"L-LAYUAN MO na ako, Theo! Patahimikin mo ang buhay ko!" pasigaw na sabi ni Amanda, hindi pinansin ang tanong ni Theo kahit ang totoo ay alam niya.
Minsan nang naaksidente at na-comatose si Theo. Dahil mahal na mahal niya noon si Theo, walang palyang binibisita niya ito. Kinakausap niya ito minsan kapag tulog. Pero minsan, plineplay niya ang recorded na tunog ng pagva-violin niya. Kapag busy siya noon, talagang nakikisuyo pa siya sa nurse sa ospital na patugtugin para sa kaniya.Gusto niyang sabihin iyon kay Theo, pero para ano pa? Hindi rin naman ito maniniwala.Tila nag-alab naman ang mga mata ni Theo sa kaniya. "Hindi ko ibibigay kailanman ang gusto mo, Amanda.""Ano bang gusto mo para tantanan mo na ako? Tuldukan na natin kung anong meron sa atin, Theo! Ilang ulit ko bang babanggitin dapat sa 'yong magdidivorce na tayo?" nanghihinang saad ni Amanda. "Hindi na tama 'to. Hindi na tamang lalapit-lapitan mo na lang ako kung kailan mo gusto!"Ngumisi ang lalaki. "Gagawin ko kung anong gusto ko. At mananatili kang kasal sa 'kin habambuhay, Amanda. Pagbabayaran mo sa mahabang panahon ang kasalanan mo sa akin ng gabing 'yon!""Wala akong alam diyan, Theo! Hindi kita drinoga-- hmp!" Naputol ang sinasabi ni Amanda nang hinalikan siya nang mariin ni Theo sa labi. Ramdam niya ang kamay ni Theo sa likod ng ulo niya, sumasabunot sa nakalaylay niyang buhok.Ang isang kamay ni Theo ay naglakbay na sa ilalim ng dress na suot niya, mapanghanap. Nang madama ang pakay ay nanginig si Amanda. Mainit. Nakakapaso ang hawak ni Theo.Hinaplos siya ni Theo doon kahit may telang nakaharang. Mahigpit din ang hawak sa kaniya ng lalaki kaya hindi siya nahulog sa sahig nang tuluyan."Ito ba ang makikipagdivorce? Hindi mo madadama ito sa ibang lalaki, Amanda. Ako lang ang makakagawa nito sa 'yo," mapang-akit na bulong ni Theo sa puno ng tenga niya bago s******n iyon.Paulit-ulit siyang hinaplos doon ni Theo. At mas naging sensitibo ang pakiramdam niya. Hanggang sa hindi na nakayanan pa ni Amanda.Sumabog siya na tila isang mainit na bulkan. At nang natapos ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig.Hindi dapat niya nadama iyon... dahil mali. Maling-mali..."KUMUSTA KAYO, Ma?" tanong ni Amanda kay Sylvia, ang stepmom niya nang makauwi siya sa tinutuluyan nilang apartment ngayon.Maliit lang ang lugar, malayong-malayo sa bahay na kinalakihan niya na naibenta na. Pero ang mahalaga naman, nasa mabuti silang kalagayan.Ilang araw nang umuuwing pagod si Amanda. Paiba-iba kasi siya ng raket at kung saan-saan na nagpeperform sa tulong ni Loreign. Ngayon na lang ulit sila nagkakapang-abot ng stepmom niya."Ayos naman. Ikaw, kumusta? Kayo ng asawa mo?" tanong ni Sylvia."Ma, nakuwento ko na sa 'yo noong isang araw, 'di ba? Makikipagdivorce na ako kay Theo."Kumunot ang noo ni Sylvia. "Naku naman, Amanda! Bakit naman ganiyan? Kapag nagdivorce na kayo, mas lalo kang walang makukuha sa kaniya! Tandaan mo, nasa ospital ang daddy mo. Tapos ang kuya mo, kailangan ng magaling na abogado dahil sa kinakaharap na kaso. Si Theo lang ang makakatulong sa 'tin diyan!"Huminga ng malalim si Amanda. "Gagawan ko ng paraan, Ma. Natatrabaho naman ako, eh..."Umiling si Sylvia. "Sa tingin mo, magiging sapat 'yang kinikita mo? Dapat tiniis mo na lang kung ano mang hindi niyo pagkakaunawaan! Para hindi na tayo umabot sa puntong 'to ngayon. Dapat mas naging praktikal ka na lang!"Pasimpleng kumuyom ang kamay ni Amanda. Naiintindihan naman niya ang punto ni Sylvia. Pero wala naman nang silbi pa ang lahat dahil makikipaghiwalay na siya kay Theo.'Yang pera na 'yan? Kaya niyang kitain at gawan ng paraan 'yan. Pero 'yung sakit at pagkawala ng respeto niya sa sarili niya nang hibang na hibang pa siya kay Theo, hindi na basta-basta mabubura 'yon."Tulungan mo na lang ako, Ma. Humahanap ako ngayon ng buyer ng wedding ring ko."Suminghap si Sylvia. "Ano?! Amanda naman! 