"LOREIGN, PASENSYA na sa isturbo, ah? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng work ngayon," sabi ni Amanda kay Loreign habang nasa loob sila ng isang coffee shop.
Si Loreign ay matagal nang kaibigan ni Amanda pero hindi na sila gaanong nagkikita matapos niyang mag-asawa. Isa itong model at kilalang-kilala ngayon sa industriya. 'Yun nga lang, hindi maganda ang reputasyon kaya marami pa rin siyang haters. Pero wala namang pakialam si Loreign doon.Tinapik ni Loreign ang balikat ni Amanda. "Ano ka ba, sis? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, dadramahan mo pa ako. Syempre, tutulungan kita!" ani Loreign.Ngumiti si Amanda. "Salamat, Loreign. 'Wag kang mag-alala, babawi rin ako pero hindi muna ngayon. Alam mo naman na, short budget ako ngayon. Kakabenta ko lang din ng bahay namin.""Speaking of bahay, kung may pera lang ako, ako na ang bumili ng bahay niyo para hindi mo binenta sa mas mababang halaga! Talagang determinado 'yang asawa mong gipitin ka, ah? Naku, kahit pogi 'yan, talagang makakatikim sa 'kin 'yan!" Pinalagutok pa nito ang kamo.Napatawa lang si Amanda. "Sira! 'Wag mo na lang pansinin 'yon...""Pero alam mo, mabuti na lang din talaga at naisipan mong bumalik sa pagtugtog. Nabalitaan ko nga rin na hinahanap ka yata noon ng professor natin? Naku, big waste talaga kung hindi ka niya makukuha! Super talented mo kaya!"Nagkibit balikat si Amanda at binago na ang usapan. "'Yung tungkol pala sa work...""Ah, oo! Akong bahala sa 'yo. Na-arrange ko na lahat. Ang gagawin mo lang is magpunta doon at tumugtog. Though small audience lang siya kasi exclusive restobar pero hindi naman na masama. Pandagdag kita mo na lang din," sagot ni Loreign bago sumimsim sa kape.Inabot ni Amanda ang kamay ni Loreign sa lamesa at hinawakan iyon. "Salamat talaga, Loreign, ah. Malaking tulong na 'to sa 'kin.""Syempre naman! Malakas ka sa 'kin, eh. At tsaka, malakas din ako ka-fling ko ngayon kaya nagawan ko ng paraan," halakhak pa nito.Madami pa silang napag-usapang iba at nagcatch up na rin sila sa matagal nilang hindi pagkikita. Namiss tuloy ni Amanda ang college life niya with Loreign. 'Yung kung paano pumasa lang ang problema niya at wala nang iba.Nang sumapit ang gabi ng pagtugtog ni Amanda, hindi niya maiwasang kabahan. Ngayon na lang ulit siya tutugtog ng violin sa harap ng madla. Hindi man kalakihan ang audience gaya ng sabi ni Loreign pero nandoon pa rin talaga 'yung kaba.Pero nang tumungtong na siya sa stage, tila naglaho lang lahat iyon.Ang tanging nasa isip niya ay kapayapaan sa larangan ng musika."DID YOU like it?" Tanong ni Sofia kay Theo matapos nitong tumugtog ng violin sa loob ng hospital room nito. Nakaupo ito sa wheelchair at may ngiti sa labi.Ang itinawag ng sekretarya niya nung isang araw ay ang pagkahulog ni Sofia sa kama nito. Nag-alala siya na huli na nang ma-realize niyang iniwan niya pala si Amanda.Inasikaso na muna niya si Sofia at inalo dahil parang nai-stress lang ito lalo sa sariling sitwasyon. Napilay si Sofia matapos siyang abusuhin ng dati niyang asawa. Divorced na sila ngayon at para kay Theo, kailangan niyang ibuhos ang atensyon niya dito bilang sukli sa ginawa nito sa kaniya noon."Oo, nagustuhan ko ng sobra," ani Theo sa dry na tono.Pinaniniwalaan ni Theo na si Sofia ang dahilan kung bakit siya nabigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay ulit. Minsan na siyang na-comatose noon at habang nasa malalim na pagkakahimbing, nadidinig niya ang musikang galing sa violin na tinutugtog ni Sofia.Pero bakit parang hindi niya maramdaman ang naramdaman niya noong wala pa siyang malay?Parang may iba...Napanguso si Sofia. "Sigurado ka? Bakit parang hindi?"Ngumuti si Theo at hinaplos ang pisngi ni Sofia. "Gustong-gusto ko, Sofia. Ang mabuti pa siguro, magpahinga ka muna. May aasikasuhin lang ako.""Ano? Pwede bang mag-stay ka na lang? Magpadala ka na lang ng extra clothes mo sa secretary mo.""May kailangan akong kitain ngayon. Babalik naman ako. At ipapaasikaso ko na rin ang paglipat mo ng ospital sa susunod... sa may mas magandang facilities para matutukan ka.""Mas importante ba 'yang kikitain mo kaysa sa 'kin?" Tila nawawalan ng ganang tanong ni Sofia."Sofia...""Bahala ka nga! Umalis ka na kung gusto mo!" Humalukipkip ito at minanipula ang wheelchair patalikod sa direksyon ni Theo.Isang buntong hininga lang ang naisukli ni Theo. Minsan talaga ang hirap pakisamahan ng ugali ni Sofia. Pero iniintindi na lang niya dahil naging mahirap din naman ang mga pinagdaanan niya.Mabigat ang loob niyang lumabas sa hospital room ni Sofia. Sinalubong naman siya kaagad ng secretary niyang si Belle."Sir, nasa isang exclusive restaurant po ang kababata niyo. Naghihintay na po siya doon," ani Belle kay Theo.Tumango lang si Theo bago pumasok sa kotse. "Pwede ka nang umuwi, Belle," aniya rito."B-But... Sir, pwede naman po akong sumama just in case may about business kayong pag-uusapan. Magtetake down notes na lang ako--""Hindi na kailangan. Sige na."Wala nang nagawa pa si Belle. Sa loob niya, disappointed siya dahil hindi niya na makakasama pa ng matagal ang boss pero wala naman na siyang magagawa doon. Umuwi na lang siya habang si Theo ay dumiretso nga sa restaurant.Pagkapasok na pagkapasok palang niya sa resto ay parang tumigil na ang mundo niya...Ang musikang iyon...Galing iyon sa nagpeperform sa stage at napasinghap pa siya nang makitang pamilyar ang tumutugtog ng violin."Amanda..." naiusal niya nang mahina ang pangalan ng asawa.Tinutugtog ni Amanda ang isang piece na kagayang-kagaya ng tugtog na siyang gumising sa kaniya. Parehong-pareho!Pati ang pamilyar na pakiramdam ay pareho. Pero nakakagulat na makitang asawa niya ang tumutugtog no'n. Paanong nangyari 'yon? Noong si Sofia ang tumugtog no'n, wala naman siyang naramdamang kahit ano.Pakiramdam ni Theo ay nahulog na siya sa isang napakagandang lugar na walang ibang nag-eexist kundi siya lang at si Amanda. Bumilis din ang tibok ng puso niya na siyang mas lalong nagpatigil sa kaniya.Ano ba ang nangyayari sa kaniya?NAHULOG na nang tuluyan ang diwa ni Amanda sa tinutugtog. Nawala na ang kaniyang kaba.Pero nagulat siya nang makitang nakatitig sa kaniya ang asawa niya habang nagva-violin siya. Ibang-iba ang titig sa kaniya ni Theo ngayon na hindi niya maiwasang makaramdam ng kung ano sa tiyan niya.Nang natapos siyang magperform, pinalakpakan siya ng mga tao na siyang nakapagpataba ng puso niya. Hindi na natanaw pa ni Amanda si Theo at nagpasalamat na lang sa mga tao.Dahil bakit naman siya tititigan ni Theo ng gano'n?Isang malaking imposible."Sabi na, eh! Wala ka talagang