"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
HALOS HINDI makahinga si Amanda habang binabasa ang isang article online patungkol sa asawa niyang si Theo. Ang kaniyang masasaganang luha ay tumulo na nang hindi man lang niya namamalayan.[CEO ng Torregoza Group of Companies, spotted with her girlfriend na nagde-date sa Paris.]Makikita sa larawan kung gaano ka-sweet ang dalawa matapos maghanda umano ang CEO ng surprise fireworks display para sa kasintahan. Hindi mapigilan ni Amanda na mapangiti ng mapakla. Girlfriend, huh? Talaga namang hindi marunong makunteto ang asawa niya. Lumalandi sa ibang babae habang siya, laging tila namamalimos na lang ng pagmamahal niya."Pakiayos ang gamit ko."Halos mapatalon sa gulat si Amanda nang marinig ang pamilyar na boses ng asawa niyang kararating lang. Ni hindi niya alam na ngayon na pala ang balik niya. Galing ito sa flight niya galing sa ibang bansa para sa trabaho kahit ang totoo naman ay dinate lang nito ang babae niya.Hindi umimik si Amanda at pasimpleng pinunasan ang luha niya. "Saan k
"HMMP!" Napaungol si Amanda sa paraan ng paghalik ni Theo sa kaniya. Walang pag-iingat. Kagaya ng mga naunang tagpo nila sa kama. Nalasahan pa ni Amanda ang dugo sa labi niya na kaagad sinipsip ni Theo. "Ano ba, Theo?!" Itinulak niya ito pero masyadong matigas ang katawan ni Theo. Mas naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg, sumisipsip at tila naadik sa amoy nitong matamis."Akin ka, Amanda. Tandaan mo, 'yan," bulong ni Theo sa kaniya, may mapaglarong ngisi sa labi, ang kamay ay mapaglarong hinila ang strap ng damit ni Amanda."I-Itigil mo na 'to, Theo kung ayaw mong mabuntis ako."Sa isang iglap, napatigil si Theo sa panghalik sa kaniya. Tila binuhusan ito ng malamig na tubig na may sangkaterbang yelo dahil sa narinig. Napangiti nang mapakla si Amanda.Noon pa man ay ayaw na ayaw ni Theo na mabuntis siya. Ayaw nitong bumuo sila ng sarili nilang pamilya kaya sinabihan siya nitong uminom ng pills na sinunod naman niya dahil masyado siyang n
"LOREIGN, PASENSYA na sa isturbo, ah? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng work ngayon," sabi ni Amanda kay Loreign habang nasa loob sila ng isang coffee shop.Si Loreign ay matagal nang kaibigan ni Amanda pero hindi na sila gaanong nagkikita matapos niyang mag-asawa. Isa itong model at kilalang-kilala ngayon sa industriya. 'Yun nga lang, hindi maganda ang reputasyon kaya marami pa rin siyang haters. Pero wala namang pakialam si Loreign doon. Tinapik ni Loreign ang balikat ni Amanda. "Ano ka ba, sis? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, dadramahan mo pa ako. Syempre, tutulungan kita!" ani Loreign. Ngumiti si Amanda. "Salamat, Loreign. 'Wag kang mag-alala, babawi rin ako pero hindi muna ngayon. Alam mo naman na, short budget ako ngayon. Kakabenta ko lang din ng bahay namin.""Speaking of bahay, kung may pera lang ako, ako na ang bumili ng bahay niyo para hindi mo binenta sa mas mababang halaga! Talagang determinado 'yang asawa mong gipitin ka, ah? Naku, kahit pogi 'yan, talagan
"L-LAYUAN MO na ako, Theo! Patahimikin mo ang buhay ko!" pasigaw na sabi ni Amanda, hindi pinansin ang tanong ni Theo kahit ang totoo ay alam niya.Minsan nang naaksidente at na-comatose si Theo. Dahil mahal na mahal niya noon si Theo, walang palyang binibisita niya ito. Kinakausap niya ito minsan kapag tulog. Pero minsan, plineplay niya ang recorded na tunog ng pagva-violin niya. Kapag busy siya noon, talagang nakikisuyo pa siya sa nurse sa ospital na patugtugin para sa kaniya.Gusto niyang sabihin iyon kay Theo, pero para ano pa? Hindi rin naman ito maniniwala.Tila nag-alab naman ang mga mata ni Theo sa kaniya. "Hindi ko ibibigay kailanman ang gusto mo, Amanda.""Ano bang gusto mo para tantanan mo na ako? Tuldukan na natin kung anong meron sa atin, Theo! Ilang ulit ko bang babanggitin dapat sa 'yong magdidivorce na tayo?" nanghihinang saad ni Amanda. "Hindi na tama 'to. Hindi na tamang lalapit-lapitan mo na lang ako kung kailan mo gusto!"Ngumisi ang lalaki. "Gagawin ko kung anong
NAGKASAKIT ANG Lola ni Theo na si Victoria kaya napapunta siya sa mansion isang araw. Ayaw man niyang pumunta, tumuloy pa rin siya at bumisita."Kumusta ang lagay mo, 'La?" tanong ni Theo sa matanda habang nakahiga ito sa kama."Kayo ang kumusta ng asawa mo. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ni Victoria na ikinabuntong hininga ni Theo."'La, darating din tayo diyan," sagot na lang niya dahil wala naman sa plano 'yon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Amanda, pinapaalalahanan niya itong magpills upang hindi mabuntis."Kailan? Tumatanda na ako, Theo. Gusto ko nang makarga man lang ang apo ko bago ako mamatay!"Bumuntong hininga si Theo. "'Wag kang magsalita ng ganiyan, 'La. Mabubuhay ka pa nang matagal.""Kuu! 'Wag ka kasing kukupad-kupad. At ano itong nababalitaan ko, ah? Na may dinate ka sa Paris at pinaghandaan pa ng surprise fireworks display nung nakaraan? Gumastos ka pa talaga ng malaki!" Sinamaan siya ng tingin ng matanda."'Wag mo nang pansinin 'yon, 'La. Mas lalo ka la
BUMISITA ULIT si Amanda sa ospital. Inalagaan niya ang kaniyang ama at sinubukang kalimutan ang lahat kahit na sa totoo lang ay naiinis na siya kay Theo. Siya lang naman ang puno't dulo ng mga inaalala niya ngayon at ang hindi nito pagpayag sa divorce.Kasama niya ngayon ang stepmom niya. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa padre de pamilya kahit anong awat nito sa kanila.Makailang saglit lamang ay nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa si Theo na siyang nagpakunot ng noo ni Amanda. Pasimple pa siyang kinalabit ni Sylvia na para bang nagtatanong kung bakit naparito si Theo nang hindi man lang nagsasabi.Nakipagtitigan lang si Amanda kay Theo na para bang ang daming gustong sabihin. Siguro patungkol sa divorce agreement. Tila nakaramdam naman si Sylvia ng tensyon sa pagitan ng dalawa."Naku, Theo! Napadalaw ka, anak?" ani Sylvia bago tumikhim at tiningnan si Amanda. "Amanda, 'wag kang basta tumayo na lang diyan! Asikasuhin mo ang asawa mo. Baka gusto niya ng ma
BAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isan
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy
"TODO DENY PA SIYANG hindi siya magiging kabit pero pustahan tayo, bibigay din iyan kay Sir Theo!" tatawa tawang sabi ng isa sa mga nambully kay Jennie sa loob ng banyo kanina sa dalawang kasama.Tumango ang isa. "Kaya nga! Kitang kita kung paano siya tumingin kay Sir Theo! Parang may hidden motive talaga. Gagawin pa tayong tanga!""Sa true lang! Mukhang easy girl pa naman iyon," sang ayon din ng isa.Iyon ang naabutan ni Jennie na usapan ng tatlo pagkalabas niya sa banyo. Ayaw na niya ng gulo kaya iiwas na lang siya. Ang kaso napatigil siya nang makitang nakasalubong ng tatlo so Secretary Belle na may istriktong ekspresyon sa mukha.Tumigil ito sa tatlong babae at otomatiko naman silang napayuko. Syempre, takot ang mga ito dahil si Secretary Belle na ito, ang sekretarya ng pinaka boss nila sa kompaniya!"Ano? Nandito kayo para magchismisan tungkol sa buhay ng ibang tao? Hindi para magtrabaho?" mataray na wika ni Secretary Belle.Napayuko na lang ang tatlo at halatang napahiya dahil s
BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k
UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.
MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na