'Wag mo nang hiwalayan si Theo...""Pinal na ang desisyon ko, Ma. Hindi na magbabago pa ang isip ko," ani Amanda.Hindi na magawang sumagot pa ni Sylvia. Tumayo ito at iniwan si Amanda doon.Tiningnan ni Amanda ang wedding ring sa kamay at tinanggal iyon. Makinang at maganda pero hindi na kagaya noon na kaya pa niyang titigan ng matagal iyon. Ipinapaalala lang nito kung gaano siya katanga sa pag-ibig niya kay Theo.NAIBENTA NI Amanda ang wedding ring. Kahit papaano, may pandagdag ipon siya para sa medication ng ama niya pati na rin para sa abogado ng kuya niya.Pinuntahan niya ulit ang ama sa ospital at bumisita. Kasalukuyang tulog at nagpapahinga si Andres habang pinagmamasdan lang siya ni Amanda. Inayos niya rin ang kama nito para maging kumportable ito sa tulog.Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na si Amanda. Pero nagulat siya nang makita ang pamilyar na babaeng naka-wheelchair hindi kalayuan sa kinatatayuan niya."Sofia..."Minanipula ni Sofia ang wheelchair papalapit sa direksyon ni Amanda. Ngumiti ang babae pero pakiramdam ni Amanda, may kung ano sa ngiti niyang iyon."Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na tanong ni Sofia.Nag-isip pa si Amanda. Ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay ang babaeng kinababaliwan ng asawa niya. Ang natatanging babaeng bumihag sa puso ng mailap na si Theo.May ideya na si Amanda kung ano ang pag-uusapan nila kaya tumango siya kay Sofia. Nagpunta sila sa dulo ng hallway sa ospital kung saan walang tao."Anong pag-uusapan natin?" tanong kaagad ni Amanda. "May kailangan ka ba sa 'kin?"Sumeryoso na ang ekspresyon sa mukha ni Sofia, taliwas sa magaang ngiti nito kanina. "Isa lang naman ang gusto ko ngayon. Ang layuan mo na si Theo..."Hindi mapigilan ni Amanda ang pagtaas ng kaniyang kilay. Hindi niya inaasahan na marinig ito mismo kay Sofia ngayon. Lumipas ang ilang segundo, hindi tuloy siya nakapagsalita at hinayaan lang si Sofia sa sinasabi."Alam kong kilalang-kilala mo na ako. Ako lang naman ang tunay na minamahal ni Theo kahit pa ikaw ang pinakasalan niya," sabi nito. "Kaya dapat lang na panahon na para umalis ka na sa buhay ni Theo para makapagsimula na kami ng bago. Hindi namin magagawa 'yon kung patuloy kang manggugulo sa amin."Kumunot ang noo ni Amanda. "Teka... ako? Nanggugulo?" Tumawa nang mapakla si Amanda. "Kung hindi mo pa alam, nakikipag-divorce na ako kay Theo. Kung may dapat kang pagsabihan dito, si Theo 'yon. Rendahan mo siya kung gusto mo!"Tumalim ang tingin ni Sofia kay Amanda. "Sinungaling ka! Kaya hindi magawang mahalin ni Theo sa loob ng tatlong taong kasal kayo dahil sa masahol mong ugali!""Alam kong hindi niya ako mahal, Sofia. Hindi mo na kailangang ipamukha iyon sa akin! 'Wag kang mag-alala. Sa 'yong sa 'yo na si Theo. I*****k mo pa siya sa baga mo kung gusto mo!"Pagak ding natawa si Sofia. "Sa kalagayan natin ngayon, mas kawawa ka pala talaga. Siguradong kapag legal na kayong magkahiwalay ni Theo, mas mahirap ka na sa daga. At ako... magpapakasasa ako sa bagay na dapat napunta sa 'kin nung una pa lang." Ngumisi ito."Sa tingin mo, may pakialam pa ako diyan, Sofia? Wala na!"Ngumisi si Sofia. "Gusto ko lang ipamukha sa 'yo ang mawawala sa 'yo. Mamatay ka sa inggit, Amanda!" Halakhak nito. "Sa ilang taong kasal kayo, hindi ka niya itinuring na asawa. 