PAGABI NA nang bumalik si Amanda sa apartment na tinutuluyan ng parents niya ngayon. Pagkapasok na pagkapasok niya palang ay bahagya siyang napatigil nang may marinig siyang pamilyar na boses."Hindi ko alam na maalam ka pala sa mga ganitong trabaho, Theo.""Ah, natutunan ko lang pong mag-ayos ng sirang tubo noong nag-aaral ako sa abroad.""Gano'n ba? Hindi ko lang gaanong inexpect dahil laking mayaman ka. Pero, tama na muna 'yan. Baka madumihan 'yang damit mo. Ayusin na lang ulit bukas. Ayaw ko nang maisturbo ka pa.""Ayos lang. Kaya ko na 'to."Kumunot ang noo ni Amanda. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Theo 'yon, kausap ang stepmom niya! Pero anong ginagawa niya dito ngayon? Nasabi naman na niya kay Theo na hindi muna siya uuwi.Pinatagal na muna niya ng ilang segundo bago siya tuluyang umalis sa pwesto niya. Sakto namang nakita siya ni Sylvia kaya nag-usap sila sandali."Bakit nandito si Theo, Ma?" takhang tanong tuloy ni Amanda.Nagkibit balikat si Sylvia. "Malay ko. Pero hayaan
IMBES NA pakinggan si Amanda ay mas lalong hinigpitan lang ni Theo ang hawak nito sa kaniya. Pinilit magpumiglas ni Amanda pero nanghina lang siya dahil muli na naman niyang naramdaman ang init ng katawan ni Theo.Bumilis ang paghinga ni Theo nang magkalapat ang mga noo nila. Ang labi ni Theo ay tila tinutudyo ang labi ni Amanda. Pakiramdam ni Amanda tuloy ay tumaas ang temperatura sa loob ng kwarto niya."T-Theo, 'wag ngayon, please," ani Amanda. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon dahil parang nanghihina siya sa init na namamagitan sa kanila ni Theo ngayon."Bakit, Amanda? Ayaw mo bang gawin natin? Pero iba naman ang sinisigaw ng katawan mo. Gusto mo rin 'to," sabi ni Theo sa tila namamaos na boses.Namula ang pisngi ni Amanda. Aminin man niya sa sarili o hindi, tama si Theo. Kahit anong sigaw ng utak niyang mali itong pagkakalapit nila ni Theo ngayon, ipinagkakanulo naman siya ng sariling katawan.At isa pa, ang ikinakatakot talaga niya ay nas
TILA MAY bumara sa lalamunan ni Amanda dahil sa mga binitawang salita. Nagpatuloy siya muli nang hindi sumagot si Theo."Hindi na ako 'yung eighteen years old na babaeng baliw na baliw sa 'yo, Theo. Nagbago na ako..."Hindi namalayan ni Amanda na tumulo na pala ang takas na luha niya mula sa mga mata. Naging emosyonal siya bigla. At ang mas nagpagulat sa kaniya ay ang pagpahid ni Theo sa luha niya gamit ang magaang kamay nito."Naiintindihan kita, Amanda. At 'wag kang mag-alala. Seryoso ako. Gusto kong magsimula ulit tayong dalawa," tila nahihirapan na sabi ni Theo.Matapos no'n ay dahan-dahan na inilapit ni Theo ang labi sa labi ni Amanda. Nagdampi ang mga labi nila sa isa't isa habang lumuluha si Amanda. Habang nagkadikit ang mga labi ay napapikit na lang ng mariin si Theo.Naguluhan bigla si Theo dahil sa halo halo niyang nararamdaman ngayon dahil sa magaang halikan nila ni Amanda. Ano ba 'to? Parang may kung anong kumislot sa loob niya. Bumilis ang tibok ng puso niya.Pero isa lan
"B-BAKIT NASA IYO 'yan?" takhang tanong ni Amanda habang nakatitig sa painting.Nilapitan ni Theo ang pwesto ni Amanda. Inilapit niya ang mukha sa bandang balikat ni Amanda at ipwinesto ang baba doon. "Kasi nalaman kong gustong bilhin 'yan ni Jaxon," sagot nito.Kumunot ang noo ni Amanda. "Ano? Dahil lang doon?""Hindi lang 'yon ang dahilan! Dahil alam kong gusto mo 'yan kaya ibibigay ko sa 'yo. Dinoble ko ang presyong bayad para masiguradong ako ang makakabili at hindi si Jaxon."Hindi lang makapaniwalang nalaglag ang panga ni Amanda at hindi nakasagot agad kay Theo. "Ang totoo niyan ay gusto ko talagang bilhin lahat ng paintings ng Mama mo. Pero hindi ko ginawa dahil narealize kong hindi deserve ng mga paintings niyang ikeep lang ng isang tao. Deserve nitong makilala sa buong mundo at malaman ng mga tao kung gaano kagaling na painter ang Mama mo noon," dagdag na paliwanag ni Theo.Hindi pa rin nakapagsalita si Amanda. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na natouch siya kahit papaano sa
"HEY, BAKIT ang tahimik mo?" takhang tanong ni Theo nang mapansin ang pananahimik ni Amanda.Kaagad umiling si Amanda. "Wala. Tumawag kasi si Secretary Belle kanina sa akin, iremind daw kita sa pagpunta mo sa opisina mo on time at baka makalimutan mo lang. At tsaka... may narealize lang ako."Si Theo naman ngayon ang kunot na ang noo. "Ano?" tanong niya."Na... hindi talaga kayo magkasama ng secretary mo magdamag." Umiling si Amanda at napatawa ng peke. "'Wag mo na lang pansinin 'yon!"Napabuntong hininga na lang si Theo. Ramdam niya sa tono ng boses ni Amanda ang pagdududa. Wala sa sariling napatingin tuloy siya sa phone at nakita niya doon ang ilang text ni Secretary Belle na hindi na niya nareplyan pa. Napatingin siya pabalik kay Amanda."Anong gusto mong palabasin?" maingat pa rin na tanong ni Theo."Wala akong gustong palabasin, okay?"Napatango si Theo at pekeng napangisi. "Gets ko na. Wala kang tiwala sa akin.""Masisisi mo ba ako, Theo? Matapos ng lahat ng nangyari sa atin? At
SA LOOB NG study room, inilabas ni Theo ang dokumento ng tungkol sa sitwasyon ni Sofia ngayon. Tinawagan niya rin ulit ang doktor nito para mausisa ang tungkol sa kalusugan ni Sofia. "Nakuha ko na ang result..." ani Theo. "Okay, Mr. Torregoza. At base sa mga consulation at tests na ginawa kay Ms. Sofia, nagkaroon na ng findings ang ilang espesyalista na tumingin sa kaniya. Nagkaroon siya ng kidney failure..." "Wala bang pwedeng maging lunas?" "Hindi pa po sigurado. Pero isa sa mga doktor ang nagconfirm na baka..." Kunot na ang noo ni Theo. "Na baka ano?" "Baka... two years o mas mababa pa sa two years ang itagal ni Ms. Sofia." Hindi agad nakapagsalita si Theo dahil do'n. Hanggang sa namalayan na lang niya na natapos na ang tawag. Iniisip niya ang sitwasyon ngayon ni Sofia. Kahit naman may attitude si Sofia minsan ay hindi pa rin maiwasang mag- alala ni Theo dahil minsan nang sinagip nito ang buhay niya. Si Sofia lang naman ang rason kung bakit siya nagising noon dahil s
TUMANGO SI Sykvia, halatang natuwa sa sagit ni Amanda. Kapagkuwan ay may bigla siyang naalala."Mag-aanniversary na kayo ni Theo, 'di ba? May plano ka na rin ba do'n?" kyuryusong tanong ni Sylvia."Oo, planado na lahat," sagot ni Amanda. "Nasabi ko na sa kaniya ang gusto kong mangyari sa anniversary namin.""Ano bang gusto mong paraan para makapagcelebrate kayo?" "Magbobook ako ng restaurant kung saan kami pwedeng kumain. Magpapaset up na rin ng candlelit dinner. Pera naman ni Theo ang gagastusin kaya wala na akong masyadong aalalahanin pa."Tumango si Sylvia. "Ayos naman pala 'yang plano mo. Sana nga lang, maging successful at hindi mapunta sa wala."Hindi na nagsalita pa si Amanda. Dahil mukhang nagkatotoo ang sinabing huli ni Sylvia. Nang sumapit na ang anniversary nila, maagang nag ayos si Amanda. Isang mamahaling dress ang suot niya at naglagay pa ng kolorete sa mukha. Talagang pinaghandaan niya ang gabing ito.Habang nakatanaw sa labas ng mamahaking restaurant na binook niya,
SA HULI, MAG-ISA pa ring umuwi si Amanda. Umalis ulit si Theo dahil may kailangang asikasuhin na naman. Napangiti na lang siya ng mapakla habang naninikip ang dibdib niya. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Parang nauulit na naman... nauulis na naman ang mga pangyayari noon."Babalik na ba tayo sa mansion, ma'am?"Napapitlag ng bahagya si Amanda nang nakasakay sa kotse matapos marinig ang boses ng driver. Dumapo ang paningin ni Amanda sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan nilang buildings bago sagutin ang driver."'Wag na po muna. Magdrive lang po kayo at sasabihin ko kung ititigil niyo na. Parang gusto ko munang maglakad lakad imbes na umuwi," sagot ni Amanda."Naku, mukhang hindi po magandang ideya 'yan, Ma'am. Gabi na po at medyo delekado na kung nasa labas pa po kayo. Baka magalit lang si Ser Theo."Umiling si Amanda. "Akong bahala. At tsaka... hindi naman niya malalaman kasi hindi mo naman sasabihin, 'di ba?"Napatigil bahagya ang driver bago napabuntong hininga. Ilang segu
SIRANG SIRA NA ang reputasyon ni Loreign. Ang mga dating humahanga sa kaniya noon dahil sa pagmomodelo niya, tumalikod na sa kaniya sa isang iglap. Hindi rin nakatulong na nadadamay siya at nasasabihan ng masasakit na mga salita dahil sa pagkakaugnay niya kay Gerald at pinakasalan nitong babae. Tinawag siyang kabit, social climber, gold digger, home wrecker at kung anu ano pa.At ang masakit pa doon, ni walang nagawa si Gerald para pigilan man lang iyon kahit may kakayahan siya. Mas naconvinced tuloy si Amanda na mabuti na lang, hindi ipinagsisikan ang sarili rito. Siya ang klase ng lalaking walang bayag at hindi siya kayang ipaglaban.Iyon ang nasa isip ni Amanda nang mga sumunod na araw. Hindi siya matahimik lalo pa at alam niyang maapektuhan ng sobra si Loreign dito kapag nagising na siya."Ayos ka lang, Amanda?"Agad napatingin si Amanda kay Sylvia na may nag aalalang ekspresyon sa mukha. Pilit na pinigil naman ni Amanda ang emosyon niya pero dahil kinikimkim niya iyon, parang sas
"BAKA NAIISIP mo lang na ako, siya dahil may resemblance pa rin kami kahit papaano. Paano na lang kung nasa kama kayo, baka habang nasa ibabaw mo siya, pangalan ko ang tinatawag mo--"Sinampal ni Amanda si Theo bigla. Hindi na niya nakayanan pa ang kabastusan ng bibig nito. "Gago ka!" sigaw ni Amanda dito pero parang mas nag apoy lamang ng galit ang mga mata ni Theo."Hindi kita binigyan ng permiso ko para magustuhan siya!" asik naman pabalik ni Theo na bahagyang ikinamaang ni Amanda.Hindi niya maatim kung gaano kakitid ang utak ni Theo! Matalino naman itong tao pero bakit ganito ito mag isip ngayon? Anong nangyari sa kaniya? Malala na siya noon pa man pero bakit parang mas malala siya ngayon?Napailing si Amanda, hindi makapaniwala sa asal ni Theo. "Ano ba, Theo? Paikot ikot na lang ba tayo? Hindi na ba matatapos ito? Gustong gusto mo akong angkinin sa maling paraan! Kahit pa wala na tayong relasyon! Nasisiraan ka na ba ng bait?""Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Amanda. W
NAKAKAGALIT na ang unang madatnan pa talaga niya pagpuntang ospital ay ang dalawang magkalapit at magkahugpong ang mga labi...Mabigat sa dibdib. Inaamin ni Theo iyon sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao niya at nakaigting ang panga. At ang mas nakakadagdag ng bigat sa dibdib niya ay ang katotohanang hindi man lang itinulak ni Amanda ang lalaki...Para bang nakatagpo sila ng comfort sa bawat isa't isa sa kabila ng lugar na kinatatayuan nila ngayon. At parehas na silang walang sabit. Single si Amanda pati na rin si Harold. At ano ang susunod? Maghihintay ng tamang panahon at magsisimula na rin sila ng sariling pamilya? Makakalimutan ni Amanda si Theo maging ang lahat ng sakit na naramdaman nito sa kaniya noong kasal pa lamang sila. Paano na siya? Saan siya pupulutin kapag si Harold na ang nagmamay ari sa puso ni Amanda?Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Theo. Pakiramdam niya ay magkakasugat na siya dahil bumabaon na ang sariling kuko niya sa balat. Pero wala na siya
GABI NA pero hindi magawang iwan ni Amanda si Loreign. Pinagmamasdan niya lang ito kahit na tulog na tulog pa rin ang kaibigan niya. Bumisita rin kinagabihan si Sylvia. Nalaman nito ang nangyari at may dala pang soup para sana kay Loreign pero nadismaya siya at nalungkot dahil hindi naman niya alam na walang malay ang kaibigan ni Amanda. Anak na rin naman ang turing ni Sylvia kay Loreign kaya hindi niya ring maiwasang maglabas ng hinanakit."Ang sasama ng mga may gawa nito kay Loreign! Bakit kailangang humantong sa ganito?" humihikbing tanong ni Sylvia habang dumadaloy ang luha sa pisngi.Tahimik lang din napaluha si Amanda dahil sa naging reaksyon ni Sylvia. Kalaunan ay parehas na silang kumalma. Hinarap ni Sylvia si Amanda."Wala ka pang pahinga, Amanda," puna ni Sylvia kay Amanda. "Hindi ka man lang nakapagpalit ng damit at ligo man lang. Ikaw na ang nagbantay sa kaniya pagkatakbo dito sa ospital. Pwede namang ako na muna dito. Sasabihan na lang kita agad kung may balita na kay Lo
TIGALGAL si Amanda matapos ibalita ng dontor ang sitwasyon ni Loreign. Hindi niya maapuhap ang tamang salita. Ang kaibigan niya... comatose. Tapos ang bata sa sinapupunan niya... wala na.Ang sakit! At kapag magising na si Loreign, hindi na siya magiging kagaya pa ng dati. Ano ba itong pagsubok na dumating sa buhay nilang mag ina? Ang saklap ng kinahinatnat nila pareho."Pwede mo na siyang dalawin mamaya sa ICU. Ililipat na siya doon," dagdag pa ng doktor nang hindi na nagsalita pa si Amanda."S-Salamat po, dok," ani Amanda nang makabawi at bahagya pang nautal dahil sa bikig sa lalamunan niya.Nang sa wakas ay iniwanan na siya ng doktor, bumalong masaganang luha mula sa mga mata niya. Ang sakit sa dibdib lahat ng mga nangyari. Si Loreign... ang dami niyang plano para sa kanila ng anak niya. Ang tanging gusto lang nito ay tahimik na buhay para sa anak. Plinano na niya lahat. Mamumuhay sila ng magiging anak niya ng matiwasay at payapa at magtatayo ng simpleng flower shop para may mapagk
HINDI NA NAKATIIS pa si Amanda. Talagang sumama siya kay Loreign para ihatid ito at masigurong ayos lang siya. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, Amanda. Pakiramdam ko, hindi ito totoo," hindi maiwasang sabihin ni Loreign. Bakas na bakas sa tono nito ang kaba. "At... feeling ko rin may mali. Ilang araw na pero parang walang nangyayari. Hindi ko maiwasang mag overthink na baka... baka may plinaplano sila sa akin at sa anak--""Shh. 'Wag mo ngang isipin iyan! Maingat tayo sa naging hakbang natin. Kaya walang mangyayari, okay?" ani Amanda sa kaibigan."O-Okay," sagot ni Loreign pero halatang hindi pa rin kumbinsido at mukhang kinakabahan. Naiintindihan naman ito ni Amanda. Talagang hindi na nito maiwasan pang mag isip ng kung anu ano dahil hindi na lang ang ang sarili nito ang kailangan na isaalang alang.Nang sa wakas ay oras na para magkahiwalay na talaga sila nang tuluyan, hindi na nila mapigilan pa ang mapaluha. Nagyakapan sila sa isa't isa."Magiging maayos din ang lahat, oka
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi