NANG MAKARATING si Theo sa ospital ay naabutan niya si Esmeralda na kausap na ang direktor ng ospital. Pinipigilan naman ito ni Secretary Belle at pilit na pinapakalma dahil nakakahiya na dahil may mga pasyenteng nagpapahinga na."Pasensya na po sa nangyari--""Hindi ko kailangan 'yang sorry niyo! Sisiguraduhin kong mananagot kayo! Ipapasara namin ang ospital na 'to. At hindi niyo ba alam? Ang anak ko ay malapit na karelasyon ni Theo Torregoza! Sa tingin niyo kapag nalaman 'to ni Theo, papalagpasin niya?" Ngumisi si Esmeralda.Napailing ng bahagya si Secretary Belle dahil sa narinig. Dumako tuloy ang paningin niya kay Theo na papalapit na sa direksyon nila. Hindi na niya napigilan pang makisali sa direktor at kay Esmeralda."Tama na 'yan! Nandito na si Theo. Kung ayaw mong pulutin kayo sa kangkungan, kontrolin mo 'yang bunganga mo," ani secretary Belle.Napatigil ng bahagya si Esmeralda pero nang makita si Theo ay umiyak ito ng malakas. "Theo! Tulungan mo ang anak ko, please! H-Hindi
"NAGISING BA kita?" tanong agad ni Theo nang gumalaw si Amanda. Parang mas idiniin nito ang mukha sa unan para hindi magtama ang mga mata nila ni Theo."Nakatulog na ako kanina. Naalipungatan lang," sagot na lang ni Amanda.Tila hindi makuntento si Theo sa distansya nila ni Amanda kaya hinila niya ito papalapit sa katawan niya at niyakap mula sa likuran. At sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, nakaramdam siya ng kapayapaan nang maramdaman ang lambot at init ng katawan ni Amanda."Pasensya na kung naisturbo ko ang tulog mo," ani Theo sa malumanay na boses.Halos maiyak si Amanda pagkarinig sa tono ng boses nito. Naisip niya, bakit hindi na lang ganito makitungo noon si Theo sa kaniya? Kung naging ganito siya noon, baka hindi hahantong sa divorce ang sitwasyon nila. Kung maayos lang siya tratuhin ni Theo noon, baka may natitira pa siyang pagmamahal para rito.Pero nasayang na lahat ng iyon. Wala na... huli na ang lahat.Hindi tuloy nakapagsalita agad si Amanda. Hinayaan niya ang mainit
NAGUGULUHAN SI Amanda. Napapitlag lang siya nang narinig niya ang pagriring ng cellphone niya. Napatitig pa siya sandali sa screen noon at napabuntong hininga. Si Theo ang tumatawag. Sinagot niya iyon.Wala munang nagsalita sa pagitan nila mga ilang segundo. Para bang nagpapakiramdaman lang sila at maririnig ang bawat paghinga nila. Hindi nila pareho alam kung ano ang dapat na una nilang sasabihin.Hanggang sa hindi na nga nakayanan pa ni Amanda. Siya na ang naunang nagsalita."Theo, gusto kong magstay muna dito sa parents ko ng kahit mga ilang araw lang," aniya sa kaswal na tono. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipadinig kay Theo na apektado siya dito.Hindi agad sumagot si Theo. Pero ramdam ni Amanda na para bang tinitimbang nito ang tila susunod na sasabihin. Hanggang sa nagsalita ito. "Alam ko... medyo curious lang ako sa isang bagay, Amanda. Naisip ko lang na..." Bumuntong hininga ito."Ano?""Baka iniiwasan mo ako."Hindi agad nakapagsalita si Amanda. Natahimik na lang siya dahil
PAGABI NA nang bumalik si Amanda sa apartment na tinutuluyan ng parents niya ngayon. Pagkapasok na pagkapasok niya palang ay bahagya siyang napatigil nang may marinig siyang pamilyar na boses."Hindi ko alam na maalam ka pala sa mga ganitong trabaho, Theo.""Ah, natutunan ko lang pong mag-ayos ng sirang tubo noong nag-aaral ako sa abroad.""Gano'n ba? Hindi ko lang gaanong inexpect dahil laking mayaman ka. Pero, tama na muna 'yan. Baka madumihan 'yang damit mo. Ayusin na lang ulit bukas. Ayaw ko nang maisturbo ka pa.""Ayos lang. Kaya ko na 'to."Kumunot ang noo ni Amanda. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Theo 'yon, kausap ang stepmom niya! Pero anong ginagawa niya dito ngayon? Nasabi naman na niya kay Theo na hindi muna siya uuwi.Pinatagal na muna niya ng ilang segundo bago siya tuluyang umalis sa pwesto niya. Sakto namang nakita siya ni Sylvia kaya nag-usap sila sandali."Bakit nandito si Theo, Ma?" takhang tanong tuloy ni Amanda.Nagkibit balikat si Sylvia. "Malay ko. Pero hayaan
