BAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.
Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isang buntong hininga ang naisagot ni Armando. Sa nakikita ngayon ni Amanda, ang laki ng ipinagbago ng kapatid niya. Hindi na ito 'yung dating Armando na hinahabol ng mga kababaihan. Hindi na ito kagaya ng dati na may magandang reputasyon. Nawala na lang lahat ng iyon sa isang iglap nang nakulong siya."May ipapakiusap sana ako sa 'yo..." ani Armando bigla matapos ng ilang segundong pananahimik nito."Ano 'yon, Kuya?""Hanapin mo ang abogado na si Atty. Victor Hernaez."Kumunot ang noo ni Amanda. "Victor Hernaez? Parang narinig ko na noon ang pangalang 'yan, Kuya.""Siya lang ang makakatulong sa akin... sa atin. Magaling siyang abogado."Inisip pa nang maigi ni Amanda kung saan niya narinig ang pangalan ng lalaki. Pero naputol iyon nang biglang may gwardiya nang kumuha sa atensyon nila."Tapos na ang oras ng dalaw, Ma'am. Sa ibang araw ulit," saad ng gwardiya bago hinawakan sa braso si Armando, pinapatayo na sa kinuupuan nito.Gusto pa sanang makausap nang mas matagal ni Amanda ang kapatid pero wala na siyang nagawa pa."Mag-ingat ka lagi, Amanda." Iyon ang huling sinabi ni Armando bago siya tuluyang pumasok ulit sa loob ng kaniyang selda.Pagkalabas ni Amanda sa city jail ay kaagad siyang nakatanggap ng tawag. Kinakabahan pa siya nang sagutin iyon dahil mula pa sa unknown caller. Pero nang makausap ito ay napagtanto niyang ang pinag-apply'an niya pala iyong music institution.Malungkot lamang siyang napabuga ng hangin dahil sa naging resulta ng application niya. Hindi siya natanggap. At mukhang alam na niya kung bakit. Baka ginawan na naman ni Theo ng paraan. Ginigipit talaga siya nito gaya ng mga naunang inapply'an niya. Kung hindi lang siya tinulungan ni Loreign noong isang araw, hindi pa siya makakatugtog para kumita.Habang naglalakad papalayo, nakatanggap na naman siya ng tawag. Mula naman kay Theo iyon. Ayaw niyang sagutin iyon pero may kung ano sa instinct niyang nagsasabing dapat niyang sagutin."Ano na naman ba, Theo?"Tumawa ng sarkastiko si Theo sa kabilang linya. "Kailangan nating mag-usap ngayon din, Amanda. Puntahan mo ako ngayon dito sa opisina ko."Tumaas ang kilay ni Amanda. "At bakit ko naman gagawin iyon? Hindi mo ako utusan!""Kasi marami akong kayang gawin, alam mo 'yan, Amanda."Naparolyo ng mata si Amanda. "Akala mo hindi ko alam na ikaw ang sumasabotahe sa lahat ng mga inaapplyan ko? Ang sama mo talaga kahit kailan, Theo!""Sabihin mo sa akin ang lahat ng iyan dito mismo sa harapan ko." Ibinaba na nito kaagad ang telepono. Nanggigigil naman si Amanda sa inasta ni Theo. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nito dahil baka kung ano na naman ang gawin at paganahin na naman ang pera niya sa mga masasamang plano niya sa buhay.Pagkarating niya doon ay kaagad siyang sinamahan ni Secretary Belle kahit parang medyo masama pa ang tingin nito sa kaniya. Hindi na lang pinansin iyon ni Amanda.Nang sa wakas ay nakarating na siya sa loob ng opisina ni Theo ay umalis din kaagad si Secretary Belle. Halos magngalit si Amanda nang makitang tila relax na relax na nakasandal si Theo sa swivel chair nito habang naninigarilyo. Ngumisi kaagad ang lalaki nang natanaw si Amanda."Bakit hindi ka muna maupo, Amanda?" Tila nang-uuyam na tanong ni Theo bago tiningnan si Amanda mula ulo hanggang paa at napatawa. "Nakakapanibago lang. Noon, paborito mong dalhan ako ng makakain dito sa opisina ko.""'Yan ba ang rason kung ba't mo ako pinapunta dito? Ang alalahanin ang nakaraan?" sarkastikong tanong ni Amanda.Ngumisi si Theo. "Well, gusto ko lang naman kumustahin ang asawa ko. Masama ba 'yon?""Soon to be ex-wife," mariing pagtatama niya sa sinabi nito."Hindi mangyayari 'yan. At tsaka... naisip ko lang, kung magbabago ang desisyon mo at naisipan mong kalimutan na lang ang lahat ng mga sinabi mo... ang tungkol sa divorce... baka mas gumaan ang lahat ng bagay sa 'yo. Kaya ko namang ibigay ang lahat ng sa 'yo, Amanda, eh. Sabihin mo lang.""Walang magbabago doon!"Tumalim nang bahagya ang tingin ni Theo sa kaniya. "Nagtatapang-tapangan ka pa talaga, ah? Bakit ka ba nagmamatigas, Amanda? Alam ko namang gipit na gipit ka ngayon, eh. 