NAGMAMADALING NAGPUNTA si Theo sa sariling kotse at sumakay agad doon. Habang nagmamaneho ay nagring bigla ang cellphone niyang naka connect sa speaker ng kotse. Kaagad niyang sinagot iyon at nakitang si Sofia ang tumatawag."Hi, Theo! Ready na ako! Mga anong oras mo ako susunduin dito?" tanong ni Sofia, bakas sa tono ang pagka excite niya sa gabing ito."After thirty minutes, nandiyan na ako," sagot na lang ni Theo."Hihintayin kita, Theo! Sobrang excited na ako!"Hindi na nag abalang sumagot pa si Theo at ipinokus ang atensyon sa daanan. Mabuti na lang at hindi gaanong trapik ngayon kaya makalipas ang ilang minuto ay nasundo na niya rin sa wakas si Sofia.Bakas ang tuwa sa mukha ni Sofia nang nakita si Theo. Maputla ito bahagyang pumayat. Halatang may iniindang sakit. Matiyagang itinulak na lang ni Theo ang wheelchair nito bago sila tumulak na papunta sa venue kung saan kikitain nila si Klarisse.Ginagawa ni Theo ang lahat ng ito para kay Sofia dahil alam niyang matutuwa ito. Para k
SA HULI, ANG driver sa mansion ang nagtakbo kay Amanda sa ospital. Namimilipit na sa sakit si Amanda pero tiniis niya hanggang sa makarating sila sa ospital. Naagapan naman ang pananakit at nakompirma sa doktor na gastritis ang nangyari kay Amanda.Inadvice siyang magstay muna sa ospital. Wala namang nagawa na doon pa si Amanda. Mas okay na rin iyon dahil kung madischarge man siya agad, kakainin lang siya ng dissapointment sa mansion gayong wala pa rin si Theo."Ayos na po ba kayo, Ma'am?" tanong ng katulong na kasamang nagtakbo ng driver kay Amanda sa ospital."Oo, ayos na ako. Maraming salamat pala..." sagot ni Amanda na may munting ngiti sa labi."Pasensya na po pala, Ma'am. Sinubukan ko naman pong tawagan si Ser Theo pero--""Okay lang," pagputol ni Amanda sa sinasabi nito. "Wala kang dapat ihiningi ng pasensya."Naitikom ng ilang segundo ng katulong ang bibig bago napabuntong hininga. "Uh... punta lang po ako sa baba. Aasikasuhin ko ang tungkol sa bill niyo po para madischarge ka
NAESTATWA NANG bahagya si Theo sa pwesto niya dahil sa sinabi ng katulong. Nagitla lamang siya nang narinig mula sa kwarto ang pag ungol ni Sofia na para bang nasasaktan ito. Nataranta agad si Theo dahil doon pero bago siya bumalik sa loob ay narinig pa niya ang sinabi ng katulong."Ser, 'di niyo po ba susundan si Ma'am Amanda?" takhang tanong nito kay Theo.Tila doon lang natauhan si Theo. Mabuti na lang at saktong papunta sa kwarto ang doktor ni Sofia. Binilinan niya lang ang doktor na ito muna ang tumingin kay Sofia dahil lalabas lang siya sandali para sundan nga si Amanda.Nang nakababa na si Theo sa ospital, sakto namang bumunhos ang ulan. Dumaan ang sasakyan sa harapan niya at nakitang nasa loob no'n si Amanda dahil hindi naman heavy tinted ang bintana nito.Mula sa loob ay tahimik lamang na lumuluha si Amanda matapos ang mga binitawan niyang salita kay Theo kanina. Ilang segund lang ay natawag ng pansin niya ang lalaking tila sumusunod sa kotse kung saan siya lulan. Tsaka niya
