HINDI NAGSALITA si Amanda at hinayaan si Theo na iayos ang pagkakahiga niya sa kama. Hanggang sa nagtapat ang kanilang mga mukha at nagtama ang kanilang paningin. Nakaramdam ng kakaibang hatak si Theo at natagpuan na lang ang sariling dinadampian ang labi ni Amanda ng buong suyo.Mabagal. Para bang nilalasahan nito ang tamis ng labi ni Amanda at tinutudyo upang ibuka iyon para sa kaniya. Na ginawa rin naman kalaunan ni Amanda.Isang malamyos na ungol ang kumawala sa labi ni Amanda nang ipinasok ni Theo ang dila sa loob ng bibig nito. Nang akmang papalalimin pa ni Theo ang halik, biglang umiwas ng tingin si Amanda na ikinabigla niya.Napabuntong hininga na lang si Theo. Mas magiging kumplikado lang kung ipipilit niya ang kagustuhang halikan si Amanda. Hindi pa siya umalis sa pwesto niya at may suyong tumingin sa mga mata ni Amanda."Hindi kita pipilitin. Naiintindihan ko, Amanda," halos pabulong na wika nito. Ang mainit at mabangong hininga nito ay bahagyang pumaypay sa mukha ni Amanda
"ANONG SINABI MO, Mom?" hindi makapaniwalang tanong ni Theo at napatawa na lang ng mapakla."Narinig mo kung anong sinabi ko, Theo. Idivorce mo na si Amanda!"Napailing na lang si Theo. "Bakit ganyan bigla ang naging desisyon mo? Hindi ba at ikaw naman ang may gusto simula pa lang noong una na pakasalan ko si Amanda? Ikaw ang nagtulak sa kaniya sa akin!"Napaiwas na lang ng tingin si Therese pero mababakas pa rin sa mukha ang pagiging sigurado nito sa desisyon. "Alam ko, pero ang mga taong walang silbi ay nararapat lang na palitan na. Naiintindihan mo naman kung anong ibig kong sabihin, hindi ba?"Nandilim ang paningin ni Theo. "Paano kung ikaw ang gusto kong palitan, mom? Tutal puro pagwawaldas lang naman ng pera ang alam mong gawin ngayon," malamig na sabi ni Theo.Nanlisik ang mga matang ipinukol ni Therese kay Theo. "Naririnig mo ba kung ano 'yang sinasabi mo, Theo?" hindi makapaniwalang tanong niya.Napabuntong hininga si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Pilit niyang itinatak
NAKAMASK SI Amanda habang nasa venue. At sumasakit ang dibdib niya habang naririnig ang mga taong nagbubulungan habang binabatikos ng mga ito ang concert ni Klarisse Virtucio. At halos iisa lang ang mga kagustuhan nilang mangyari ngayon... ang iparefund ang ticket na binili nila.Dapat... masaya siya ngayong nagpeperform, eh. Nasa entablado dapat siya at ipinapakita sa lahat kung gaano siya kahusay na tumugtog. Pero hindi na mangyayari iyon. Malabo na.Isang napakagandang musika ang tinugtog ni Klarisse sa stage pero hindi na maappreciate ng mga tao iyon. Kahit pa nang magsimulang magsalita si Klarisse ay nagbubulungan sila."Uhm... gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga dumalo ngayong gabi. And at the same time, gusto ko ring humingi ng paumanhin dahil... nabigo ko kayo tungkol sa ipapakilala ko sana sa inyong bagong mukha na magaling sa musika," ani Klarisse at bahagya pang napayuko matapos bitawan ang mga salitang iyon.Pakiramdam ni Amanda ay binibiyak lang lalo ang puso niya
WALANG EMOSYON na tumitig lamang si Amanda kay Theo nang tuluyan nang magkalapit ang distansya nila. Masaya ang paligid. Maliwanag din ang kalangitan dahil sa fireworks at makulay ang mga nakadisplay na lanterns. Pero ang kasiyahan ng paligid ay malayong malayo sa nararamdaman nilang dalawa. May lungkot at inis na magkahalo. Kung magtitigan sila, parang hindi sila magkakilala.Sa isip naman ni Theo, hindi mawala ang sinabi ni Amanda kanina... ang bagay na inannounce nito tungkol sa marriage nila. Hindi niya matanggap. Pero ano bang magagawa niya? Tapos na. Nabitawan na ni Amanda ang mga salitang iyon sa harap ng madla. Kung pwede lang talagang ibalik ang oras...Napaatras si Amanda, akmang aalis na at iiwan na si Theo. Pero hindi nagpatinag si Theo at akmang susunod na nang marinig ang pag alma ni Amanda."'Wag mo na akong sundan na para bang stalker kita! Ayaw kong lumapit ka sa akin dahil nandidiri lang ako sa pag uugali mo," pasinghal na sabi ni Amanda.Napabuntong hininga si Theo
IRITADONG DINALUHAN ni Theo ang pintuan at pinagbuksan ang room service. Hindi noya pa maiwasang samaan ng tingin ang staff pagkakuha ng pagkain dahil inis na inis talaga siya sa pagkakabitin!Nang bumalik siya kay Amanda ay napansin niya na para bang mas naging light ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Kapag kinakausap ni Theo si Amanda ay sumasagot ito. Hindi na ito tahimik at pinapansin na rin siya. Napangiti sa loob loob niya si Theo. At least, mas okay sila ni Amanda ngayon.At habang tinititigan niya si Amanda ngayon, hindi niya maiwasan ang tungkol sa mga nangyari sa kanila noon. Naalala niya, kapag may nangyayari sa kanila noon, ang tanging tumatatak lang sa isip ni Theo noon ay kung paano makaraos. Ang gusto lang niya noon ay punan ni Amanda ang pangangailangan niya bilang lalaki at sa pagsisiping niya ibinubuhos lahat ng frustration niya sa trabaho.Pero ngayon... iba na ang naiisip ni Theo. Nang kaninang may muntik ng may mangyari sa kanila, naisip niyang may naramdama
BUMALIK AGAD si Amanda sa Maynila at ang una niyang ginawa ay ang maghanap ng apartment para sa matutuluyan ng pamilya niya. Ginamit niya ang perang pinagbentahan niya ng bahay nila. Hindi man kalakihan o magarbo ang apartment kagaya ng ibinili sa kanila ni Theo noon, at least kumportable naman silang mag anak doon.May pag aalala ang tingin na ipinukol ni Sylvia kay Amanda. Kumunot ang noo ni Amanda dahil do'n."Anong problema, Ma? Hindi mo ba nagustuhan itong apartment?" Hindi mapigilang tanong ni Amanda.Umiling si Sylvia at napabuntong hininga. "Hindi sa hindi gusto. Nag aalala lang ako dahil... sa perang ibinayad mo para dito sa apartment. Paano kung kailanganin ng kapatid mo ang pera para sa kaso niya? Paano na lang din kung magkaroon ka ng emergency? Saan ka kukuha ng pera, huh?"Ngumiti si Amanda. "Wala kayong dapat ipag alala, Ma. Ako na ang bahala para diyan.""Hindi ko lang maiwasan, okay? At saan tayo kukuha ng malaking pera kapag nagkaproblema sa hinaharap, aber?"Mayamay
PALAISIPAN KAY Amanda ang mga sinabi ni Atty. Hernaez sa kaniya habang siya ay paalis doon. Hindi niya inaakalang may ganoong karanasan sa pamilya ang abugado pero hindi na lang niya gaanong pinagtuonan ng pansin pa.Nang makauwi si Amanda sa bagong apartment na binili niya, bahagya siyang nagulat nang makitang nandoon si Theo. Umismid si Amanda at akmang lalagpasan na lang si Theo doon pero bigla itong gumalaw at hinarang siya sa pagpasok.Masamang tingin ang ipinukol ni Amanda sa lalaki pero parang wala lang naman iyon sa kaniya. Bakas na bakas ang pagsusumamo sa mukha ng lalaki na para bang nakikiusap ito ngayon sa kaniya. Mas lalong hindi na lang pinansin ni Amanda si Theo at akmang muling lalagpas pero humarang muli ito! At ang masaklap, nahagip nito ang injured niyang braso."Ano ba, Theo?! Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako sa ginagawa mo?!" singhal ni Amanda sa lalaki.Imbes na patulan ang galit na si Amanda, may pag aalalang tiningnan ni Theo ang mukha ni Amanda bago dumap
NANGINIG ANG LABI ni Amanda dahil sa narinig na mga salita mula kay Theo. Hindi niya inaakalang sasabihin niya iyon! Siya pa talaga? Ang lakas ng loob nitong pagbintangan sa bagay na alam naman nilang dalawa na never niyang magagawa!Mula pa noon, alam ni Theo na patay na patay siya sa kaniya. Kaya hindi niya lubos maisip na talagang tatlong lalaki pa ang alam nitong gusto niyang mapasakaniya!Imbes na umiyak si Amanda sa harapan ni Theo, sinagot niya ito ng deretso. "Oo! Tama ka sa sinabi mo, Theo..." Nakangising sabi niya.Hindi makapaniwala si Theo at bakas na bakas ang gulat sa mga mata. Hindi mawari kung ano ba ang dapat sabihin kaya naman nagpatuloy si Amanda sa pagsasalita."Dahil alam ko... nakasisiguro akong hindi sila kagaya ng mga iba diyan na nagtatago ng babae sa likuran ko. Kaya tama ka, mas masaya ako sa ibang lalaki kumpara sa iyo, Theo! Hindi na nga ako makapaghintay pang magdivorce na tayo, eh, para makahanap na ako ng ibang lalaking magpapaligaya sa akin at hindi ak
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito! Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda."P-Pero--""Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo.Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito.Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya.Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.Pa
NAPAISIP SI Amanda. Minsan gumagamit si Theo ng proteksyon sa tuwing nagsisiping sila pero minsan ay hindi ito gumagamit. Kaya hindi na rin kataka takha kung bakit nabuntis si Amanda.Lumalim ang gabi at balisa si Amanda. Yakap niya ang sarili habang nasa may bintana. Nakatanaw lang siya sa labas. May kaunti siyang takot na nararamdaman dahil sa kondisyon niya ngayon. Isa siyang first time mom kaya marami siyang inaalala. Makakaya ba niya? Magiging mabuti ba siyang ina sa magiging anak niya?Napabuntong hininga na lang si Amanda. Hindi pa rin bumabalik si Theo. Kailangan niyang makausap ang lalaki ngayon para masabi ang kondisyon niya. Kahit naman hindi maganda ang relasyon nilang mag asawa ay labas pa rin naman ang anak nila sa hindi nila pagkakaunawaan. Ang dapat na gawin nila ngayon ay maging mabuting magulang sa magiging anak nila.Makaraan ang ilang minuto, hindi na nakatiis pa si Amanda. Kinuha niya ang phone at idinial ang numero ni Theo. Mabuti na lang at sumagot naman ito aga
NATAHIMIK NAMAN si Mrs. Madriaga dahil doon. May punto naman kasi si Amanda sa sinabi niya kaya medyo naging awkward ang pagitan nila. Pero kalaunan ay nakabawi na si Mrs. Madriaga at nagpatuloy sa sinasabi."Pwede kong sabihan ang parents ni Carmella sa behavior ng anak nila. Pero tungkol kay Theo, hindi ko na alam. Halata namang may nararamdaman pa siya sa iyo pero bakit nag eentertain pa siya ibang babae?" naiiling na wika ni Mrs. Madriaga.Bahagyang nailing na lang si Amanda at natawa. May nararamdaman sa kaniya si Theo? Parang ang laking joke naman no'n. Pero mas pinili na lang niyang manahimik at pakinggan ang mga rant ni Mrs. Madriaga."Mga lalaki nga naman! Kung hindi nila makuha ang init na gusto nila sa bahay, sa iba nila kinuha. Maaaring nasaktan siya sa naging kinahinatnan ng marriage niyo noon, pero hindi naman sapat na gawin niya iyong rason para gumawa ng ganitong eksena!" himutok ng ginang.Umiling si Amanda. "Hayaan niyo na lang po," kalmado niyang wika."Hindi ko ala
SUMAPIT NA ANG gabi ng linggo kung kailan gaganapin ang intimate party na sinabi ni Theo kay Amanda. Talagang pinaghandaan nila lahat lalo na si Amanda dahil ayaw naman niyang mapahiya.Madaming mga dumalo na mga board members at mga iba pang matataas na personalidad sa business na kakilala ni Theo. Pero nag imbita din naman si Amanda ng kakilala kagaya na lamang ni Mrs. Madriaga na dala rin si Jude, ang halos kaedaran na kaibigan ng ginang. Nakilala na noon ito ni Amanda sa isang event at hindi naman niya inexpect na makikita niya ulit ang lalaki ngayon.Nagkausap sila saglit at napangiti na lang si Jude habang hawak ang champagne nito. Gandang ganda si Jude kay Amanda pero nanghihinayang nga lang siya dahil hindi na niya ito pwedeng pormahan pa."Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo dito. Pero alam mo, mas hindi ko inaasahan na ikakasal ka ulit tapos sa iisa lalaki rin," ani Jude at napakamot sa likod ng ulo. "Sayang dahil wala na akong pag asa."Napailing na lang si Amanda. "H