kupas!" sabi ni Loreign at yumakap kay Amanda. May kasama itong lalaki na ipinakilala na sa kaniya kanina. Iyon pala ang ka-fling nitong si Gerald na isa sa mga naging daan para makapagperform si Amanda sa resto."Thank you ulit, Loreign, ah?" madamdaming nawika ni Amanda."Naku, wala 'yon!"Nagtawanan sila bago pasimpleng umalis si Loreign at Gerald. Hinayaan na lang ni Amanda ang dalawa para magkaroon sila ng time sa isa't isa.Aalis na sana si Amanda pero biglang may humila sa kaniya papunta sa restroom ng resto kung saan walang tao. Narinig pa niya ang paglocked ng pinto bago niya tingalain ang lalaking katitigan lang niya kanina."T-Theo?" Akala niya namamalikmata lang siya kanina.Madilim na ang ekspresyon sa mukha nito. Isinandal niya si Amanda sa pintuan habang nakaigting ang panga."Tell me, Amanda..." tila nahihirapan na sabi nito."Huh? Lumayo ka nga sa 'kin!" Sinubukan niyang itulak ang lalaki pero hindi ito natinag."Bakit mo alam ang tugtog na 'yan? Bakit mo alam ang musikang nagbigay ulit sa akin ng pag-asang mabuhay? Bakit..." tila napapaos na tinig nito."L-LAYUAN MO na ako, Theo! Patahimikin mo ang buhay ko!" pasigaw na sabi ni Amanda, hindi pinansin ang tanong ni Theo kahit ang totoo ay alam niya.Minsan nang naaksidente at na-comatose si Theo. Dahil mahal na mahal niya noon si Theo, walang palyang binibisita niya ito. Kinakausap niya ito minsan kapag tulog. Pero minsan, plineplay niya ang recorded na tunog ng pagva-violin niya. Kapag busy siya noon, talagang nakikisuyo pa siya sa nurse sa ospital na patugtugin para sa kaniya.Gusto niyang sabihin iyon kay Theo, pero para ano pa? Hindi rin naman ito maniniwala.Tila nag-alab naman ang mga mata ni Theo sa kaniya. "Hindi ko ibibigay kailanman ang gusto mo, Amanda.""Ano bang gusto mo para tantanan mo na ako? Tuldukan na natin kung anong meron sa atin, Theo! Ilang ulit ko bang babanggitin dapat sa 'yong magdidivorce na tayo?" nanghihinang saad ni Amanda. "Hindi na tama 'to. Hindi na tamang lalapit-lapitan mo na lang ako kung kailan mo gusto!"Ngumisi ang lalaki. "Gagawin ko kung anong
NAGKASAKIT ANG Lola ni Theo na si Victoria kaya napapunta siya sa mansion isang araw. Ayaw man niyang pumunta, tumuloy pa rin siya at bumisita."Kumusta ang lagay mo, 'La?" tanong ni Theo sa matanda habang nakahiga ito sa kama."Kayo ang kumusta ng asawa mo. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ni Victoria na ikinabuntong hininga ni Theo."'La, darating din tayo diyan," sagot na lang niya dahil wala naman sa plano 'yon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Amanda, pinapaalalahanan niya itong magpills upang hindi mabuntis."Kailan? Tumatanda na ako, Theo. Gusto ko nang makarga man lang ang apo ko bago ako mamatay!"Bumuntong hininga si Theo. "'Wag kang magsalita ng ganiyan, 'La. Mabubuhay ka pa nang matagal.""Kuu! 'Wag ka kasing kukupad-kupad. At ano itong nababalitaan ko, ah? Na may dinate ka sa Paris at pinaghandaan pa ng surprise fireworks display nung nakaraan? Gumastos ka pa talaga ng malaki!" Sinamaan siya ng tingin ng matanda."'Wag mo nang pansinin 'yon, 'La. Mas lalo ka la
