NATAPOS SILA parehas na hinihingal. Nasa ibabaw pa rin ni Amanda si Theo habang nakabaon ang mukha sa kaniyang leeg pero makaraan ng ilang segundo, inalis nito ang mukha doon. Hindi na napigilan pa ni Amanda na haplusin ang mukha ni Theo nang nagtama ang paningin nila. Parang gustong-gusto naman iyon ni Theo dahil tila kumalma ang paghinga nito.Maya-maya pa ay napatingin si Theo sa bandang pulsuhan ni Amanda kung saan bakas pa rin ang ilang peklat nito matapos ng pagsugat nito sa sarili noong nasa hotel sila. "Masakit pa rin ba?" Tila nag-aalalang tanong ni Theo bago hinalikan si Amanda banda doon.Hindi sumagot si Amanda. Ang mga sugat niya sa pulsuhan ay ang simbolo ng karahasan ni Theo noong nasa hotel sila. Hindi niya makakalimutan iyon. Pakiramdam niya sobrang cheap niya bilang babae.Kaya imbes na sumagot, hinila ni Amanda ang likod ng ulo ni Theo at niyukumos ito ng halik kung saan niya ibinuhos lahat ng frustration niya. Wala naman itong naging reklamo pero napansin ni Amand
TINULUNGAN NI Amanda si Loreign na na magsettle ng bill niya. Pero kalaunan, nagpaalam na rin ang kaibigan niyang aalis na.Nang nagkahiwalay na sila ay eksaktong napadaan si Amanda sa cinema kung saan may mga pinipilahan ng mga tao ang isang palabas. Napangiti si Amanda. Part 4 iyon ng movie na paborito niya noong high school palang siya. Nakakatuwa lang dahil sikat na sikat na iyon ngayon.Ang bilis talaga ng panahon...Dahil ayaw pa namang umuwi ni Amanda ay wala sa isip siyang bumili ng ticket para makanuod. Pero hindi nagtagal, nagulat siya nang may biglang tumawag sa pangalan niyang pamilyar na boses."Amanda!"Lumingon agad si Amanda at napasinghap nang makita si Theo na ngayon ay papalapit na sa direksyon niya. Takhang-takha siyang tumingin sa kaniya. Dapat ay nasa trabaho ito ngayon pero bakit ito nandito?Halos magkanda-haba ang mga leeg ng mga kababaihan sa mall kapag napapasulyap kay Theo. Naka-three piece suit pa rin ito pero malakas pa rin ang dating."Theo? Anong ginaga
NANG MAKAALIS si Theo ay nagpractice tumugtog si Amanda. Ilang minuto lang ang tinagal ni Amanda bago naisipang tumigil.Nang sumapit ang hapon, nakatanggap siya ng message galing kay Ana na assistant ni Klarisse Virtucio. Nakikipagmeet ulit sa isang coffee shop si Ana kaya pumayag na rin agad si Amanda.Hindi kasama ni Ana ngayon si Klarisse pero may importante silang pag-uusapan.Nginitian agad siya ni Ana at inalok na mag-order muna. Makailang sandali lang ay binuksan na ni Ana ang usapan tungkol sa pagpayag ni Amanda na magsanay kay Klarisse."Ididiscuss ko ngayon sa 'yo ang tungkol sa kontrata sa oras na maging trainee ka na ni Madame. Ready ka na ba?" tanong ni Ana at inilabas ang kontrata.Agad tumango si Amanda. "Oo."Tumango lang din si Ana bago sinimulang magdiscuss. "So, next year, magsisimula na ang classical concert ni Madame. Bale 32 concerts 'yon sa iba't ibang bansa. Aware ka naman siguro na kapag pumirma ka dito, required kang tumugtog kasama siya, 'di ba?""Yes, awar
NAIWAN SI Secretary Belle kasama ang mag-inang Esmeralda at Sofia. Parehas pa ring hindi makapaniwala ang dalawa matapos sumunod si Theo kay Amanda na parang aso.Sinulyapan ni Secretary Belle si Sofia. "Kung ako sa 'yo, pigilan mo ang ina mong makialam. Hindi naging maganda ang huling nangyari sa pagitan nila ng stepmom ni Ma'am Amanda. Kapag tuluyang magalit si Sir Theo...""A-Ano?" kinakabahang tanong ni Sofia kahit pa may idea naman na siya sa kung anong kayang gawin ni Theo.Ngumisi si Secretary Belle. "Titigil siya sa pagfinance ng pagpapa-ospital mo. At higit sa lahat, pwede niyang i-withdraw ang pagtulong niya sa 'yo para mapalapit kay Klarisse Virtucio."Suminghap si Sofia at napatingin na rin sa ina na para bang hindi nakakalma sa mga nalaman.Umiling si Esmeralda. "Bakit ganito? Akala ko ba... tuluyan na silang maghihiwalay pero bakit... bakit may nangyayari pa rin sa kanila?!" hindi mapigilang tanong niya.Napailing si Secretary Belle. "Mag-asawa pa rin sila kaya gagawin n
BUMABA MUNA mula sa kwarto nilang nag-asawa si Amanda para makakuha ng makakain ni Theo at gamot para sa lagnat nito. Bumalik din siya agad at nadatnan niya si Theo na naroon pa rin sa sofa na nakasandal. "Lumipat ka na sa kama. Baka sumakit ang likod mo diyan," ani Amanda kay Theo.Walang sabi lang namang sumunod ang lalaki at pumwesto na sa kama. Maya-maya pa ay pinakain na ni Amanda si Theo. Sinisubuan niya ito ng sabaw na niluto kanina ng isa sa mga kasambahay dahil wala naman na siyang time para magluto pa.Pagkatikim palang ni Theo doon, mas lalo lamang siyang nainis."Hindi ikaw ang may luto nito?" tanong ni Theo na ngayon ay nakakunot na ang noo. Umandar na naman ang pagkamapili nito sa pagkain.Bumuntong hininga si Amanda at umiling. "Hindi. Isa sa mga kasambahay ang nagluto niyan. Masyado akong matatagalan kapag ako pa ang magluluto," sagot ni Amanda."Bakit hindi ikaw ang nagluto ngayon? Noon naman kapag may sakit ako, ikaw mismo ang naluluto. Alam mong mapili ako sa pagka
NATULOG SILANG dalawa no'ng gabing iyon nang hindi nagpapabsinan. Kinaumagahan, nagulat nang bahagya si Amanda dahil wala na si Theo sa tabi niya. Mas naunang nagising ang lalaki na bihira lang mangyari.Narinig ni Amanda ang pagstart ng kotse mula sa labas kaya dumungaw siya mula sa bintana ng kwarto. At doon, nakita niya si Theo na nakasandal sa kotse at naninigarilyo.Parang naramdaman naman ni Theo na may nakatingin sa direksyon niya kaya tumingla siya at nagtama ang mga mata nila ni Amanda. Ngumisi lang ng mapang-uyam si Theo na siyang ikinakunot ng noo ni Amanda.Maya-maya pa ay nasulyapan ni Amanda ang paglabas ni Secretary Belle bitbit ang ilang gamit ni Theo. Tinulungan siya ng driver na ilagay ang gamit ni Theo sa trunk ng kotse.Ilang segundo lang ang lumipas ay nagring ang telepono sa kwarto kaya agad sinagot iyon ni Amanda. Sinagot niya agad iyon at napagtantong si Secretary Belle ang tumatawag."Hello, Ma'am Amanda? Pasensya na po sa abala, pero pwede pong pakibaba ang g
SA SUMUNOD NA araw, nagkaroon ng simpleng salo-salo sina Theo at ang mga business partners niya. Kasali pa rin sina Ms. Huang sa small party na iyon. Syempre, nagkatuwaan silang lahat. Madami rin silang natake na mga pictures.Nagulat pa si Theo nang makunan siya ng larawan kasama si Ms. Huang na para bang magkayakap. Mabilis lang naman iyon pero kahit sinong makakakita ng litrato ay iisiping may namamagitan sa kanila.Pero naalis na rin iyon sa isip ni Theo dahil nagpatuloy ang party.Nang mas lumalim ang gabi ay nakita silang dalawa sa isang hotel na magkasama at nakunan ng picture. Pero para hindi masyadong halata, humiwalay ng daraanan si Ms. Huang at nagsuot pa ng mask. Dahil doon, kumalat ang rumor na magkasintahan silang dalawa.Nakarating ang balitang iyon kay Amanda pero hindi niya gaanong dinamdam. Nagsasanay siya sa pagtugtog nang biglang tawagan siya ng kaibigang si Loreign."Hello? Ano, may nabalitaan ka ba tungkol sa asawa mo? Hay naku! Pare-parehas lang ang mga lalaki n
NAGULAT PAREHO ang mag-ina at parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Halatang sarkastiko ang pagsagot ni Theo at tila wala rin siya sa mood na nakatingin sa kanila pareho.Makailang segundo, si Sofia na ang naunang nagsalita. "Theo, pasensya na kung pakiramdam mo, parang nanggugulo kami dito ngayon. Pero ang totoo niyan, nag-aalala talaga kami kay Amanda. Kung hindi sinasadyang nadisturbo namin siya, humihingi na kami ng paumanhin..." pekeng sabi ni Amanda.Halos rumulyo naman ang mga mata ni Amanda sa narinig. Halata namang labas sa ilong ang sinasabi ni Sofia. Kunyari pang naluluha na ito!Hindi naman nagsalita agad si Theo. Pinagmasdan niya ang dalawa na para bang tinatantya kung totoo nga ang lumalabas sa labi ni Sofia."At... totoo ang sinasabi ko. Hinding-hindi ako magsisinungaling sa taong walang ibang ginawa kundi maging mabuti sa akin matapos ko siyang tulungan para gumising noon nang naka-coma pa siya..." patuloy pa ni Sofia.Napatitig lang ng matagal si Theo kay Sofia. D
SIRANG SIRA NA ang reputasyon ni Loreign. Ang mga dating humahanga sa kaniya noon dahil sa pagmomodelo niya, tumalikod na sa kaniya sa isang iglap. Hindi rin nakatulong na nadadamay siya at nasasabihan ng masasakit na mga salita dahil sa pagkakaugnay niya kay Gerald at pinakasalan nitong babae. Tinawag siyang kabit, social climber, gold digger, home wrecker at kung anu ano pa.At ang masakit pa doon, ni walang nagawa si Gerald para pigilan man lang iyon kahit may kakayahan siya. Mas naconvinced tuloy si Amanda na mabuti na lang, hindi ipinagsisikan ang sarili rito. Siya ang klase ng lalaking walang bayag at hindi siya kayang ipaglaban.Iyon ang nasa isip ni Amanda nang mga sumunod na araw. Hindi siya matahimik lalo pa at alam niyang maapektuhan ng sobra si Loreign dito kapag nagising na siya."Ayos ka lang, Amanda?"Agad napatingin si Amanda kay Sylvia na may nag aalalang ekspresyon sa mukha. Pilit na pinigil naman ni Amanda ang emosyon niya pero dahil kinikimkim niya iyon, parang sas
"BAKA NAIISIP mo lang na ako, siya dahil may resemblance pa rin kami kahit papaano. Paano na lang kung nasa kama kayo, baka habang nasa ibabaw mo siya, pangalan ko ang tinatawag mo--"Sinampal ni Amanda si Theo bigla. Hindi na niya nakayanan pa ang kabastusan ng bibig nito. "Gago ka!" sigaw ni Amanda dito pero parang mas nag apoy lamang ng galit ang mga mata ni Theo."Hindi kita binigyan ng permiso ko para magustuhan siya!" asik naman pabalik ni Theo na bahagyang ikinamaang ni Amanda.Hindi niya maatim kung gaano kakitid ang utak ni Theo! Matalino naman itong tao pero bakit ganito ito mag isip ngayon? Anong nangyari sa kaniya? Malala na siya noon pa man pero bakit parang mas malala siya ngayon?Napailing si Amanda, hindi makapaniwala sa asal ni Theo. "Ano ba, Theo? Paikot ikot na lang ba tayo? Hindi na ba matatapos ito? Gustong gusto mo akong angkinin sa maling paraan! Kahit pa wala na tayong relasyon! Nasisiraan ka na ba ng bait?""Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Amanda. W
NAKAKAGALIT na ang unang madatnan pa talaga niya pagpuntang ospital ay ang dalawang magkalapit at magkahugpong ang mga labi...Mabigat sa dibdib. Inaamin ni Theo iyon sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao niya at nakaigting ang panga. At ang mas nakakadagdag ng bigat sa dibdib niya ay ang katotohanang hindi man lang itinulak ni Amanda ang lalaki...Para bang nakatagpo sila ng comfort sa bawat isa't isa sa kabila ng lugar na kinatatayuan nila ngayon. At parehas na silang walang sabit. Single si Amanda pati na rin si Harold. At ano ang susunod? Maghihintay ng tamang panahon at magsisimula na rin sila ng sariling pamilya? Makakalimutan ni Amanda si Theo maging ang lahat ng sakit na naramdaman nito sa kaniya noong kasal pa lamang sila. Paano na siya? Saan siya pupulutin kapag si Harold na ang nagmamay ari sa puso ni Amanda?Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Theo. Pakiramdam niya ay magkakasugat na siya dahil bumabaon na ang sariling kuko niya sa balat. Pero wala na siya
GABI NA pero hindi magawang iwan ni Amanda si Loreign. Pinagmamasdan niya lang ito kahit na tulog na tulog pa rin ang kaibigan niya. Bumisita rin kinagabihan si Sylvia. Nalaman nito ang nangyari at may dala pang soup para sana kay Loreign pero nadismaya siya at nalungkot dahil hindi naman niya alam na walang malay ang kaibigan ni Amanda. Anak na rin naman ang turing ni Sylvia kay Loreign kaya hindi niya ring maiwasang maglabas ng hinanakit."Ang sasama ng mga may gawa nito kay Loreign! Bakit kailangang humantong sa ganito?" humihikbing tanong ni Sylvia habang dumadaloy ang luha sa pisngi.Tahimik lang din napaluha si Amanda dahil sa naging reaksyon ni Sylvia. Kalaunan ay parehas na silang kumalma. Hinarap ni Sylvia si Amanda."Wala ka pang pahinga, Amanda," puna ni Sylvia kay Amanda. "Hindi ka man lang nakapagpalit ng damit at ligo man lang. Ikaw na ang nagbantay sa kaniya pagkatakbo dito sa ospital. Pwede namang ako na muna dito. Sasabihan na lang kita agad kung may balita na kay Lo
TIGALGAL si Amanda matapos ibalita ng dontor ang sitwasyon ni Loreign. Hindi niya maapuhap ang tamang salita. Ang kaibigan niya... comatose. Tapos ang bata sa sinapupunan niya... wala na.Ang sakit! At kapag magising na si Loreign, hindi na siya magiging kagaya pa ng dati. Ano ba itong pagsubok na dumating sa buhay nilang mag ina? Ang saklap ng kinahinatnat nila pareho."Pwede mo na siyang dalawin mamaya sa ICU. Ililipat na siya doon," dagdag pa ng doktor nang hindi na nagsalita pa si Amanda."S-Salamat po, dok," ani Amanda nang makabawi at bahagya pang nautal dahil sa bikig sa lalamunan niya.Nang sa wakas ay iniwanan na siya ng doktor, bumalong masaganang luha mula sa mga mata niya. Ang sakit sa dibdib lahat ng mga nangyari. Si Loreign... ang dami niyang plano para sa kanila ng anak niya. Ang tanging gusto lang nito ay tahimik na buhay para sa anak. Plinano na niya lahat. Mamumuhay sila ng magiging anak niya ng matiwasay at payapa at magtatayo ng simpleng flower shop para may mapagk
HINDI NA NAKATIIS pa si Amanda. Talagang sumama siya kay Loreign para ihatid ito at masigurong ayos lang siya. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, Amanda. Pakiramdam ko, hindi ito totoo," hindi maiwasang sabihin ni Loreign. Bakas na bakas sa tono nito ang kaba. "At... feeling ko rin may mali. Ilang araw na pero parang walang nangyayari. Hindi ko maiwasang mag overthink na baka... baka may plinaplano sila sa akin at sa anak--""Shh. 'Wag mo ngang isipin iyan! Maingat tayo sa naging hakbang natin. Kaya walang mangyayari, okay?" ani Amanda sa kaibigan."O-Okay," sagot ni Loreign pero halatang hindi pa rin kumbinsido at mukhang kinakabahan. Naiintindihan naman ito ni Amanda. Talagang hindi na nito maiwasan pang mag isip ng kung anu ano dahil hindi na lang ang ang sarili nito ang kailangan na isaalang alang.Nang sa wakas ay oras na para magkahiwalay na talaga sila nang tuluyan, hindi na nila mapigilan pa ang mapaluha. Nagyakapan sila sa isa't isa."Magiging maayos din ang lahat, oka
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi