KINAUMAGAHAN, NABIGLA si Theo nang madama si Amanda na inaapoy ng lagnat. Namumutla rin ito kaya nataranta siya at tila hindi alam ang gagawin nang madama niya ang noo nito. Nang nahimasmasan si Theo ay kaagad siyang bumaba at hinanap ang isang katulong sa bahay. Nang makita ay kaagad niya itong inutusan. "Tawagan mo si Dr. Ramos. Papuntahin mo siya dito, ngayon din." Kumunot ang noo ng katulong. "Bakit po? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" tanong pa nito. "Hindi ako. Si Amanda ang masama ang pakiramdam. Pakisabi bilisan niya." Suminghap ang katulong sa nalaman at dali-daling sumunod sa pinapagawa ni Theo. Bumalik na rin si Theo sa taas at hinintay ang pagdating ng doktor. Makaraan ang isang oras, dumating na rin sa wakas si Dr. Ramos. Kaagad inexamine ng doktor si Amanda at nang matapos ay ibinalita kay Theo ang findings nito. "Hindi naman gaanong seryoso, Mr. Torregoza. Kailangan lang ng sapat na pahinga at nutrisyon ng asawa niyo dahil mukhang pagod na pagod siya," ani
HINDI NA ALAM ni Amanda kung ano ang mangyayari sa sarili at kung bakit siya pumayag sa gusto ni Theo. Mas maliwanag pa sa araw na hindi na dapat siya pumayag pero ginawa pa rin niya! Kailangan niya lang naman talaga ng pera, eh. At tsaka kahit papaano ay mabait ang lola ni Theo sa kaniya. Hindi siya nito itinuring na iba nung mga panahong maayos pa sila ni Theo."Magkano na lang ba ang kinikita mo sa pagtugtog sa French restaurant na 'yon? Ang balita ko, fling ng kaibigan mo ang may-ari no'n, ah?" Nakangising sabi ni Theo na tila may pang-iinsulto. "'Wag mong sabihing pati karelasyon ng kaibigan mo, tatalunin mo?"Kumunot ang noo ni Amanda. "Ano bang pinagsasabi mo? Ang dumi-dumi mo talaga mag-isip, Theo!""Hindi ako madumi mag-isip, sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko.""Pwes, mali 'yang nakikita mo! At 'wag na 'wag mo akong sabihan ng ganiyan dahil hindi ko kwinekwestyon ang kung anong meron kayo ni Sofia!"Ngumisi si Theo. "Ibinabalik mo na naman sa akin ang usapan."Hindi
"TUMAWAG KA daw kanina sa isa sa mga katulong ni Theo sa mansion?" Tanong agad ni Amanda pagkarating na pagkarating niya sa bahay.Kumunot ang noo ni Sylvia. "Huh? Hindi naman. Bakit?"Napaisip si Amanda. Kung hindi naman pala, siguro nagsinungaling ang katulong kanina para tulungan siya. Siguro na-sense ng katulong na kailangan niyang makaalis sa eksenang iyon kanina kasama si Theo. "Wala naman, Ma. Sige, pahinga na po muna ako," paalam na lang ni Amanda sabay alis doon. Hindi naman na siya kinausap pa ni Sylvia. Kinagabihan ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Theo. Ayaw pa naman niya sanang basahin iyon pero huli na dahil nagflash iyon sa screen.Theo: [Bukas na bukas, pupuntahan natin si Lola. Itetext ko sa 'yo ang address ng pagmi-meet'an natin.]Napabuga na lang ng hangin si Amanda. Oo nga pala. Muntik na niya iyon makalimutan. Umoo pala siya sa sinabing iyon ni Theo.Maya-maya lang ay itinext na ni Theo ang address. At kasunod no'n ay ang notification na naka-received na