BUMISITA ULIT si Amanda sa ospital. Inalagaan niya ang kaniyang ama at sinubukang kalimutan ang lahat kahit na sa totoo lang ay naiinis na siya kay Theo. Siya lang naman ang puno't dulo ng mga inaalala niya ngayon at ang hindi nito pagpayag sa divorce.Kasama niya ngayon ang stepmom niya. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa padre de pamilya kahit anong awat nito sa kanila.Makailang saglit lamang ay nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa si Theo na siyang nagpakunot ng noo ni Amanda. Pasimple pa siyang kinalabit ni Sylvia na para bang nagtatanong kung bakit naparito si Theo nang hindi man lang nagsasabi.Nakipagtitigan lang si Amanda kay Theo na para bang ang daming gustong sabihin. Siguro patungkol sa divorce agreement. Tila nakaramdam naman si Sylvia ng tensyon sa pagitan ng dalawa."Naku, Theo! Napadalaw ka, anak?" ani Sylvia bago tumikhim at tiningnan si Amanda. "Amanda, 'wag kang basta tumayo na lang diyan! Asikasuhin mo ang asawa mo. Baka gusto niya ng ma
BAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isan
AALIS NA SANA si Amanda pero bigla siyang hinila sa bewang ni Theo na para bang niyayakap mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki, maging ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.Malakas ang aircon sa loob ng opisina ni Theo pero parang wala iyon silbi sa init na nagmumula sa katawan nila. "A-Ano ba, Theo?" Halos pabulong na sabi ni Amanda, pilit na nagpumiglas kahit trinatraydor siya ng sariling katawan nang nagsimulang haplusin ni Theo ang katawan niya papalapit sa kaniyang dibdib.Idinikit ni Theo ang labi sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Ramdam ni Amanda ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Theo doon na siyang nagdala ng nginig sa kaniyang katawan.Ngumisi si Theo. "Paulit-ulit ka sa pagbanggit ng divorce na 'yan, huh? Bakit? Sino na lang ang makakapag-satisfy sa 'yo sa kama kung 'di ako? Masyado kang mapagmalaki, Amanda."Nang gumalaw muli ang isang kamay ni Theo, napunta na iyon sa kaniyang pang-upo, pumisil doon na siyang ikinakusot nang bahagya ng kaniya
HINDI ALAM ni Amanda kung paanong natapos niya ang isang tugtog kahit pa medyo distracted siya ngayon. Kagabi, dahil sa napanuod niya, parang hindi siya makapag-function bigla. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kailangan niyang magfocus sa mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin.Habang ilinalagay niya sa case ang kaniyang violin, natapunan ng pansin ni Amanda ang babaeng tila naghihintay sa kaniya sa labas. Bahagya siyang napatigil sa paggalaw.Ang isa pang Mrs. Torregoza, si Therese na ina ni Thek.Napatuwid ng tayo si Amanda dahil nakatingin sa kaniya ang ginang na para bang siya ang hinihintay. Kaya naman noong lumabas na siya, kaagad siyang sinalubong ni Therese na may seryosong ekspresyon sa mukha."May magandang coffee shop sa labas, baka gusto mong magkape muna bago pumunta sa kung saan ang susunod mong pupuntahan?"Nagulat si Amanda sa pag-anyaya ni Therese. Pero tumango pa rin siya. Kung anong pakay ngayon sa kaniya ng ina ni Theo, hindi niya alam. Naunang maglakad
