HALOS HINDI makahinga si Amanda habang binabasa ang isang article online patungkol sa asawa niyang si Theo. Ang kaniyang masasaganang luha ay tumulo na nang hindi man lang niya namamalayan.
[CEO ng Torregoza Group of Companies, spotted with her girlfriend na nagde-date sa Paris.]Makikita sa larawan kung gaano ka-sweet ang dalawa matapos maghanda umano ang CEO ng surprise fireworks display para sa kasintahan.Hindi mapigilan ni Amanda na mapangiti ng mapakla. Girlfriend, huh? Talaga namang hindi marunong makunteto ang asawa niya. Lumalandi sa ibang babae habang siya, laging tila namamalimos na lang ng pagmamahal niya."Pakiayos ang gamit ko."Halos mapatalon sa gulat si Amanda nang marinig ang pamilyar na boses ng asawa niyang kararating lang. Ni hindi niya alam na ngayon na pala ang balik niya. Galing ito sa flight niya galing sa ibang bansa para sa trabaho kahit ang totoo naman ay dinate lang nito ang babae niya.Hindi umimik si Amanda at pasimpleng pinunasan ang luha niya. "Saan ka galing?" tanong niya rito, walang emosyon sa boses bago harapin ang asawa niyang busy kalasin ang necktie nito."Trabaho. Saan pa ba? Tss," balewalang sagot ni Theo. "At hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, pakiayos ng gamit ko," aburidong dagdag pa nito.Hindi gumalaw si Amanda, tumitig lang sa asawa. Hinahanap niya kung saan ito nagkakaroon ng lakas ng loob humarap sa kaniya ngayon na para bang hindi ito galing sa babae niya."Hindi mo ako katulong," maikling saad ni Amanda na siyang nagpatuwid ng tayo kay Theo. Kung noon ay lagi siyang sumusunod sa gusto ni Theo, ngayon ay hindi.Sa ilang taon nilang mag-asawa, wala siyang ibang ginawa kundi unawain at alagaan si Theo. Gusto niyang maging isang butihing asawa para sa lalaki kahit pa isang malaking kahibangan iyon.Kumunot ang noo ng lalaki. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano na namang kaartehan ito, Amanda? 'Wag mong sabihing nagagalit ka pa rin sa 'kin dahil hindi ako pumayag na magtrabaho ka?! Ang babaw ng ikinagagalit mo sa 'kin, ah..." Tumawa ito nang mapang- uyam.Umiwas ng tingin si Amanda, nilunok ang bara sa lalamunan. Mababaw? Siya pa ngayon itong mababaw?Mababaw ba kung gusto niya lang naman ipagpatuloy ang pangarap niya sa larangan sa musika na isinantabi niya simula nang pakasalan niya si Theo? Mababaw bang pagtuonan naman niya ang mga kagustuhan niya sa buhay?Napakuyom ng kamao si Amanda. "Hindi lang iyon tungkol do'n, Theo. Marami... Marami na pakiramdam ko, malulunod na ako sa lahat ng mga kasalanan mo sa 'kin!" Tumaas na ang boses ni Amanda. Maging siya ay nagulat sa sariling boses. Pakiramdam niya ay para siyang isang bulkan na sasabog na lang bigla nang bigla na lang niyang naalala lahat ng paghihirap niya bilang asawa ni Theo.Napailing si Theo at napahilamos sa mukha. "Alam mo, Amanda... pagod ako. 'Wag mo muna akong dramahan ngayon.""Hindi lang naman ikaw ang napapagod, Theo. Pati ako, pagod na pagod na!"Kumunot ang noo ni Theo. "Saan ka ba pagod?! Maganda ang buhay mo sa puder ko! Naibibigay lahat ng gusto mo! At 'yang trabahong ipinagmamalaki mo sa 'kin... hindi mo kakayanin 'yun! Magsasayang ka lang ng oras at pagod mo."Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "At sa tingin mo, sapat bang maganda lang dapat ang buhay ko, huh?""Tang*na naman, Amanda! Ano bang gusto mo?! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" Sumigaw na rin si Theo. Animo'y puputok na ang litid ng pasensya niyang pinapangalagaan niya kanina pa. "Kailangan mo na naman ba ng pera?! Ibibigay ko, basta patahimikin mo lang ang buhay ko kahit sandali lang!"Tumawa ng pagak si Amanda. "Anong akala mo sa 'kin, 'yan lang talaga ang habol sa 'yo, huh?!""Totoo naman, eh! Kahit bali-baliktarin natin ang mundo..." Linapitan niya si Amanda at mariing hinawakan sa baba upang magpantay ang kanilang mukha. "...kailangan mo ang pera at yaman ko, Amanda. Hindi mo makakayang tumayo sa sarili mong paa nang wala ako."Kaagad lumayo si Amanda. "Ang mahirap sa 'yo, pera lang ang alam mong paganahin lagi. Bakit?! 'Yang limpak limpak mong salapi, kaya bang pagtakpan lahat ng kagaguhan mo sa babae mo?"Napatigil si Theo at mariing tumingin kay Amanda bago ito napatango. "Kung gano'n, nakita mo na ang balita..." wala sa sariling aniya.Napangisi si Amanda. "Oo, Theo. Kitang-kita ko na! Alam na alam ko nang ang asawa ko... may nilalanding ibang babae na pinaghandaan pa talaga ng isang magarbong date!" Tumawa ito ng sarkastiko.Umigting ang panga nito. "Masyado kang nagpapaniwala masyado sa balita. Hindi ako ang may pakana no'n. Idea 'yun ng sekretarya ko---""Kahit ano pang rason mo, hindi ko na kaya pang maniwala pa, Theo," mas kalmadong saad niya. "Kasi... hindi ko na kaya, Theo. Hindi ko na kaya pang makasama ka pa..."Tila nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Theo. "Anong... anong hindi mo na kaya?" naguguluhan na tanong niya.Humugot ng isang malalim na hininga si Amanda, animo'y pinapalakas ang loob upang masabi ang gusto sa asawa. Lumipas ang ilang segundo, tinitigan muli ni Amanda si Theo."Gusto kong mag- divorce na tayo, Theo. Itigil na natin 'to."Nasabi na niya nang tuluyan. At ipinagpapasalamat niyang hindi nabasag ang sariling tinig dahil ramdam niya ang tila bikig sa lalamunan. Tumakas na ang kaniyang sariling luha na kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Theo.Hindi inaakala ni Amanda na pagkatapos ng ilang taon, masasabi niya ang mga katagang iyon ng deretso mismo sa harap ni Theo. Hindi man naging maganda ang takbo ng kasal nila, totoo at wagas ang pag-ibig niya rito.Pero hindi kailanman iyon nasuklian ni Theo.Ang atensyon at puso nito ay nasa iisang babae lang na kailanman ay hindi mapapantayan o mahihigitan ni Amanda. Ang babaeng sana'y dapat nasa tabi ni Theo ngayon na tunay niyang mahal. Si Sofia...Nandilim lalo ang mga mata ni Theo. "Hindi ako makakapayag. Hindi, Amanda," matigas na sagot nito."Pero mas makakabuti ito sa atin! Mababalikan mo rin si Sofia--""Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya! Dahil sa 'yo... dahil sa 'yo, nasira ang pangarap kong pakasalan ang babaeng dapat na papakasalan ko. Sinira mo lahat nang gabing 'yon!" Namula ang mata nito at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Amanda.Napahagulgol si Amanda. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko magagawa iyon sa 'yo, Theo! Maniwala ka naman sa 'kin!" Hindi siya makapaniwala na sinisisi pa rin siya nito nang gabing 'yon. Ang gabing naging mitya ng pagpapakasal nila."Hindi, dahil alam kong plinano mo lahat!"Ngumisi kapagkuwan ang lalaki bago humakbang papalapit kay Amanda. Umatras lang naman ang babae hanggang maramdaman niya ang dulo ng kama sa likod ng tuhod. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa kama. Akmang babangon si Amanda pero mabilis na umibabaw si Theo sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang pulsuhan.Mabagsik ang mga matang ipinukol ni Theo kay Amanda habang nagpupumiglas ito."A-Ano ba, Theo?! Bitawan mo ako! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Gusto ko nang makipag-divorce!" Pilit na pinatapang ni Amanda ang boses.Isang halakhak lamang ang sagot ni Theo bago inilapit ang ulo mismo sa puno ng tenga ni Amanda. Ang mainit na hininga nito ay animo'y binubuhay ang kung ano sa tiyan nito. Ayaw mang aminin ni Amanda, malakas pa rin talaga ang epekto ni Theo sa kaniya.Pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki."Sa tingin mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..."Niyukumos bigla ng halik ni Theo si Amanda."HMMP!" Napaungol si Amanda sa paraan ng paghalik ni Theo sa kaniya. Walang pag-iingat. Kagaya ng mga naunang tagpo nila sa kama. Nalasahan pa ni Amanda ang dugo sa labi niya na kaagad sinipsip ni Theo. "Ano ba, Theo?!" Itinulak niya ito pero masyadong matigas ang katawan ni Theo. Mas naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg, sumisipsip at tila naadik sa amoy nitong matamis."Akin ka, Amanda. Tandaan mo, 'yan," bulong ni Theo sa kaniya, may mapaglarong ngisi sa labi, ang kamay ay mapaglarong hinila ang strap ng damit ni Amanda."I-Itigil mo na 'to, Theo kung ayaw mong mabuntis ako."Sa isang iglap, napatigil si Theo sa panghalik sa kaniya. Tila binuhusan ito ng malamig na tubig na may sangkaterbang yelo dahil sa narinig. Napangiti nang mapakla si Amanda.Noon pa man ay ayaw na ayaw ni Theo na mabuntis siya. Ayaw nitong bumuo sila ng sarili nilang pamilya kaya sinabihan siya nitong uminom ng pills na sinunod naman niya dahil masyado siyang n
"LOREIGN, PASENSYA na sa isturbo, ah? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng work ngayon," sabi ni Amanda kay Loreign habang nasa loob sila ng isang coffee shop.Si Loreign ay matagal nang kaibigan ni Amanda pero hindi na sila gaanong nagkikita matapos niyang mag-asawa. Isa itong model at kilalang-kilala ngayon sa industriya. 'Yun nga lang, hindi maganda ang reputasyon kaya marami pa rin siyang haters. Pero wala namang pakialam si Loreign doon. Tinapik ni Loreign ang balikat ni Amanda. "Ano ka ba, sis? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, dadramahan mo pa ako. Syempre, tutulungan kita!" ani Loreign. Ngumiti si Amanda. "Salamat, Loreign. 'Wag kang mag-alala, babawi rin ako pero hindi muna ngayon. Alam mo naman na, short budget ako ngayon. Kakabenta ko lang din ng bahay namin.""Speaking of bahay, kung may pera lang ako, ako na ang bumili ng bahay niyo para hindi mo binenta sa mas mababang halaga! Talagang determinado 'yang asawa mong gipitin ka, ah? Naku, kahit pogi 'yan, talagan
"L-LAYUAN MO na ako, Theo! Patahimikin mo ang buhay ko!" pasigaw na sabi ni Amanda, hindi pinansin ang tanong ni Theo kahit ang totoo ay alam niya.Minsan nang naaksidente at na-comatose si Theo. Dahil mahal na mahal niya noon si Theo, walang palyang binibisita niya ito. Kinakausap niya ito minsan kapag tulog. Pero minsan, plineplay niya ang recorded na tunog ng pagva-violin niya. Kapag busy siya noon, talagang nakikisuyo pa siya sa nurse sa ospital na patugtugin para sa kaniya.Gusto niyang sabihin iyon kay Theo, pero para ano pa? Hindi rin naman ito maniniwala.Tila nag-alab naman ang mga mata ni Theo sa kaniya. "Hindi ko ibibigay kailanman ang gusto mo, Amanda.""Ano bang gusto mo para tantanan mo na ako? Tuldukan na natin kung anong meron sa atin, Theo! Ilang ulit ko bang babanggitin dapat sa 'yong magdidivorce na tayo?" nanghihinang saad ni Amanda. "Hindi na tama 'to. Hindi na tamang lalapit-lapitan mo na lang ako kung kailan mo gusto!"Ngumisi ang lalaki. "Gagawin ko kung anong
NAGKASAKIT ANG Lola ni Theo na si Victoria kaya napapunta siya sa mansion isang araw. Ayaw man niyang pumunta, tumuloy pa rin siya at bumisita."Kumusta ang lagay mo, 'La?" tanong ni Theo sa matanda habang nakahiga ito sa kama."Kayo ang kumusta ng asawa mo. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ni Victoria na ikinabuntong hininga ni Theo."'La, darating din tayo diyan," sagot na lang niya dahil wala naman sa plano 'yon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Amanda, pinapaalalahanan niya itong magpills upang hindi mabuntis."Kailan? Tumatanda na ako, Theo. Gusto ko nang makarga man lang ang apo ko bago ako mamatay!"Bumuntong hininga si Theo. "'Wag kang magsalita ng ganiyan, 'La. Mabubuhay ka pa nang matagal.""Kuu! 'Wag ka kasing kukupad-kupad. At ano itong nababalitaan ko, ah? Na may dinate ka sa Paris at pinaghandaan pa ng surprise fireworks display nung nakaraan? Gumastos ka pa talaga ng malaki!" Sinamaan siya ng tingin ng matanda."'Wag mo nang pansinin 'yon, 'La. Mas lalo ka la
BUMISITA ULIT si Amanda sa ospital. Inalagaan niya ang kaniyang ama at sinubukang kalimutan ang lahat kahit na sa totoo lang ay naiinis na siya kay Theo. Siya lang naman ang puno't dulo ng mga inaalala niya ngayon at ang hindi nito pagpayag sa divorce.Kasama niya ngayon ang stepmom niya. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa padre de pamilya kahit anong awat nito sa kanila.Makailang saglit lamang ay nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa si Theo na siyang nagpakunot ng noo ni Amanda. Pasimple pa siyang kinalabit ni Sylvia na para bang nagtatanong kung bakit naparito si Theo nang hindi man lang nagsasabi.Nakipagtitigan lang si Amanda kay Theo na para bang ang daming gustong sabihin. Siguro patungkol sa divorce agreement. Tila nakaramdam naman si Sylvia ng tensyon sa pagitan ng dalawa."Naku, Theo! Napadalaw ka, anak?" ani Sylvia bago tumikhim at tiningnan si Amanda. "Amanda, 'wag kang basta tumayo na lang diyan! Asikasuhin mo ang asawa mo. Baka gusto niya ng ma
BAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isan
AALIS NA SANA si Amanda pero bigla siyang hinila sa bewang ni Theo na para bang niyayakap mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki, maging ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.Malakas ang aircon sa loob ng opisina ni Theo pero parang wala iyon silbi sa init na nagmumula sa katawan nila. "A-Ano ba, Theo?" Halos pabulong na sabi ni Amanda, pilit na nagpumiglas kahit trinatraydor siya ng sariling katawan nang nagsimulang haplusin ni Theo ang katawan niya papalapit sa kaniyang dibdib.Idinikit ni Theo ang labi sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Ramdam ni Amanda ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Theo doon na siyang nagdala ng nginig sa kaniyang katawan.Ngumisi si Theo. "Paulit-ulit ka sa pagbanggit ng divorce na 'yan, huh? Bakit? Sino na lang ang makakapag-satisfy sa 'yo sa kama kung 'di ako? Masyado kang mapagmalaki, Amanda."Nang gumalaw muli ang isang kamay ni Theo, napunta na iyon sa kaniyang pang-upo, pumisil doon na siyang ikinakusot nang bahagya ng kaniya
HINDI ALAM ni Amanda kung paanong natapos niya ang isang tugtog kahit pa medyo distracted siya ngayon. Kagabi, dahil sa napanuod niya, parang hindi siya makapag-function bigla. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kailangan niyang magfocus sa mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin.Habang ilinalagay niya sa case ang kaniyang violin, natapunan ng pansin ni Amanda ang babaeng tila naghihintay sa kaniya sa labas. Bahagya siyang napatigil sa paggalaw.Ang isa pang Mrs. Torregoza, si Therese na ina ni Thek.Napatuwid ng tayo si Amanda dahil nakatingin sa kaniya ang ginang na para bang siya ang hinihintay. Kaya naman noong lumabas na siya, kaagad siyang sinalubong ni Therese na may seryosong ekspresyon sa mukha."May magandang coffee shop sa labas, baka gusto mong magkape muna bago pumunta sa kung saan ang susunod mong pupuntahan?"Nagulat si Amanda sa pag-anyaya ni Therese. Pero tumango pa rin siya. Kung anong pakay ngayon sa kaniya ng ina ni Theo, hindi niya alam. Naunang maglakad
SUMAPIT NA ANG gabi ng linggo kung kailan gaganapin ang intimate party na sinabi ni Theo kay Amanda. Talagang pinaghandaan nila lahat lalo na si Amanda dahil ayaw naman niyang mapahiya.Madaming mga dumalo na mga board members at mga iba pang matataas na personalidad sa business na kakilala ni Theo. Pero nag imbita din naman si Amanda ng kakilala kagaya na lamang ni Mrs. Madriaga na dala rin si Jude, ang halos kaedaran na kaibigan ng ginang. Nakilala na noon ito ni Amanda sa isang event at hindi naman niya inexpect na makikita niya ulit ang lalaki ngayon.Nagkausap sila saglit at napangiti na lang si Jude habang hawak ang champagne nito. Gandang ganda si Jude kay Amanda pero nanghihinayang nga lang siya dahil hindi na niya ito pwedeng pormahan pa."Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo dito. Pero alam mo, mas hindi ko inaasahan na ikakasal ka ulit tapos sa iisa lalaki rin," ani Jude at napakamot sa likod ng ulo. "Sayang dahil wala na akong pag asa."Napailing na lang si Amanda. "H
PINILIT NA lang ni Amanda na ioccupy ang sarili sa ibang bagay para hindi siya nadidistract sa mga kumakalat na mga articles ni Theo at mga kasama nitong iba't ibang babae. Nagluto na lang siya ng makakain. Sakto namang nadaanan siya ng isa sa mga kasambahay."Aba, madame! Mukhang masarap iyan, ah? Ano pong iluluto niyo?" tanong ng kasambahay.Ngumiti si Amanda. "Ah, simpleng pasta lang naman ito," sagot niya.Akmang sasagot muli ang kasambahay pero nakarinig sila pareho ng ugong ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan sila pareho."Mukhang nakabalik na po si Sir!" ani ng kasambahay.Napatango na lang si Amanda dahil narinig na nila ang pagtigil ng sasakyan sa may bandang garahe ng kabahayan. Kalaunan ay pumasok na nga si Theo. Ang buong akala ni Amanda ay hindi siya papansinin ni Theo kagaya ng mga nagdaang araw. Pero nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya na may seryosong seryosong ekspresyon."Nakita mo ba lahat ng mga kumakalat tungkol sa 'kin?" bungad na tanong agad ni Theo kay Ama
NANATILING TIKOM ang bibig ni Amanda. Hindi na siya nagtangkang magtanong kahit na lantaran naman na ang ebidensya. At halata na rin naman sa ikinikilos ni Theo ngayon."Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari kagabi? At bakit may ganiyang amoy ang damit ko? Kung may kinita akong babae o ano?" tanong ni Theo at may mapait na ngiti sa labi. "O wala ka lang talagang pakialam, 'no?"Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni Amanda. "Ano pa ba ang dapat tanungin, Theo? Kitang kita naman na sa ebidensya. Ang sa 'kin lang naman, bakit ganitong lantaran? Wala naman kaso sa 'kin pero sana naman nagsabi ka," balewalang ani Amanda.Napailing na lang si Theo at napatawa ng sarkastiko. Dahil sa inis sa naging sagot ni Amanda ay mabilis niya itong kinarga at pinaupo sa sink. Pwersahan niyang ipwinesto ang sarili sa pagitan ng hita ni Amanda. Nailang naman si Amanda pero walang plano si Theo na pakawalan siya. Hindi pa nakuntento si Theo dahil mapanuya nitong ibinaba ang sleeve ng damit ni
TUMUNGO NGA sa club si Theo. Pagkapasok palang ay sumalubong na sa kaniya ang mga wild na mga tao at may mangilan ngilan pa siyang mga modelong namataan. Kung siya lang ang dating Theo, baka nanunggab na siya ng isang babae sa club. Pero hindi... hindi na siya naeexcite kagaya ng dati.Kaya naman mas pinili ni Theo na magstay sa isang sulok at uminom ng alak doon. Walang ni isang umisturbo sa kaniya dahil marahil takot sa kayang gawin ni Theo. Namataan pa ni Theo si Gerald na nakikipagflirt sa ibang babae. Pero halata namang napipilitan lang ito. Napailing na lang siya.Nang sumapit ang alas dose ng gabi, nabawasan na rin kahit papaano ang mga tao sa club. Napaismid pa si Theo nang may nakita siyang lalaki na sinusundo ng misis nito. "Tss!" Pakiramdam niya ay mas pumait ang alak na iniinom niya.Pero natigilan si Theo nang nakita si Gerald na kaharap na ang asawa nitong si Gia. Halatang naiinis si Gia kay Gerald pero hindi naman nagpaawat si Gerald at itinaboy pa ang babae."Umuwi na
NAPABUNTONG HININGA NA lang si Amanda at umiling. "Ano ba, Theo? Pagod ako kaya 'wag ka nang dumagdag. Simpleng seatbelt lang, binibig deal mo pa," nawika na lang ni Amanda.Napangisi na lang ng mapakla si Theo. "So, nakakapagod pala ako sa iyo, huh?" sagot naman niya.Gustong gustong sagutin ni Amanda si Theo. Pero para ano pa? Magtatagal na naman ang sagutan nila. Alam nila pareho na walang may gustong magpatalo sa kanila kaya sa halip na magsalita, itinikom na lang ni Amanda ang bibig.Ilang minuto ang lumipas ay pinaandar na lang ni Theo ang sasakyan. "Umuwi na tayo," anito at binilisan na lang ang pagmamaneho. Napakapit pa si Amanda sa sariling seatbelt dahil mabilis ang pagmamaneho ni Theo at halatang halata ang iritasyon nito. Mahigpit ang hawak nito sa manibela at nakaigting pa ang panga.Gustong sawayin ni Amanda si Theo pero pinigilan na lang niya ang sarili dahil baka mas mawala sa mood ang lalaki.Nang makauwi sila ay hindi sila nagtabi matulog. Sa sobrang iritasyon ni The
PAKIRAMDAM NI Theo ay tumigil bigla ang mundo niya sa pag ikot habang papalapit sa kaniya si Amanda. Nakalimutan na niya na naninigarilyo nga pala siya. Hanggang sa nasa harapan na niya si Amanda na may kunot ang noo. Tumingkayad ito para abutin ang sigarilyo sa labi ni Theo. "Itigil mo na itong paninigarilyo mo. Magsisimula na ang ribbon cutting. Pasok na tayo?"Napatitig lang si Theo kay Amanda. Pakiramdam niya ay nahypnotized siya ni Amanda at wala siyang kalaban laban. Parang nagpaubaya na lang siya kaya hindi na siya kaagad pang nakasagot."Napansin kong masyado kang naninigarilyo nitong mga nakaraang araw. Itigil mo na ito at masama lang sa kalusugan mo," sabi pa ni Amanda.Napakurap si Theo. "Nag aalala ka ba sa 'kin?" tanong niya pabalik kay Amanda.Akmang sasagot na si Amanda pero nagring bigla ang phone ni Theo sa bulsa. Mabilis na kinuha ni Theo ang phone at nakitang si Sofia ang tumatawag. Umigting ang panga niya. Ang wrong timing naman!Siguro sasabihan siya nito tungkol
SOBRANG LATE na ng gabi bago nagdesisyon si Theo na bumalik sa kwarto nila ni Amanda. Nadatnan niyang nakapikit na si Amanda at halatang tulog na dahil sa malalim nitong paghinga.Mabilis na naghubad ng damit si Theo at tinabihan si Amanda kama. Agad niyang niyakap ito at ibinaon ang mukha sa leeg nito. Medyo nanggigigil siya dahil sa lambot ng balat nito at matamis nitong amoy kaya medyo humigpit ang pagkakayakap niya kay Amanda. Bahagya tuloy itong kumislot.Bahagyang napangisi si Theo at binulungan ito sa tenga. "Sabihin mo sa 'kin ulit na mahal mo ako, Amanda. Sabihin mo..." aniya.Unti unting nagmulat ng mga mata si Amanda. Halatang narinig nito ang bulong ni Theo pero hindi niya ito sinagot. Oo, maaaring binalikan niya ulit ito. Sasamahan niya ulit ito sa mga event bilang asawa. Pagsisilbihan niya ito kagaya ng dati. Pero ang mahalin ulit ito? Hindi na maipapasigurado ni Amanda. At isa pa, dahil sa deal lang naman ito lahat. Wala ng iba pang rason.Sumikip ang dibdib ni Theo da
NAMALAYAN NA LANG ni Amanda na nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Umibabaw din sa kaniya si Theo na siyang mas nagpainit sa nararamdaman nila pareho kahit pa malakas ang buga ng aircon sa kwarto.Bumaba ang halik ni Theo sa leeg ni Amanda habang humahaplos ang kamay nito sa kaniyang hita, humahaplos doon na tila ba nanunuya. Pero nang akmang tataas na ang kamay ni Theo para hawakan si Amanda sa pagitan ng hita nito, pinigil ito ni Amanda."T-Theo, madami pa akong ibang aasikasuhin," pigil ni Amanda sa lalaki.Hindi nagpaawat si Theo. Humahalik pa rin ang labi nito sa leeg ni Amanda bago iyon tumaas para bumulong sa tainga nito. "Makakapaghintay naman iyan. Pwede mong ituloy pagkatapos ng dinner. Ito muna ngayon. Damn, sobra kitang namiss," tila ba nahihirapang anas ni Theo habang sinasamyo ang matamis na amoy ni Amanda.Pigil naman ni Amanda ang mapaungol ng malakas lalo pa nang humaplos na ang isang kamay ni Theo sa dibdib nito at piniga iyon. Napaliyad siya ng bahagya dahil do
ISANG LINGGO ANG nakalipas nang nadischarged si Loreign, dinala siya ni Amanda sa sementeryo para dalawin nila ang anak nito.Maaga pa kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin na yumayakap sa kanila. Lumuhod sa lupa si Loreign at hinawakan ang malamig na lapida ng nasawing anak. Hindi na niya inalintana pa ang duming kumapit sa kaniyang bistida dahil sa pagkakaluhod. Isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi ni Loreign. "Hello, anak. Ako 'to... si Mommy mo. Gusto ko lang magsorry sa iyo kasi... naging mahina si m-mommy. Hindi kita naprotektahan. Ni hindi mo man lang nasilayan ang ganda ng mundo. Sana... n-naging matatag ako. Edi sana... hindi nangyari ito sa iyo. S-Sorry, baby ko..."Napaiwas ng tingin si Amanda habang nag iinit ang sulok ng kaniyang mga mata. Nasasaktan siya para kina Loreign at ang anak nito. Naaawa na rin siya sa kaibigan. Dahil kung masakit na para kay Amanda, paniguradong tripleng sakit ang nararamdaman nito bilang isang