'Yung pamilya mong naghihikahos ngayon ni hindi nga niya matulungan, eh."Tumalim ang tingin ni Amanda. "Hindi niya matulungan ang pamilya ko? Ayos lang dahil kaya ko namang maghirap at magtrabaho para natulungan sila. Hindi ako kagaya mong manggagamit ng tao para umangat. Magkaibang-magkaiba tayo, Sofia. Magkaibang-magkaiba..." Ngumisi siya. "At si Theo... gaya ng sabi ko, sa 'yong sa 'yo na. Tutal naman mahilig kang mamulot ng basura..."Iyon lamang ang huling sinabi ni Amanda bago umalis doon at iniwan ang nanggagalaiting si Sofia.NAGKASAKIT ANG Lola ni Theo na si Victoria kaya napapunta siya sa mansion isang araw. Ayaw man niyang pumunta, tumuloy pa rin siya at bumisita."Kumusta ang lagay mo, 'La?" tanong ni Theo sa matanda habang nakahiga ito sa kama."Kayo ang kumusta ng asawa mo. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ni Victoria na ikinabuntong hininga ni Theo."'La, darating din tayo diyan," sagot na lang niya dahil wala naman sa plano 'yon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Amanda, pinapaalalahanan niya itong magpills upang hindi mabuntis."Kailan? Tumatanda na ako, Theo. Gusto ko nang makarga man lang ang apo ko bago ako mamatay!"Bumuntong hininga si Theo. "'Wag kang magsalita ng ganiyan, 'La. Mabubuhay ka pa nang matagal.""Kuu! 'Wag ka kasing kukupad-kupad. At ano itong nababalitaan ko, ah? Na may dinate ka sa Paris at pinaghandaan pa ng surprise fireworks display nung nakaraan? Gumastos ka pa talaga ng malaki!" Sinamaan siya ng tingin ng matanda."'Wag mo nang pansinin 'yon, 'La. Mas lalo ka la
BUMISITA ULIT si Amanda sa ospital. Inalagaan niya ang kaniyang ama at sinubukang kalimutan ang lahat kahit na sa totoo lang ay naiinis na siya kay Theo. Siya lang naman ang puno't dulo ng mga inaalala niya ngayon at ang hindi nito pagpayag sa divorce.Kasama niya ngayon ang stepmom niya. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa padre de pamilya kahit anong awat nito sa kanila.Makailang saglit lamang ay nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa si Theo na siyang nagpakunot ng noo ni Amanda. Pasimple pa siyang kinalabit ni Sylvia na para bang nagtatanong kung bakit naparito si Theo nang hindi man lang nagsasabi.Nakipagtitigan lang si Amanda kay Theo na para bang ang daming gustong sabihin. Siguro patungkol sa divorce agreement. Tila nakaramdam naman si Sylvia ng tensyon sa pagitan ng dalawa."Naku, Theo! Napadalaw ka, anak?" ani Sylvia bago tumikhim at tiningnan si Amanda. "Amanda, 'wag kang basta tumayo na lang diyan! Asikasuhin mo ang asawa mo. Baka gusto niya ng ma
BAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isan
AALIS NA SANA si Amanda pero bigla siyang hinila sa bewang ni Theo na para bang niyayakap mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki, maging ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.Malakas ang aircon sa loob ng opisina ni Theo pero parang wala iyon silbi sa init na nagmumula sa katawan nila. "A-Ano ba, Theo?" Halos pabulong na sabi ni Amanda, pilit na nagpumiglas kahit trinatraydor siya ng sariling katawan nang nagsimulang haplusin ni Theo ang katawan niya papalapit sa kaniyang dibdib.Idinikit ni Theo ang labi sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Ramdam ni Amanda ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Theo doon na siyang nagdala ng nginig sa kaniyang katawan.Ngumisi si Theo. "Paulit-ulit ka sa pagbanggit ng divorce na 'yan, huh? Bakit? Sino na lang ang makakapag-satisfy sa 'yo sa kama kung 'di ako? Masyado kang mapagmalaki, Amanda."Nang gumalaw muli ang isang kamay ni Theo, napunta na iyon sa kaniyang pang-upo, pumisil doon na siyang ikinakusot nang bahagya ng kaniya
HINDI ALAM ni Amanda kung paanong natapos niya ang isang tugtog kahit pa medyo distracted siya ngayon. Kagabi, dahil sa napanuod niya, parang hindi siya makapag-function bigla. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kailangan niyang magfocus sa mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin.Habang ilinalagay niya sa case ang kaniyang violin, natapunan ng pansin ni Amanda ang babaeng tila naghihintay sa kaniya sa labas. Bahagya siyang napatigil sa paggalaw.Ang isa pang Mrs. Torregoza, si Therese na ina ni Thek.Napatuwid ng tayo si Amanda dahil nakatingin sa kaniya ang ginang na para bang siya ang hinihintay. Kaya naman noong lumabas na siya, kaagad siyang sinalubong ni Therese na may seryosong ekspresyon sa mukha."May magandang coffee shop sa labas, baka gusto mong magkape muna bago pumunta sa kung saan ang susunod mong pupuntahan?"Nagulat si Amanda sa pag-anyaya ni Therese. Pero tumango pa rin siya. Kung anong pakay ngayon sa kaniya ng ina ni Theo, hindi niya alam. Naunang maglakad
SA ISANG French restaurant tumugtog si Amanda. Bigatin ang mga bisita sa lugar kaya hindi niya mapigilang malula. May mangilan-ngilan pang nag-aalok sa kaniya na maka-table siya at willing doblehin ang bayad sa kaniya pero magalang lamang na tumanggi si Amanda.Pasado alas diez na ng kausapin siya ng manager ng restaurant. Mukha namang satisfied ito sa naging performance ni Amanda at talagang nagbigay pa ng tip bago ito umalis.Nang nakalabas siya sa restaurant ay napatigil siya matapos marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan."Mandie!"Bahagyang nagulat si Amanda nang mapagtantong ang Kuya Harry niya pala iyon. Naka-park ang kotse nito malapit sa direksyon niya."Ihahatid na kita, Mandie. Gabi na, oh," ani Harry at pinagbuksan pa siya ng pintuan ng kotse nito.Gusto mang tumanggi ni Amanda dahil nakakahiya naman pero mas nakakahiya naman kung paghintayin pa niya si Harry. Kaya kaagad siyang pumasok sa kotse nito. May kung anong kinuha si Harry sa backseat at inabot iyon kay Amanda
UMIGTING ANG PANGA ni Theo at tila nagtitimpi hanggang nakapasok na nga si Amanda sa loob ng tinutuluyan nito. Naiinis siya sa sarili dahil kailangan niyang pigilan ang asawa sa kagustuhan na makipagdivorce sa kaniya, na hindi dapat simula't sapul palang.Ang laki na ng pinagbago ni Amanda. Hindi na ito ang babaeng pinakasalan niya, ang babaeng willing sundin lahat ang kagustuhan niya... ang babaeng kayang gawain lahat ng mga pinapagawa niya.Ibang-iba na siya at hindi gusto ni Theo iyon. Kahit ano na yatang gawin niya para mapabalik si Amanda sa puder niya, mukhang wala na talagang balak ang babae na baguhin ang desisyon. At ayaw niya iyon! Hindi pwedeng ganito. Si Amanda lang ang babaeng kayang tumiis sa kaniya. Kaya kailangang sa kaniya lang ito at hindi mapupunta sa iba.NANGINGINIG ANG tuhod ni Amanda habang papasok sa bahay matapos mabilis pulutin ang lunchbox na bigay sa kaniya ni Harry kanina. Hindi man lang niya namalayan na nabitawan niya iyon kanina. Naiinis siya lalo kay
NALAMAN NI Theo na tutugtog si Amanda sa isang hotel and restaurant na pagmamay-ari ng nababalitang boyfriend ng kaibigan nitong si Loreign na si Elliot. Pina-arrange na ni Theo ang schedule niya sa secretary kaya malaya siyang makakapagpunta sa lugar.Bahagyang nagulat si Secretary Belle sa change of plans na biglaan ni Theo pero ano pa nga bang magagawa niya? Ginawa na lang niya ang trabaho niya.Mga alas nueve ng gabi ay nakarating na sa hotel si Theo. Kaagad niyang namataan ang kababatang si Jaxon. Nakaupo sila sa isang upuan kasama na rin si Elliot habang may mga beer na sa lamesa. Mukhang nagsimula na silang mag-inuman.Ilan sa mga kababaihan doon ay mga famous models din. Mukhang bigatin din talaga ang mga guests dahil ang ilan ay mula sa mga maimpluwensyang mga tao sa bansa.Si Elliot ang siyang unang nakapansin sa presensya ni Theo. "Wow! This is unexpected! Theo Torregoza is in the house, everyone! Napaka-rare ng pangyayaring ito!" natatawang aniya. "Pero actually, may mas r
SIRANG SIRA NA ang reputasyon ni Loreign. Ang mga dating humahanga sa kaniya noon dahil sa pagmomodelo niya, tumalikod na sa kaniya sa isang iglap. Hindi rin nakatulong na nadadamay siya at nasasabihan ng masasakit na mga salita dahil sa pagkakaugnay niya kay Gerald at pinakasalan nitong babae. Tinawag siyang kabit, social climber, gold digger, home wrecker at kung anu ano pa.At ang masakit pa doon, ni walang nagawa si Gerald para pigilan man lang iyon kahit may kakayahan siya. Mas naconvinced tuloy si Amanda na mabuti na lang, hindi ipinagsisikan ang sarili rito. Siya ang klase ng lalaking walang bayag at hindi siya kayang ipaglaban.Iyon ang nasa isip ni Amanda nang mga sumunod na araw. Hindi siya matahimik lalo pa at alam niyang maapektuhan ng sobra si Loreign dito kapag nagising na siya."Ayos ka lang, Amanda?"Agad napatingin si Amanda kay Sylvia na may nag aalalang ekspresyon sa mukha. Pilit na pinigil naman ni Amanda ang emosyon niya pero dahil kinikimkim niya iyon, parang sas
"BAKA NAIISIP mo lang na ako, siya dahil may resemblance pa rin kami kahit papaano. Paano na lang kung nasa kama kayo, baka habang nasa ibabaw mo siya, pangalan ko ang tinatawag mo--"Sinampal ni Amanda si Theo bigla. Hindi na niya nakayanan pa ang kabastusan ng bibig nito. "Gago ka!" sigaw ni Amanda dito pero parang mas nag apoy lamang ng galit ang mga mata ni Theo."Hindi kita binigyan ng permiso ko para magustuhan siya!" asik naman pabalik ni Theo na bahagyang ikinamaang ni Amanda.Hindi niya maatim kung gaano kakitid ang utak ni Theo! Matalino naman itong tao pero bakit ganito ito mag isip ngayon? Anong nangyari sa kaniya? Malala na siya noon pa man pero bakit parang mas malala siya ngayon?Napailing si Amanda, hindi makapaniwala sa asal ni Theo. "Ano ba, Theo? Paikot ikot na lang ba tayo? Hindi na ba matatapos ito? Gustong gusto mo akong angkinin sa maling paraan! Kahit pa wala na tayong relasyon! Nasisiraan ka na ba ng bait?""Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Amanda. W
NAKAKAGALIT na ang unang madatnan pa talaga niya pagpuntang ospital ay ang dalawang magkalapit at magkahugpong ang mga labi...Mabigat sa dibdib. Inaamin ni Theo iyon sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao niya at nakaigting ang panga. At ang mas nakakadagdag ng bigat sa dibdib niya ay ang katotohanang hindi man lang itinulak ni Amanda ang lalaki...Para bang nakatagpo sila ng comfort sa bawat isa't isa sa kabila ng lugar na kinatatayuan nila ngayon. At parehas na silang walang sabit. Single si Amanda pati na rin si Harold. At ano ang susunod? Maghihintay ng tamang panahon at magsisimula na rin sila ng sariling pamilya? Makakalimutan ni Amanda si Theo maging ang lahat ng sakit na naramdaman nito sa kaniya noong kasal pa lamang sila. Paano na siya? Saan siya pupulutin kapag si Harold na ang nagmamay ari sa puso ni Amanda?Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Theo. Pakiramdam niya ay magkakasugat na siya dahil bumabaon na ang sariling kuko niya sa balat. Pero wala na siya
GABI NA pero hindi magawang iwan ni Amanda si Loreign. Pinagmamasdan niya lang ito kahit na tulog na tulog pa rin ang kaibigan niya. Bumisita rin kinagabihan si Sylvia. Nalaman nito ang nangyari at may dala pang soup para sana kay Loreign pero nadismaya siya at nalungkot dahil hindi naman niya alam na walang malay ang kaibigan ni Amanda. Anak na rin naman ang turing ni Sylvia kay Loreign kaya hindi niya ring maiwasang maglabas ng hinanakit."Ang sasama ng mga may gawa nito kay Loreign! Bakit kailangang humantong sa ganito?" humihikbing tanong ni Sylvia habang dumadaloy ang luha sa pisngi.Tahimik lang din napaluha si Amanda dahil sa naging reaksyon ni Sylvia. Kalaunan ay parehas na silang kumalma. Hinarap ni Sylvia si Amanda."Wala ka pang pahinga, Amanda," puna ni Sylvia kay Amanda. "Hindi ka man lang nakapagpalit ng damit at ligo man lang. Ikaw na ang nagbantay sa kaniya pagkatakbo dito sa ospital. Pwede namang ako na muna dito. Sasabihan na lang kita agad kung may balita na kay Lo
TIGALGAL si Amanda matapos ibalita ng dontor ang sitwasyon ni Loreign. Hindi niya maapuhap ang tamang salita. Ang kaibigan niya... comatose. Tapos ang bata sa sinapupunan niya... wala na.Ang sakit! At kapag magising na si Loreign, hindi na siya magiging kagaya pa ng dati. Ano ba itong pagsubok na dumating sa buhay nilang mag ina? Ang saklap ng kinahinatnat nila pareho."Pwede mo na siyang dalawin mamaya sa ICU. Ililipat na siya doon," dagdag pa ng doktor nang hindi na nagsalita pa si Amanda."S-Salamat po, dok," ani Amanda nang makabawi at bahagya pang nautal dahil sa bikig sa lalamunan niya.Nang sa wakas ay iniwanan na siya ng doktor, bumalong masaganang luha mula sa mga mata niya. Ang sakit sa dibdib lahat ng mga nangyari. Si Loreign... ang dami niyang plano para sa kanila ng anak niya. Ang tanging gusto lang nito ay tahimik na buhay para sa anak. Plinano na niya lahat. Mamumuhay sila ng magiging anak niya ng matiwasay at payapa at magtatayo ng simpleng flower shop para may mapagk
HINDI NA NAKATIIS pa si Amanda. Talagang sumama siya kay Loreign para ihatid ito at masigurong ayos lang siya. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, Amanda. Pakiramdam ko, hindi ito totoo," hindi maiwasang sabihin ni Loreign. Bakas na bakas sa tono nito ang kaba. "At... feeling ko rin may mali. Ilang araw na pero parang walang nangyayari. Hindi ko maiwasang mag overthink na baka... baka may plinaplano sila sa akin at sa anak--""Shh. 'Wag mo ngang isipin iyan! Maingat tayo sa naging hakbang natin. Kaya walang mangyayari, okay?" ani Amanda sa kaibigan."O-Okay," sagot ni Loreign pero halatang hindi pa rin kumbinsido at mukhang kinakabahan. Naiintindihan naman ito ni Amanda. Talagang hindi na nito maiwasan pang mag isip ng kung anu ano dahil hindi na lang ang ang sarili nito ang kailangan na isaalang alang.Nang sa wakas ay oras na para magkahiwalay na talaga sila nang tuluyan, hindi na nila mapigilan pa ang mapaluha. Nagyakapan sila sa isa't isa."Magiging maayos din ang lahat, oka
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi