"THEO, BAKIT niyo kailangang magbigay ng ganoong halaga ng pera kina Klarisse? Ni hindi pa nga siya nagdedesisyon kung tatanggapin niya ako!" Himutok ni Sofia nang nakalabas na sila ng hotel.Napailing lang ng lihim si Secretary Belle dahil sa asta nito. Sa isip niya, talagang may guts pa itong magreklamo ng ganoon. Ginawa na nga ni Theo ang lahat para pabanguhin ang pangalan niya kay Klarisse.Tumikhim si Secretary Belle. "Miss Sofia, ang mga kagaya ni Ms. Klarisse ay maingat sa pagpili ng mga ite-train niya. Magtiwala ka na lang kay Sir Theo dahil sigurado namang gagawan niya 'to ng paraan," kalmadong sabi niya kahit naiinis na siya kay Sofia."Bakit? Hindi ba maganda ang pagtugtog ko kanina? Hindi ba ako magaling?"Hindi nakapagsalita agad si Secretary Belle. Gusto niyang deretsahin si Sofia pero hindi naman niya magagawa basta iyon lalo pa at kasama nila si Theo na nauunang maglakad.Nang sa wakas ay tumapat na ang sasakyan sa harap nila, ang buong akala ni Sofia ay aalalayan na s
"DAMN THIS!" Malutong na mura ni Theo dahil sa sitwasyon niya ngayon.Paano ba naman kasi, naghorse back riding pa siya kanina at nahulog nga kaya medyo hirap siyang maglakad ngayon. Sa bandang hita niya ang napuruhan at sa tuwing humahakbang ay parang may naiipit na ugat.Sinamahan siya ni Secretary Belle papuntang ospital. Pero imbes na dumiretso sila sa doktor, inutusan na lang niya ng ilang minuto si Secretary Belle na papuntahin ang titingin na doktor sa kaniya sa kwarto ni Amanda sa ospital.Hindi kinikibo ni Amanda si Theo nang nasa loob na ito ng kwarto. Pinanatiling busy ni Amanda ang sarili sa librong binabasa na para bang hindi niya pansin ang presensya ni Theo sa sofa na nakaupo ngayon.Ganoong tagpo ang nadatnan ng doktor nang pumasok ito sa kwarto habang hawak ang panggamot para kay Theo."Gagamutin ko na po kayo, Mr. Torregoza," ani ng doktor.Umiling si Theo. "Iwan mo na 'yang medicine kit. Ako na ang bahala," sagot ni Theo.Tumango lang ang doktor. Hindi naman malala
PAGAK LANG na napatawa si Amanda. Babalik na naman siya sa dati... pakiramdam niya magbubuhay preso na naman siya at lahat ng gagawin niya ay monitored lahat ni Theo."Sana 'wag mo na ulitin ang ginawa mo dati sa akin, Theo... ang ikulong ako sa loob ng mansyon lang. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa sarili ko. Gusto kong magtrabaho. At sana... hindi mo muna ako mabuntis," sabi ni Amanda.Ngayon, ipinagpapasalamat niya na mabuti na lang ay wala silang nabuo noon ni Theo dahil nagpipills siya. Dahil sa oras na may anak na sila, magiging kumplikado lang ang lahat. Mas kawawa ang bata sa sitwasyon nila at maiipit lang. Tumaas ang kilay ni Theo. "At ikaw naman ngayon ang nagbibigay ng kondisyon, huh?" "May karapatan naman ako, 'di ba?""Of course. As long as sundin mo rin lahat ng terms ko."Tumango si Amanda. "Alam ko. At oo nga pala... ayoko nang maulit ang kagaya noon na kay Secretary Belle pa ako humihingi ng pera. Gusto kong makuha kahit 2% share lang ng kompaniya mo."Alam ni
"OO, TAMA KA! Desperada ako! Pero may magagawa pa ba ako? 'Yung pamilya ko, kailangan nila ng tulong ko. 'Yung kapatid ko nasa kulungan tapos 'yung ama ko, nasa ospital. Mali bang sila ang piliin ko?" Napatigil nang ilang segundo si Amanda. "At ano naman sa 'yo kung puro mali na lang ang desisyon ko sa buhay? Ano sa 'yo kung paulit-ulit na lang ang nagpapakatanga at bumabalik kay Theo?!"Sumabog na talaga si Amanda sa sobrang inis at frustration. Habang si Jaxon ay natulala ng ilang segundo at para bang hindi maapuhap ang dapat na sasabihin."Alam mo, pareho lang naman kayo ni Theo, eh. Ang importante lang sa inyo ay ang ikasasaya niyo. Wala kayong pakialam sa iba basta nakukuha niyo ang gusto niyo!"Iyon lang ang huling sinabi ni Amanda bago iwan si Jaxon doon na natulala lang sa pagsabog niya. Makailang segundo ang lumipas bago nakabawi si Jaxon at bumalik sa loob ng ospital. At nang sumulyap siya sa pwesto nila kanina ay nakita na niya si Theo doon na nakakuyom ang kamao at igting
GABI NA NGA nang makarating sina Theo at Amanda pabalik sa mansion. Pinagbuksan ni Theo si Amanda upang makababa mula sa kotse."Nagugutom ka na ba? We can eat now. Or light dinner lang kung gusto mo. At pwede rin tayong magbukas ng wine," ani Theo, bakas ang tuwa sa tono.Baliktad naman kay Amanda dahil seryoso lamang ito. "Hindi natin kailangang gawin ang lahat ng ito, Theo..." ani Amanda."Ang alin?" pagmamaang-mangan ni Theo at nilapitan si Amanda, sinigurong magkalapit ang kanilang mga katawan. Umiwas lang ng tingin si Amanda. "Ano bang gusto mong gawin ko, Amanda? Gusto mong maging sweet at caring ako sa 'yo? Sabihin mo para hindi ako nangangapa!"Napabuga ng hangin si Amanda. "Wala. Bumalik na ako sa 'yo, Theo. Ano pa ba ang gusto mo?""At ako? Hindi mo ba tatanungin kung ano naman ang gusto ko, huh?"Napatawa lang ng pagak si Amanda, hindi na sinubukan pang sumagot. Kababalik palang niya pero ito sila, nag-aaway na agad. Nang nakapasok tuloy sila sa loob, dumiretso lang si The
NAGKAROON NG masamang panaginip si Theo. Sa panaginip niya ay ikinasal daw sina Amanda at Harold kaya napabangon siya sa bigla sa kama. At doon napansin niyang wala na si Amanda sa tabi niya."Amanda!"Nakarinig si Theo ng kaluskos sa closet kaya kaagad siyang pumasok doon. Nakita niya si Amanda na busy na magprepare ng isusuot niya para sa araw. Pati ang isusuot niyang relo ay siya na ang pumipili. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Theo bigla."Okay ba itong Rolex watch na lang ang isuot mo ngayon?" tanong ni Amanda sa kaniya nang mapansin ang presensya niya.Imbes na sumagot si Theo ay agad siyang lumapit kay Amanda at niyakap ito mula sa likuran at napapikit. Hindi naman nagreklamo si Amanda at hinayaan lang siya. Hindi tuloy mapigilan ni Theo na halikan si Amanda sa leeg pataas sa likod ng tenga nito."Gusto ko 'to..." naibulong ni Theo. "Gustong-gusto kong ikaw ang pumipili ng mga isusuot ko."Hindi naman sumagot si Amanda. Pero napansin niya ang pagkibot ng pagkalalaki ni T
"M-MALA-LATE NA ako, Theo," pambabaliwala ni Amanda sa tanong ni Theo.KMas lalong kumunot ang noo ni Theo, pinipigil ang sariling magalit sa kinikilos ni Amanda. "Bakit hindi mo buksan at tingnan kung sino 'yang nagtext? Baka importante. O baka naman natatakot kang makita ko?" taas kilay na tanong ni Theo.Napabuga ng hangin si Amanda. "Gusto mo bang i-check kung sino ang nagtext sa 'kin? Tingnan mo na. Tingnan mo na rin kung sino ang mga ka-text ko at magiging ka-text ko sa susunod na araw," nawawalan ng pasensyang ani Amanda.Ramdam bigla ni Theo ang tensyon sa pagitan nila. Ayaw naman niyang maging simula na naman ito ng pag-aaway nila ni Amanda lalo pa at kababalik lang nito. Imbes na sagutin, napangisi lang si Theo. "No need. Hindi ba sabi mo mala-late ka na? Sige na..." Pinakawalan na niya agad si Amanda.Parang nakahinga naman nang maluwag bigla si Amanda dahil doon. Mukhang may sasabihin pa si Theo pero hindi na niya pinansin pa at umalis na lang.Nagpahatid si Amanda sa dri
"H-HINDI NAMAN. Nagulat lang ako," sagot agad ni Amanda at umiwas ng tingin kay Theo."Para kasing distracted ka sa ibang bagay. Siguro..." "Siguro ano?" tanong ni Amanda."Nakita ko ang doktor ng papa mo kaninang pumasok sa loob. Nagkita ba kayo?" deretsahang tanong agad ni Theo, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.Napabuntong hininga si Amanda at napailing na lang. "Pinagdududahan mo na naman ba ako, Theo? Hindi mo ako kailangang pag-isipan ng kung anu-anong bagay dahil coincidence lang na nagkita kami kanina ni Dr. Cuevas. Wala kaming koneksyon o ano pa man."Kumalma ang ekspresyon ni Theo at tumango. Hinaplos niya ang pisngi ni Amanda nang dahan-dahan. "May tiwala ako sa 'yo, Amanda. Pwede na ba tayong umuwi at magdinner, hmm?" malambing pa na anyaya nito.Tumango na lang si Amanda. At nagulat siya dahil bigla na lang siyang hinawakan sa bewang ni Theo at mabilis na iginaya sa sasakyan nito. Ang akala ni Amanda ay papakawalan din siya agad ni Theo pero nagulat siya nang niyukumos siya
MASAYA ANG lahat dahil sa special holiday. Nagkakatuwaan dahil sa iba't ibang mga gimik ng mga tao para magdiwang sa importanteng araw.Pero walang nakakaalam na naghihirap si Amanda...Ang ama niya... Ang kuya niya...Tapos ito naman... ang baby niya na maaaring mawala sa kaniya dahil sa dugong lumabas mula sa kaniyang gitna ng mga hita! Hindi niya kakayanin!Sa isang iglap, pumasok bigla ang mga sinabi ni Theo sa kaniya. Na gusto nitong kada umuwi siya sa trabaho ay may sasalubong sa kaniyang bata at yayakapin siya ng mahigpit. Doon palang ay mapapawi na ang pagod nito sa maghapong trabo.Pero... paano kung hindi na mangyari iyon? Paano kung hindi na mabibigyan si Amanda ng pagkakataon na makasama ang baby niya?Masakit ang buong katawan ni Amanda. Halos hindi na siya makahinga dahil sa halo halong pakiramdam. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Pero hindi siya susuko! Hindi pwedeng wala siyang gawin!Kahit hindi na siya... basta mailigtas lang ang anak niya ay ayos na siya.Pin
SINUBUKANG LUMAPIT ni Amanda kay Theo at muling nakiusap. "P-Please naman, Theo! Makinig ka sa 'kin! Kailangan ko ang tulong mo! Tumawag si Atty. Hernaez tungkol sa kaso--"Hindi na makumpleto pa ni Amanda ang dapat na sasabihin dahil bahagya siyang itinulak ni Theo. Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nakakaintindi, Amanda? Ang sabi ko, pag usapan na lang natin ang tungkol diyan pagbalik ko! Hindi ko rin naman maasikaso iyan ngayon!""P-Pero, ang kapatid ko! Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya! Baka mas lalong humaba ang panahon na pagkakakulong niya. Kung malaman ito ni Papa, h-hindi niya kakayanin! Please, maawa ka naman! Gagawin ko ang lahat! K-Kung gusto mong hindi na kita kailanman ididvorce, s-sige! Sige, gagawin ko! Basta tulungan mo lang kami!" sabi pa ni Amanda bago abutin ang kamay ni Theo at hinawakan iyon habang nagmamakaawa ang tingin na ipinukol niya dito.Napatingin si Theo sa kamay niyang hawak ni Amanda at napaigting na lang ng panga. "Ganito na lang ba talaga, Amand
BASA ANG MGA matang nagising si Amanda mula sa magandang panaginip na iyon. Natulala pa siya ng ilang minuto bago siya tuluyang napabangon nang katukin siya ng isa sa mga kasambahay at may inabot na telepono."Ma'am, may tawag ka po," ani ng kasambahay.Tumango si Amanda at tinanggap ang telepono. Nang sagutin niya iyon ay napakunot lang ang noo niya. Paano ba naman kasi ay medyo choppy ang nagsasalita at hindi maintindihan ang sinasabi nito. Dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan bigla kaya hindi na gaanong napagtuonan ng pansin ni Amanda ang tawag. Namatay na lang ang tawag na hindi man lang alam ni Amanda kung para saan ang tawag.Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan malakas ang buhos ng ulan. Sinamahan pa iyon ng panaka nakang pagkulog at kidlat."Grabe na talaga ang pagbabago ng klima ngayon! Summer na summer pero umuulan! May kasama pang kulog at kidlat! Ayos lang po ba kayo, Ma'am? Hindi naman kayo takot?" may pag aalalang tanong ng kasambahay kay Amanda.Mabilis
ISANG LINGGO lang naman ang inabot ng business trip ni Theo sa abroad. Bumalik din siya agad. Ang kaso nga lang sa pagbabalik niya, walang nagbago sa pagitan nila ni Amanda. Naging malamig pa rin sila sa isa't isa.Nafrufrustrate na si Theo sa totoo lang. Pero mukhang wala pa rin talagang plano si Amanda na bawiin lahat ng mga desisyon nito. Sa sitwasyon nilang iyon, hindi maiwasan ni Loreign ang mas maguilty lalo. Inopen up niya iyon nang magkita sila ni Amanda sa isang coffee shop."Ayos pa ba kayo ni Theo?" tanong ni Loreign sa malungkot na tono.Umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Amanda at tumango. "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" balik tanong nito.Hindi nakasagot agad si Loreign. Dahil hindi naman siya tanga para hindi mahalata na peke ang ngiting namuo sa labi ni Amanda, eh. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Bakas ang tila ba kapaguran sa ekspresyon nito."Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harapan ko, eh. Kasalanan ko 'to! Okay ka na, eh
NAGING TULIRO si Theo sa mga sumunod na araw. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na wala na ang Lola niya. Kailanman ay hindi ito pumasok sa isipan niya. Pero... kahit anong pikit niya sa mga mata, nakikita niya ang tila ba natutulog lang na lola niya sa isipan... pero wala ng buhay.Bumagsak ang timbang niya sa nagdaang araw. Inasikaso niya ang ilang mga papeles ng lola niya at ang lamay nito. Kinailangan niyang pakiharapan ang mga bisitang pumupunta. Pagod na pagod ang katawan ni Theo pero kailangan niya iyon para makatulog siya agad. Ang kaso nga lang, hindi na siya nakakain ng maayos dahil masyado na niyang pinagkabusyhan lahat. Dumagsa ulit ang mga bisita, kabilang na doon si Harold na hindi rin inexpect ni Theo. Pero dahil sa dami ng mga iniisip, hindi na niya gaanong pinagtuonan ng pansin iyon. Saka na lang niya naalala nang kinausap siya ng ina niya."Bakit mo hinayaang bumisita ang bastardong iyon dito? Theo nama
INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
MALALIM NA ANG gabi nang makauwi si Theo sa mansion nilang pamilya. Umuulan ng mga panahon na iyon kaya sinalubong siya ng isa sa mga katiwala sa bahay para payungan siya.Pagod siya ulit ng araw na iyon. Naghalo halo na dahil bukod sa trabaho, hindi na rin gumaganda ang sitwasyon ng lola niya. Hindi siya makapagconcentrate sa kaisipan na baka... ayaw isipin ni Theo ang mga negatibong bagay na pilit umuukilkil sa utak niya.At isa pa, nabobother din si Theo dahil tinatawag siya sa ibang pangalan ng lola niya. Tinatawag siya sa pangalan ng ama niyang matagal ng hindi nagpapakita. Napakuyom si Theo dahil do'n. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa kabila ng pang iiwan sa kanila ng ama niya, ito pa rin ang hinahanap ng lola niya, kahit dala pa iyon ng katandaan niya o sa dinaramdam.Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng paningin niya si Amanda. Sinalubong din siya ng isa sa mga kasambahay."Good evening po, Ser. Si Ma'am Amanda po ba ang hanap niyo?" tanong nito."Oo. Nasaan siya?""N
"MA'AM, LUMALAMIG na po ang gatas niyo. Gusto niyo po bang palitan ko?"Napukaw ang atensyon ni Amanda sa biglang nagsalitang kasambahay. Napabalik tuloy sa kasalukuyan si Amanda. Masyado siyang nahulog sa pag iisip kanina.Agad niyang tinanguan ang kasambahay. "Sige po. Maraming salamat," aniya dito. "Walang anuman po." Umalis na ang kasambahay kalaunan. Habang naghihintay si Amanda ay sakto namang lumapit ang isa ulit sa mga kasambahay. Takhang binalingan niya ito."Ma'am Amanda, pasensya na po sa disturbo. May naghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng kasambahay na siyang naging rason ng pagkakakunot ng noo ni Amanda."Sino daw?" balik tanong niya."Si Ms. Ynah Olarte po," sagot nito.Bahagyang natigilan si Amanda. Kani kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya ang bagong babae na nalilink kay Theo. Tapos ngayon malalaman niya na nandito ito ngayon at hinahanap siya? Talaga naman...Napabuntong hininga si Amanda at tumango. "Ako ng bahala," aniya sa kasambahay."Sige po, Ma'am."Ila
NATAHIMIK SI Theo matapos ng lahat ng mga sinabi ni Amanda. Gustong gusto niyang patulan ito ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang maayos naman kahit papaano ang gusot nila ngayon.Pilit na prinoseso lahat ni Theo ang mga sinabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay nagjojoke lang ito. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong iwan kasama ang anak nila! Hindi niya makakaya iyon!Hindi naramdaman iyon ni Theo dahil sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Amanda, ramdam niya na gusto nito iyon. Parang hindi naman ito napipilitan. At kahit papaano, nagkaroon ng pag asa doon si Theo na makukumpleto na rin sa wakas ang pamilya nila. Magiging buo sila at hindi maghihiwalay.Pero ang marinig ang pagkadisgusto ni Amanda sa mga nangyari sa kanilang dalawa ay para bang punyal na tumarak sa dibdib ni Theo. Hindi siya makapaniwala."Kung gano'n... lahat ng mga maiinit na tagpong pinagsaluhan natin... pagpapanggap lang sa iyo, huh?" mapait na wika ni Theo at napayuko habang nakaigting ang p