"'WAG KANG mag-alala, Lola. Darating din tayo diyan. Sinisigurado ko namang walang mintis gabi-gabi," nakangising sabi ni Theo.Hindi mapigilan ni Amanda ang mamula sa sinabi ng lalaki. Kahit naman kasinungalingan lang iyon, naiinis si Amanda sa sarili dahil sa epekto no'n sa kaniya. Kimi lang siyang napangiti.Napahalakhak tuloy ang matanda. "Puro ka talaga kalokohan na bata ka! Hali na sa hapag at nang makakain na rin kayo," pag-aya nito na kaagad namang pinaunlakan nila Amanda at Theo. "May niluto akong sabaw na pampalakas sa tuhod, Theo," dagdag pa nito at isang makahulugang ngiti ang isinukli sa lalaki."Hindi naman na kailangan 'yon, La! Pero sige, titikman ko pa rin 'yan," sabi pa ni Theo. Nang nagsimula na silang kumain, nagsimula na rin silang magkwentuhan. Ang lola ni Theo ang laging nagsisimula ng usapan. Sumasagot lang si Amanda kapag tinatanong na siya. Sinisigurado ng matanda na hindi naleleft out si Amanda na siyang naappreciate naman niya. Mabait kasi talaga ito sa ka
HALOS MANGINIG SI Amanda sa paraan ng paghalik sa kaniya ni Theo. Pero naputol iyon nang biglang magring ang phone ng lalaki kaya wala itong choice kundi sagutin iyon kahit pa iritang-irita siya dahil sa pagkakabitin.Si Secretary Belle ang tumatawag kay Theo. Masungit niyang sinagot ang tawag. "Anong kailangan mo sa ganitong oras, Belle?""Ah, sorry, Sir sa disturbo. Uhm, gusto ko lang ipaalam na nagbakasyon ng ilang araw si Sofia. At ngayon, nagbalik na siya.""Oh? Tapos?""May pinagkakalat kasi ang parents ni Sofia na balita patungkol sa inyong dalawa, Sir."Kumunot ang noo ni Theo. Parang may ideya na siya kung tungkol saan iyon pero hinintay niya si Secretary Belle na kumpirmahin iyon. "Tungkol saan?" tanong niya."Innanounce kasi ng parents ni Sofia na ikakasal na po kayong dalawa, eh. Kalat na kalat ang balitang 'yan ngayon sa media.""Ano?!" Tumaas ang boses ni Theo bago umalis sa ibabaw ni Amanda. "Ayon nga po, nahihirapan akong contact'in ang ilang media na may alam sa bali
MATAPOS ANG panenermon ni Therese kay Theo, ibinalita rin nito ang tungkol sa party na kailangang attend'an nito sa Thursday. Kabilin-bilinan din nito na kailangan na si Amanda ang dalhin nito imbes na ang sekretaryang si Belle para mabawasan ang rumor tungkol sa kanilang divorce umano. Nang nasa parking lot na si Theo ng kompaniya niya isang araw, napatitig na lang siya sa cellphone niya na sobrang irita. Paano ba naman kasi, tinatawagan niya kanina pa si Amanda pero hindi ito sumasagot! Kulang na lang ibato na niya ang cellphone dahil sa paulit-ulit na pagdial kanina pa. Marahil galit ito ngayon dahil sa biglaang pag-alis niya nung isang gabi para asikasuhin ang tungkol kay Sofia at sa parents nito. Bumaba na lang siya ng sasakyan niya. Kaagad siyang sinalubong ng sekretarya niya at sinimulang banggitin ang tungkol sa schedule niya para sa araw. "I-clear mo ang schedule mo sa Thursday ng gabi. May party na inorganize ang Madriaga Group sa gabing iyon at sasama ka sa akin. 'Wa
SOBRANG IRITADO na talaga si Theo. Hanggang ngayon ba naman kasi hindi pa rin nagrereply si Amanda!Kulang na lang, mawarak na ang phone niya sa sobrang higpit ng hawak niya dito. Kahit pa sinabihan niyang magbabayad siya para sa isang gabing iyon pero dinedeadma pa rin siya ng babae.Hanggang sa hindi na talaga siya nakatiis. Nagtransfer na siya kaagad ng pera sa bank account ni Amanda.Nasa coffee shop si Amanda kasama si Loreign nang nareceived niya ang notification na nakatanggap nga siya ng pera galing kay Theo. Pinag-uusapan nila ni Loreign ang tungkol sa abogadong si Viktor Hernaez na maaaring maghandle sa kaso ng kapatid ni Amanda."Nagresearch na ako tungkol kay Viktor Hernaez. It turns out na bigshot lawyer pala siya! Ang kaso nga lang nasa ibang bansa siya ngayon," sabi ni Loreign at napabuntong hininga na lang."Nasaan siya ngayon?" Hindi mapigilan na tanong ni Amanda."According sa infos na nakalap ko, nasa malayong lugar siya sa Africa ngayon at nagtatrabaho rin doon par