SA ISANG French restaurant tumugtog si Amanda. Bigatin ang mga bisita sa lugar kaya hindi niya mapigilang malula. May mangilan-ngilan pang nag-aalok sa kaniya na maka-table siya at willing doblehin ang bayad sa kaniya pero magalang lamang na tumanggi si Amanda.Pasado alas diez na ng kausapin siya ng manager ng restaurant. Mukha namang satisfied ito sa naging performance ni Amanda at talagang nagbigay pa ng tip bago ito umalis.Nang nakalabas siya sa restaurant ay napatigil siya matapos marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan."Mandie!"Bahagyang nagulat si Amanda nang mapagtantong ang Kuya Harry niya pala iyon. Naka-park ang kotse nito malapit sa direksyon niya."Ihahatid na kita, Mandie. Gabi na, oh," ani Harry at pinagbuksan pa siya ng pintuan ng kotse nito.Gusto mang tumanggi ni Amanda dahil nakakahiya naman pero mas nakakahiya naman kung paghintayin pa niya si Harry. Kaya kaagad siyang pumasok sa kotse nito. May kung anong kinuha si Harry sa backseat at inabot iyon kay Amanda
UMIGTING ANG PANGA ni Theo at tila nagtitimpi hanggang nakapasok na nga si Amanda sa loob ng tinutuluyan nito. Naiinis siya sa sarili dahil kailangan niyang pigilan ang asawa sa kagustuhan na makipagdivorce sa kaniya, na hindi dapat simula't sapul palang.Ang laki na ng pinagbago ni Amanda. Hindi na ito ang babaeng pinakasalan niya, ang babaeng willing sundin lahat ang kagustuhan niya... ang babaeng kayang gawain lahat ng mga pinapagawa niya.Ibang-iba na siya at hindi gusto ni Theo iyon. Kahit ano na yatang gawin niya para mapabalik si Amanda sa puder niya, mukhang wala na talagang balak ang babae na baguhin ang desisyon. At ayaw niya iyon! Hindi pwedeng ganito. Si Amanda lang ang babaeng kayang tumiis sa kaniya. Kaya kailangang sa kaniya lang ito at hindi mapupunta sa iba.NANGINGINIG ANG tuhod ni Amanda habang papasok sa bahay matapos mabilis pulutin ang lunchbox na bigay sa kaniya ni Harry kanina. Hindi man lang niya namalayan na nabitawan niya iyon kanina. Naiinis siya lalo kay
MASAYA ANG lahat dahil sa special holiday. Nagkakatuwaan dahil sa iba't ibang mga gimik ng mga tao para magdiwang sa importanteng araw.Pero walang nakakaalam na naghihirap si Amanda...Ang ama niya... Ang kuya niya...Tapos ito naman... ang baby niya na maaaring mawala sa kaniya dahil sa dugong lumabas mula sa kaniyang gitna ng mga hita! Hindi niya kakayanin!Sa isang iglap, pumasok bigla ang mga sinabi ni Theo sa kaniya. Na gusto nitong kada umuwi siya sa trabaho ay may sasalubong sa kaniyang bata at yayakapin siya ng mahigpit. Doon palang ay mapapawi na ang pagod nito sa maghapong trabo.Pero... paano kung hindi na mangyari iyon? Paano kung hindi na mabibigyan si Amanda ng pagkakataon na makasama ang baby niya?Masakit ang buong katawan ni Amanda. Halos hindi na siya makahinga dahil sa halo halong pakiramdam. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Pero hindi siya susuko! Hindi pwedeng wala siyang gawin!Kahit hindi na siya... basta mailigtas lang ang anak niya ay ayos na siya.Pin
SINUBUKANG LUMAPIT ni Amanda kay Theo at muling nakiusap. "P-Please naman, Theo! Makinig ka sa 'kin! Kailangan ko ang tulong mo! Tumawag si Atty. Hernaez tungkol sa kaso--"Hindi na makumpleto pa ni Amanda ang dapat na sasabihin dahil bahagya siyang itinulak ni Theo. Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nakakaintindi, Amanda? Ang sabi ko, pag usapan na lang natin ang tungkol diyan pagbalik ko! Hindi ko rin naman maasikaso iyan ngayon!""P-Pero, ang kapatid ko! Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya! Baka mas lalong humaba ang panahon na pagkakakulong niya. Kung malaman ito ni Papa, h-hindi niya kakayanin! Please, maawa ka naman! Gagawin ko ang lahat! K-Kung gusto mong hindi na kita kailanman ididvorce, s-sige! Sige, gagawin ko! Basta tulungan mo lang kami!" sabi pa ni Amanda bago abutin ang kamay ni Theo at hinawakan iyon habang nagmamakaawa ang tingin na ipinukol niya dito.Napatingin si Theo sa kamay niyang hawak ni Amanda at napaigting na lang ng panga. "Ganito na lang ba talaga, Amand
BASA ANG MGA matang nagising si Amanda mula sa magandang panaginip na iyon. Natulala pa siya ng ilang minuto bago siya tuluyang napabangon nang katukin siya ng isa sa mga kasambahay at may inabot na telepono."Ma'am, may tawag ka po," ani ng kasambahay.Tumango si Amanda at tinanggap ang telepono. Nang sagutin niya iyon ay napakunot lang ang noo niya. Paano ba naman kasi ay medyo choppy ang nagsasalita at hindi maintindihan ang sinasabi nito. Dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan bigla kaya hindi na gaanong napagtuonan ng pansin ni Amanda ang tawag. Namatay na lang ang tawag na hindi man lang alam ni Amanda kung para saan ang tawag.Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan malakas ang buhos ng ulan. Sinamahan pa iyon ng panaka nakang pagkulog at kidlat."Grabe na talaga ang pagbabago ng klima ngayon! Summer na summer pero umuulan! May kasama pang kulog at kidlat! Ayos lang po ba kayo, Ma'am? Hindi naman kayo takot?" may pag aalalang tanong ng kasambahay kay Amanda.Mabilis
ISANG LINGGO lang naman ang inabot ng business trip ni Theo sa abroad. Bumalik din siya agad. Ang kaso nga lang sa pagbabalik niya, walang nagbago sa pagitan nila ni Amanda. Naging malamig pa rin sila sa isa't isa.Nafrufrustrate na si Theo sa totoo lang. Pero mukhang wala pa rin talagang plano si Amanda na bawiin lahat ng mga desisyon nito. Sa sitwasyon nilang iyon, hindi maiwasan ni Loreign ang mas maguilty lalo. Inopen up niya iyon nang magkita sila ni Amanda sa isang coffee shop."Ayos pa ba kayo ni Theo?" tanong ni Loreign sa malungkot na tono.Umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Amanda at tumango. "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" balik tanong nito.Hindi nakasagot agad si Loreign. Dahil hindi naman siya tanga para hindi mahalata na peke ang ngiting namuo sa labi ni Amanda, eh. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Bakas ang tila ba kapaguran sa ekspresyon nito."Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harapan ko, eh. Kasalanan ko 'to! Okay ka na, eh
NAGING TULIRO si Theo sa mga sumunod na araw. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na wala na ang Lola niya. Kailanman ay hindi ito pumasok sa isipan niya. Pero... kahit anong pikit niya sa mga mata, nakikita niya ang tila ba natutulog lang na lola niya sa isipan... pero wala ng buhay.Bumagsak ang timbang niya sa nagdaang araw. Inasikaso niya ang ilang mga papeles ng lola niya at ang lamay nito. Kinailangan niyang pakiharapan ang mga bisitang pumupunta. Pagod na pagod ang katawan ni Theo pero kailangan niya iyon para makatulog siya agad. Ang kaso nga lang, hindi na siya nakakain ng maayos dahil masyado na niyang pinagkabusyhan lahat. Dumagsa ulit ang mga bisita, kabilang na doon si Harold na hindi rin inexpect ni Theo. Pero dahil sa dami ng mga iniisip, hindi na niya gaanong pinagtuonan ng pansin iyon. Saka na lang niya naalala nang kinausap siya ng ina niya."Bakit mo hinayaang bumisita ang bastardong iyon dito? Theo nama
INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
MALALIM NA ANG gabi nang makauwi si Theo sa mansion nilang pamilya. Umuulan ng mga panahon na iyon kaya sinalubong siya ng isa sa mga katiwala sa bahay para payungan siya.Pagod siya ulit ng araw na iyon. Naghalo halo na dahil bukod sa trabaho, hindi na rin gumaganda ang sitwasyon ng lola niya. Hindi siya makapagconcentrate sa kaisipan na baka... ayaw isipin ni Theo ang mga negatibong bagay na pilit umuukilkil sa utak niya.At isa pa, nabobother din si Theo dahil tinatawag siya sa ibang pangalan ng lola niya. Tinatawag siya sa pangalan ng ama niyang matagal ng hindi nagpapakita. Napakuyom si Theo dahil do'n. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa kabila ng pang iiwan sa kanila ng ama niya, ito pa rin ang hinahanap ng lola niya, kahit dala pa iyon ng katandaan niya o sa dinaramdam.Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng paningin niya si Amanda. Sinalubong din siya ng isa sa mga kasambahay."Good evening po, Ser. Si Ma'am Amanda po ba ang hanap niyo?" tanong nito."Oo. Nasaan siya?""N
"MA'AM, LUMALAMIG na po ang gatas niyo. Gusto niyo po bang palitan ko?"Napukaw ang atensyon ni Amanda sa biglang nagsalitang kasambahay. Napabalik tuloy sa kasalukuyan si Amanda. Masyado siyang nahulog sa pag iisip kanina.Agad niyang tinanguan ang kasambahay. "Sige po. Maraming salamat," aniya dito. "Walang anuman po." Umalis na ang kasambahay kalaunan. Habang naghihintay si Amanda ay sakto namang lumapit ang isa ulit sa mga kasambahay. Takhang binalingan niya ito."Ma'am Amanda, pasensya na po sa disturbo. May naghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng kasambahay na siyang naging rason ng pagkakakunot ng noo ni Amanda."Sino daw?" balik tanong niya."Si Ms. Ynah Olarte po," sagot nito.Bahagyang natigilan si Amanda. Kani kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya ang bagong babae na nalilink kay Theo. Tapos ngayon malalaman niya na nandito ito ngayon at hinahanap siya? Talaga naman...Napabuntong hininga si Amanda at tumango. "Ako ng bahala," aniya sa kasambahay."Sige po, Ma'am."Ila
NATAHIMIK SI Theo matapos ng lahat ng mga sinabi ni Amanda. Gustong gusto niyang patulan ito ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang maayos naman kahit papaano ang gusot nila ngayon.Pilit na prinoseso lahat ni Theo ang mga sinabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay nagjojoke lang ito. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong iwan kasama ang anak nila! Hindi niya makakaya iyon!Hindi naramdaman iyon ni Theo dahil sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Amanda, ramdam niya na gusto nito iyon. Parang hindi naman ito napipilitan. At kahit papaano, nagkaroon ng pag asa doon si Theo na makukumpleto na rin sa wakas ang pamilya nila. Magiging buo sila at hindi maghihiwalay.Pero ang marinig ang pagkadisgusto ni Amanda sa mga nangyari sa kanilang dalawa ay para bang punyal na tumarak sa dibdib ni Theo. Hindi siya makapaniwala."Kung gano'n... lahat ng mga maiinit na tagpong pinagsaluhan natin... pagpapanggap lang sa iyo, huh?" mapait na wika ni Theo at napayuko habang nakaigting ang p