'Yung pagbebenta mo ng bahay at ng singsing, alam mong hindi magkakasya iyon!""Wala ka nang pakialam do'n!""Tss. Galit na galit ka sa akin at kating-kati nang makipaghiwalay pero aminin mo, Amanda... sa akin lang nagrereact ang katawan mo dahil..." Ngumisi ito. "... pagmamay-ari kita noon pa man.""Ako lang ang nagmamay-ari sa katawan ko, Theo! At tsaka, tigilan mo na 'to! Kapag nagdivorce naman tayo, wala namang mawawala sa 'yo, eh. Maraming babaeng willing na magpagamit sa 'yo! Sa iba na lang!""At ano? Para pagtawanan ako ng mga tao at sabihing nagfailed ang marriage ko? Maaapektuhan ang image ko maging ang reputasyon ko!""'Yang pesteng image mo lang ang importante sa lahat, 'no?" Tumawa nang mapakla si Amanda bago mas tumalim ang titig na ipinukol kay Theo. "Sige! Kung ayaw mo, hahanap ako ng ibang lalaking hindi ako sasaktan. Ang lalaking kayang ibigay ang lahat ng gusto ko! Mas masisira ang image mo lalo kapag nagkataon!"Napatayo na sa kinauupuan si Theo at mabilis na nilapitan si Amanda. Hinawakan niya ang baba ng babae habang nakaigting ang kaniyang panga bago hapitin ito sa bewang na siyang naging sanhi ng paglalapat ng kanilang mga katawan."Subukan mo lang 'yang binabalak mo, Amanda at makikita mo kung paano ako tunay na magalit. At ano sa tingin mo, magiging madali sa 'yo 'yang naisip mong solusyon? Ipapaalala ko lang sa iyo na ako lang ang nakakahawak sa iyo ng ganito. Ako lang ang may kakayahang lapitan ka ng ganito kalapit. At higit sa lahat, ako lang ang may kayang paligayahin ka sa lahat ng aspeto... sa kama.." Ngumisi ito.Aminin man o hindi ni Amanda, tama si Theo doon. Si Theo lang naman ang lalaking tunay na minahal niya noon pa man kaya siya lang ang nakakapaghatid ng iba't ibang pakiramdam sa katawan niya.Imbes na sumagot ay umiwas lang ng tingin si Amanda. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Theo."Bumalik ka lang sa akin bilang butihin kong asawa, kakalimutan ko ang lahat. Magsisimula tayo ng bago..."Muntik nang bumigay si Amanda. Naglakas loob siyang itulak si Theo at sinikap na walang kahit anong emosyon ang mababasa sa kaniyang mga mata."Maghanap ka ng ibang babaeng kayang lahat gawin ang mga kondisyon mo, Theo. Pagod na akong maging mabuting asawa mo."AALIS NA SANA si Amanda pero bigla siyang hinila sa bewang ni Theo na para bang niyayakap mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki, maging ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.Malakas ang aircon sa loob ng opisina ni Theo pero parang wala iyon silbi sa init na nagmumula sa katawan nila. "A-Ano ba, Theo?" Halos pabulong na sabi ni Amanda, pilit na nagpumiglas kahit trinatraydor siya ng sariling katawan nang nagsimulang haplusin ni Theo ang katawan niya papalapit sa kaniyang dibdib.Idinikit ni Theo ang labi sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Ramdam ni Amanda ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Theo doon na siyang nagdala ng nginig sa kaniyang katawan.Ngumisi si Theo. "Paulit-ulit ka sa pagbanggit ng divorce na 'yan, huh? Bakit? Sino na lang ang makakapag-satisfy sa 'yo sa kama kung 'di ako? Masyado kang mapagmalaki, Amanda."Nang gumalaw muli ang isang kamay ni Theo, napunta na iyon sa kaniyang pang-upo, pumisil doon na siyang ikinakusot nang bahagya ng kaniya