NAPATITIG SA tseke si Amanda na binigay ni Theo sa kaniya kanina pagkauwing-pagkauwi niya sa bahay. Napangisi na lang siya. Mukhang tama si Loreign. Dapat lang na magpaka-praktikal siya. At kahit sa mga ganitong bagay, nakakabawi siya kay Theo sa lahat ng mga pananakit niya sa kaniya noon pa man.Uunti-untiin niya si Theo hanggang sa tuluyan na itong masaid at maubos...Nang sumapit na ang gabing pagpunta ni Amanda sa mga Madriaga, ipinasundo siya sa driver ni Theo. Pagkarating na pagkarating pa lamang niya sa mansion ay isang malawak na ngiti na agad ang isinalubong sa kaniya ni Mrs. Madriaga."Hija! Finally, you're here!" Bumeso si Mrs. Madriaga kay Amanda sa pisngi. "Alam mo bang nagtatampo ako sa asawa ko kasi hindi niya magawang papuntahin ka dito noong nakaraang araw? Si Theo kasi, si Secretary Belle ang dinadala niya rito, eh hindi naman siya ang gusto ko!" Himutok nito.Tanging awkward na ngiti lang ang naisukli ni Amanda. "Ayaw ko kasi sa secretary na 'yon ni Theo. Alam mo,
NAPAPITLAG si Amanda nang maramdaman niya ang mainit na katawan ni Theo sa likuran niya. Nahigit din niya ang hininga lalo pa nang tumama ang labi ni Theo sa balat niya sa leeg. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo dahil doon."I-Itigil mo kung anong binabalak mo, Theo kundi..." Nasabi na lang ni Amanda.Ngumisi si Theo. "Kundi ano, Amanda?""S-Sisigaw ako."Tumawa si Theo. "Sige lang. Gusto kong marinig din ng iba kung paano ka sumigaw habang narito tayong dalawa sa loob. Ano kayang iisipin nila?"Namilog ang mga mata ni Amanda. Hindi naman siya tanga para hindi ma-gets ang gustong sabihin ni Theo. Mas nainis lang tuloy siya. "Ano ba, Theo? Lumabas ka na nga. Baka may makakita o makarinig sa atin dito!"Nakangising pinakawalan ni Theo si Amanda pero pinaikot niya lamang ito at nagsalubong na nga ang kanilang mga mata. Kitang kita ni Amanda ang apoy ng pagnanasa sa mga mata ni Theo pero halatang nagpipigil lamang ito."Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon, Amanda? Hmm..." Halos
"WHAT'S WRONG? Masama ba pakiramdam mo? Kung gusto mo, magpaalam na tayo kina Mr. and Mrs. Madriaga para makaalis na tayo dito."Kaagad napabaling ang atensyon ni Amanda kay Theo nang nakabalik siya sa kaniya. Tila nawala siya sa sarili kanina nang matapos ang usapan nila ni Jaxon.Aware naman siya na parang may paramdam ng feelings nito noon sa kaniya. Ang kaso hindi niya pinapansin dahil ang atensyon niya ay na kay Theo lamang. Kay Theo lamang tumitibok ang puso niya noon pa man.Tumango na lang si Amanda bilang pagsagot kay Theo nang napansing hinihintay nito ang magiging sagot niya. Nagsend na lang ng message si Theo kina Mr. and Mrs. Madriaga bago sila sabay na lumabas sa mansion.Nang nakapasok sila sa kotse, kaagad napansin ni Amanda na tila lumambot ang paraan ng pagtingin sa kaniya ni Theo. Kumunot ang noo niya. "Bakit ganiyan ka makatingin?"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Nakuha ko ang project dahil sa 'yo nang walang kahirap-hirap. I should thank you..."Isang pekeng halak
NAGMISTULANG hari si Theo habang nakaupo sa sofa nila Amanda. Palihim na nagmamasid si Theo sa paligid at sa isip niya, paanong natitiis ni Amanda ang tumira sa ganito kaliit na bahay? Pero hindi na lang niya isinaboses pa iyon.Sa pwesto niya, kitang-kita niya si Amanda sa kitchen na nagsisimula nang maghiwa ng iluluto. Naka-bun na ang buhok nito at suot pa rin ang dress. Naka-apron na rin at kahit sa ayos na iyon, hindi maiwasang mapalunok ni Theo. Damn, bakit kahit anong isuot ni Amanda parang bagay lahat sa kaniya? Bakit ngayon niya lang napansin iyon?Napailing na lang siya sa naisip. Nang natapos si Amanda sa pagluluto ay kaagad siya nitong inaya na maupo na sa lamesa nila. Hindi rin iyon kalakihan pero hindi na gaanong napagtuonan ng pansin pa iyon ni Theo dahil natakam na rin siya sa nilutong tinola ni Amanda. Nang matikman iyon ay pigil ang ngisi ni Theo. Kuhang-kuha talaga ni Amanda ang gusto niyang timpla sa pagkain. "Paano mo natutunang magluto? Mayaman naman kayo dati a
SIRANG SIRA NA ang reputasyon ni Loreign. Ang mga dating humahanga sa kaniya noon dahil sa pagmomodelo niya, tumalikod na sa kaniya sa isang iglap. Hindi rin nakatulong na nadadamay siya at nasasabihan ng masasakit na mga salita dahil sa pagkakaugnay niya kay Gerald at pinakasalan nitong babae. Tinawag siyang kabit, social climber, gold digger, home wrecker at kung anu ano pa.At ang masakit pa doon, ni walang nagawa si Gerald para pigilan man lang iyon kahit may kakayahan siya. Mas naconvinced tuloy si Amanda na mabuti na lang, hindi ipinagsisikan ang sarili rito. Siya ang klase ng lalaking walang bayag at hindi siya kayang ipaglaban.Iyon ang nasa isip ni Amanda nang mga sumunod na araw. Hindi siya matahimik lalo pa at alam niyang maapektuhan ng sobra si Loreign dito kapag nagising na siya."Ayos ka lang, Amanda?"Agad napatingin si Amanda kay Sylvia na may nag aalalang ekspresyon sa mukha. Pilit na pinigil naman ni Amanda ang emosyon niya pero dahil kinikimkim niya iyon, parang sas
"BAKA NAIISIP mo lang na ako, siya dahil may resemblance pa rin kami kahit papaano. Paano na lang kung nasa kama kayo, baka habang nasa ibabaw mo siya, pangalan ko ang tinatawag mo--"Sinampal ni Amanda si Theo bigla. Hindi na niya nakayanan pa ang kabastusan ng bibig nito. "Gago ka!" sigaw ni Amanda dito pero parang mas nag apoy lamang ng galit ang mga mata ni Theo."Hindi kita binigyan ng permiso ko para magustuhan siya!" asik naman pabalik ni Theo na bahagyang ikinamaang ni Amanda.Hindi niya maatim kung gaano kakitid ang utak ni Theo! Matalino naman itong tao pero bakit ganito ito mag isip ngayon? Anong nangyari sa kaniya? Malala na siya noon pa man pero bakit parang mas malala siya ngayon?Napailing si Amanda, hindi makapaniwala sa asal ni Theo. "Ano ba, Theo? Paikot ikot na lang ba tayo? Hindi na ba matatapos ito? Gustong gusto mo akong angkinin sa maling paraan! Kahit pa wala na tayong relasyon! Nasisiraan ka na ba ng bait?""Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Amanda. W
NAKAKAGALIT na ang unang madatnan pa talaga niya pagpuntang ospital ay ang dalawang magkalapit at magkahugpong ang mga labi...Mabigat sa dibdib. Inaamin ni Theo iyon sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao niya at nakaigting ang panga. At ang mas nakakadagdag ng bigat sa dibdib niya ay ang katotohanang hindi man lang itinulak ni Amanda ang lalaki...Para bang nakatagpo sila ng comfort sa bawat isa't isa sa kabila ng lugar na kinatatayuan nila ngayon. At parehas na silang walang sabit. Single si Amanda pati na rin si Harold. At ano ang susunod? Maghihintay ng tamang panahon at magsisimula na rin sila ng sariling pamilya? Makakalimutan ni Amanda si Theo maging ang lahat ng sakit na naramdaman nito sa kaniya noong kasal pa lamang sila. Paano na siya? Saan siya pupulutin kapag si Harold na ang nagmamay ari sa puso ni Amanda?Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Theo. Pakiramdam niya ay magkakasugat na siya dahil bumabaon na ang sariling kuko niya sa balat. Pero wala na siya