"'WAG KANG mag-alala, Lola. Darating din tayo diyan. Sinisigurado ko namang walang mintis gabi-gabi," nakangising sabi ni Theo.Hindi mapigilan ni Amanda ang mamula sa sinabi ng lalaki. Kahit naman kasinungalingan lang iyon, naiinis si Amanda sa sarili dahil sa epekto no'n sa kaniya. Kimi lang siyang napangiti.Napahalakhak tuloy ang matanda. "Puro ka talaga kalokohan na bata ka! Hali na sa hapag at nang makakain na rin kayo," pag-aya nito na kaagad namang pinaunlakan nila Amanda at Theo. "May niluto akong sabaw na pampalakas sa tuhod, Theo," dagdag pa nito at isang makahulugang ngiti ang isinukli sa lalaki."Hindi naman na kailangan 'yon, La! Pero sige, titikman ko pa rin 'yan," sabi pa ni Theo. Nang nagsimula na silang kumain, nagsimula na rin silang magkwentuhan. Ang lola ni Theo ang laging nagsisimula ng usapan. Sumasagot lang si Amanda kapag tinatanong na siya. Sinisigurado ng matanda na hindi naleleft out si Amanda na siyang naappreciate naman niya. Mabait kasi talaga ito sa ka
HALOS MANGINIG SI Amanda sa paraan ng paghalik sa kaniya ni Theo. Pero naputol iyon nang biglang magring ang phone ng lalaki kaya wala itong choice kundi sagutin iyon kahit pa iritang-irita siya dahil sa pagkakabitin.Si Secretary Belle ang tumatawag kay Theo. Masungit niyang sinagot ang tawag. "Anong kailangan mo sa ganitong oras, Belle?""Ah, sorry, Sir sa disturbo. Uhm, gusto ko lang ipaalam na nagbakasyon ng ilang araw si Sofia. At ngayon, nagbalik na siya.""Oh? Tapos?""May pinagkakalat kasi ang parents ni Sofia na balita patungkol sa inyong dalawa, Sir."Kumunot ang noo ni Theo. Parang may ideya na siya kung tungkol saan iyon pero hinintay niya si Secretary Belle na kumpirmahin iyon. "Tungkol saan?" tanong niya."Innanounce kasi ng parents ni Sofia na ikakasal na po kayong dalawa, eh. Kalat na kalat ang balitang 'yan ngayon sa media.""Ano?!" Tumaas ang boses ni Theo bago umalis sa ibabaw ni Amanda. "Ayon nga po, nahihirapan akong contact'in ang ilang media na may alam sa bali
MATAPOS ANG panenermon ni Therese kay Theo, ibinalita rin nito ang tungkol sa party na kailangang attend'an nito sa Thursday. Kabilin-bilinan din nito na kailangan na si Amanda ang dalhin nito imbes na ang sekretaryang si Belle para mabawasan ang rumor tungkol sa kanilang divorce umano. Nang nasa parking lot na si Theo ng kompaniya niya isang araw, napatitig na lang siya sa cellphone niya na sobrang irita. Paano ba naman kasi, tinatawagan niya kanina pa si Amanda pero hindi ito sumasagot! Kulang na lang ibato na niya ang cellphone dahil sa paulit-ulit na pagdial kanina pa. Marahil galit ito ngayon dahil sa biglaang pag-alis niya nung isang gabi para asikasuhin ang tungkol kay Sofia at sa parents nito. Bumaba na lang siya ng sasakyan niya. Kaagad siyang sinalubong ng sekretarya niya at sinimulang banggitin ang tungkol sa schedule niya para sa araw. "I-clear mo ang schedule mo sa Thursday ng gabi. May party na inorganize ang Madriaga Group sa gabing iyon at sasama ka sa akin. 'Wa
SOBRANG IRITADO na talaga si Theo. Hanggang ngayon ba naman kasi hindi pa rin nagrereply si Amanda!Kulang na lang, mawarak na ang phone niya sa sobrang higpit ng hawak niya dito. Kahit pa sinabihan niyang magbabayad siya para sa isang gabing iyon pero dinedeadma pa rin siya ng babae.Hanggang sa hindi na talaga siya nakatiis. Nagtransfer na siya kaagad ng pera sa bank account ni Amanda.Nasa coffee shop si Amanda kasama si Loreign nang nareceived niya ang notification na nakatanggap nga siya ng pera galing kay Theo. Pinag-uusapan nila ni Loreign ang tungkol sa abogadong si Viktor Hernaez na maaaring maghandle sa kaso ng kapatid ni Amanda."Nagresearch na ako tungkol kay Viktor Hernaez. It turns out na bigshot lawyer pala siya! Ang kaso nga lang nasa ibang bansa siya ngayon," sabi ni Loreign at napabuntong hininga na lang."Nasaan siya ngayon?" Hindi mapigilan na tanong ni Amanda."According sa infos na nakalap ko, nasa malayong lugar siya sa Africa ngayon at nagtatrabaho rin doon par