"NAHIHIBANG KA na ba?!" Hindi mapigilang bulalas ni Theo kay Amanda nang nakita itong sinusunog ang wedding portrait nila at ang diary. Wala itong emosyon sa mukha habang sinusunog iyon at parang hindi nasasaktan sa init na unti unting gumagapang pataas sa kanyang balat.Hindi na nakapag isip pa ng maayos si Theo. Mabilis niyang inagaw mula kay Amanda ang nasusunog na diary at hindi na inalintana pa ang init doon at agad na inapuhap ang apoy."Ano bang ginagawa mo, Amanda?!" Hinihingal na tanong ni Theo sa mataas na boses."Wala ka nang pakialam doon," walang emosyon na sabi nito."Anong wala?! Bakit mo sinunog ang wedding portrait natin? Pati ang diary mo, hindi mo pinatawad!""Sabing wala kang pakialam doon, eh!"Hindi pinansin ni Theo ang sinabi nito at napailing. "Anong ibig sabihin nito, Amanda? Sinusukuan mo na ba lahat? Isusuko mo na lang basta ang nararamdaman mo para sa akin?" tanong niya at sa hindi malamang dahilan, natakot si Theo sa maaaring isagot nito."Oo! Isinusuko ko
"WALA AKONG gustong marinig sa mga sinasabi mo, Theo!" ani Amanda at pinilit umiwas kay Theo.Mas lalong umigting ang panga ni Theo dahil sa inasal ni Amanda. Isang buntong hininga ang kumawala mula sa kaniya na tila ba nagtitimpi siya bago tumango. "Gustong gusto mo talagang sagarin ang pasensya ko, Amanda," aniya sa ngayon ay mapanganib ng tono."Ano-- hmp!"Marubdob na hinalikan ni Theo si Amanda sa mga labi kaya hindi na nito nasabi pa ang sasabihin. Sa paraan ng halik nito ay tila pinaparusahan niya si Amanda. Nilasahan niya ang labi nito at ipinasok ang dila sa bibig. Agresibo at tila walang balak magpapigil si Theo kahit pa hindi iyon nasusuklian ni Amanda.Pinilit ni Amanda na itulak si Theo pero para bang mistula itong malaking bato na hindi niya maitulak. Wala itong planong pakawalan si Amanda kahit pa nagpupumiglas ito. Nawawalan na si Theo ng kontrol...Nang sa wakas pakawalan na ni Theo ang labi ni Amanda ay lumanghap si Amanda ng hangin. Hingal na hingal siya dahil sa p
KUNG TUTUUSIN, pwede namang magpadevelop na lang ng bago si Theo pero hindi niya ginawa dahil sa sentimental value ng picture. Si Amanda kasi ang mismo nagpagawa no'n kaya gusto niya, siya naman ang mag effort para dito. Pinuntahan ng personal ang isang magaling na magrestore ng photo na si Mark Reyes. Inexamine ni Mark kung anong pwedeng gawin sa wedding photo bago napailing."Bakit?" napatanong na lang si Theo.Bumuntong hininga si Mark. "Mr. Torregoza, mukhang imposible nang marestore pa ito. At tsaka, pwede ka namang magpagawa na lang bago kung gugustuhin mo. Kasi sa totoo lang, hindi naman na worth it kung iparestore mo pa ito eh, pwede namang magpadevelop na lang ng panibago."Umiling si Theo. "Importante 'yan sa 'kin. Hindi pwedeng basta na lang ako magpagawa ng bago. Kaya baka pwedeng bigyan mo pa ng second look, baka sakaling may magawa ka pa diyan. Handa akong magbayad kahit magkano."Iniabot ni Theo ang cheke. Napatigil naman ng bahagya si Mark doon bago tumango."Sige, Mr
SA MGA SUMUNOD na araw, mas ipinokus na lang ni Amanda ang atensyon sa sariling career. Mas pinag igihan niya ang pagsasanay para naman hindi mapahiya si Klarisse Virtucio sa pagpili sa kaniya. Gusto niyang patunayan na kaya niya da kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya ngayon lalo na sa marriage niya.At kahit papaano, may progress naman siya dahil hindi niya inaakala na may mga reporters at taga media na kyuruso sa kaniya patungkol sa talento niya sa musika. Kaya may mangilan ngilan na pinaunlakan si Amanda na maiikling interview lang at sa lahat ng iyon, may hindi siya nakakalimutang sabihin."Hi! Bago ako sumagot sa mga katanungan niyo, may isa lang sana akong hiling. Gusto kong magmula ngayon, i-address niyo ako bilang Miss Fabregas at hindi Mrs. Torregoza..."Natatahimik na lang ang mga taga media dahil sa sinabi ni Amanda. Gusto nilang magtanong kung bakit pero hindi na sinasagot pa iyon ni Amanda. Iniiba na lang niya ang usapan.Napanuod iyon ni Theo. Habang nasa opisina siya,
"AKO NA ANG bahala sa kanya," ani Gerald matapos nitong buhatin ang nagpupumiglas pang si Loreign. Pero ano nga ba ang laban nito, eh lasing na lasing na. Wala na itong nagawa pa.Tumango si Amanda bilang pagsagot. "Ingatan mo siya," paalala pa niya. "Gusto mong sumabay sa amin? Ihatid na rin kita pauwi."Kaagad umiling si Amanda. Ayaw naman niyang makadisturbo sa kanilang dalawa. Nakakahiya naman. "Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko pero salamat sa alok.""Okay. Alis na kami," paalam ng lalaki."Sige. Ingat kayo."Tumango ang lalaki bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo na karga si Loreign. Napabuntong hininga na lang si Amanda nang nakitang nagsisisigaw pa rin si Loreign. Mukhang kailangan talaga ng dalawang iyon ang mag usap at sana maayos na rin nila kung ano man ang hindi nila pagkakaunawaan.Nang naiwan nang mag isa si Amanda ay naisipan niya munang magstay doon. Uminom siya ng alak na order sa kaniya kanina ni Loreig hanggang sa maging tipsy na rin siya. Wala
PAKIRAMDAM NI Theo ay tumigil bigla ang mundo niya sa pag ikot habang papalapit sa kaniya si Amanda. Nakalimutan na niya na naninigarilyo nga pala siya. Hanggang sa nasa harapan na niya si Amanda na may kunot ang noo. Tumingkayad ito para abutin ang sigarilyo sa labi ni Theo. "Itigil mo na itong paninigarilyo mo. Magsisimula na ang ribbon cutting. Pasok na tayo?"Napatitig lang si Theo kay Amanda. Pakiramdam niya ay nahypnotized siya ni Amanda at wala siyang kalaban laban. Parang nagpaubaya na lang siya kaya hindi na siya kaagad pang nakasagot."Napansin kong masyado kang naninigarilyo nitong mga nakaraang araw. Itigil mo na ito at masama lang sa kalusugan mo," sabi pa ni Amanda.Napakurap si Theo. "Nag aalala ka ba sa 'kin?" tanong niya pabalik kay Amanda.Akmang sasagot na si Amanda pero nagring bigla ang phone ni Theo sa bulsa. Mabilis na kinuha ni Theo ang phone at nakitang si Sofia ang tumatawag. Umigting ang panga niya. Ang wrong timing naman!Siguro sasabihan siya nito tungkol
SOBRANG LATE na ng gabi bago nagdesisyon si Theo na bumalik sa kwarto nila ni Amanda. Nadatnan niyang nakapikit na si Amanda at halatang tulog na dahil sa malalim nitong paghinga.Mabilis na naghubad ng damit si Theo at tinabihan si Amanda kama. Agad niyang niyakap ito at ibinaon ang mukha sa leeg nito. Medyo nanggigigil siya dahil sa lambot ng balat nito at matamis nitong amoy kaya medyo humigpit ang pagkakayakap niya kay Amanda. Bahagya tuloy itong kumislot.Bahagyang napangisi si Theo at binulungan ito sa tenga. "Sabihin mo sa 'kin ulit na mahal mo ako, Amanda. Sabihin mo..." aniya.Unti unting nagmulat ng mga mata si Amanda. Halatang narinig nito ang bulong ni Theo pero hindi niya ito sinagot. Oo, maaaring binalikan niya ulit ito. Sasamahan niya ulit ito sa mga event bilang asawa. Pagsisilbihan niya ito kagaya ng dati. Pero ang mahalin ulit ito? Hindi na maipapasigurado ni Amanda. At isa pa, dahil sa deal lang naman ito lahat. Wala ng iba pang rason.Sumikip ang dibdib ni Theo da
NAMALAYAN NA LANG ni Amanda na nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Umibabaw din sa kaniya si Theo na siyang mas nagpainit sa nararamdaman nila pareho kahit pa malakas ang buga ng aircon sa kwarto.Bumaba ang halik ni Theo sa leeg ni Amanda habang humahaplos ang kamay nito sa kaniyang hita, humahaplos doon na tila ba nanunuya. Pero nang akmang tataas na ang kamay ni Theo para hawakan si Amanda sa pagitan ng hita nito, pinigil ito ni Amanda."T-Theo, madami pa akong ibang aasikasuhin," pigil ni Amanda sa lalaki.Hindi nagpaawat si Theo. Humahalik pa rin ang labi nito sa leeg ni Amanda bago iyon tumaas para bumulong sa tainga nito. "Makakapaghintay naman iyan. Pwede mong ituloy pagkatapos ng dinner. Ito muna ngayon. Damn, sobra kitang namiss," tila ba nahihirapang anas ni Theo habang sinasamyo ang matamis na amoy ni Amanda.Pigil naman ni Amanda ang mapaungol ng malakas lalo pa nang humaplos na ang isang kamay ni Theo sa dibdib nito at piniga iyon. Napaliyad siya ng bahagya dahil do
ISANG LINGGO ANG nakalipas nang nadischarged si Loreign, dinala siya ni Amanda sa sementeryo para dalawin nila ang anak nito.Maaga pa kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin na yumayakap sa kanila. Lumuhod sa lupa si Loreign at hinawakan ang malamig na lapida ng nasawing anak. Hindi na niya inalintana pa ang duming kumapit sa kaniyang bistida dahil sa pagkakaluhod. Isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi ni Loreign. "Hello, anak. Ako 'to... si Mommy mo. Gusto ko lang magsorry sa iyo kasi... naging mahina si m-mommy. Hindi kita naprotektahan. Ni hindi mo man lang nasilayan ang ganda ng mundo. Sana... n-naging matatag ako. Edi sana... hindi nangyari ito sa iyo. S-Sorry, baby ko..."Napaiwas ng tingin si Amanda habang nag iinit ang sulok ng kaniyang mga mata. Nasasaktan siya para kina Loreign at ang anak nito. Naaawa na rin siya sa kaibigan. Dahil kung masakit na para kay Amanda, paniguradong tripleng sakit ang nararamdaman nito bilang isang
"B-BAKIT MO NAMAN ginawa iyan?" tanong ni Loreign habang naluluha. Alam na alam ni Loreign kung gaano kagusto ni Amanda na makawala na kay Theo. Pero bakit naman ganitong binalikan na naman niya ito? Bakit babalik na naman siya sa dati? "Ginawa mo ba iyan para sa 'k-kin? A-Amanda, bakit ka naman nagsakripisyo para sa 'kin? H-Hindi ako worth it! Nahihibang ka na!" dagdag pa ni Loreign.Umiling agad si Amanda. "Papaanong hindi worth it? At hindi... hindi pa ako nahihibang. Nasa matinong pag iisip pa ako."Sunod sunod ang pagpatak ng luha ni Loreign at hindi pa rin kumbinsido. Umiling siya sa naging desisyon ni Amanda. Hindi pa rin siya makapaniwala. Napansin iyon ni Amanda kaya naisip niyang pagaanin ang loob nito. "'Wag mo na lang isipin 'yan. Ang importante ay nagising ka na. Hindi mo alam kung gaano ako nabaliw sa pag aalala para sa 'yo," ani Amanda.Yumakap si Amanda kay Loreign. Nagyakapan silang dalawa habang parehas na naluluha.BINISITA NG DOKTOR si Loreign para macheck kung ay
PAKIRAMDAM NI Amanda ay nanlamig siya lalo sa isiniwalat ni Theo. Ang dami na nilang pinagdaanang dalawa. Panahon na ba talaga para magsimula sila ng pamilya? Makakaya ba nila? Pero... naisip ni Amanda, wala na talaga siyang kawala kay Theo. Pinili niyang balikan ito kapalit ng tulong niya. Kaya... tama lang ba na ibigay rin ang gusto nito?Napabuntong hininga si Amanda at hindi nakasagot agad. Naisip niya ang sitwasyon nila ngayon. Ang dami pang kailangan na ayusin. Pakiramdam ni Amanda ay hindi pa ngayon ang panahon na magkaroon sila ng sarili nilang baby."Hindi pa nagigising si Loreign. At ang negosyo namin... hindi pa fully established. Sa tingin ko, hindi pa ngayon ang takdang panahon para diyan, Theo. Siguro mas mabuting sa susunod na taon na lang kapag... trenta ka na," ani Amanda.Gusto niyang kaltukan ang sarili dahil sa sinabi. Talagang kinokonsidera niya ang pagsisimula ng pamilya kasama si Theo, huh?Sa likod ng isip ni Amanda, hindi lang naman ang tungkol kay Loreign at
NAGSTAY SI AMANDA. Kahit anong sigaw ng utak niyang hindi dapat, natagpuan na lang niya ang sariling nadadarang sa mga init ng haplos at halik ni Theo sa kaniya. Napahiga siyang muli at umibabaw si Theo sa kaniya habang pinapaulanan ng halik ang kaniyang mukha pababa sa leeg. Pilit na pinigil ni Amanda ang mga ungol na gustong umalpas sa labi niya habang hinuhubaran siya ni Theo. Hulog na hulog na siya sa sensasyon na hatid ng labi ni Theo. Hanggang sa isang iglap, wala ng saplot si Amanda. Ibinuka ni Theo ang kaniyang mga hita at naging konektado ang kanilang mga kaselanan. Gumalaw si Theo at ibinaon ang pagkalalaki habang nakasubsob ang mukha sa leeg ni Amanda at pinapaulanan siya ng halik doon. Noong una ay mabagal lamang ang galaw ni Theo na para bang ninanamnam nito ang init ng loob ni Amanda, pero kalaunan ay bumilis iyon at hindi na siya nakapagpigil pa. Naputol na ang pisi ng pasensya niya kanina pa. Kumawala ang ungol sa labi ni Theo nang maramdaman ang sarap habang gumaga
HUMALIK PABALIK SI Amanda, hindi dahil iyon ang ginusto niya, kundi dahil pakiramdam niya ay obligado siyang gawin iyon dahil pinili siyang balikan si Theo. Napakuyom siya ng kamao at pinigilan ang sensasyon na naramdaman niya sa gitna ng kaniyang hita. Humigpit naman ang hawak ni Theo sa likod ng ulo niya hanggang sa napasabunot na siya sa kaniyang buhok na tila ba nagsisimula nang manggigil.Hanggang sa hindi na kinaya ni Amanda na magpanggap na okay lang ang ginagawa sa kaniya ni Theo na paghalik. Kaagad na siyang napahiwalay. "W-Wag, Theo..." pabulong na sabi niya.Napabuga ng marahas na buntong hininga si Theo. Halatang frustrated na sa pagkakabitin. "Fine. May kailangan lang akong balikan sa office ko. Pwede kang magstay sa lounge habang hinihintay ako," ani Theo.Hindi nakapagsalita si Amanda. Pakiramdam niya ay nanghihina siya mula sa halikan nila kanina. Sobrang intense no'n na pakiramdam niya ay nakamarka pa rin ang labi ni Theo sa labi niya. Mabuti na lang talaga at napigil
NASA LOOB na ng kotse sina Amanda at Theo. Tahimik lang noong una at parehas na may malalim na iniisip. Pero kalaunan ay nagsalita na rin si Theo at bahagya pang umuklo upang makita ang ekspresyon ni Amanda. Napabuntong hininga siya."Tungkol sa nangyari kanina... nagsisisi ka na bang sumugod doon at harapin sila?" hindi mapigilang itanong ni Theo dahil halatang parang nagbabalik pa ang isip ni Amanda sa nangyari kanina.Napabuntong hininga si Amanda bago sumagot. "Hindi... hindi ko iyon pinagsisihan," mahinang sagot niya."Kung ganoon, bakit hindi ka nakatingin ng deretso sa akin ngayon?" tanong pa ni Theo.Kumunot ang noo ni Amanda at tiningnan na rin ng deretso sa wakas si Theo. Nang magtama ang mga mata nila ay halos mapasinghap si Amanda sa nakitang tila kay bigat ng emosyon ng lalaki. Hindi siya mapakali bigla. Hindi tuloy siya nakapagsalita lalo pa nang itaas ni Theo ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya ng magaan."A-Ano ba?" naiilang na sabi ni Amanda at sinubukang umiwa