"ANONG SINABI MO, Mom?" hindi makapaniwalang tanong ni Theo at napatawa na lang ng mapakla."Narinig mo kung anong sinabi ko, Theo. Idivorce mo na si Amanda!"Napailing na lang si Theo. "Bakit ganyan bigla ang naging desisyon mo? Hindi ba at ikaw naman ang may gusto simula pa lang noong una na pakasalan ko si Amanda? Ikaw ang nagtulak sa kaniya sa akin!"Napaiwas na lang ng tingin si Therese pero mababakas pa rin sa mukha ang pagiging sigurado nito sa desisyon. "Alam ko, pero ang mga taong walang silbi ay nararapat lang na palitan na. Naiintindihan mo naman kung anong ibig kong sabihin, hindi ba?"Nandilim ang paningin ni Theo. "Paano kung ikaw ang gusto kong palitan, mom? Tutal puro pagwawaldas lang naman ng pera ang alam mong gawin ngayon," malamig na sabi ni Theo.Nanlisik ang mga matang ipinukol ni Therese kay Theo. "Naririnig mo ba kung ano 'yang sinasabi mo, Theo?" hindi makapaniwalang tanong niya.Napabuntong hininga si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Pilit niyang itinatak
NAKAMASK SI Amanda habang nasa venue. At sumasakit ang dibdib niya habang naririnig ang mga taong nagbubulungan habang binabatikos ng mga ito ang concert ni Klarisse Virtucio. At halos iisa lang ang mga kagustuhan nilang mangyari ngayon... ang iparefund ang ticket na binili nila.Dapat... masaya siya ngayong nagpeperform, eh. Nasa entablado dapat siya at ipinapakita sa lahat kung gaano siya kahusay na tumugtog. Pero hindi na mangyayari iyon. Malabo na.Isang napakagandang musika ang tinugtog ni Klarisse sa stage pero hindi na maappreciate ng mga tao iyon. Kahit pa nang magsimulang magsalita si Klarisse ay nagbubulungan sila."Uhm... gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga dumalo ngayong gabi. And at the same time, gusto ko ring humingi ng paumanhin dahil... nabigo ko kayo tungkol sa ipapakilala ko sana sa inyong bagong mukha na magaling sa musika," ani Klarisse at bahagya pang napayuko matapos bitawan ang mga salitang iyon.Pakiramdam ni Amanda ay binibiyak lang lalo ang puso niya
WALANG EMOSYON na tumitig lamang si Amanda kay Theo nang tuluyan nang magkalapit ang distansya nila. Masaya ang paligid. Maliwanag din ang kalangitan dahil sa fireworks at makulay ang mga nakadisplay na lanterns. Pero ang kasiyahan ng paligid ay malayong malayo sa nararamdaman nilang dalawa. May lungkot at inis na magkahalo. Kung magtitigan sila, parang hindi sila magkakilala.Sa isip naman ni Theo, hindi mawala ang sinabi ni Amanda kanina... ang bagay na inannounce nito tungkol sa marriage nila. Hindi niya matanggap. Pero ano bang magagawa niya? Tapos na. Nabitawan na ni Amanda ang mga salitang iyon sa harap ng madla. Kung pwede lang talagang ibalik ang oras...Napaatras si Amanda, akmang aalis na at iiwan na si Theo. Pero hindi nagpatinag si Theo at akmang susunod na nang marinig ang pag alma ni Amanda."'Wag mo na akong sundan na para bang stalker kita! Ayaw kong lumapit ka sa akin dahil nandidiri lang ako sa pag uugali mo," pasinghal na sabi ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo
IRITADONG DINALUHAN ni Theo ang pintuan at pinagbuksan ang room service. Hindi noya pa maiwasang samaan ng tingin ang staff pagkakuha ng pagkain dahil inis na inis talaga siya sa pagkakabitin!Nang bumalik siya kay Amanda ay napansin niya na para bang mas naging light ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Kapag kinakausap ni Theo si Amanda ay sumasagot ito. Hindi na ito tahimik at pinapansin na rin siya. Napangiti sa loob loob niya si Theo. At least, mas okay sila ni Amanda ngayon.At habang tinititigan niya si Amanda ngayon, hindi niya maiwasan ang tungkol sa mga nangyari sa kanila noon. Naalala niya, kapag may nangyayari sa kanila noon, ang tanging tumatatak lang sa isip ni Theo noon ay kung paano makaraos. Ang gusto lang niya noon ay punan ni Amanda ang pangangailangan niya bilang lalaki at sa pagsisiping niya ibinubuhos lahat ng frustration niya sa trabaho.Pero ngayon... iba na ang naiisip ni Theo. Nang kaninang may muntik ng may mangyari sa kanila, naisip niyang may naramdama
BUMALIK AGAD si Amanda sa Maynila at ang una niyang ginawa ay ang maghanap ng apartment para sa matutuluyan ng pamilya niya. Ginamit niya ang perang pinagbentahan niya ng bahay nila. Hindi man kalakihan o magarbo ang apartment kagaya ng ibinili sa kanila ni Theo noon, at least kumportable naman silang mag anak doon.May pag aalala ang tingin na ipinukol ni Sylvia kay Amanda. Kumunot ang noo ni Amanda dahil do'n."Anong problema, Ma? Hindi mo ba nagustuhan itong apartment?" Hindi mapigilang tanong ni Amanda.Umiling si Sylvia at napabuntong hininga. "Hindi sa hindi gusto. Nag aalala lang ako dahil... sa perang ibinayad mo para dito sa apartment. Paano kung kailanganin ng kapatid mo ang pera para sa kaso niya? Paano na lang din kung magkaroon ka ng emergency? Saan ka kukuha ng pera, huh?"Ngumiti si Amanda. "Wala kayong dapat ipag alala, Ma. Ako na ang bahala para diyan.""Hindi ko lang maiwasan, okay? At saan tayo kukuha ng malaking pera kapag nagkaproblema sa hinaharap, aber?"Mayamay
PALAISIPAN KAY Amanda ang mga sinabi ni Atty. Hernaez sa kaniya habang siya ay paalis doon. Hindi niya inaakalang may ganoong karanasan sa pamilya ang abugado pero hindi na lang niya gaanong pinagtuonan ng pansin pa.Nang makauwi si Amanda sa bagong apartment na binili niya, bahagya siyang nagulat nang makitang nandoon si Theo. Umismid si Amanda at akmang lalagpasan na lang si Theo doon pero bigla itong gumalaw at hinarang siya sa pagpasok.Masamang tingin ang ipinukol ni Amanda sa lalaki pero parang wala lang naman iyon sa kaniya. Bakas na bakas ang pagsusumamo sa mukha ng lalaki na para bang nakikiusap ito ngayon sa kaniya. Mas lalong hindi na lang pinansin ni Amanda si Theo at akmang muling lalagpas pero humarang muli ito! At ang masaklap, nahagip nito ang injured niyang braso."Ano ba, Theo?! Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako sa ginagawa mo?!" singhal ni Amanda sa lalaki.Imbes na patulan ang galit na si Amanda, may pag aalalang tiningnan ni Theo ang mukha ni Amanda bago dumap
NANGINIG ANG LABI ni Amanda dahil sa narinig na mga salita mula kay Theo. Hindi niya inaakalang sasabihin niya iyon! Siya pa talaga? Ang lakas ng loob nitong pagbintangan sa bagay na alam naman nilang dalawa na never niyang magagawa!Mula pa noon, alam ni Theo na patay na patay siya sa kaniya. Kaya hindi niya lubos maisip na talagang tatlong lalaki pa ang alam nitong gusto niyang mapasakaniya!Imbes na umiyak si Amanda sa harapan ni Theo, sinagot niya ito ng deretso. "Oo! Tama ka sa sinabi mo, Theo..." Nakangising sabi niya.Hindi makapaniwala si Theo at bakas na bakas ang gulat sa mga mata. Hindi mawari kung ano ba ang dapat sabihin kaya naman nagpatuloy si Amanda sa pagsasalita."Dahil alam ko... nakasisiguro akong hindi sila kagaya ng mga iba diyan na nagtatago ng babae sa likuran ko. Kaya tama ka, mas masaya ako sa ibang lalaki kumpara sa iyo, Theo! Hindi na nga ako makapaghintay pang magdivorce na tayo, eh, para makahanap na ako ng ibang lalaking magpapaligaya sa akin at hindi ak
UMALIS NA KAAGAD doon si Theo. Hindi na noya kinakaya pa ang naging takbo ng usapan nila ni Amanda. Sa sobrang pagkaka frustrate niya, nakailang stick pa siya ng sigarilyo para kahit papaano ay marelax siya. Pero naiinis lang siya dahil parang walang silbi ang mga sticks niyon!Napahampas na lang siya sa manibela ng kotse at isinubsong ang mukha doon. Napasabunot na rin siya sa buhok dahil umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang bose ni Amanda.Napailing na lang siya. Nawala lang ang tumatakbo sa isipan niya pansamantala nang marinig ang pagriring ng cellphone niya. Kunot ang noo niyang inangat iyon at nakitang ang ina niya ang tumatawag. Hula niya ay baka kukulitin na naman siya nito sa mga gusto nitong ipagawa."Napatawag ka, Mom?" kaswal na bungad ni Theo."May gusto lang naman akong itanong tungkol sa inyo ni Amanda. Bakit parang wala nang balita sa inyo? Hindi na kayo masyadong naglalalabas na magkasama. Nagtatanong na rin pati ang lola mo," sagot ni Therese mula sa kabilang linya
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga
[TW: su*cide]UMAKTO SI Theo na para bang hindi siya apektado sa sinabi ni Amanda. Tumikhim siya at tumabi dito bago dumiretso kay Baby Alex. Hinaplos niya ang ulo nito ng marahan."Okay lang din naman kahit sa feeding bottle. Marami rin namang mga nutrients na makukuha ang baby natin," ani Theo at ngumiti ng bahagya.Ilang minuto ang lumipas, tumayo na si Theo at dumiretso sa banyo para maligo. Habang umaagos ang malamig na tubig mula ulo niya pababa sa katawan, hindi mapigilan ni Theo ang mag isip... lalo na sa divorce na iniinsist ni Amanda.Paano nga kung pumayag na siya sa gusto ni Amanda? Paano kung iyon nga ang makakabuti sa lahat? Paano kung iyon lang ang natatanging paraan para malagay sa ayos ang gusot nila sa isa't isa?Hanggang sa humiga na si Theo sa kama nila ni Amanda ay hindi pa rin iyon naalis sa isipan niya. Maging siya ay hindi makapaniwala na para bang kinokonsidera na niya bigla ang pakikipagdivorce kay Amanda. At sa hindi malamang dahilan, sumingit pa talaga sa i
HINDI MAIWASANG manginig ni Amanda sa nakitang picture. Napangiti na lang siya ng mapakla nang may mapagtanto. Ang suot ni Jennie sa picture ay kagaya ng nasuot niyang dress noon mula sa isang sikat na fashion designer. Pinagkagastusan talaga. Pinagbuhusan talaga ng effort.Sa picture, iba rin kung makatingin si Theo kay Jennie. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang namumungay. Parang punong puno ng emosyon. Hindi na alam ni Amanda kung dinadaya lang ba siya ng sariling emosyon pero iyon ang nakikita niya kay Theo ngayon.May kung anong napagtanto bigla si Amanda. Bakit ganito na lang kalakas ang loob ni Jennie papalapit kay Theo? Baka naman kasi binigyan rin siya ng motibo ni Theo. Kasi parang ang labo naman na ganito na lang tumingin si Jennie kay Theo kung hindi rin pinaunlakan ni Theo.Iclinose ni Amanda kalaunan ang cellphone at napabuntong hininga. Ang mapaklang ngiti sa labi ay hindi nabura kahit na nakita si Secretary Belle na halatang kanina pa nakatingin sa kaniya na
"HINDI NAMAN IMPORTANTE kung gaano ko kabilis na nasagap ang balitang iyon, Theo. Ang akin lang, hindi maayos ang lagay ni Amanda ngayon. At naiintindihan ko na naghahanap ka ng kalinga ng ibang babae ngayon. Pero bakit sa lahat ng babae, sa empleyado mo pa? Mas may ibang successful na babae pa diyan!" walang prenong sabi pa ni Therese.Sinamaan ng tingin ni Theo ang ina. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo, mom?" tiim bagang na sabi niya.Napalunok naman ng bahagya si Therese dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Theo. "N-Nagsasabi lang ako ng totoo, okay? At para sa akin, mas makakabuti sa iyo ang lumayo sa ganoong klase ng babae," sagot pa nito.Napailing na lang si Theo sa disappointment. Hindi na siya nagtakha kung bakit ganito mag isip ang ina niya. Mula pa naman kasi noon ay ayaw na nito kay Amanda, eh. Pero wala naman siyang pakialam.Akmang aalis na talaga si Theo ngunit parang napako ang paa niya sa kinatatayuan nang makita ang isang babaeng kadarating lang. Walang iba kundi si J
DUMISTANSYA SI THEO kay Amanda sa mga sumunod na araw. Umiwas siya sa babae dahil bukod sa umiiwas siyang baka may magawa na naman siyang hindi magiging kumportable dito, umiiwas din siya dahil baka iopen up na naman nito ang tungkol sa paglaya nito sa mansion.Ayaw pang harapin ni Theo ang tungkol sa usapin na iyon. Kaya naman mas pinagtuonan na lang ni Theo ang mga trabaho niya sa opisina. Pati ang mga trabaho na usually naman ay ginagawa niya sa bahay, sa opisina na niya lahat ginagawa iyon. Hindi na rin muna ito nag iinitiate na maging malapit sila ni Theo lalo sa kama.Pero hindi naman nagkulang kay Baby Alex. Kahit pagod siya sa buong araw niya sa trabaho, talagang naglalaan pa rin siya ng oras para makipaglaro rito kahit sandali lang.Isang gabi, nakatanggap ng tawag si Theo. Tiningnan niya iyon at napaismid na lang."Tss..." Si Jennie lang naman ang tumatawag. Wala naman siyang planong sagutin iyon kaya walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad iyon. Ibinalik na lang ni
PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas."Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
NAGDALAWANG ISIP SI Theo. Ang totoo niyan ay ayaw niyang papasukin si Jennie. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito sa mukha, bahagya siyang nakaramdam ng awa. Malamig na ang gabi at hindi pa naman siya gano'n kawalang puso para hayaan ang isang babaeng kagaya niyang hayaan na lang maglakad mag isa sa labas.Napabuntong hininga si Theo. "Pumasok ka na," labag sa loob na sabi niya kay Jennie.Napasinghap si Jennie pero bumalatay sa mukha nito ang tuwa. "M-Maraming salamat!" nagagalak niyang sabi kay Theo.Napaisip pa si Jennie kung saan siya uupo. Kung sa front seat ba o sa back seat katabi ni Theo. Pero mas pinili niya ang pangalawa. Okay lang naman siguro ito. Makikiupo lang siya. At nakikita niya kasing si Secretary Belle ang usually na umuupo sa harap katabi ng driver kapag lumalabas ito kasama si Theo. Kaya parang feeling ni Jennie ay wala siyang karapatan na umupo sa usual na pwesto nito.Binalingan lang siya ni Theo ng seryosong tingin pero hindi naman ito nagkumento. Bahagy