HALOS MANGINIG SI Amanda sa paraan ng paghalik sa kaniya ni Theo. Pero naputol iyon nang biglang magring ang phone ng lalaki kaya wala itong choice kundi sagutin iyon kahit pa iritang-irita siya dahil sa pagkakabitin.Si Secretary Belle ang tumatawag kay Theo. Masungit niyang sinagot ang tawag. "Anong kailangan mo sa ganitong oras, Belle?""Ah, sorry, Sir sa disturbo. Uhm, gusto ko lang ipaalam na nagbakasyon ng ilang araw si Sofia. At ngayon, nagbalik na siya.""Oh? Tapos?""May pinagkakalat kasi ang parents ni Sofia na balita patungkol sa inyong dalawa, Sir."Kumunot ang noo ni Theo. Parang may ideya na siya kung tungkol saan iyon pero hinintay niya si Secretary Belle na kumpirmahin iyon. "Tungkol saan?" tanong niya."Innanounce kasi ng parents ni Sofia na ikakasal na po kayong dalawa, eh. Kalat na kalat ang balitang 'yan ngayon sa media.""Ano?!" Tumaas ang boses ni Theo bago umalis sa ibabaw ni Amanda. "Ayon nga po, nahihirapan akong contact'in ang ilang media na may alam sa bali
MATAPOS ANG panenermon ni Therese kay Theo, ibinalita rin nito ang tungkol sa party na kailangang attend'an nito sa Thursday. Kabilin-bilinan din nito na kailangan na si Amanda ang dalhin nito imbes na ang sekretaryang si Belle para mabawasan ang rumor tungkol sa kanilang divorce umano. Nang nasa parking lot na si Theo ng kompaniya niya isang araw, napatitig na lang siya sa cellphone niya na sobrang irita. Paano ba naman kasi, tinatawagan niya kanina pa si Amanda pero hindi ito sumasagot! Kulang na lang ibato na niya ang cellphone dahil sa paulit-ulit na pagdial kanina pa. Marahil galit ito ngayon dahil sa biglaang pag-alis niya nung isang gabi para asikasuhin ang tungkol kay Sofia at sa parents nito. Bumaba na lang siya ng sasakyan niya. Kaagad siyang sinalubong ng sekretarya niya at sinimulang banggitin ang tungkol sa schedule niya para sa araw. "I-clear mo ang schedule mo sa Thursday ng gabi. May party na inorganize ang Madriaga Group sa gabing iyon at sasama ka sa akin. 'Wa
SOBRANG IRITADO na talaga si Theo. Hanggang ngayon ba naman kasi hindi pa rin nagrereply si Amanda!Kulang na lang, mawarak na ang phone niya sa sobrang higpit ng hawak niya dito. Kahit pa sinabihan niyang magbabayad siya para sa isang gabing iyon pero dinedeadma pa rin siya ng babae.Hanggang sa hindi na talaga siya nakatiis. Nagtransfer na siya kaagad ng pera sa bank account ni Amanda.Nasa coffee shop si Amanda kasama si Loreign nang nareceived niya ang notification na nakatanggap nga siya ng pera galing kay Theo. Pinag-uusapan nila ni Loreign ang tungkol sa abogadong si Viktor Hernaez na maaaring maghandle sa kaso ng kapatid ni Amanda."Nagresearch na ako tungkol kay Viktor Hernaez. It turns out na bigshot lawyer pala siya! Ang kaso nga lang nasa ibang bansa siya ngayon," sabi ni Loreign at napabuntong hininga na lang."Nasaan siya ngayon?" Hindi mapigilan na tanong ni Amanda."According sa infos na nakalap ko, nasa malayong lugar siya sa Africa ngayon at nagtatrabaho rin doon par
NAPATITIG SA tseke si Amanda na binigay ni Theo sa kaniya kanina pagkauwing-pagkauwi niya sa bahay. Napangisi na lang siya. Mukhang tama si Loreign. Dapat lang na magpaka-praktikal siya. At kahit sa mga ganitong bagay, nakakabawi siya kay Theo sa lahat ng mga pananakit niya sa kaniya noon pa man.Uunti-untiin niya si Theo hanggang sa tuluyan na itong masaid at maubos...Nang sumapit na ang gabing pagpunta ni Amanda sa mga Madriaga, ipinasundo siya sa driver ni Theo. Pagkarating na pagkarating pa lamang niya sa mansion ay isang malawak na ngiti na agad ang isinalubong sa kaniya ni Mrs. Madriaga."Hija! Finally, you're here!" Bumeso si Mrs. Madriaga kay Amanda sa pisngi. "Alam mo bang nagtatampo ako sa asawa ko kasi hindi niya magawang papuntahin ka dito noong nakaraang araw? Si Theo kasi, si Secretary Belle ang dinadala niya rito, eh hindi naman siya ang gusto ko!" Himutok nito.Tanging awkward na ngiti lang ang naisukli ni Amanda. "Ayaw ko kasi sa secretary na 'yon ni Theo. Alam mo,
NAPAPITLAG si Amanda nang maramdaman niya ang mainit na katawan ni Theo sa likuran niya. Nahigit din niya ang hininga lalo pa nang tumama ang labi ni Theo sa balat niya sa leeg. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo dahil doon."I-Itigil mo kung anong binabalak mo, Theo kundi..." Nasabi na lang ni Amanda.Ngumisi si Theo. "Kundi ano, Amanda?""S-Sisigaw ako."Tumawa si Theo. "Sige lang. Gusto kong marinig din ng iba kung paano ka sumigaw habang narito tayong dalawa sa loob. Ano kayang iisipin nila?"Namilog ang mga mata ni Amanda. Hindi naman siya tanga para hindi ma-gets ang gustong sabihin ni Theo. Mas nainis lang tuloy siya. "Ano ba, Theo? Lumabas ka na nga. Baka may makakita o makarinig sa atin dito!"Nakangising pinakawalan ni Theo si Amanda pero pinaikot niya lamang ito at nagsalubong na nga ang kanilang mga mata. Kitang kita ni Amanda ang apoy ng pagnanasa sa mga mata ni Theo pero halatang nagpipigil lamang ito."Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon, Amanda? Hmm..." Halos
"WHAT'S WRONG? Masama ba pakiramdam mo? Kung gusto mo, magpaalam na tayo kina Mr. and Mrs. Madriaga para makaalis na tayo dito."Kaagad napabaling ang atensyon ni Amanda kay Theo nang nakabalik siya sa kaniya. Tila nawala siya sa sarili kanina nang matapos ang usapan nila ni Jaxon.Aware naman siya na parang may paramdam ng feelings nito noon sa kaniya. Ang kaso hindi niya pinapansin dahil ang atensyon niya ay na kay Theo lamang. Kay Theo lamang tumitibok ang puso niya noon pa man.Tumango na lang si Amanda bilang pagsagot kay Theo nang napansing hinihintay nito ang magiging sagot niya. Nagsend na lang ng message si Theo kina Mr. and Mrs. Madriaga bago sila sabay na lumabas sa mansion.Nang nakapasok sila sa kotse, kaagad napansin ni Amanda na tila lumambot ang paraan ng pagtingin sa kaniya ni Theo. Kumunot ang noo niya. "Bakit ganiyan ka makatingin?"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Nakuha ko ang project dahil sa 'yo nang walang kahirap-hirap. I should thank you..."Isang pekeng halak
NAGMISTULANG hari si Theo habang nakaupo sa sofa nila Amanda. Palihim na nagmamasid si Theo sa paligid at sa isip niya, paanong natitiis ni Amanda ang tumira sa ganito kaliit na bahay? Pero hindi na lang niya isinaboses pa iyon.Sa pwesto niya, kitang-kita niya si Amanda sa kitchen na nagsisimula nang maghiwa ng iluluto. Naka-bun na ang buhok nito at suot pa rin ang dress. Naka-apron na rin at kahit sa ayos na iyon, hindi maiwasang mapalunok ni Theo. Damn, bakit kahit anong isuot ni Amanda parang bagay lahat sa kaniya? Bakit ngayon niya lang napansin iyon?Napailing na lang siya sa naisip. Nang natapos si Amanda sa pagluluto ay kaagad siya nitong inaya na maupo na sa lamesa nila. Hindi rin iyon kalakihan pero hindi na gaanong napagtuonan ng pansin pa iyon ni Theo dahil natakam na rin siya sa nilutong tinola ni Amanda. Nang matikman iyon ay pigil ang ngisi ni Theo. Kuhang-kuha talaga ni Amanda ang gusto niyang timpla sa pagkain. "Paano mo natutunang magluto? Mayaman naman kayo dati a
ANG TANGING nasa isip ni Amanda ay magkaroon ng tahimik na buhay at mapagamot ang ama niya. Gusto rin niyang mailabas mula sa kulungan ang kapatid at kahit papaano, mabigyan na rin ng magandang buhay ang stepmom niya.Pero mukhang sinusubok talaga siya ng tadhana. Ang daming pangyayari sa buhay niya na pakiramdam niya hindi na siya makakahinga pa.Isang gabi, matapos siyang tumugtog sa restaurant, nakatanggap siya ng tawag mula may Loreign."Hello, Loreign? Napatawag ka?" "Amanda! Nasaan ka? Magpunta ka na ngayon din dito sa ospital! May nangyaring hindi maganda!" Natatarantang ani Loreign sa kabilang linya na nagpakaba kay Amanda."Wait, ano bang nangyari?" Kunot noong tanong pa ni Amanda."Ang stepmom mo! Iniimbestigahan na ng mga pulis dahil nagkagulo sila ng pamilya ni Sofia! Masyadong kumplikado ang pangyayari kaya ang mabuti pa, pumunta ka na rito ngayon din!"Parang hindi kaagad nagloading sa isipan ni Amanda ang nangyari. Pero makalipas ang ilang segundo, sinagot din niya si
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya
NAPATALON SI Amanda sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad agad niyang ibinalik ang mga dokumento sa loob ng cabinet. Lumapit si Theo sa kaniya at yumakap sa likuran niya. Humalik pa ito sa kaniyang leeg pataas sa pisngi at gilid ng labi. "Anong tinitingnan mo kanina, hmm?" tanong ni Theo.Umiling si Amanda. "W-Wala naman. Magpahinga na tayo."Tumango lang si Theo pero hindi naman ito halos gumalaw at nanatiling nakayakap mula sa likuran ni Amanda. Pero kalaunan, marahang hinila ni Theo si Amanda papuntang kama. Naupo si Theo habang nakaupo si Amanda sa hita nito.Napahaplos si Theo sa tiyan ni Amanda na may bump na rin. "Lumalaki na ang tiyan mo..." anito sa halos pabulong na boses."Syempre naman. Lumalaki na rin ang baby," sagot din naman ni Amanda.Marahang hinila ni Theo muli si Amanda hanggang sa nakahiga na silang dalawa sa malambot na kama. Mabilis na binalot ni Theo si Amanda ng comforter para hindi ito malamigan. Nagkatingin sila sa mga mata."May naisip
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo. Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito. Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya. Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.