."

Matapos magpaalam ang mga kaibigan ay agad na umuwe ang mga ito. Hindi pa man umaalis ay nakaramdam na siya ng lungkot.

Mga bata pa lang sila ay magkakaibigan na sila. Marahil dahil sa magkakaibigan na noon pa man ang kanilang mga magulang. Lumaki sila na parang magkakapatid ang turingan.

Sigurado siya na mamimiss niya ang mga ito. Parang siya naman itong naiiyak ngayon.

Sana lang talaga ay tigilan na siya ng mama niya pagkatapos niyang sundin ang gusto nito ngayon. Kailangan marealize nito na hindi minamadali ang pag aasawa. Bukod sa bata pa naman siya ay naniniwala siya na hindi naman lahat ng babae ay kailangan ng lalaki sa buhay.

Mahaba pa ang panahon. Saka para sa kaniya ay bata pa siya sa edad niya.

'Ah basta hindi pa ako handang mag asawa!' Sigaw ng utak niya.

ILANG ORAS din ang tinagal ng biyahe pauwi ng probinsya ng mama niya.

Nang dumating siya ng probinsya ay hindi niya maiwasan ang mapa-wow. Pagkamangha, iyon ang nasa mukha niya habang nakatingin sa bahay ng kaniyang namayapang lolo. Hindi man lang nagbago ang bahay sa kabila ng wala ng taong nakatira rito.

Ang mga iba't ibang halaman na nakapaligid sa bahay ay buhay na buhay na para bang may nag aalaga ng mga iyon.

Lumakad siya palapit sa mga bulaklak. "Taray mas fresh pa sa akin." Aniya habang hawak ang isang fresh na bulaklak. Inamoy niya pa ito at pumitas ng isa para ilagay sa tainga.

Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon. Agad niyang nilinis ang buong bahay. Halos inabot na siya ng dilim sa paglilinis. Pagod na pagod siyang umupo sa lumang upuan sa labas ng bahay. Naalala niya noong bata palang siya. Madalas dito sila maghabulan ng Lolo niya nang malakas pa ito.

Pero ngayon ay wala na ito. Noong una ay masakit. Pero kalaunan ay natanggap din nila. Sigurado siya na masaya na ito saan man ito naroroon kasama ang lola niya.

"Miss you, Lolo. Wag ka magmumulto, ha." Mahina siyang natawa sa sinabi niya pero agad din napatili ng may nilalang na bigla na lang lumitaw sa harap niya. Dahil sa may kadiliman ay hindi niya maaninag ang hitsura nito.

"Ahhhh! Multo!" Takot na takot siya ng mapagtanto kung ano ang nasa harap niya.

Isang multo. May multo sa bahay ng lolo niya!

"Lord help! Promise mag aasawa na po ako!" Nag cross finger pa siya habang nanginginig na umaatras.

Bakit ba kasi nakalimutan niyang buksan ang ilaw dito sa labas!

Sisigaw pa ulit sana siya ng makarinig ng mahinang tahol at nasundan pa iyon nang nasundan.

Aso lang pala!

Kahit nanginginig ang mga tuhod ay nagmamadali siyang tumakbo papasok ng bahay para i-on ang switch ng ilaw. Paglabas niyang muli ay wala na ang aso na tumahol kanina lang. Ang bilis naman nawala ng asong iyon.

Hindi kaya... Isa iyong aswang na nagpanggap lang na aso? Tapos kakainin siya dahil nakaamoy ng fresh na laman? Rapist na aswang? Serial killer na aswang?

Kung ano-ano na ang mga bagay na pumapasok sa isip niya.

Nagmamadali siyang tumakbo papasok ng bahay at nagmamadali na nilock ang lahat ng pinto maging ang mga bintana

Dahil sa matagal siyang hindi nakapunta rito ay nanibago siya. Lalo na ngayon na wala siyang kasama. Tila lahat ng ingay ng kahit gaano kaliit na insekto ay naririnig niya.

Kanina nang naglalakad na siya patungo rito ay wala siyang napansin na tao sa paligid. Tahimik at tanging hangin lang ang sumalubong sa pagdating niya. Malaking kaibahan noong bata pa siya.

"Oo nga. Bakit kaya walang tao akong nakita kanina." Bakit parang may mali. "Hindi kaya haunted na ang baryong ito? Tapos hindi na nakakalabas ng buhay ang sinuman na papasok dito?"

Napakagat labi siya. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Lumalabas ang pagiging matatakutin niya pag siya nalang mag isa.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang humiga at nagtalukbong ng kumot. Sa edad niyang twenty eight ay para siyang bata sa inaakto niya. Sadyang matatakutin lang talaga siya kahit noong bata pa siya.

Sigurado na mahaba-habang gabi ito para sa kaniya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
nakakatakot naman talaga pag solo aba
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status