Bahagyang ngumiti si Adrian. "Dahil sigurado akong fresh ang paninda niyo. At gusto kong makatulong sa inyo at nakapagsimula na nga kami ng transaksiyon ni Sara.""Tulungan o ligawan?" singit ni Aling Laura na sinamahan pa ng isang makahulugang kindat."Naku, Aling Laura! Huwag kayong ganyan!" sigaw ni Sara, ramdam ang pag-init ng kanyang pisngi."Nakapag-start na ang transaksiyon at wala pong ligawan na nagaganap.""Seryoso ako, Sara." malambing na sabi ni Adrian. "Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong tumulong sa inyo. At gusto kong mas makilala ka."Natigilan si Sara. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may biglang bumigat sa dibdib niya."Hindi pwede."Nagulat si Adrian. "Bakit?""Kasi… kasi hindi kita lubusang kilala. Hindi ko pa nga lubusang kilala ang sarili ko, tapos may isang Adrian Jasendo na biglang gusto akong makilala?"Tumango si Adrian. "Oo. Bakit hindi?"Huminga nang malalim si Sara, pilit na kinakalma ang sarili. "Hindi ako ready. At marami pa akong gagawin."
Naningkit ang mata ni Sara. "Anong serbisyo ang pinagsasasabi mo?!""Relax, ibig kong sabihin, serbisyo sa negosyo," nakangiting sagot ni Adrian. "Ano bang iniisip mo?""Wala!" Mabilis niyang iniwas ang tingin, pero pakiramdam niya namumula na ang kanyang mukha.Napansin ito ni Adrian kaya lalo siyang tinitigan. "Hmm… namumula ka. Huwag mong sabihing kinakabahan ka dahil andito ako?""Hoy, Adrian! Hindi ako kinakabahan!" sigaw niya, pero narinig niyang may mga staff na nagbubulungan sa likod nila."Si Sir Adrian parang nilalandi ‘yung delivery girl, ‘no?""Ang swerte naman ng babaeng ‘yon! Ang gwapo ni Sir Adrian!"Halos gusto na lang maglaho ni Sara sa kinatatayuan niya. "A-Alis na ako!"Ngunit bago siya makatalikod, hinawakan ni Adrian ang braso niya. "Sandali lang."Muli siyang napatingin dito. "Bakit na naman?!""Sabi ko na nga ba, magkikita ulit tayo."Napabuntong-hininga si Sara. "Diyos ko, Adrian. Kung akala mo nagkataon lang ‘to, pwede bang tigilan mo na ako? Trabaho lang ‘to.
Sa loob ng kanyang madilim at marangyang kwarto, isang nakakabinging sigaw ang umalingawngaw."PUTANGINA! BAKIT HINDI NILA MAGAWA?!"Ibinato ni Shiela ang mamahaling lampshade sa sahig, dahilan upang mabasag ito sa maliliit na piraso. Nanginginig siya sa galit, ang kanyang mga mata'y nag-aapoy sa matinding poot habang naglalakad pabalik-balik sa kanyang silid.Hindi makakilos ang mga tauhang inupahan niya upang ipapatay si Ana. Walang silbi ang mga bayarang tao niya kung hindi rin naman nila kayang tapusin ang simpleng misyon na ibinigay niya!Galit na galit niyang binuksan ang isang drawer at inilabas ang isang lumang kahon. Mabilis niyang hinugot mula roon ang isang nakatagong litrato—larawan nina Luke at Ana, magkasamang nakangiti, halatang masaya at punong-puno ng pagmamahalan."TANGINA MO, ANA! IKAW ANG SUMIRA NG LAHAT!"Walang pag-aalinlangang dinampot niya ang isang matalim na kutsilyo at malakas na itinusok sa mukha ni Ana sa larawan. Muli at muli, paulit-ulit niyang tinusok,
Isa sa mga sundalo ang unang nakapansin nito. Agad itong lumapit kay Luke.“Sir, may paparating na bangka. Mukhang hindi lokal.”Kumunot ang noo ni Luke.“Baka mangingisda lang. Pero manatili kayong alerto.”Hindi alam ni Luke na sa loob ng bangkang iyon, may mga armadong kalalakihan—mga tauhan ni Shiela.Sa isang iglap, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa dagat, dahilan upang mabitawan ni Ana si Anabella sa kanyang mga bisig. Mabilis siyang sinagip ni Luke, pero ang pagsabog ay naging hudyat ng kaguluhan.Nagkagulo ang lahat. Tumakbo ang mga turista palayo sa dagat. Ang mga sundalo ni Luke ay mabilis na bumunot ng baril, handang depensahan ang kanilang amo.Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Shiela, na kunwa’y mga inosenteng turista, at pinaputukan ang mga bantay.Nagising si Ana sa bangungot ng realidad—hindi ito isang simpleng beach trip. Isang patibong ito.“Luke! Anabella!” sigaw niya habang pilit na itinatayo ang sarili mula sa buhanginan.“Ana! Huwag kang lumayo sa akin!
Nang mga sandaling iyon, nagsimula na siyang makaramdam ng kakaibang pagkahilo.Makalipas ang ilang minuto, habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga sundalo sa mga sumalakay, biglang nanghina si Ana."Luke... parang nahihilo ako..."Mabilis siyang sinalo ni Luke at dinala sa lilim."Ana, anong nararamdaman mo?""Para akong hinihila pababa... ang dibdib ko, ang bilis ng tibok..."Sa isang sulok, nanatiling kalmado si Shiela, ngunit sa loob-loob niya, umaapaw ang tuwa. Alam niyang unti-unti nang gumagana ang lason."Dapat sa loob ng isang oras, tuluyan ka nang mawawala, Ana," bulong niya sa sarili.Ngunit hindi niya inasahan ang sunod na nangyari.Isa sa mga sundalo ang lumapit at nag-inspeksyon sa sugat ni Ana. Tiningnan niya ito nang mabuti, saka mabilis na bumaling kay Luke."Sir, mukhang may tumusok sa kanya... posible itong isang lason."Nanlaki ang mga mata ni Luke."Anong ibig mong sabihin?!""Kailangan nating madala siya sa ospital agad! Kung anuman ito, hindi natin alam kung
Mabilis na lumapit si Luke at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Ramdam ni Belle ang panginginig nito—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding emosyon.Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto."Luke, patawad."Si Hector, ang private investigator na hinire ni Ana, ang pumasok. Kita sa kanyang mukha ang kaba at panghihinayang."Hindi pa namin alam kung sino ang may pakana ng mga ito," aniya. Ngunit sa ilalim ng kanyang malamlam na tingin, naroon ang isang malakas na hinala.Si Shiela.Ngunit wala pa siyang matibay na ebidensiya.Napapikit si Luke. Napabuntong-hininga. Parang sa isang iglap, bumagsak lahat ng bigat sa kanyang mga balikat.Tapos na ba talaga? O simula pa lang ito ng panibagong laban?"Hahanapin ko kung sino ang may gawa nito, Ana," bulong niya, mariing hinigpitan ang hawak sa kamay ni Belle. "Babawi ako sa'yo. Pangako."Sa sulok ng emergency room, hindi nakaligtas kay Shiela ang eksenang iyon. Nanlilisik ang kanyang mga mata, mahigpit na nakakuyom an
Mabilis na lumapit si Luke at hinawakan ang kanyang kamay. "Ano ‘yon, mahal?""Pakiramdam ko... hindi pa tayo ligtas."Bahagyang kumunot ang noo ni Luke. "Huwag mong isipin ‘yan. May mga sundalo tayong nagbabantay sa labas. Walang makakalapit sa’yo nang hindi ko nalalaman."Pero kahit sinabi iyon ni Luke, hindi mapakali si Ana. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niyang may nagmamasid sa kanila.At tama siya.Sa madilim na sulok ng ospital, may dalawang lalaki na nakatayo at nagmamasid. Pareho silang naka-hoodie, tahimik ngunit alerto. Isa sa kanila ang bumunot ng cellphone at nag-send ng mensahe. Tauhan: Boss, andito na kami. Hinihintay na lang namin ang signal mo.Makalipas ang ilang segundo, nag-vibrate ang phone niya.Shiela: Gumawa kayo ng paraan para mapalabas si Luke sa kwarto. Gawin niyo na ang kailangan niyo habang wala siya.Habang papalapit ang dalawang lalaki sa kwarto ni Ana, isang malamig na aura ng panganib ang bumalot sa ospital. Tahimik nilang sinilip ang
