"MAGHIHINTAY AKO sa kung ano mang desisyon mo. Pero 'wag mo akong paghintayin ng masyadong matagal, okay? Madali akong mainip, Amanda..."Matapos sabihin ni Theo ang mga katagang iyon ay kaagad na rin siyang umalis at iniwan si Amanda doon na namumula ang mga mata at paiyak na.Pagkalabas ni Theo sa labas ng ospital ay naghihintay na sa kaniya ang driver na naghatid sa kaniya."Saan po tayo, Ser?" tanong ng matandang driver.Hindi kaagad nakasagot si Theo dahil natatak na sa isip niya ang usapan nila ni Amanda kanina maging ang mukha nitong malungkot. Napa-igting lamang siya ng panga. Hindi tamang pagtuonan pa niya ng pansin iyon!Binalingan niya ang driver. "Sa kompaniya tayo," sagot niya bago sumakay sa sasakyan.Sinalubong siya ni Secretary Belle na halatang natuwa sa pagdating niya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi nagpupunta si Theo sa kompaniya dahil na kay Amanda lamang siya. Hindi tuloy maiwasan ni Secretary Belle ang makaramdam ng inggit kay Amanda lalo."Good day po,
MAKARAAN NG ilang minuto, dumating na rin sa wakas si Klarisse Virtucio. Pormal siyang naupo sa harapang upuan nila Theo at Sofia. Elegante ang set up ng table. Halatang yayamanin ang gamit maging ang pagkaing isinerve ng waiter kanina.Nagsimula na silang mag-usap-usap. Naglabas na rin ng saloobin si Klarisse at mataman lamang silang nakikinig lahat."Alam mo, sa panahon ngayon, mahirap nang gumawa ng pangalan sa larangan ng musika. Lalo pa at iba na ang hilig ng mga tao ngayon. Mas gusto nila ang music from other countries. At hindi mo naman sila masisisi doon. Classical music? Unti-unti nang nawawala 'yan ngayon," ani Klarisse bago sumimsim sa wine. "Kaya greatful pa rin ako na ang isang kagaya mo, na successful sa business world ay talagang nag-arrange pa talaga ng meet up kasama ko.""Alam ko. Pero hanga rin naman ako sa 'yo. At tsaka... may isang tao akong kilalang hinahangaan ka rin." Tinapunan ng tingin ni Theo si Sofia sa tabi. "Mahilig din siyang tumugtog kagaya mo...""Tala
"THEO, BAKIT niyo kailangang magbigay ng ganoong halaga ng pera kina Klarisse? Ni hindi pa nga siya nagdedesisyon kung tatanggapin niya ako!" Himutok ni Sofia nang nakalabas na sila ng hotel.Napailing lang ng lihim si Secretary Belle dahil sa asta nito. Sa isip niya, talagang may guts pa itong magreklamo ng ganoon. Ginawa na nga ni Theo ang lahat para pabanguhin ang pangalan niya kay Klarisse.Tumikhim si Secretary Belle. "Miss Sofia, ang mga kagaya ni Ms. Klarisse ay maingat sa pagpili ng mga ite-train niya. Magtiwala ka na lang kay Sir Theo dahil sigurado namang gagawan niya 'to ng paraan," kalmadong sabi niya kahit naiinis na siya kay Sofia."Bakit? Hindi ba maganda ang pagtugtog ko kanina? Hindi ba ako magaling?"Hindi nakapagsalita agad si Secretary Belle. Gusto niyang deretsahin si Sofia pero hindi naman niya magagawa basta iyon lalo pa at kasama nila si Theo na nauunang maglakad.Nang sa wakas ay tumapat na ang sasakyan sa harap nila, ang buong akala ni Sofia ay aalalayan na s
"DAMN THIS!" Malutong na mura ni Theo dahil sa sitwasyon niya ngayon.Paano ba naman kasi, naghorse back riding pa siya kanina at nahulog nga kaya medyo hirap siyang maglakad ngayon. Sa bandang hita niya ang napuruhan at sa tuwing humahakbang ay parang may naiipit na ugat.Sinamahan siya ni Secretary Belle papuntang ospital. Pero imbes na dumiretso sila sa doktor, inutusan na lang niya ng ilang minuto si Secretary Belle na papuntahin ang titingin na doktor sa kaniya sa kwarto ni Amanda sa ospital.Hindi kinikibo ni Amanda si Theo nang nasa loob na ito ng kwarto. Pinanatiling busy ni Amanda ang sarili sa librong binabasa na para bang hindi niya pansin ang presensya ni Theo sa sofa na nakaupo ngayon.Ganoong tagpo ang nadatnan ng doktor nang pumasok ito sa kwarto habang hawak ang panggamot para kay Theo."Gagamutin ko na po kayo, Mr. Torregoza," ani ng doktor.Umiling si Theo. "Iwan mo na 'yang medicine kit. Ako na ang bahala," sagot ni Theo.Tumango lang ang doktor. Hindi naman malala
PAGAK LANG na napatawa si Amanda. Babalik na naman siya sa dati... pakiramdam niya magbubuhay preso na naman siya at lahat ng gagawin niya ay monitored lahat ni Theo."Sana 'wag mo na ulitin ang ginawa mo dati sa akin, Theo... ang ikulong ako sa loob ng mansyon lang. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa sarili ko. Gusto kong magtrabaho. At sana... hindi mo muna ako mabuntis," sabi ni Amanda.Ngayon, ipinagpapasalamat niya na mabuti na lang ay wala silang nabuo noon ni Theo dahil nagpipills siya. Dahil sa oras na may anak na sila, magiging kumplikado lang ang lahat. Mas kawawa ang bata sa sitwasyon nila at maiipit lang. Tumaas ang kilay ni Theo. "At ikaw naman ngayon ang nagbibigay ng kondisyon, huh?" "May karapatan naman ako, 'di ba?""Of course. As long as sundin mo rin lahat ng terms ko."Tumango si Amanda. "Alam ko. At oo nga pala... ayoko nang maulit ang kagaya noon na kay Secretary Belle pa ako humihingi ng pera. Gusto kong makuha kahit 2% share lang ng kompaniya mo."Alam ni
"OO, TAMA KA! Desperada ako! Pero may magagawa pa ba ako? 'Yung pamilya ko, kailangan nila ng tulong ko. 'Yung kapatid ko nasa kulungan tapos 'yung ama ko, nasa ospital. Mali bang sila ang piliin ko?" Napatigil nang ilang segundo si Amanda. "At ano naman sa 'yo kung puro mali na lang ang desisyon ko sa buhay? Ano sa 'yo kung paulit-ulit na lang ang nagpapakatanga at bumabalik kay Theo?!"Sumabog na talaga si Amanda sa sobrang inis at frustration. Habang si Jaxon ay natulala ng ilang segundo at para bang hindi maapuhap ang dapat na sasabihin."Alam mo, pareho lang naman kayo ni Theo, eh. Ang importante lang sa inyo ay ang ikasasaya niyo. Wala kayong pakialam sa iba basta nakukuha niyo ang gusto niyo!"Iyon lang ang huling sinabi ni Amanda bago iwan si Jaxon doon na natulala lang sa pagsabog niya. Makailang segundo ang lumipas bago nakabawi si Jaxon at bumalik sa loob ng ospital. At nang sumulyap siya sa pwesto nila kanina ay nakita na niya si Theo doon na nakakuyom ang kamao at igting
GABI NA NGA nang makarating sina Theo at Amanda pabalik sa mansion. Pinagbuksan ni Theo si Amanda upang makababa mula sa kotse."Nagugutom ka na ba? We can eat now. Or light dinner lang kung gusto mo. At pwede rin tayong magbukas ng wine," ani Theo, bakas ang tuwa sa tono.Baliktad naman kay Amanda dahil seryoso lamang ito. "Hindi natin kailangang gawin ang lahat ng ito, Theo..." ani Amanda."Ang alin?" pagmamaang-mangan ni Theo at nilapitan si Amanda, sinigurong magkalapit ang kanilang mga katawan. Umiwas lang ng tingin si Amanda. "Ano bang gusto mong gawin ko, Amanda? Gusto mong maging sweet at caring ako sa 'yo? Sabihin mo para hindi ako nangangapa!"Napabuga ng hangin si Amanda. "Wala. Bumalik na ako sa 'yo, Theo. Ano pa ba ang gusto mo?""At ako? Hindi mo ba tatanungin kung ano naman ang gusto ko, huh?"Napatawa lang ng pagak si Amanda, hindi na sinubukan pang sumagot. Kababalik palang niya pero ito sila, nag-aaway na agad. Nang nakapasok tuloy sila sa loob, dumiretso lang si The
NAGKAROON NG masamang panaginip si Theo. Sa panaginip niya ay ikinasal daw sina Amanda at Harold kaya napabangon siya sa bigla sa kama. At doon napansin niyang wala na si Amanda sa tabi niya."Amanda!"Nakarinig si Theo ng kaluskos sa closet kaya kaagad siyang pumasok doon. Nakita niya si Amanda na busy na magprepare ng isusuot niya para sa araw. Pati ang isusuot niyang relo ay siya na ang pumipili. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Theo bigla."Okay ba itong Rolex watch na lang ang isuot mo ngayon?" tanong ni Amanda sa kaniya nang mapansin ang presensya niya.Imbes na sumagot si Theo ay agad siyang lumapit kay Amanda at niyakap ito mula sa likuran at napapikit. Hindi naman nagreklamo si Amanda at hinayaan lang siya. Hindi tuloy mapigilan ni Theo na halikan si Amanda sa leeg pataas sa likod ng tenga nito."Gusto ko 'to..." naibulong ni Theo. "Gustong-gusto kong ikaw ang pumipili ng mga isusuot ko."Hindi naman sumagot si Amanda. Pero napansin niya ang pagkibot ng pagkalalaki ni T
INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
MALALIM NA ANG gabi nang makauwi si Theo sa mansion nilang pamilya. Umuulan ng mga panahon na iyon kaya sinalubong siya ng isa sa mga katiwala sa bahay para payungan siya.Pagod siya ulit ng araw na iyon. Naghalo halo na dahil bukod sa trabaho, hindi na rin gumaganda ang sitwasyon ng lola niya. Hindi siya makapagconcentrate sa kaisipan na baka... ayaw isipin ni Theo ang mga negatibong bagay na pilit umuukilkil sa utak niya.At isa pa, nabobother din si Theo dahil tinatawag siya sa ibang pangalan ng lola niya. Tinatawag siya sa pangalan ng ama niyang matagal ng hindi nagpapakita. Napakuyom si Theo dahil do'n. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa kabila ng pang iiwan sa kanila ng ama niya, ito pa rin ang hinahanap ng lola niya, kahit dala pa iyon ng katandaan niya o sa dinaramdam.Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng paningin niya si Amanda. Sinalubong din siya ng isa sa mga kasambahay."Good evening po, Ser. Si Ma'am Amanda po ba ang hanap niyo?" tanong nito."Oo. Nasaan siya?""N
"MA'AM, LUMALAMIG na po ang gatas niyo. Gusto niyo po bang palitan ko?"Napukaw ang atensyon ni Amanda sa biglang nagsalitang kasambahay. Napabalik tuloy sa kasalukuyan si Amanda. Masyado siyang nahulog sa pag iisip kanina.Agad niyang tinanguan ang kasambahay. "Sige po. Maraming salamat," aniya dito. "Walang anuman po." Umalis na ang kasambahay kalaunan. Habang naghihintay si Amanda ay sakto namang lumapit ang isa ulit sa mga kasambahay. Takhang binalingan niya ito."Ma'am Amanda, pasensya na po sa disturbo. May naghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng kasambahay na siyang naging rason ng pagkakakunot ng noo ni Amanda."Sino daw?" balik tanong niya."Si Ms. Ynah Olarte po," sagot nito.Bahagyang natigilan si Amanda. Kani kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya ang bagong babae na nalilink kay Theo. Tapos ngayon malalaman niya na nandito ito ngayon at hinahanap siya? Talaga naman...Napabuntong hininga si Amanda at tumango. "Ako ng bahala," aniya sa kasambahay."Sige po, Ma'am."Ila
NATAHIMIK SI Theo matapos ng lahat ng mga sinabi ni Amanda. Gustong gusto niyang patulan ito ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang maayos naman kahit papaano ang gusot nila ngayon.Pilit na prinoseso lahat ni Theo ang mga sinabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay nagjojoke lang ito. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong iwan kasama ang anak nila! Hindi niya makakaya iyon!Hindi naramdaman iyon ni Theo dahil sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Amanda, ramdam niya na gusto nito iyon. Parang hindi naman ito napipilitan. At kahit papaano, nagkaroon ng pag asa doon si Theo na makukumpleto na rin sa wakas ang pamilya nila. Magiging buo sila at hindi maghihiwalay.Pero ang marinig ang pagkadisgusto ni Amanda sa mga nangyari sa kanilang dalawa ay para bang punyal na tumarak sa dibdib ni Theo. Hindi siya makapaniwala."Kung gano'n... lahat ng mga maiinit na tagpong pinagsaluhan natin... pagpapanggap lang sa iyo, huh?" mapait na wika ni Theo at napayuko habang nakaigting ang p
"PARANG KASING may gusto siya sa iyo. Ang alam ko, wala siyang asawa at mayroon siyang anak. Alam naman niya sigurong may asawa ka na, pero parang sa nakikita ko kanina, umaasa siya sa iyo," wika ni Theo sa seryosong tono.Kumunot ang noo ni Amanda. "Bakit ba lahat na lang binibigyan mo ng ibang meaning? Magkaibigan lang kami!"Umigting ang panga ni Theo. Ang buong akala ni Amanda ay talagang ipaglalaban pa nito ang pinaniwalaan. Pero nagulat siya dahil tumango ito agad at kalaunan ay kumalma na ang ekspresyon sa mukha. "Kung... iyan ang sabi mo, sige. Naniniwala ako sa iyo..." tila ba nanghihinang sabi ni Theo.Hindi makapaniwala si Amanda. Pero kalaunan ay nagpasalamat na lang siya na naging ganoon ang reaksyon ni Theo. Hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag pa dahil wala naman siyang masamang ginagawa.Sa hotel ni Amanda sila dumiretso. Nang nakapasok ay napalinga linga si Theo at pinagmasdan ang paligid. Mukhang maayos naman ang lugar. Malaki at hindi na masama. "Shower lan
KINABUKASAN, SI Theo mismo ang naghatid kay Amanda papuntang airport. Nang nasa trabaho na siya, nagreview siya ng mga ilang documents. Kalaunan ay binalitaan na rin siya ni Secretary Belle."Sir, cancelled po ang meeting niyo with Takahashi Group," ani Secretary Belle.Tumango si Theo sa ibinalita ni Secretary Belle bago napasandal sa upuan. Pormal na pormal ang ekspresyon niya sa mukha. Agaw pansin ang cufflinks na suot niya ngayon. Iyon ang cufflinks na bigay sa kaniya ni Amanda. Mas lalong lumakas ang dating niya dahil do'n.Inilipat ni Theo ang pahina ng dokumento na binabasa niya. "Sa hapon? Anong schedule ko?" tanong niya sa sekretarya.Kaagad umiling si Secretary Belle. "Wala pa naman po as of now," sagot nito."Good. Pacheck ako ng earliest flight papuntang Davao kung gano'n," ani Theo at ibinababa ang fountain pen na ginagamit niyang pagsign sa ilang mga dokumento."P-Po?" Hindi lubos maisip ni Secretary Belle kung bakit biglaan naman yata. Wala siyang maisip na ibang rason.
"MAAYOS LANG ako dito. Ang mabuti pa ay bumalik ka na lang sa mag ina mo at alagaan sila. Baka mahawa ka pa sa 'kin tapos ay maipasa mo rin sa kanila," saad ng lola ni Theo kalaunan."Hindi naman, La. Hindi ako mahahawa sa inyo," ani Theo.Habang pinagmamasdan ng matanda si Theo, natanto nito kung gaano ito kasaya ngayon. May kislap sa mga mata nito habang nagsasalita. Halatang masaya ito ngayon sa nangyayari sa buhay. At dahil iyon sa pamilya ng bubuoin nito kasama si Amanda. Maging tuloy siya ay hindi maiwasang maging excited sa nalalapit na pagdating ng magiging apo niya sa tuhod.Pagkababa ni Theo ay nadatnan niya ang inang busy sa pag uutos ng mga maids para maihanda ang mga pagkain. Nagkasalubong silang dalawa."Theo, dito ka na kumain. Nagpahanda na ako ng dinner," sabi ni Therese sa anak.Mabilis na umiling si Theo. "Hindi na kailangan, Mom. Kailangan kong umuwi agad para macheck ko muna si Amanda. Hindi maganda ang appetite niya ngayon kaya dapat mabantayan..." sagot niya.Hi
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya