SA LOOB NG study room, inilabas ni Theo ang dokumento ng tungkol sa sitwasyon ni Sofia ngayon. Tinawagan niya rin ulit ang doktor nito para mausisa ang tungkol sa kalusugan ni Sofia. "Nakuha ko na ang result..." ani Theo. "Okay, Mr. Torregoza. At base sa mga consulation at tests na ginawa kay Ms. Sofia, nagkaroon na ng findings ang ilang espesyalista na tumingin sa kaniya. Nagkaroon siya ng kidney failure..." "Wala bang pwedeng maging lunas?" "Hindi pa po sigurado. Pero isa sa mga doktor ang nagconfirm na baka..." Kunot na ang noo ni Theo. "Na baka ano?" "Baka... two years o mas mababa pa sa two years ang itagal ni Ms. Sofia." Hindi agad nakapagsalita si Theo dahil do'n. Hanggang sa namalayan na lang niya na natapos na ang tawag. Iniisip niya ang sitwasyon ngayon ni Sofia. Kahit naman may attitude si Sofia minsan ay hindi pa rin maiwasang mag- alala ni Theo dahil minsan nang sinagip nito ang buhay niya. Si Sofia lang naman ang rason kung bakit siya nagising noon dahil s
TUMANGO SI Sykvia, halatang natuwa sa sagit ni Amanda. Kapagkuwan ay may bigla siyang naalala."Mag-aanniversary na kayo ni Theo, 'di ba? May plano ka na rin ba do'n?" kyuryusong tanong ni Sylvia."Oo, planado na lahat," sagot ni Amanda. "Nasabi ko na sa kaniya ang gusto kong mangyari sa anniversary namin.""Ano bang gusto mong paraan para makapagcelebrate kayo?" "Magbobook ako ng restaurant kung saan kami pwedeng kumain. Magpapaset up na rin ng candlelit dinner. Pera naman ni Theo ang gagastusin kaya wala na akong masyadong aalalahanin pa."Tumango si Sylvia. "Ayos naman pala 'yang plano mo. Sana nga lang, maging successful at hindi mapunta sa wala."Hindi na nagsalita pa si Amanda. Dahil mukhang nagkatotoo ang sinabing huli ni Sylvia. Nang sumapit na ang anniversary nila, maagang nag ayos si Amanda. Isang mamahaling dress ang suot niya at naglagay pa ng kolorete sa mukha. Talagang pinaghandaan niya ang gabing ito.Habang nakatanaw sa labas ng mamahaking restaurant na binook niya,
SA HULI, MAG-ISA pa ring umuwi si Amanda. Umalis ulit si Theo dahil may kailangang asikasuhin na naman. Napangiti na lang siya ng mapakla habang naninikip ang dibdib niya. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Parang nauulit na naman... nauulis na naman ang mga pangyayari noon."Babalik na ba tayo sa mansion, ma'am?"Napapitlag ng bahagya si Amanda nang nakasakay sa kotse matapos marinig ang boses ng driver. Dumapo ang paningin ni Amanda sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan nilang buildings bago sagutin ang driver."'Wag na po muna. Magdrive lang po kayo at sasabihin ko kung ititigil niyo na. Parang gusto ko munang maglakad lakad imbes na umuwi," sagot ni Amanda."Naku, mukhang hindi po magandang ideya 'yan, Ma'am. Gabi na po at medyo delekado na kung nasa labas pa po kayo. Baka magalit lang si Ser Theo."Umiling si Amanda. "Akong bahala. At tsaka... hindi naman niya malalaman kasi hindi mo naman sasabihin, 'di ba?"Napatigil bahagya ang driver bago napabuntong hininga. Ilang segu
NAGMAMADALING NAGPUNTA si Theo sa sariling kotse at sumakay agad doon. Habang nagmamaneho ay nagring bigla ang cellphone niyang naka connect sa speaker ng kotse. Kaagad niyang sinagot iyon at nakitang si Sofia ang tumatawag."Hi, Theo! Ready na ako! Mga anong oras mo ako susunduin dito?" tanong ni Sofia, bakas sa tono ang pagka excite niya sa gabing ito."After thirty minutes, nandiyan na ako," sagot na lang ni Theo."Hihintayin kita, Theo! Sobrang excited na ako!"Hindi na nag abalang sumagot pa si Theo at ipinokus ang atensyon sa daanan. Mabuti na lang at hindi gaanong trapik ngayon kaya makalipas ang ilang minuto ay nasundo na niya rin sa wakas si Sofia.Bakas ang tuwa sa mukha ni Sofia nang nakita si Theo. Maputla ito bahagyang pumayat. Halatang may iniindang sakit. Matiyagang itinulak na lang ni Theo ang wheelchair nito bago sila tumulak na papunta sa venue kung saan kikitain nila si Klarisse.Ginagawa ni Theo ang lahat ng ito para kay Sofia dahil alam niyang matutuwa ito. Para k
SA HULI, ANG driver sa mansion ang nagtakbo kay Amanda sa ospital. Namimilipit na sa sakit si Amanda pero tiniis niya hanggang sa makarating sila sa ospital. Naagapan naman ang pananakit at nakompirma sa doktor na gastritis ang nangyari kay Amanda.Inadvice siyang magstay muna sa ospital. Wala namang nagawa na doon pa si Amanda. Mas okay na rin iyon dahil kung madischarge man siya agad, kakainin lang siya ng dissapointment sa mansion gayong wala pa rin si Theo."Ayos na po ba kayo, Ma'am?" tanong ng katulong na kasamang nagtakbo ng driver kay Amanda sa ospital."Oo, ayos na ako. Maraming salamat pala..." sagot ni Amanda na may munting ngiti sa labi."Pasensya na po pala, Ma'am. Sinubukan ko naman pong tawagan si Ser Theo pero--""Okay lang," pagputol ni Amanda sa sinasabi nito. "Wala kang dapat ihiningi ng pasensya."Naitikom ng ilang segundo ng katulong ang bibig bago napabuntong hininga. "Uh... punta lang po ako sa baba. Aasikasuhin ko ang tungkol sa bill niyo po para madischarge ka
NAESTATWA NANG bahagya si Theo sa pwesto niya dahil sa sinabi ng katulong. Nagitla lamang siya nang narinig mula sa kwarto ang pag ungol ni Sofia na para bang nasasaktan ito. Nataranta agad si Theo dahil doon pero bago siya bumalik sa loob ay narinig pa niya ang sinabi ng katulong."Ser, 'di niyo po ba susundan si Ma'am Amanda?" takhang tanong nito kay Theo.Tila doon lang natauhan si Theo. Mabuti na lang at saktong papunta sa kwarto ang doktor ni Sofia. Binilinan niya lang ang doktor na ito muna ang tumingin kay Sofia dahil lalabas lang siya sandali para sundan nga si Amanda.Nang nakababa na si Theo sa ospital, sakto namang bumunhos ang ulan. Dumaan ang sasakyan sa harapan niya at nakitang nasa loob no'n si Amanda dahil hindi naman heavy tinted ang bintana nito.Mula sa loob ay tahimik lamang na lumuluha si Amanda matapos ang mga binitawan niyang salita kay Theo kanina. Ilang segund lang ay natawag ng pansin niya ang lalaking tila sumusunod sa kotse kung saan siya lulan. Tsaka niya
"NAHIHIBANG KA na ba?!" Hindi mapigilang bulalas ni Theo kay Amanda nang nakita itong sinusunog ang wedding portrait nila at ang diary. Wala itong emosyon sa mukha habang sinusunog iyon at parang hindi nasasaktan sa init na unti unting gumagapang pataas sa kanyang balat.Hindi na nakapag isip pa ng maayos si Theo. Mabilis niyang inagaw mula kay Amanda ang nasusunog na diary at hindi na inalintana pa ang init doon at agad na inapuhap ang apoy."Ano bang ginagawa mo, Amanda?!" Hinihingal na tanong ni Theo sa mataas na boses."Wala ka nang pakialam doon," walang emosyon na sabi nito."Anong wala?! Bakit mo sinunog ang wedding portrait natin? Pati ang diary mo, hindi mo pinatawad!""Sabing wala kang pakialam doon, eh!"Hindi pinansin ni Theo ang sinabi nito at napailing. "Anong ibig sabihin nito, Amanda? Sinusukuan mo na ba lahat? Isusuko mo na lang basta ang nararamdaman mo para sa akin?" tanong niya at sa hindi malamang dahilan, natakot si Theo sa maaaring isagot nito."Oo! Isinusuko ko
"WALA AKONG gustong marinig sa mga sinasabi mo, Theo!" ani Amanda at pinilit umiwas kay Theo.Mas lalong umigting ang panga ni Theo dahil sa inasal ni Amanda. Isang buntong hininga ang kumawala mula sa kaniya na tila ba nagtitimpi siya bago tumango. "Gustong gusto mo talagang sagarin ang pasensya ko, Amanda," aniya sa ngayon ay mapanganib ng tono."Ano-- hmp!"Marubdob na hinalikan ni Theo si Amanda sa mga labi kaya hindi na nito nasabi pa ang sasabihin. Sa paraan ng halik nito ay tila pinaparusahan niya si Amanda. Nilasahan niya ang labi nito at ipinasok ang dila sa bibig. Agresibo at tila walang balak magpapigil si Theo kahit pa hindi iyon nasusuklian ni Amanda.Pinilit ni Amanda na itulak si Theo pero para bang mistula itong malaking bato na hindi niya maitulak. Wala itong planong pakawalan si Amanda kahit pa nagpupumiglas ito. Nawawalan na si Theo ng kontrol...Nang sa wakas pakawalan na ni Theo ang labi ni Amanda ay lumanghap si Amanda ng hangin. Hingal na hingal siya dahil sa p
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni