NAPAPITLAG si Amanda nang maramdaman niya ang mainit na katawan ni Theo sa likuran niya. Nahigit din niya ang hininga lalo pa nang tumama ang labi ni Theo sa balat niya sa leeg. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo dahil doon."I-Itigil mo kung anong binabalak mo, Theo kundi..." Nasabi na lang ni Amanda.Ngumisi si Theo. "Kundi ano, Amanda?""S-Sisigaw ako."Tumawa si Theo. "Sige lang. Gusto kong marinig din ng iba kung paano ka sumigaw habang narito tayong dalawa sa loob. Ano kayang iisipin nila?"Namilog ang mga mata ni Amanda. Hindi naman siya tanga para hindi ma-gets ang gustong sabihin ni Theo. Mas nainis lang tuloy siya. "Ano ba, Theo? Lumabas ka na nga. Baka may makakita o makarinig sa atin dito!"Nakangising pinakawalan ni Theo si Amanda pero pinaikot niya lamang ito at nagsalubong na nga ang kanilang mga mata. Kitang kita ni Amanda ang apoy ng pagnanasa sa mga mata ni Theo pero halatang nagpipigil lamang ito."Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon, Amanda? Hmm..." Halos
"WHAT'S WRONG? Masama ba pakiramdam mo? Kung gusto mo, magpaalam na tayo kina Mr. and Mrs. Madriaga para makaalis na tayo dito."Kaagad napabaling ang atensyon ni Amanda kay Theo nang nakabalik siya sa kaniya. Tila nawala siya sa sarili kanina nang matapos ang usapan nila ni Jaxon.Aware naman siya na parang may paramdam ng feelings nito noon sa kaniya. Ang kaso hindi niya pinapansin dahil ang atensyon niya ay na kay Theo lamang. Kay Theo lamang tumitibok ang puso niya noon pa man.Tumango na lang si Amanda bilang pagsagot kay Theo nang napansing hinihintay nito ang magiging sagot niya. Nagsend na lang ng message si Theo kina Mr. and Mrs. Madriaga bago sila sabay na lumabas sa mansion.Nang nakapasok sila sa kotse, kaagad napansin ni Amanda na tila lumambot ang paraan ng pagtingin sa kaniya ni Theo. Kumunot ang noo niya. "Bakit ganiyan ka makatingin?"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Nakuha ko ang project dahil sa 'yo nang walang kahirap-hirap. I should thank you..."Isang pekeng halak
NAGMISTULANG hari si Theo habang nakaupo sa sofa nila Amanda. Palihim na nagmamasid si Theo sa paligid at sa isip niya, paanong natitiis ni Amanda ang tumira sa ganito kaliit na bahay? Pero hindi na lang niya isinaboses pa iyon.Sa pwesto niya, kitang-kita niya si Amanda sa kitchen na nagsisimula nang maghiwa ng iluluto. Naka-bun na ang buhok nito at suot pa rin ang dress. Naka-apron na rin at kahit sa ayos na iyon, hindi maiwasang mapalunok ni Theo. Damn, bakit kahit anong isuot ni Amanda parang bagay lahat sa kaniya? Bakit ngayon niya lang napansin iyon?Napailing na lang siya sa naisip. Nang natapos si Amanda sa pagluluto ay kaagad siya nitong inaya na maupo na sa lamesa nila. Hindi rin iyon kalakihan pero hindi na gaanong napagtuonan ng pansin pa iyon ni Theo dahil natakam na rin siya sa nilutong tinola ni Amanda. Nang matikman iyon ay pigil ang ngisi ni Theo. Kuhang-kuha talaga ni Amanda ang gusto niyang timpla sa pagkain. "Paano mo natutunang magluto? Mayaman naman kayo dati a
ANG TANGING nasa isip ni Amanda ay magkaroon ng tahimik na buhay at mapagamot ang ama niya. Gusto rin niyang mailabas mula sa kulungan ang kapatid at kahit papaano, mabigyan na rin ng magandang buhay ang stepmom niya.Pero mukhang sinusubok talaga siya ng tadhana. Ang daming pangyayari sa buhay niya na pakiramdam niya hindi na siya makakahinga pa.Isang gabi, matapos siyang tumugtog sa restaurant, nakatanggap siya ng tawag mula may Loreign."Hello, Loreign? Napatawag ka?" "Amanda! Nasaan ka? Magpunta ka na ngayon din dito sa ospital! May nangyaring hindi maganda!" Natatarantang ani Loreign sa kabilang linya na nagpakaba kay Amanda."Wait, ano bang nangyari?" Kunot noong tanong pa ni Amanda."Ang stepmom mo! Iniimbestigahan na ng mga pulis dahil nagkagulo sila ng pamilya ni Sofia! Masyadong kumplikado ang pangyayari kaya ang mabuti pa, pumunta ka na rito ngayon din!"Parang hindi kaagad nagloading sa isipan ni Amanda ang nangyari. Pero makalipas ang ilang segundo, sinagot din niya si