GABI NA pero hindi magawang iwan ni Amanda si Loreign. Pinagmamasdan niya lang ito kahit na tulog na tulog pa rin ang kaibigan niya. Bumisita rin kinagabihan si Sylvia. Nalaman nito ang nangyari at may dala pang soup para sana kay Loreign pero nadismaya siya at nalungkot dahil hindi naman niya alam na walang malay ang kaibigan ni Amanda. Anak na rin naman ang turing ni Sylvia kay Loreign kaya hindi niya ring maiwasang maglabas ng hinanakit."Ang sasama ng mga may gawa nito kay Loreign! Bakit kailangang humantong sa ganito?" humihikbing tanong ni Sylvia habang dumadaloy ang luha sa pisngi.Tahimik lang din napaluha si Amanda dahil sa naging reaksyon ni Sylvia. Kalaunan ay parehas na silang kumalma. Hinarap ni Sylvia si Amanda."Wala ka pang pahinga, Amanda," puna ni Sylvia kay Amanda. "Hindi ka man lang nakapagpalit ng damit at ligo man lang. Ikaw na ang nagbantay sa kaniya pagkatakbo dito sa ospital. Pwede namang ako na muna dito. Sasabihan na lang kita agad kung may balita na kay Lo
TIGALGAL si Amanda matapos ibalita ng dontor ang sitwasyon ni Loreign. Hindi niya maapuhap ang tamang salita. Ang kaibigan niya... comatose. Tapos ang bata sa sinapupunan niya... wala na.Ang sakit! At kapag magising na si Loreign, hindi na siya magiging kagaya pa ng dati. Ano ba itong pagsubok na dumating sa buhay nilang mag ina? Ang saklap ng kinahinatnat nila pareho."Pwede mo na siyang dalawin mamaya sa ICU. Ililipat na siya doon," dagdag pa ng doktor nang hindi na nagsalita pa si Amanda."S-Salamat po, dok," ani Amanda nang makabawi at bahagya pang nautal dahil sa bikig sa lalamunan niya.Nang sa wakas ay iniwanan na siya ng doktor, bumalong masaganang luha mula sa mga mata niya. Ang sakit sa dibdib lahat ng mga nangyari. Si Loreign... ang dami niyang plano para sa kanila ng anak niya. Ang tanging gusto lang nito ay tahimik na buhay para sa anak. Plinano na niya lahat. Mamumuhay sila ng magiging anak niya ng matiwasay at payapa at magtatayo ng simpleng flower shop para may mapagk
HINDI NA NAKATIIS pa si Amanda. Talagang sumama siya kay Loreign para ihatid ito at masigurong ayos lang siya. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, Amanda. Pakiramdam ko, hindi ito totoo," hindi maiwasang sabihin ni Loreign. Bakas na bakas sa tono nito ang kaba. "At... feeling ko rin may mali. Ilang araw na pero parang walang nangyayari. Hindi ko maiwasang mag overthink na baka... baka may plinaplano sila sa akin at sa anak--""Shh. 'Wag mo ngang isipin iyan! Maingat tayo sa naging hakbang natin. Kaya walang mangyayari, okay?" ani Amanda sa kaibigan."O-Okay," sagot ni Loreign pero halatang hindi pa rin kumbinsido at mukhang kinakabahan. Naiintindihan naman ito ni Amanda. Talagang hindi na nito maiwasan pang mag isip ng kung anu ano dahil hindi na lang ang ang sarili nito ang kailangan na isaalang alang.Nang sa wakas ay oras na para magkahiwalay na talaga sila nang tuluyan, hindi na nila mapigilan pa ang mapaluha. Nagyakapan sila sa isa't isa."Magiging maayos din ang lahat, oka
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi