"DAMN THIS!" Malutong na mura ni Theo dahil sa sitwasyon niya ngayon.Paano ba naman kasi, naghorse back riding pa siya kanina at nahulog nga kaya medyo hirap siyang maglakad ngayon. Sa bandang hita niya ang napuruhan at sa tuwing humahakbang ay parang may naiipit na ugat.Sinamahan siya ni Secretary Belle papuntang ospital. Pero imbes na dumiretso sila sa doktor, inutusan na lang niya ng ilang minuto si Secretary Belle na papuntahin ang titingin na doktor sa kaniya sa kwarto ni Amanda sa ospital.Hindi kinikibo ni Amanda si Theo nang nasa loob na ito ng kwarto. Pinanatiling busy ni Amanda ang sarili sa librong binabasa na para bang hindi niya pansin ang presensya ni Theo sa sofa na nakaupo ngayon.Ganoong tagpo ang nadatnan ng doktor nang pumasok ito sa kwarto habang hawak ang panggamot para kay Theo."Gagamutin ko na po kayo, Mr. Torregoza," ani ng doktor.Umiling si Theo. "Iwan mo na 'yang medicine kit. Ako na ang bahala," sagot ni Theo.Tumango lang ang doktor. Hindi naman malala
PAGAK LANG na napatawa si Amanda. Babalik na naman siya sa dati... pakiramdam niya magbubuhay preso na naman siya at lahat ng gagawin niya ay monitored lahat ni Theo."Sana 'wag mo na ulitin ang ginawa mo dati sa akin, Theo... ang ikulong ako sa loob ng mansyon lang. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa sarili ko. Gusto kong magtrabaho. At sana... hindi mo muna ako mabuntis," sabi ni Amanda.Ngayon, ipinagpapasalamat niya na mabuti na lang ay wala silang nabuo noon ni Theo dahil nagpipills siya. Dahil sa oras na may anak na sila, magiging kumplikado lang ang lahat. Mas kawawa ang bata sa sitwasyon nila at maiipit lang. Tumaas ang kilay ni Theo. "At ikaw naman ngayon ang nagbibigay ng kondisyon, huh?" "May karapatan naman ako, 'di ba?""Of course. As long as sundin mo rin lahat ng terms ko."Tumango si Amanda. "Alam ko. At oo nga pala... ayoko nang maulit ang kagaya noon na kay Secretary Belle pa ako humihingi ng pera. Gusto kong makuha kahit 2% share lang ng kompaniya mo."Alam ni
"OO, TAMA KA! Desperada ako! Pero may magagawa pa ba ako? 'Yung pamilya ko, kailangan nila ng tulong ko. 'Yung kapatid ko nasa kulungan tapos 'yung ama ko, nasa ospital. Mali bang sila ang piliin ko?" Napatigil nang ilang segundo si Amanda. "At ano naman sa 'yo kung puro mali na lang ang desisyon ko sa buhay? Ano sa 'yo kung paulit-ulit na lang ang nagpapakatanga at bumabalik kay Theo?!"Sumabog na talaga si Amanda sa sobrang inis at frustration. Habang si Jaxon ay natulala ng ilang segundo at para bang hindi maapuhap ang dapat na sasabihin."Alam mo, pareho lang naman kayo ni Theo, eh. Ang importante lang sa inyo ay ang ikasasaya niyo. Wala kayong pakialam sa iba basta nakukuha niyo ang gusto niyo!"Iyon lang ang huling sinabi ni Amanda bago iwan si Jaxon doon na natulala lang sa pagsabog niya. Makailang segundo ang lumipas bago nakabawi si Jaxon at bumalik sa loob ng ospital. At nang sumulyap siya sa pwesto nila kanina ay nakita na niya si Theo doon na nakakuyom ang kamao at igting
GABI NA NGA nang makarating sina Theo at Amanda pabalik sa mansion. Pinagbuksan ni Theo si Amanda upang makababa mula sa kotse."Nagugutom ka na ba? We can eat now. Or light dinner lang kung gusto mo. At pwede rin tayong magbukas ng wine," ani Theo, bakas ang tuwa sa tono.Baliktad naman kay Amanda dahil seryoso lamang ito. "Hindi natin kailangang gawin ang lahat ng ito, Theo..." ani Amanda."Ang alin?" pagmamaang-mangan ni Theo at nilapitan si Amanda, sinigurong magkalapit ang kanilang mga katawan. Umiwas lang ng tingin si Amanda. "Ano bang gusto mong gawin ko, Amanda? Gusto mong maging sweet at caring ako sa 'yo? Sabihin mo para hindi ako nangangapa!"Napabuga ng hangin si Amanda. "Wala. Bumalik na ako sa 'yo, Theo. Ano pa ba ang gusto mo?""At ako? Hindi mo ba tatanungin kung ano naman ang gusto ko, huh?"Napatawa lang ng pagak si Amanda, hindi na sinubukan pang sumagot. Kababalik palang niya pero ito sila, nag-aaway na agad. Nang nakapasok tuloy sila sa loob, dumiretso lang si The
NAGKAROON NG masamang panaginip si Theo. Sa panaginip niya ay ikinasal daw sina Amanda at Harold kaya napabangon siya sa bigla sa kama. At doon napansin niyang wala na si Amanda sa tabi niya."Amanda!"Nakarinig si Theo ng kaluskos sa closet kaya kaagad siyang pumasok doon. Nakita niya si Amanda na busy na magprepare ng isusuot niya para sa araw. Pati ang isusuot niyang relo ay siya na ang pumipili. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Theo bigla."Okay ba itong Rolex watch na lang ang isuot mo ngayon?" tanong ni Amanda sa kaniya nang mapansin ang presensya niya.Imbes na sumagot si Theo ay agad siyang lumapit kay Amanda at niyakap ito mula sa likuran at napapikit. Hindi naman nagreklamo si Amanda at hinayaan lang siya. Hindi tuloy mapigilan ni Theo na halikan si Amanda sa leeg pataas sa likod ng tenga nito."Gusto ko 'to..." naibulong ni Theo. "Gustong-gusto kong ikaw ang pumipili ng mga isusuot ko."Hindi naman sumagot si Amanda. Pero napansin niya ang pagkibot ng pagkalalaki ni T
"M-MALA-LATE NA ako, Theo," pambabaliwala ni Amanda sa tanong ni Theo.KMas lalong kumunot ang noo ni Theo, pinipigil ang sariling magalit sa kinikilos ni Amanda. "Bakit hindi mo buksan at tingnan kung sino 'yang nagtext? Baka importante. O baka naman natatakot kang makita ko?" taas kilay na tanong ni Theo.Napabuga ng hangin si Amanda. "Gusto mo bang i-check kung sino ang nagtext sa 'kin? Tingnan mo na. Tingnan mo na rin kung sino ang mga ka-text ko at magiging ka-text ko sa susunod na araw," nawawalan ng pasensyang ani Amanda.Ramdam bigla ni Theo ang tensyon sa pagitan nila. Ayaw naman niyang maging simula na naman ito ng pag-aaway nila ni Amanda lalo pa at kababalik lang nito. Imbes na sagutin, napangisi lang si Theo. "No need. Hindi ba sabi mo mala-late ka na? Sige na..." Pinakawalan na niya agad si Amanda.Parang nakahinga naman nang maluwag bigla si Amanda dahil doon. Mukhang may sasabihin pa si Theo pero hindi na niya pinansin pa at umalis na lang.Nagpahatid si Amanda sa dri
"H-HINDI NAMAN. Nagulat lang ako," sagot agad ni Amanda at umiwas ng tingin kay Theo."Para kasing distracted ka sa ibang bagay. Siguro..." "Siguro ano?" tanong ni Amanda."Nakita ko ang doktor ng papa mo kaninang pumasok sa loob. Nagkita ba kayo?" deretsahang tanong agad ni Theo, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.Napabuntong hininga si Amanda at napailing na lang. "Pinagdududahan mo na naman ba ako, Theo? Hindi mo ako kailangang pag-isipan ng kung anu-anong bagay dahil coincidence lang na nagkita kami kanina ni Dr. Cuevas. Wala kaming koneksyon o ano pa man."Kumalma ang ekspresyon ni Theo at tumango. Hinaplos niya ang pisngi ni Amanda nang dahan-dahan. "May tiwala ako sa 'yo, Amanda. Pwede na ba tayong umuwi at magdinner, hmm?" malambing pa na anyaya nito.Tumango na lang si Amanda. At nagulat siya dahil bigla na lang siyang hinawakan sa bewang ni Theo at mabilis na iginaya sa sasakyan nito. Ang akala ni Amanda ay papakawalan din siya agad ni Theo pero nagulat siya nang niyukumos siya
DUMIRETSO SI Amanda sa direksyon ni Jannah at inilahad ang regalong dala para sa kaniya. "Pasensya ka na, Jannah. Kung alam ko lang na birthday mo ngayon, edi sana mas nakapag-isip pa ako ng mas magandang regalo para sa 'yo. At tsaka kahit medyo late na, gusto pa rin kitang batiin ng happy birthday."Pasimpleng tinapunan ng tingin ni Amanda sa si Theo na medyo natulala pala sa kaniya.Ngumiti si Jannah bago tanggapin ang regalo. "Thank you, Amanda! Hindi naman siguro pang-pipitsugin lang 'tong regalo mo, hindi ba?" Tumawa ito.Umiling si Amanda na may mapaglarong ngisi sa labi. "Hindi naman kasi pera naman ni Theo ang ginastos ko para diyan. Medyo mahal nga, eh..."Natahimik si Jannah maging ang ilang nakarinig sa naging sagot ni Amanda. Napaisip lahat na mukhang totoo ngang nagkabalikan na sina Theo at Amanda. Madami rin kasing may ayaw kay Amanda. Hindi na lang gaanong pinapansin iyon ni Amanda.Naputol ang katahimikan nang may mag-ayang maglaro bigla."Guys, laro na lang tayo! Trut
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban
HABANG TINITITIGAN ni Theo ang kaniyang mag ina, para bang may kapayapaan at kakuntentuhan siyang naramdaman sa puso niya. Hindi niya maiexplain ang ganitong pakiramdam! Para bang may init na bumalot sa kaniyang puso.At sa puntong ito, may napagtanto si Theo. Si Amanda lang ang babaeng nakikita niyang kasama hanggang sa siya tumanda...Mahimbing ang naging tulog ni Baby Alex matapos itong mapaburp ni Theo. Magaan ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na halatang busog na busog sa gatas ng ina. Kalaunan ay ibinaba na ni Theo si Baby Alex sa kaniyang crib at napabaling kay Amanda na halatang kakagising lang din. Nakatulog ito kanina habang pinapadede si Baby Alex.Masuyong ngiti ang siyang iginawad ni Theo kay Amanda. "Oh, gising ka na pala! Nagugutom ka na ba? Nagpaluto na pala ako sa baba ng makakain mo mayamaya lang. Sinabihan ko silang dapat ang lutuhin nila ay ang makakatulong sa iyong makapagbawi ng lakas mo," ani Theo.Hindi sumagot si Amanda at inayos ang sa
"NAKIKIUSAP AKO ng maayos sa iyo, Theo. Ibigay mo na sa akin si Amanda, please," ani Sylvia at pilit na pinatatag ang loob. Ang totoo niyan ay kanina pa siya kinakabahan. Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Theo kaya hindi siya pwedeng magpakampante.Umigting lalo ang panga ni Theo. Naiintindihan naman niya kung bakit ito ginagawa ni Sylvia. Sa dami ba naman ng mga nagawa niyang kasalanan kay Amanda pati sa pamilya nito? Pero hindi pa naman siya ganoong katanga para pumayag sa gusto ni Sylvia."Hindi ako papayag," mahina ngunit mariing wika pa ni Theo."Theo, alam ko ang tunay mong nararamdaman kay Amanda! Hindi mo naman siya mahal, hindi ba? Bata ka pa! Pwede mong ibaling na lang sa iba iyang nararamdaman mo!""Anong alam mo sa nararamdaman ko?" balik naman ni Theo na tanong.Naiiyak na napailing si Sylvia at kaunting kalabit na lang ay mapapahagulgol na siya ng iyak na ayaw niyang mangyari kaya mas pinatatag pa niya ang loob. "P-Please, pumayag ka na lang, Theo. Kung ganito lang
GUMABI NA RIN. Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin, naupo si Theo sa harap ng isang puntod. Pinagmasdan niya ang nakaukit na pangalan sa lapida at napapikit na lang ng mariin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Wala na talaga siya... wala na ang ama ni Amanda.Inilapag niya ang bulaklak ng maayos sa gilid ng lapida ng taong kahit papaano ay naging ama na rin niya. Napabuntong hininga na lang siya nang umihip ang panggabing hangin."Pa... I'm sorry..." mahinang bulong ni Theo sa puntod at napapikit muli ng mariin. Hiyang hiya siya sa lahat ng mga nangyari. At ang sakit isipin na wala na nga ang ama ni Amanda. Hindi na maibabalik ang buhay nito.Pero mahina na lang bumulong sa hangin si Theo na sana kung nasaan man ang kaluluwa ng ama ni Amanda ay maayos ito at masaya kasama ang kaluluwa rin ng dating asawa. Nakakalungkot lang isipin na wala na ang mga ito. At naiwan ang dalawang mga anak at naulila na.Hindi na rin naman nagstay pa ng matagal doon si Theo. Kalaunan a
MAS HUMIGPIT ANG yakap ni Theo sa bandang leeg ni Amanda. Kahit anong pagpumiglas ni Amanda ay hindi niya ito gustong pakawalan."'Wag ka nang umalis pa, Amanda. Dito na lang kayo ng anak natin. Tutulungan kita sa kahit anong gusto mo. Basta dito lang kayo ng anak ko..." may pagsusumamo pa sa tono na sabi ni Theo, umaasang makumbinsi niya si Amanda. "Para na lang sa anak natin..." dagdag pa nito.Kumunot ang noo ni Amanda at muling nagpumiglas. "Ano bang pinagsasabi mo, Theo? Buo na ang desisyon ko, okay? Aalis ako! Kami ng anak ko!""Hindi nga sabi, Amanda!" Kahit anong pilit na pagpapakalma ni Theo sa sarili niya, nasasagad din talaga ang pasensya niya. Ayaw niyang daanin sa dahas lahat lalo pa at hindi pa maayos ang lagay ni Amanda pero nauubos na rin talaga ang kahuli-hulihang litid ng kaniyang pasensya.Sa kabila ng pagpupumiglas ni Amanda, bumukas muli ang pintuan at bumalik ang isa sa mga nurse ng anak nila. Sinenyasan ni Theo ang nurse sa gagawin nito na agad naman nitong sinu
ILANG MINUTO na kinalma ni Theo ang sarili. Talagang napaisa pa siya ng stick ng sigarilyo para mas makapag isip isip siya at hindi hayaan ang pagnanasa niya kay Amanda na magtake over sa sistema niya. Hindi maganda ito lalo pa sa sitwasyon ngayon.Kalaunan, lumabas na rin ang nurse. Napatuwid ng tayo si Theo matapos initsa ang stick ng sigarilyo sa ashtray."Kumusta si Amanda?" tanong agad ni Theo sa nurse."Maayos naman na po siya, Sir. Nahirapan lang talagang magproduce ng gatas si Mrs. Torregoza. Pero hindi ibig sabihin no'n ay makampante na po tayo lalo pa at malala rin ang nangyari sa asawa niyo po..." sabi ng nurse na siyang ikinakunot ng noo ni Theo."So... hindi pa talaga siya tuluyang okay?" hindi mapigilang tanong pa ni Theo.Tumango ng dahan dahan ang nurse. "Muntik ng magkamiscarriage si Mrs. Torregoza. At ayon sa reports niya, hindi naging maganda ang sitwasyon niya ng baby niyo po pagkapanganak niya lalo pa at premature ito. Kaya kailangan ding alagaan ng maayos si Mrs.
DUMATING ANG NURSE para tumulong patahanin si Baby Alex. Natatanranta pa rin si Amanda at hindi na gaanong napansin pa ang nagbabagang tingin sa kaniya ni Theo.Saka lang natauhan si Theo makalipas ang ilang segundo nang mas lumakas pa ang iyak ni Baby Alex. Tumikhim siya at agad tumalikod at nagtungo sa malapit na table."G-Gagawa na lang ako ng gatas para sa baby natin," ani Theo at bahagya pang namumula pero mabuti na lang at nakaiwas na siya ng tingin at hindi na nakita pa ni Amanda ang kaniyang mukha.Kalaunan ay natapos ring magtimpla ng gatas si Theo. Mabilis siyang lumapit kay Amanda sa pwesto nito at natutukso pa rin siyang tumingin sa dibdib nito kahit ayaw niya at wala sa lugar. Nag excuse na rin ang nurse na tumulong kanina at mabilis ding umalis. Kaya ngayon, solo na ni Theo ang mag ina niya.Tinulungan niyang ayusin ng maayos ni Amanda ang damit niyang nahubad kanina. Hindi na napigilan pa ni Theo at yumakap mula sa likod kay Amanda. Mabilis niyang iniumang ang feeding b
HALOS MAG IISANG oras na nang makarating sila sa mansion. At sa buong biyahe, hindi humiwalay ng hawak si Theo kay Amanda. Hinahawakan nito ang kamay ni Amanda kahit pa kumakawala ito sa kaniya. Kahit anong iwas ni Amanda, nakakahanap pa rin ng paraan si Theo para mapalapit dito."Dumating na dito sa bahay ang baby natin. Gusto mo ba siyang makita? Ang cute niya. May nakuha siya sa iyo pero... mas lamang sa akin," nakangising sabi ni Theo at bahagyang napuno ng galak ang puso niya nang maalala ang katotohanang iyon. "Paniguradong namimiss na ng baby natin ang mommy niya," dagdag pa niya.Hindi nakasagot si Amanda agad pero namuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Hindi niya lang talaga maiwasang maging emosyonal. Ang baby niya... namimiss na niya ito.Kaya naman wala siyang salita nang igiya siya ni Theo paakyat sa hagdan. Nadaanan pa nila ang ilan sa mga kasambahay na hindi halos makatingin ng deretso sa kanila lalo na kay Amanda. Naiintindihan naman ni Amanda dahil alam niyan