Napanganga si Sara habang nakatingin kay Adrian na may bitbit na pagkain."Anong ginagawa mo rito?!" sigaw niya, hindi alintana na nag-uumpukan na ang mga kapitbahay nila sa paligid.Ngumiti si Adrian, ang tipikal niyang ngiting nakakaloko. "Sabi ko naman sa’yo, magkikita pa tayo, hindi ba?""Oo nga, pero hindi ko in-expect na isasabay mo pa ang pagkain!" sagot ni Sara, pilit na pinapanatili ang composure niya kahit na naririnig na niya ang bulungan ng mga usisero sa paligid."Aba, may pa-dinner na ngayon si Sir Adrian, ha!" bulong ni Aling Laura habang tinatapik si Aling Glenda. "Baka ligawan na ang inaanak mo!""Huy! Tumigil nga kayo," asik ni Sara sa kanila, pero ang pula ng pisngi niya ay hindi na maitago."Ano, papapasukin mo ba ako o dito na lang tayo magda-date sa harap ng buong barangay?" nakangising tanong ni Adrian."Ha?! DATE?!" sabay-sabay na sigaw ng mga tsismosa sa paligid.Nanlaki ang mata ni Sara. "Hoy! Anong date ang pinagsasasabi mo?!""Ewan ko, ikaw ang may sabi niy
Natahimik si Sara. Pakiramdam niya, bumaligtad ang mundo niya sa narinig."May taong gustong burahin ang alaala ko?" mahina niyang ulit, nanginginig ang boses. "Ibig sabihin… hindi ito aksidente? May gumawa nito sa akin… sinadya nila?"Halos hindi siya makahinga sa bigat ng rebelasyong iyon.Lumapit si Adrian at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay. "Sara, alam kong mahirap tanggapin, pero… may posibilidad na may gustong gumawa ng masama sa'yo. Baka delikado kung ipagpipilitan mong hanapin ang sagot ngayon."Tumayo si Sara, pilit nilalabanan ang takot. "Pero paano ako mabubuhay nang hindi ko alam ang buong katotohanan? Hindi ko matanggap na may mga alaala akong hindi ko maalala, Adrian. At ngayon, nalaman ko pang may taong gustong gawin ito sa akin?"Napayuko si Adrian. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na mas mahalaga ngayon ang kaligtasan niya kaysa sa katotohanan.Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian. Glenda.Agad niyang sinagot ang tawag. "Glenda, ano pa ang
Mabilis ang tibok ng puso ni Belle habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Mahimbing na natutulog si Luke sa tabi niya, ang braso nito’y mahigpit na nakayakap sa kanya, parang ayaw siyang pakawalan. Samantalang si Anabella naman ay nakapulupot sa kanya sa kabila, tila ayaw ding mahiwalay sa kanya.Pero sa kabila ng init ng yakap ng kanyang pamilya, ramdam ni Belle ang malamig na takot na lumulukob sa kanya.Hanggang kailan ko kaya itatago ang katotohanan?Pinisil niya ang sariling palad. Wala na siyang ibang pagpipilian. Pinili na niyang gampanan ang buhay ni Ana habang buhay. Para sa anak niya. Para kay Luke.Pero paano kung isang araw, bumalik si Shiela? Paano kung matuklasan ni Luke ang totoo?Biglang gumalaw si Luke at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "Mmm... Love?"Napalunok si Belle at mabilis na ngumiti, pilit na itinatago ang kaba. "Hmm?"Hinalikan ni Luke ang gilid ng kanyang ulo bago bumulong. "Paano kung baby boy ang baby natin?""H-Ha?"Umupo si Luke at masuyong
Samantala sa kabilang dako..Nagising si Belle sa tunog ng mga tinig mula sa sala. Bumangon siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa hagdan. Pagtingin niya sa ibaba, naroon sina Nenita at Philipp, ang mga magulang ni Luke—masaya silang nakangiti habang kausap ang kanilang anak."Buntis na si Ana!" masayang balita ni Luke sa kanila.Halos manlambot ang tuhod ni Belle."Talaga, anak?" Halos lumundag sa tuwa si Nenita, ang ina ni Luke. "Magkakaapo ulit kami!"Niyakap siya nito nang mahigpit pagkalapit niya sa kanila. Napatingin siya kay Philipp, na kahit seryoso ang mukha ay hindi maitago ang ningning sa mata."Napakagandang balita nito," sabi ni Philipp. "Anabella will have a little sibling soon."Napakagat-labi si Belle. Lahat sila, masaya. Lahat sila, naniniwala na siya si Ana.At siya? Isang kasinungalingan.Sa hapunan, hindi mapigilan ni Nenita ang mapangiti habang sinasandukan ng pagkain si Belle."Kailangan mong kumain ng mabuti, Ana. Kailangan ni baby ng sapat na nutrisyon," a
Sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana. Pumunta sina Sara at Adrian kinabukasan sa St.Lukes Hospital."Miss Sara, sigurado ka bang handa ka sa maaaring resulta ng tests?" tanong ng doktor habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.Napatingin si Sara kay Adrian, na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Halata ang tensyon sa kanyang mukha."Handa ba talaga ako?" bulong niya sa sarili, pero pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. "Opo, Doc. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Nagbuntong-hininga si Adrian at marahang hinawakan ang kamay ni Sara."Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan," mahina niyang sabi.Tumango ang doktor. "Sige, magsisimula na tayo. Ipapasok ka namin sa MRI room para masuri ang utak mo. Huwag kang mag-alala, wala itong sakit."Pinilit ngumiti ni Sara pero sa loob-loob niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na may mas masakit pang darating.MRI RoomHabang nakahiga sa loob ng makina, naramdaman ni Sara ang bilis ng tibok ng kanyang puso."Bakit parang kinak
Pagkarating nila sa bahay, agad silang sinalubong ni baby Anabella na magdadalawang taon na, kasunod ang yaya na nag-aalaga sa kanya. Masaya itong tumakbo patungo kay Belle, iniwan ang hawak-hawak na laruan.“Mommy!” Masayang sigaw ng bata habang nakangiti nang malapad.Mabilis na pinunasan ni Belle ang kanyang mga mata bago siya lumuhod upang yakapin ang bata. Dapat akong maging masaya… pinilit niyang sabihin sa sarili.“Baby…” mahina niyang bulong habang mahigpit na niyakap ang anak ni Ana.Niyakap siya ni Anabella nang mahigpit, parang takot na mawala siya. “Miss na miss na kita, Mommy. Huwag ka nang aalis, ha?”Muling kumirot ang puso ni Belle. Paano kung isang araw, kailangan ko talagang umalis?Narinig niya ang mahinang tikhim ni Luke sa tabi nila. “Baby, dito na lang si Mommy. At may good news kami sa iyo.”Napatingin si Anabella kay Luke. “Anong good news, Daddy?” bulol nitong sabi.Hinaplos ni Luke ang buhok ng anak. “Magiging ate ka na!”Nanlaki ang mga mata ng bata at saka
Sa kabilang dako patuloy parin pagpapanggap ni Belle bilang Ana.Sa loob ng sasakyan, mahigpit na hinawakan ni Belle ang kanyang tiyan habang tahimik na nakatingin sa bintana. Ramdam niya ang malalakas na tibok ng kanyang puso habang binabaybay nila ni Luke ang daan papunta sa ospital para sa kanyang prenatal checkup.Nagdesisyon na siya.Hindi na siya aatras.Pipiliin niyang manatili bilang Ana—kahit na ang buong buhay niya ay magiging isang malaking kasinungalingan.“Love, okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang hawak ang manibela. Napatingin siya rito, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.Ngumiti siya ng pilit. “Oo naman, Luke. Medyo kinakabahan lang siguro sa checkup.”Ngumiti rin si Luke at hinawakan saglit ang kanyang kamay. “Wala kang dapat ipag-alala. Nandito lang ako, okay?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Belle ang mga salitang iyon habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Luke. Ramdam niya ang init at tibay ng mga daliri nito, isang bagay na
Sa gabing iyon, hindi nakatulog si Sara.Sa gabing iyon, hindi rin siya sigurado kung ano ang mas matimbang—ang puso niyang bumibilis ang tibok dahil sa kaba, o ang isip niyang naguguluhan sa katotohanang hindi niya matanggap.Ang isang bagay lang na sigurado siya…Kailangan niyang malaman ang totoo.Kinabukasan."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Sara?"Napalingon si Sara kay Aling Glenda na nakatayo sa may pintuan ng bahay. Kita sa mukha ng matanda ang pinaghalong lungkot at takot. Halos magdamag itong hindi nakatulog, hindi mapakali, at ngayon, habang nag-eempake si Sara, parang pinipigilan nitong umiyak.Napangiti si Sara, pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "Mama Glenda, kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ko na kayang mabuhay na may tanong sa sarili ko.""Pero paano kung masaktan ka lang, anak?" Napakapit nang mahigpit si Aling Glenda sa gilid ng pinto. "Paano kung ang katotohanang hinahanap mo ay mas magdala lang ng sakit sa puso mo?"Napahinto si Sara. Toto
Samantala sa tunay na Ana..Sa loob ng maliit na tindahan ni Aling Glenda, nananatili ang tensyon sa pagitan ng tatlong tao—si Sara, si Adrian, at si Aling Glenda. May mga bagay na pilit na itinatago, at may mga alaala na gustong ipaglaban. Pero sino ang talo at sino ang panalo sa katotohanan?"Sara, hindi mo kailangang gawin ‘to," pakiusap ni Aling Glenda habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sara."Mama Glenda… hindi ko na po kaya," nanginginig ang boses ni Sara, halatang punong-puno na ang isip niya. "Araw-araw akong may bangungot. Hindi ako matahimik. Hindi ko alam kung sino ako, at parang may kulang sa sarili ko. Hindi ko na kayang mabuhay sa kasinungalingan!""Hindi kasinungalingan ‘to, anak!" galit na sabi ni Aling Glenda. "Ang buhay mo ngayon, totoo ‘to! Hindi ba sapat ‘yun? Hindi ba sapat na may pamilya kang nagmamahal sa’yo rito?"Nagpantig ang tainga ni Adrian sa sinabi ng matanda."Aling Glenda, pamilya nga siya sa inyo, pero paano kung may pamilya siyang naghahanap sa kan
Nagsimula nang lumala ang paglilihi ni Belle. Hindi niya maintindihan ang sarili—may mga pagkain siyang biglang hinahanap, may mga amoy na hindi niya matanggap. Minsan, wala siyang gana. Minsan naman, gusto niyang kumain ng kung ano-ano kahit dis-oras ng gabi.Isang gabi, habang nakahiga siya sa kama, biglang bumangon siya at patakbong pumunta sa banyo. Mabilis siyang sumuka, halos maubos ang laman ng kanyang tiyan.Agad siyang sinundan ni Luke. “Ana, okay ka lang ba?” may pag-aalalang tanong nito habang hinahagod ang kanyang likuran.Hinang-hina siyang tumango. “Oo, siguro epekto lang ng pagbubuntis.”Ngumiti si Luke at marahang hinalikan ang kanyang noo. “Gusto mo bang ipagluto kita ng kahit ano? Baka gusto mo ng maasim?”Napakurap siya. Oo, gusto niya ng maasim. Pero mas gusto niyang kumain ng hilaw na mangga na may bagoong—isang pagkaing hindi mahilig kainin ni Ana noon.“Gusto ko ng hilaw na mangga…” mahinang sabi niya.Bahagyang nagulat si Luke. “Mangga? Eh, hindi mo naman ‘yun