IMBES NA pakinggan si Amanda ay mas lalong hinigpitan lang ni Theo ang hawak nito sa kaniya. Pinilit magpumiglas ni Amanda pero nanghina lang siya dahil muli na naman niyang naramdaman ang init ng katawan ni Theo.Bumilis ang paghinga ni Theo nang magkalapat ang mga noo nila. Ang labi ni Theo ay tila tinutudyo ang labi ni Amanda. Pakiramdam ni Amanda tuloy ay tumaas ang temperatura sa loob ng kwarto niya."T-Theo, 'wag ngayon, please," ani Amanda. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon dahil parang nanghihina siya sa init na namamagitan sa kanila ni Theo ngayon."Bakit, Amanda? Ayaw mo bang gawin natin? Pero iba naman ang sinisigaw ng katawan mo. Gusto mo rin 'to," sabi ni Theo sa tila namamaos na boses.Namula ang pisngi ni Amanda. Aminin man niya sa sarili o hindi, tama si Theo. Kahit anong sigaw ng utak niyang mali itong pagkakalapit nila ni Theo ngayon, ipinagkakanulo naman siya ng sariling katawan.At isa pa, ang ikinakatakot talaga niya ay nas
TILA MAY bumara sa lalamunan ni Amanda dahil sa mga binitawang salita. Nagpatuloy siya muli nang hindi sumagot si Theo."Hindi na ako 'yung eighteen years old na babaeng baliw na baliw sa 'yo, Theo. Nagbago na ako..."Hindi namalayan ni Amanda na tumulo na pala ang takas na luha niya mula sa mga mata. Naging emosyonal siya bigla. At ang mas nagpagulat sa kaniya ay ang pagpahid ni Theo sa luha niya gamit ang magaang kamay nito."Naiintindihan kita, Amanda. At 'wag kang mag-alala. Seryoso ako. Gusto kong magsimula ulit tayong dalawa," tila nahihirapan na sabi ni Theo.Matapos no'n ay dahan-dahan na inilapit ni Theo ang labi sa labi ni Amanda. Nagdampi ang mga labi nila sa isa't isa habang lumuluha si Amanda. Habang nagkadikit ang mga labi ay napapikit na lang ng mariin si Theo.Naguluhan bigla si Theo dahil sa halo halo niyang nararamdaman ngayon dahil sa magaang halikan nila ni Amanda. Ano ba 'to? Parang may kung anong kumislot sa loob niya. Bumilis ang tibok ng puso niya.Pero isa lan
"B-BAKIT NASA IYO 'yan?" takhang tanong ni Amanda habang nakatitig sa painting.Nilapitan ni Theo ang pwesto ni Amanda. Inilapit niya ang mukha sa bandang balikat ni Amanda at ipwinesto ang baba doon. "Kasi nalaman kong gustong bilhin 'yan ni Jaxon," sagot nito.Kumunot ang noo ni Amanda. "Ano? Dahil lang doon?""Hindi lang 'yon ang dahilan! Dahil alam kong gusto mo 'yan kaya ibibigay ko sa 'yo. Dinoble ko ang presyong bayad para masiguradong ako ang makakabili at hindi si Jaxon."Hindi lang makapaniwalang nalaglag ang panga ni Amanda at hindi nakasagot agad kay Theo. "Ang totoo niyan ay gusto ko talagang bilhin lahat ng paintings ng Mama mo. Pero hindi ko ginawa dahil narealize kong hindi deserve ng mga paintings niyang ikeep lang ng isang tao. Deserve nitong makilala sa buong mundo at malaman ng mga tao kung gaano kagaling na painter ang Mama mo noon," dagdag na paliwanag ni Theo.Hindi pa rin nakapagsalita si Amanda. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na natouch siya kahit papaano sa
"HEY, BAKIT ang tahimik mo?" takhang tanong ni Theo nang mapansin ang pananahimik ni Amanda.Kaagad umiling si Amanda. "Wala. Tumawag kasi si Secretary Belle kanina sa akin, iremind daw kita sa pagpunta mo sa opisina mo on time at baka makalimutan mo lang. At tsaka... may narealize lang ako."Si Theo naman ngayon ang kunot na ang noo. "Ano?" tanong niya."Na... hindi talaga kayo magkasama ng secretary mo magdamag." Umiling si Amanda at napatawa ng peke. "'Wag mo na lang pansinin 'yon!"Napabuntong hininga na lang si Theo. Ramdam niya sa tono ng boses ni Amanda ang pagdududa. Wala sa sariling napatingin tuloy siya sa phone at nakita niya doon ang ilang text ni Secretary Belle na hindi na niya nareplyan pa. Napatingin siya pabalik kay Amanda."Anong gusto mong palabasin?" maingat pa rin na tanong ni Theo."Wala akong gustong palabasin, okay?"Napatango si Theo at pekeng napangisi. "Gets ko na. Wala kang tiwala sa akin.""Masisisi mo ba ako, Theo? Matapos ng lahat ng nangyari sa atin? At
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na