HINDI ALAM ni Amanda kung paanong natapos niya ang isang tugtog kahit pa medyo distracted siya ngayon. Kagabi, dahil sa napanuod niya, parang hindi siya makapag-function bigla. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kailangan niyang magfocus sa mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin.Habang ilinalagay niya sa case ang kaniyang violin, natapunan ng pansin ni Amanda ang babaeng tila naghihintay sa kaniya sa labas. Bahagya siyang napatigil sa paggalaw.Ang isa pang Mrs. Torregoza, si Therese na ina ni Thek.Napatuwid ng tayo si Amanda dahil nakatingin sa kaniya ang ginang na para bang siya ang hinihintay. Kaya naman noong lumabas na siya, kaagad siyang sinalubong ni Therese na may seryosong ekspresyon sa mukha."May magandang coffee shop sa labas, baka gusto mong magkape muna bago pumunta sa kung saan ang susunod mong pupuntahan?"Nagulat si Amanda sa pag-anyaya ni Therese. Pero tumango pa rin siya. Kung anong pakay ngayon sa kaniya ng ina ni Theo, hindi niya alam. Naunang maglakad
SA ISANG French restaurant tumugtog si Amanda. Bigatin ang mga bisita sa lugar kaya hindi niya mapigilang malula. May mangilan-ngilan pang nag-aalok sa kaniya na maka-table siya at willing doblehin ang bayad sa kaniya pero magalang lamang na tumanggi si Amanda.Pasado alas diez na ng kausapin siya ng manager ng restaurant. Mukha namang satisfied ito sa naging performance ni Amanda at talagang nagbigay pa ng tip bago ito umalis.Nang nakalabas siya sa restaurant ay napatigil siya matapos marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan."Mandie!"Bahagyang nagulat si Amanda nang mapagtantong ang Kuya Harry niya pala iyon. Naka-park ang kotse nito malapit sa direksyon niya."Ihahatid na kita, Mandie. Gabi na, oh," ani Harry at pinagbuksan pa siya ng pintuan ng kotse nito.Gusto mang tumanggi ni Amanda dahil nakakahiya naman pero mas nakakahiya naman kung paghintayin pa niya si Harry. Kaya kaagad siyang pumasok sa kotse nito. May kung anong kinuha si Harry sa backseat at inabot iyon kay Amanda
UMIGTING ANG PANGA ni Theo at tila nagtitimpi hanggang nakapasok na nga si Amanda sa loob ng tinutuluyan nito. Naiinis siya sa sarili dahil kailangan niyang pigilan ang asawa sa kagustuhan na makipagdivorce sa kaniya, na hindi dapat simula't sapul palang.Ang laki na ng pinagbago ni Amanda. Hindi na ito ang babaeng pinakasalan niya, ang babaeng willing sundin lahat ang kagustuhan niya... ang babaeng kayang gawain lahat ng mga pinapagawa niya.Ibang-iba na siya at hindi gusto ni Theo iyon. Kahit ano na yatang gawin niya para mapabalik si Amanda sa puder niya, mukhang wala na talagang balak ang babae na baguhin ang desisyon. At ayaw niya iyon! Hindi pwedeng ganito. Si Amanda lang ang babaeng kayang tumiis sa kaniya. Kaya kailangang sa kaniya lang ito at hindi mapupunta sa iba.NANGINGINIG ANG tuhod ni Amanda habang papasok sa bahay matapos mabilis pulutin ang lunchbox na bigay sa kaniya ni Harry kanina. Hindi man lang niya namalayan na nabitawan niya iyon kanina. Naiinis siya lalo kay
NALAMAN NI Theo na tutugtog si Amanda sa isang hotel and restaurant na pagmamay-ari ng nababalitang boyfriend ng kaibigan nitong si Loreign na si Elliot. Pina-arrange na ni Theo ang schedule niya sa secretary kaya malaya siyang makakapagpunta sa lugar.Bahagyang nagulat si Secretary Belle sa change of plans na biglaan ni Theo pero ano pa nga bang magagawa niya? Ginawa na lang niya ang trabaho niya.Mga alas nueve ng gabi ay nakarating na sa hotel si Theo. Kaagad niyang namataan ang kababatang si Jaxon. Nakaupo sila sa isang upuan kasama na rin si Elliot habang may mga beer na sa lamesa. Mukhang nagsimula na silang mag-inuman.Ilan sa mga kababaihan doon ay mga famous models din. Mukhang bigatin din talaga ang mga guests dahil ang ilan ay mula sa mga maimpluwensyang mga tao sa bansa.Si Elliot ang siyang unang nakapansin sa presensya ni Theo. "Wow! This is unexpected! Theo Torregoza is in the house, everyone! Napaka-rare ng pangyayaring ito!" natatawang aniya. "Pero actually, may mas r
HABANG KARGA ni Theo sa bisig si Amanda, pumasok siya sa loob ng mansion. Kaagad siyang sinalubong ng isa sa mga katulong na bahagya pang nagulat nang makita na karga niya si Amanda."Naku! Nagbalik na pala si Ma'am!" Bulalas ng katulong na hindi na gaano pang pinansin ni Theo."Ipaghanda mo ang Ma'am mo ng mainit na sabaw," utos na lang ni Theo."Sige po!" Natarantang ani ng katulong pero halatang natuwa pagkakita na pagkakita kay Amanda. "Ah, ano pong nangyari pala kay Ma'am, Sir?" pang- uusisa pa nito."Lasing lang. Sundin mo na ang pinauutos ko," saad ni Theo bago nilagpasan na lang ang katulong na tila may katanungan pa ngunit hindi na isinaboses pa.Habang papaakyat sa hagdan ay halos mapatigil si Theo nang marinig niyang magsalita si Amanda. Paulit-ulit lang nitong binabanggit ang pangalan niya."T-Theo... Theo..." halos pabulong na anas nito. At marahil lasing, nagawa ni Amanda na ibalot nang mahigpit ang kamay sa leeg ni Theo, takot na baka mahulog. Pakiramdam ni Theo ay naw
KINAUMAGAHAN, NABIGLA si Theo nang madama si Amanda na inaapoy ng lagnat. Namumutla rin ito kaya nataranta siya at tila hindi alam ang gagawin nang madama niya ang noo nito. Nang nahimasmasan si Theo ay kaagad siyang bumaba at hinanap ang isang katulong sa bahay. Nang makita ay kaagad niya itong inutusan. "Tawagan mo si Dr. Ramos. Papuntahin mo siya dito, ngayon din." Kumunot ang noo ng katulong. "Bakit po? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" tanong pa nito. "Hindi ako. Si Amanda ang masama ang pakiramdam. Pakisabi bilisan niya." Suminghap ang katulong sa nalaman at dali-daling sumunod sa pinapagawa ni Theo. Bumalik na rin si Theo sa taas at hinintay ang pagdating ng doktor. Makaraan ang isang oras, dumating na rin sa wakas si Dr. Ramos. Kaagad inexamine ng doktor si Amanda at nang matapos ay ibinalita kay Theo ang findings nito. "Hindi naman gaanong seryoso, Mr. Torregoza. Kailangan lang ng sapat na pahinga at nutrisyon ng asawa niyo dahil mukhang pagod na pagod siya," ani
HINDI NA ALAM ni Amanda kung ano ang mangyayari sa sarili at kung bakit siya pumayag sa gusto ni Theo. Mas maliwanag pa sa araw na hindi na dapat siya pumayag pero ginawa pa rin niya! Kailangan niya lang naman talaga ng pera, eh. At tsaka kahit papaano ay mabait ang lola ni Theo sa kaniya. Hindi siya nito itinuring na iba nung mga panahong maayos pa sila ni Theo."Magkano na lang ba ang kinikita mo sa pagtugtog sa French restaurant na 'yon? Ang balita ko, fling ng kaibigan mo ang may-ari no'n, ah?" Nakangising sabi ni Theo na tila may pang-iinsulto. "'Wag mong sabihing pati karelasyon ng kaibigan mo, tatalunin mo?"Kumunot ang noo ni Amanda. "Ano bang pinagsasabi mo? Ang dumi-dumi mo talaga mag-isip, Theo!""Hindi ako madumi mag-isip, sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko.""Pwes, mali 'yang nakikita mo! At 'wag na 'wag mo akong sabihan ng ganiyan dahil hindi ko kwinekwestyon ang kung anong meron kayo ni Sofia!"Ngumisi si Theo. "Ibinabalik mo na naman sa akin ang usapan."Hindi
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy
"TODO DENY PA SIYANG hindi siya magiging kabit pero pustahan tayo, bibigay din iyan kay Sir Theo!" tatawa tawang sabi ng isa sa mga nambully kay Jennie sa loob ng banyo kanina sa dalawang kasama.Tumango ang isa. "Kaya nga! Kitang kita kung paano siya tumingin kay Sir Theo! Parang may hidden motive talaga. Gagawin pa tayong tanga!""Sa true lang! Mukhang easy girl pa naman iyon," sang ayon din ng isa.Iyon ang naabutan ni Jennie na usapan ng tatlo pagkalabas niya sa banyo. Ayaw na niya ng gulo kaya iiwas na lang siya. Ang kaso napatigil siya nang makitang nakasalubong ng tatlo so Secretary Belle na may istriktong ekspresyon sa mukha.Tumigil ito sa tatlong babae at otomatiko naman silang napayuko. Syempre, takot ang mga ito dahil si Secretary Belle na ito, ang sekretarya ng pinaka boss nila sa kompaniya!"Ano? Nandito kayo para magchismisan tungkol sa buhay ng ibang tao? Hindi para magtrabaho?" mataray na wika ni Secretary Belle.Napayuko na lang ang tatlo at halatang napahiya dahil s
BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k
UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.
MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na