NAPATITIG SA tseke si Amanda na binigay ni Theo sa kaniya kanina pagkauwing-pagkauwi niya sa bahay. Napangisi na lang siya. Mukhang tama si Loreign. Dapat lang na magpaka-praktikal siya. At kahit sa mga ganitong bagay, nakakabawi siya kay Theo sa lahat ng mga pananakit niya sa kaniya noon pa man.Uunti-untiin niya si Theo hanggang sa tuluyan na itong masaid at maubos...Nang sumapit na ang gabing pagpunta ni Amanda sa mga Madriaga, ipinasundo siya sa driver ni Theo. Pagkarating na pagkarating pa lamang niya sa mansion ay isang malawak na ngiti na agad ang isinalubong sa kaniya ni Mrs. Madriaga."Hija! Finally, you're here!" Bumeso si Mrs. Madriaga kay Amanda sa pisngi. "Alam mo bang nagtatampo ako sa asawa ko kasi hindi niya magawang papuntahin ka dito noong nakaraang araw? Si Theo kasi, si Secretary Belle ang dinadala niya rito, eh hindi naman siya ang gusto ko!" Himutok nito.Tanging awkward na ngiti lang ang naisukli ni Amanda. "Ayaw ko kasi sa secretary na 'yon ni Theo. Alam mo,
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy
"TODO DENY PA SIYANG hindi siya magiging kabit pero pustahan tayo, bibigay din iyan kay Sir Theo!" tatawa tawang sabi ng isa sa mga nambully kay Jennie sa loob ng banyo kanina sa dalawang kasama.Tumango ang isa. "Kaya nga! Kitang kita kung paano siya tumingin kay Sir Theo! Parang may hidden motive talaga. Gagawin pa tayong tanga!""Sa true lang! Mukhang easy girl pa naman iyon," sang ayon din ng isa.Iyon ang naabutan ni Jennie na usapan ng tatlo pagkalabas niya sa banyo. Ayaw na niya ng gulo kaya iiwas na lang siya. Ang kaso napatigil siya nang makitang nakasalubong ng tatlo so Secretary Belle na may istriktong ekspresyon sa mukha.Tumigil ito sa tatlong babae at otomatiko naman silang napayuko. Syempre, takot ang mga ito dahil si Secretary Belle na ito, ang sekretarya ng pinaka boss nila sa kompaniya!"Ano? Nandito kayo para magchismisan tungkol sa buhay ng ibang tao? Hindi para magtrabaho?" mataray na wika ni Secretary Belle.Napayuko na lang ang tatlo at halatang napahiya dahil s
BAKAS NA BAKAS ang pagtatakha sa mukha ni Secretary Belle. Syempre naman, bakit nga ba binawi ni Theo ang application ni Jennie eh, maaaring pagmulan lang ito ng away nila ng asawang si Amanda? Naguguluhan si Secretary Belle."May problema po ba, Sir?" takhang tanong na lang ng babae habang nahihiwagaan na sumulyap kay Theo."Maganda naman ang credentials niya. Baka mahire rin siya. At gusto ko, walang special treatment. Dapat itrato siya ng lahat na parang ordinaryong tao lang," malamig na wika ni Theo.Kumunot ng husto ang noo ni Secretary Belle. Hindi niya maintindihan ang ganitong desisyon ni Theo. Pero sino nga ba naman siya para kwestyunin ang gusto nito, eh boss niya ito? Ang kaso, hindi maiwasang mag alala ni Secretary Belle tungkol sa asawa nito."S-Sigurado po ba kayo sa desisyon niyong ito, Sir? Baka... hindi po magustuhan ni Ma'am Amanda itong desisyon niyong ito? Baka pa pagmulan lang din ng... uhh... away ninyo?" may pagdadahan dahang sabi ni Secretary Belle. Bahagyang k
UMAGOS ANG DUGO mula sa noo ni Theo. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Amanda! Bahagyang umikot ang kaniyang paningin dahil sa ginawa ni Amanda pero sa halip na magalit, huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. At ang sumunod nitong ginawa ay ang siyang nagpagulat kay Amanda. Niyakap lang naman siya nito imbes na bulyawan siya nito dahil sa nagawang paghahampas niya dito ng lampshade."Hindi ka ba kumportable, Amanda? May... hindi ka ba nagustuhan doon?" nahihilong tanong pa nito at bahagyang ikiniling ang ulo dahil nakakaramdam talaga siya ng hilo.Imbes na maawa ay nanlisik lang ang mga mata ni Amanda. Bahagya rin siyang kumawala kay Theo pero medyo mahigpit ang hawak nito sa kaniya. Gustong magsisigaw ni Amanda, ang kaso nga lang baka magising ang anak nila. Kaya sinamaan niya lang lalo ng tingin si Theo at paasik na sinabihan. "Layuan mo nga ako, Theo! 'Wag kang masyadong lalapit lapit sa akin!" "Amanda--""Lumayo ka sabi!" putol ulit ni Amanda kay Theo.
MAY NAPAGTANTO bigla si Amanda. Posibleng si Jennie na nga ang babaeng pupuno sa pangangailangan ni Theo bilang lalaki. Wala namang pakialam si Amanda doon. Kung mayroon man siyang naramdaman ngayon, iyon ay ang paulit ulit lang na disappointment.Maayos naman ang naging physical examination ni Baby Alex. Sinuri ito ng doktor at mabilis din naman ang naging result, dahil na rin sa koneksyon ni Theo."Wala kayong dapat ipag alala. Healthy'ng healthy si Baby Alex! Sa katunayan nga, mukhang mabilis ang development nito kumpara sa ibang mga baby na nasa kaparehas lang niyang bilang ng buwan," balita ng doktor.Napangiti naman si Theo doon at hindi mapigilang matuwa. Proud na proud siya sa anak na napahaplos na lang siya sa pisngi nito ng marahan."Thanks, Doc. Aalis na kami," ani Theo dahil tapos naman na lahat ng examination sa anak nila ni Amanda. Naunang lumabas si Amanda. Hinayaan na lang ni Theo dahil baka mabilis na itong napagod. Mukhang gusto na agad magpahinga. Nang akmang susun
PUNONG PUNO NG hinanakit ang boses ni Amanda. Hindi niya na kayang itago pa iyon kaya napaiwas na lang si Theo. Hindi niya na rin nakayanan ang malungkot na ekspresyon sa mga mata ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo. "Oo nga pala. Schedule ni Baby Alex sa ospital para sa physical examination niya. Pupunta tayong dalawa, hmm? Mas maganda kung dalawa tayong pupunta..." aniya bigla.Tumango na lang si Amanda. "Pupunta ako..." mahina niyang sagot.Kaya naman kinaumagahan ay maaga silang gumayak para sa check up ni Baby Alex. Napagdesisyonan ni Theo na hindi na sila magdadala ng driver. Siya na mismo ang magdadrive para sa kaniyang mag ina.Nagdala rin sila ng isa sa mga kasambahay para may kumarga kay Baby Alex dahil ayaw ni Theo na mapagod si Amanda. Nakasuot ng simpleng dress si Amanda at kahit kapansin pansin ang pagbaba ng timbang nito, hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang natural na ganda. Para bang hindi ito nanganak.Nang nagtama ang kanilang tingin ay si Amanda ang naunang na