NANGGAGALAITI SI Loreign na sumunod sa police station, lalo pa nang nalaman niya kung ano ang ginawa ni Esmeralda kay Amanda. Sinampal lang naman nito ang kaibigan niya! At hindi matanggap ni Loreign iyon.Kaya naman nang natyempuhan niya si Esmeralda na mag-isa sa labas at nagpapahangin, kaagad niya itong sinugod. Sinampal din niya ito nang malakas kagaya ng pagsampal nito kay Amanda."Ikaw na babae ka! Kahit na mas matanda ka pa sa akin, hindi kita rerespetuhin! Ang kakapal ng mukha niyo lalo na 'yang anak mong mang-aagaw ng asawa! Talagang si Amanda pa talaga ang kinanti niyo?! Para sabihin ko sa inyo, paa lang kayo ng kaibigan ko! Kaya wala kayong karapatan na saktan siya o dampihan man lang siya ng kamay!" Sigaw ni Loreign.Namumula na siya sa galit. At mukhang hindi inaasahan ni Esmeralda iyon. Inaamin niya sa sarili na hindi niya kaya si Loreign dahil mas matapang ito kaysa kay Amanda. Nagawa lang naman ni Esmeralda kay Amanda iyon dahil alam niyang hindi ito lalaban.Pero kaba
ANG TAGPONG iyon ni Amanda at Harold ay nakunan ng picture ng tauhan ni Theo. Nang nakita ni Theo ang pictures na naipadala sa kaniya, napakuyom na lang siya ng kamao. Makikita talaga sa picture kung paano titigan ni Harold si Amanda. Ang mga mata nito ay halatang malungkot at may kasamang pagmamahal na siyang ikinaiinis lalo ni Theo.Hindi ito pwede. Hindi maaaring nagkikita pa rin sina Amanda at Harold, naisip na lang niya.Samantala, kinaumagahan, matapos bisitahin ni Amanda ang ama sa ospital, tinawagan niya si Theo. Nagdadrive si Theo ng mga oras na iyon nang makitang si Amanda ang tumatawag sa cellphone niya. Sinagot niya kaagad iyon."Theo, kailangan nating magkita." Iyon kaagad ang unang sinabi ni Amanda.Napangisi na lang si Theo. May ideya na siya kung bakit tumatawag si Amanda sa kaniya ngayon. May gulat siyang naramdaman pero hindi na niya masyadong pinagtuonan pa ng pansin iyon."Bakit? Gusto mo na bang bumalik sa 'kin sa mansion? Anyway, masarap ang luto ng cook ngayon.
HINDI NA nakapagreact pa nang masyado si Amanda nang hilahin siya ni Theo at sinandal sa malapit na pader. Madiin ang yakap ni Theo na para bang ayaw na nitong pakawalan si Amanda."Gusto mong ang maging kapalit ng pagtulong ko sa stepmom mo ay ang katawan mo, tama ba ako? Pero nagamit ko na ang katawan mo ilang beses na sa nakaraan. Parang lugi naman ako diyan, Amanda. O baka naman... mas gusto mong may ibang lalaki ang gumawa no'n sa 'yo kaysa ang bumalik bilang asawa ko?"Nanginig ng bahagya si Amanda dahil sa direktang pang-iinsulto sa kaniya ni Theo. Parang pinagpipiraso ang loob niya dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig nito at hindi na niya mapigilan pang pangilidan ng luha sa mata."T-Theo..." Natawag na lang niya ang pangalan nito."Tiisin mo lahat ng gusto kong mangyari, Amanda. Ginusto mo 'to, hindi ba?" Parang nang-uuyam pang sabi ni Theo.Tuluyan nang naluha si Amanda. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig dahil mas naramdaman niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki ni The
HIYANG-HIYA SI Amanda bilang babae. Pakiramdam niya ang cheap cheap niya dahil sa pagtrato sa kaniya ni Theo. Gumagalaw ito sa ibabaw niya habang nakadapa siya sa sofa, walang pagdahan-dahan. Wala na itong pakialam kahit pa nasasaktan si Amanda sa size ng pagkalalaki niyang nasa loob niya.Marahas si Theo at halatang sarap na sarap. Nakahawak siya sa buhok ni Amanda, hinihila iyon habang mahigpit ang hawak niya sa pang-upo nito.Hindi na namalayan pa ni Theo na may hawak na fruit knife si Amanda na nahila niya sa side table kanina. Wala ng oras pa si Amanda para isipin kung bakit may kutsilyo doon dahil ang nasa isip niya ng mga oras na iyon ay ang matapos na ang lahat ng ito."Oh, fuck! Ang sikip mo pa rin!" ungol ni Theo. Ilang ulos pa ay natapos na rin ito. Hingal na hingal siya sa likod ni Amanda bago isara ang zipper nito. Ngumisi si Theo nang nasulyapan ang paghawak ni Amanda sa fruit knife. "Saan mo nakuha 'yan? Bakit? Plano mo akong patayin? Kaya mo ba?" nang-uuyam na tanong
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy