NATULOG SILANG dalawa no'ng gabing iyon nang hindi nagpapabsinan. Kinaumagahan, nagulat nang bahagya si Amanda dahil wala na si Theo sa tabi niya. Mas naunang nagising ang lalaki na bihira lang mangyari.Narinig ni Amanda ang pagstart ng kotse mula sa labas kaya dumungaw siya mula sa bintana ng kwarto. At doon, nakita niya si Theo na nakasandal sa kotse at naninigarilyo.Parang naramdaman naman ni Theo na may nakatingin sa direksyon niya kaya tumingla siya at nagtama ang mga mata nila ni Amanda. Ngumisi lang ng mapang-uyam si Theo na siyang ikinakunot ng noo ni Amanda.Maya-maya pa ay nasulyapan ni Amanda ang paglabas ni Secretary Belle bitbit ang ilang gamit ni Theo. Tinulungan siya ng driver na ilagay ang gamit ni Theo sa trunk ng kotse.Ilang segundo lang ang lumipas ay nagring ang telepono sa kwarto kaya agad sinagot iyon ni Amanda. Sinagot niya agad iyon at napagtantong si Secretary Belle ang tumatawag."Hello, Ma'am Amanda? Pasensya na po sa abala, pero pwede pong pakibaba ang g
SA SUMUNOD NA araw, nagkaroon ng simpleng salo-salo sina Theo at ang mga business partners niya. Kasali pa rin sina Ms. Huang sa small party na iyon. Syempre, nagkatuwaan silang lahat. Madami rin silang natake na mga pictures.Nagulat pa si Theo nang makunan siya ng larawan kasama si Ms. Huang na para bang magkayakap. Mabilis lang naman iyon pero kahit sinong makakakita ng litrato ay iisiping may namamagitan sa kanila.Pero naalis na rin iyon sa isip ni Theo dahil nagpatuloy ang party.Nang mas lumalim ang gabi ay nakita silang dalawa sa isang hotel na magkasama at nakunan ng picture. Pero para hindi masyadong halata, humiwalay ng daraanan si Ms. Huang at nagsuot pa ng mask. Dahil doon, kumalat ang rumor na magkasintahan silang dalawa.Nakarating ang balitang iyon kay Amanda pero hindi niya gaanong dinamdam. Nagsasanay siya sa pagtugtog nang biglang tawagan siya ng kaibigang si Loreign."Hello? Ano, may nabalitaan ka ba tungkol sa asawa mo? Hay naku! Pare-parehas lang ang mga lalaki n
NAGULAT PAREHO ang mag-ina at parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Halatang sarkastiko ang pagsagot ni Theo at tila wala rin siya sa mood na nakatingin sa kanila pareho.Makailang segundo, si Sofia na ang naunang nagsalita. "Theo, pasensya na kung pakiramdam mo, parang nanggugulo kami dito ngayon. Pero ang totoo niyan, nag-aalala talaga kami kay Amanda. Kung hindi sinasadyang nadisturbo namin siya, humihingi na kami ng paumanhin..." pekeng sabi ni Amanda.Halos rumulyo naman ang mga mata ni Amanda sa narinig. Halata namang labas sa ilong ang sinasabi ni Sofia. Kunyari pang naluluha na ito!Hindi naman nagsalita agad si Theo. Pinagmasdan niya ang dalawa na para bang tinatantya kung totoo nga ang lumalabas sa labi ni Sofia."At... totoo ang sinasabi ko. Hinding-hindi ako magsisinungaling sa taong walang ibang ginawa kundi maging mabuti sa akin matapos ko siyang tulungan para gumising noon nang naka-coma pa siya..." patuloy pa ni Sofia.Napatitig lang ng matagal si Theo kay Sofia. D
PARANG WALANG nangyari sa kanila pareho nang dumiretso si Theo sa banyo. Hinang-hina naman si Amanda na naiwan sa kama matapos gawin ni Theo ang lahat ng gusto niyang gawin sa kaniya.After makapagshower ni Theo sa banyo ay lumabas na siya agad. Hindi na lang niya pinansin pa si Amanda na nakatulala sa kama at halos hindi gumalaw sa pwesto niya after nilang magtalik kanina.Nang nakapag-ayos si Theo ay lumabas na siya sa kwarto nang hindi man lang sila nagkausap ni Amanda. Dumiretso siya sa kotse niya pero nanigarilyo muna siya habang pumasok bigla sa isip niya ang napag-usapan nila ni Amanda kanina."Pagmamahal, huh?" Napangisi siya nang mapakla. Love? Hindi siya marunong no'n. Walang kwenta iyon kay Theo lalo pa at wala naman siyang nakalakihang gano'n. Lumaki siya sa magulong environment kahit pa nakukuha niya lahat ng gusto niya. Kaya wala talaga siyang planong magmahal pa.Pero kay Amanda... siguro ang nararamdaman niya sa babae ay pawang makamundo lamang. Obsessed ba siya sa bab
"KUNG ANO man ang napag-usapan natin ngayon, pwede bang 'wag mong sabihin kay Theo?" ani Amanda at hindi gaanong pinansin ang sinabi ni Atty. Hernaez.Ngumiti nang bahagya ang abugado. "Sure. 'Wag kang mag-alala. Wala akong sasabihin sa kaniya."Tumango lang si Amanda. Tumayo na kinauupuan kanina at medyo nanginig pa ang tuhod niya dahil sa pag-iisip tungkol sa binitawang mga salita ni Atty. Hernaez. Akmang tatalikod na siya pero nagsalita muli ang abugado."Kunin mo itong calling card ko. Baka kailanganin mo ito balang araw."Napatingin doon si Amanda at napaisip. Naalala na naman niya ang kapatid ang sinabi nito sa kaniya noon. Na tanging si Atty. Hernaez lang ang makakatulong sa kaniya.Wala sa sariling kinuha iyon ni Amanda. "Bakit parang sa nakikita ko ngayon, mas gusto mo akong tulungan? Hindi ba dapat si Theo ang inaalok mo ng tulong mo?" hindi na niya napigilan pa ang sariling itanong iyon.Hindi nagsalita si Atty. Hernaez at makahulugan lang nagkibit balikat at napasandal sa
NAPAIWAS AGAD si Amanda dahil halatang iritado na agad si Theo. Tinitigan niya ng masama ang hawak niyang condom."H-Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Theo," kalmadong sagot ni Amanda.Hindi maiwasan ni Theo ang mapangisi ng mapakla. "Hindi ko maiwasang hindi mainsulto diyan sa ginagawa mo, Amanda."Hindi naman tanga si Theo para hindi malaman kung ano ang iniisip ni Amanda. Siguro iniisip nitong madumi na siya dahil maraming babae na ang nalilink sa kaniya. At hindi niya masisisi si Amanda doon dahil kung anu-anong rumor na lang ang kumakalat sa kaniya! Kahit anong asikaso niyang ipatanggal lahat ng iyon, meron at meron pa ring natitira."Hindi 'yon ang kaso, Theo... m-meron ako ngayon. Kailangan mo 'yan," nahihiyang sagot ni Amanda. Naiinis siya sa sarili dahil talagang nakalimutan pa niya ang tungkol do'n gayong pag-iisahin na dapat ni Theo ang katawan nila kanina! Gano'n na ba talaga siya kadistracted sa halik at haplos nito na hindi na niya namalayan pa lahat?Hindi agad sumago
UMILING KAAGAD si Amanda at bahagyang natawa para pagtakpan ang kabang naramdaman."Wala akong tinatago, Theo. May binili lang din kasi akong bagong pabango at binuksan ko lang kanina," sagot ni Amanda at napaiwas agad ng tingin kay Theo.Tinitigan muna siya ni Theo bago tumango-tango. "Okay. Pwede bang paamoy? Magspray ka ng kahit kaunti sa sarili mo at titingnan ko kung okay ba ang amoy o hindi."Umiling ulit si Amanda. "Hindi na kailangan...""Pero gusto ko."Walang sabing binuksan ni Theo ang drawer kung saan nilagay ni Amanda ang calling card pero mabuti na lang at mabilis ang kamay niya kanina at naisipit iyon sa lumang diary niya. Pero totoo namang nay perfume doon. Kaagad na kinuha iyon ni Theo."Theo..." tawag niya sa pangalan ni Theo pero parang wala na itong naririnig. Nagspray ito bigla sa bandang leeg niya ng pabango.Inilapit ni Theo ang mukha sa bandang leeg ni Amanda at inamoy siya doon. At doon, nasamyo niya ang matamis na amoy nito na humahalo sa natural niyang amoy.
NANG MAKARATING si Theo sa ospital ay naabutan niya si Esmeralda na kausap na ang direktor ng ospital. Pinipigilan naman ito ni Secretary Belle at pilit na pinapakalma dahil nakakahiya na dahil may mga pasyenteng nagpapahinga na."Pasensya na po sa nangyari--""Hindi ko kailangan 'yang sorry niyo! Sisiguraduhin kong mananagot kayo! Ipapasara namin ang ospital na 'to. At hindi niyo ba alam? Ang anak ko ay malapit na karelasyon ni Theo Torregoza! Sa tingin niyo kapag nalaman 'to ni Theo, papalagpasin niya?" Ngumisi si Esmeralda.Napailing ng bahagya si Secretary Belle dahil sa narinig. Dumako tuloy ang paningin niya kay Theo na papalapit na sa direksyon nila. Hindi na niya napigilan pang makisali sa direktor at kay Esmeralda."Tama na 'yan! Nandito na si Theo. Kung ayaw mong pulutin kayo sa kangkungan, kontrolin mo 'yang bunganga mo," ani secretary Belle.Napatigil ng bahagya si Esmeralda pero nang makita si Theo ay umiyak ito ng malakas. "Theo! Tulungan mo ang anak ko, please! H-Hindi
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya
NAPATALON SI Amanda sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad agad niyang ibinalik ang mga dokumento sa loob ng cabinet. Lumapit si Theo sa kaniya at yumakap sa likuran niya. Humalik pa ito sa kaniyang leeg pataas sa pisngi at gilid ng labi. "Anong tinitingnan mo kanina, hmm?" tanong ni Theo.Umiling si Amanda. "W-Wala naman. Magpahinga na tayo."Tumango lang si Theo pero hindi naman ito halos gumalaw at nanatiling nakayakap mula sa likuran ni Amanda. Pero kalaunan, marahang hinila ni Theo si Amanda papuntang kama. Naupo si Theo habang nakaupo si Amanda sa hita nito.Napahaplos si Theo sa tiyan ni Amanda na may bump na rin. "Lumalaki na ang tiyan mo..." anito sa halos pabulong na boses."Syempre naman. Lumalaki na rin ang baby," sagot din naman ni Amanda.Marahang hinila ni Theo muli si Amanda hanggang sa nakahiga na silang dalawa sa malambot na kama. Mabilis na binalot ni Theo si Amanda ng comforter para hindi ito malamigan. Nagkatingin sila sa mga mata."May naisip
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo. Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito. Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya. Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.